00:08Mga kapuso, huwag gagayahin!
00:11Nagkalat online ang memes at posts ng netizens
00:15kung saan ang mga pera o banknotes pina-photocopy.
00:20Naging trend ito matapos mabanggit sa impeachment trial ni VP Sarah
00:24ang usapin tungkol sa mga photocopy ng dokumento.
00:32Dahil sa posts na ito, ang BSP nagpaalala.
00:36Sa kanilang advisories, sinabili na na ang pag-reproduce ng Philippine banknotes
00:41without prior BSP authorization ay pinagbabawal ng batas.
00:47Ang issue na yan, ating pag-uusapan, ask me, ask Atty. Gaby.
00:56Atty, ano po ang pwedeng kaharapin ng mga nagpo-photocopy na nga ng pera ipinopost pa online?
01:03Well, hindi basta simpleng biro ang pagpo-photocopy ng pera.
01:07Sa ilalim ng mga regulasyon ng BSP o Banko Sentral ng Pilipinas,
01:11ipinagbabawal ang pagre-reproduce ng Philippine banknotes na walang pahintulot ng BSP.
01:18Hindi kailangang kamukhang-kamukha.
01:20Kahit nagawin ninyong black and white o ibang kulay,
01:23lagyan ng katagang fake o play money only,
01:26hindi pwede at kailangan ng approval ng BSP o Banko Sentral ng Pilipinas pa rin para gawin ito.
01:32Yung iba ginagawang envelope pang-ampaw sa Pasko,
01:36ginagawang play money at binibenta sa online,
01:39or ginagawang joke or meme nga.
01:41Pero bawal nga ang mga ito kasi nawawala daw ang integridad ng pera natin.
01:47Maaaring pumayag ang BSP for educational or historical purposes,
01:51pero kahit ganun pa man, dapat ay hindi ito kasing laki ng tunay na pera.
01:56Dapat ay three-fifths lang ang liit,
02:00or dapat one and a half times ang laki.
02:04Ang penalty ay kulong ng five to ten years pag hindi sumunod dito.
02:08Of course, hindi na natin kailangan ipalalapan na talagang krimen
02:11na mas mabigat ang tunay na pamemeke ng pera na nag-a-attempt
02:16na maging kamukha ng pera ang ginagamit natin bilang legal tender
02:19o pambayad ng lahat ng utang at obligasyon natin.
02:23Ibig sabihin, you try to pass it off as real money.
02:27As in, ginagaya pa pati yung mga safety measures sa abot ng makakaya.
02:32Ito ang tunay na counterfeiting at ito ay talagang krimen
02:35sa ilalim ng Article 166 ng Revised Penal Code.
02:39Ang penalty, reclusion temporal minimum o at least 12 hanggang 14 years
02:44and 8 months na kulong at 2 million pesos na fine or both.
02:49Usaping pera, naku po, it is never a joke.
02:52Kaya kahit meme o pang-content lang ang intensyon,
02:56mas mabuting iwasan ang pagpa-photocopy
02:58at pagpo-post ng reproduced banknotes
03:01nang walang pahintulot ng BSP.
03:04Hindi lahat ng trending online ay legal gawin.
03:07Ang mga usaping batas, bibigyan po natin linaw.
03:10Para sa kapayapaan ng pag-iisip,
03:13huwag magdalawang isip.
03:15Ask me, ask Atty. Gabby.
03:21Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
03:24Bakit? Pagsubscribe ka na dali na
03:27para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
03:31I-follow mo na rin ang official social media pages ng Unang Hirit.
03:35Salamat kapuso!
Comments