00:02May bahay na nirentahan ng short term lang, wala pang isang buwan.
00:08Pero ang rumenta nito, para raw inangkin na ito at pinahouse blessing pa?
00:16May pahouse blessing sa isang two-story na bahay sa Ilocos.
00:22May mga bisita, meron pang pa-catering.
00:26Siyempre, may dumating na pare para basbasan ang bagong tahanan.
00:33Ang selebrasyon, mukhang pinaghandaan ng husto.
00:39Hanggang lumabas ang nakagugulat na katotohanan.
00:44Ang nagpabendisyon, hindi pala sa kanya ang bahay.
00:50Kaloka!
00:51Ang lalano fantasy, napakagastos.
00:53Ay, ganda. Siya lang nakaisip niya.
00:57Naglaro na naman ang yaman-yamanan sumatong.
01:00Kung gayon, sino ang nagpa-house blessing?
01:04Sino rin ba ang totoong me-ari ng bahay?
01:08At eto pa ang mas nakakaloka.
01:11Ayon sa investigasyon, hindi lang ito yung tinatawag na the lulu moment o pagpapanggap.
01:19Pusible raw na bahagi ito ng isang modus.
01:27Ang kontrobersyal na bahay nakatayo sa bayan ng San Nicolaas sa Ilocos Norte.
01:33Merong apat na kwarto.
01:37Maaliwalas na sala at malawak na dining at kitchen area.
01:42Mula sa balkonahe, tanawang pool at dalawang villa.
01:48At ang maswerte at lubos na nagagalak na nagpatayo ng bonggang bahay na ito,
01:54walang iba kundi ang negosyanteng si Lucky Joy.
01:59Ang naman mo nito is yung mismong certificate of title.
02:03Ang kanyang resibo, ang hawak na titulo ng kanyang arkitekto na si Julio.
02:08Ang nakapakalan talaga is Lucky Joy Dumlao married to Gary Dumlao.
02:13So eto talaga nagpapatunay.
02:15Pero paglilinaw ni Joy, hindi raw siyang nagpa-party at nagpa-bless sa bahay.
02:21Paanong mangyayari ito?
02:23Gayong si Lucky Joy, nasa Hawaii.
02:26At doon nakatira.
02:28Nakapunta ka dito 2009 dahil pinetitionan ako ng asawa ko.
02:32Ang business namin is rental car.
02:35Ang bahay, pinag-ipunan daw nila ng kanyang mister.
02:39Yan yung first investment pa amin.
02:40Katapos yung bahay, December of 2023, nagpa-housewarming kami April 2024.
02:48Pero dahil minsan lang naman sila umuwi ng Pilipinas, pinarentahan nila ito.
02:54At ang isa sa mga naging kliyente nila, ang nagpakilalang Pilipinong doktor daw sa Canada,
03:01na itago natin sa pangalang Marie.
03:03Nag-renta siya sa akin, kung hindi ako magkakamali, 2023.
03:09Ang papakilala na sa akin noon is surgeon siya.
03:13Hindi ko in-expect na we're gonna be close or anything.
03:17Maayos naman daw ang kanilang unang transaksyon.
03:21Katunayan, nitong Disyembre, nirentahan pa raw ulit ni Marie ang bahay.
03:27Ginawagan niya ako ate, pwede ba ako mag-renta sa'yo directly?
03:30Sabi ko, okay lang naman, December till January siya nag-renta sa akin.
03:35Kalaunan, nagpahiwatig na raw si Marie na hindi na lang niya gustong rentahan ng bahay.
03:41Gusto na rin niya ito, bilhin!
03:44Pero kung we're at the same price, at the right price yung price natin, why not?
03:50Sabi ko kayo, a** 20 million. What about, can we do it 19 million?
03:55Sabi niya, okay sabi ko, uuwi na rin kami and then,
03:58i-sasama ko na yung pagdadraff ng deed of sale.
04:02Pero, hindi naman daw agad ito nakapagbayad.
04:06Sabi niya, nakaplease yung account nila.
04:09Kaya sabi ni Arky, ngayon, hintayin ko yung cheque mo ma'am, sabi sa akin ni Arky.
04:14At kahit hindi pa raw tuluyang naililipat sa pangalan ni Marie ang bahay,
04:19aba, pina-renovate niya na ito kay Julio.
04:22Mag-sessend ako ng 1.5 million pesos sa'yo, architect.
04:26Pinakita pa nga sa akin yung hitsura ng cheque.
04:28Yan ang gagamitin ko pagdating ko dyan sa Pilipinas.
04:31Napaniwala niya ako.
04:33Ang perang inilaan daw ni Marie sa renovation, 1.5 million pesos.
04:39At kahit hindi pa raw natatanggap ni Julio ang bayad,
04:42sinimulan na niyang gawin ang mga pinapaayos ni Marie.
04:45Yan yung sinabi kasi ng may-ari na susundin lahat yung sasabihin yung mismong bibili at saka magre-renta
04:53dahil sila-sila nag-usap.
04:55Gusto niyang itaas ito, bakod at saka lagyan ng tapal ito lahat-lahat.
05:00Yung mga water lines nito, saka yung dynamo, pressure tank, pinalitan namin lahat yan.
05:05Gumastos kami ng almost 180,000 pesos.
05:09Inabunuhan ko talaga.
05:10At nung natapos daw ang renovation nitong May 18, kahit wala pa namang bayad,
05:16si Marie, nagpa-house blessing na nga.
05:20At ang kinuha niyang caterer, mga kaibigan din ni Lucky Joy.
05:24Nakisuyo kasi yung best friend po namin na si Lucky Joy na tulungan namin po si ***
05:30kasi magpapadinner po sa bahay nila.
05:34Sinabi niya sa akin na mag-order ka ng pang 75 person, pero pinadagdag niya ng 100 person for 42
05:43,000.
05:45Kabilang sa mga dumalo, mga tauhan ni Lucky Joy, kasama na ang house maintenance ng bahay mismo na si Rex.
05:53Pumunta ako nag-linis. Sinabi niya, punta kayo sa hapon mag-blessing.
05:57At ang caretaker na si Julie.
05:59Hindi nag-publishing namin, gaputa at daak dito, hindi nag-live ah, nakita dah, impaikat na.
06:08Pero ang may-ari pa rin ng bahay na si Lucky Joy, nagulat na lang sa kanyang nabalitaan.
06:15Bakit may picture sila dyan? Hindi pa nila bahay yan ah.
06:18Bahay ko pa rin yan. Pumunta ka ngayon, sabihin mo, tanggalin lahat ng picture at lumayas na, sabi ko.
06:24Sa puntong yun, tinawagan na raw niya si Marie.
06:27Nagmamakawa na ate, pwede bang pasensya ka na ate, hindi ko alam. Disrespectful na yan, sabi ko.
06:33One o'clock in the afternoon, umalis na sila.
06:36Pero hindi pa pala doon natatapos ang kwento.
06:40Nagsisimula pa lang.
06:41Dahil matapos mag-viral ang ginawa ni Marie na pagpapa house blessing sa bahay na hindi pa naman sa kanya,
06:48isa-isa ng naglutangan ang iba pa niya di umanong mga na agrabyado.
06:55Kapilang na, ang mga nag-cater sa pahouse blessing niya na sina Donna at Mia.
07:01Nakalagay sa remittance, more 42,000.
07:05Pumunta po si Donna para pick-upin yung pera.
07:08Pero nung kukunin niya po sa remittance po, ay wala pa raw dumating po na confirmation.
07:17Nagpabalik-balik ako ng tatlong beses.
07:19Hindi ko naman makukuha kasi imbalid yung pera mo.
07:23Sabi niya sa akin, kung hindi dahil sa'yo, hindi naman ako mag-oorder.
07:28Tulungan mo ako.
07:29Ang kapatid ko yung nagbayad dun sa catering.
07:31May content creator ding nakipag-ugnayan kay Lucky Joy.
07:36At nagsabing muntik na raw siyang maskam ni Marie.
07:39Siya si Badet.
07:41Nagtitinda-tinda lang ako ng pabango online sa Facebook.
07:45Si Marie, isa raw sa followers ng kanyang Facebook page,
07:50kung saan siya nagpo-post ng content at nagbibenta ng pabango.
07:54Sabi niya, gusto niyang magbigay ng cash gift sa amin.
07:57Nagbigay siya ng 3,000.
07:59Legit naman yun.
08:00Nasend naman niya.
08:01Thank you so much, Patam.
08:04Next call niya is, nag-order siya ng worth 29,500 na pabango.
08:09Nagpadala siya ng remittance worth 50,000.
08:13Bayad ng pabango yun.
08:14Nagsisend siya ng resibo.
08:15Pero nadiscovery raw ni Badet na ang ipinapadala sa kanyang resibo
08:20ng bayad, diwano, ni Marie, peke.
08:24Kung saan-saan akong remittance center nag-try,
08:27sabi talaga wala.
08:28May control number siya, pero wala talaga.
08:30Sabi ko kay Badet, Badet, i-post mo to para maano na rin sila sa pang-iis kami.
08:35At tila humahaba pa ngayon ang listahan ng mga nagre-reklamo kay Marie.
08:41Kasama na riyan ang wedding coordinator at caterer mula sa kalinga na si Rosil.
08:47Sa ipinadala niyang pahayag sa aming programa,
08:51inilahad ni Rosil na hindi raw binayaran ni Marie
08:54ang balanse nitong 174,000 pesos
08:58matapos siyang kuning wedding supplier taong 2023.
09:02After the wedding, I repeatedly attempted to contact *** and her husband
09:07to collect the remaining balance for the services I had provided.
09:11However, they continuously delayed payment by making various promises and excuses.
09:18Ayon sa mga nagpapakilalang na biktima, diwano ni Marie,
09:22wala raw katotohanan na health worker ito sa Canada.
09:26Can you double-check if someone live in this place,
09:30if you can't find out what's going on with this person?
09:33Sabi ko dun sa kaibigan ko sa Canada.
09:35Sabi niya sa akin, it's online.
09:37Makikita mo, unregistered nurse.
09:39Nag-imbestiga ang aming team na pag-alamang unregistered si Marie
09:44sa College of Nurses sa Ontario sa Canada.
09:48At ang social media account na gamit niya, de-activated na.
09:53At nang sinubukang tawagan ang gamit niyang contact number,
09:59i-denirect ang tawag sa voicemail.
10:02Dito sa bayan ng Banggi sa Ilocos Norte,
10:06naroon ang nagpakilalang tsahin daw ni Marie na si Geraldine.
10:11Sinabihan kami ng auntie namin na nagpa-house blessing sila.
10:15Lahat taga-Banggi, sinabi niya,
10:17ay, ang ganda ng bahay.
10:18Sabi ko, oh, edi, congratulations.
10:21At hindi raw ito ang unang beses na nagpa-party si Marie
10:25sa bahay o property na hindi naman niya pag-aari.
10:29Hindi ko naman masasabing matagal na gawain yan, ma'am.
10:32Pero yung sa resort na to, yun lang talagang alam kung ano nila.
10:37Patunay dyan si Ray na nakatransaksyon daw si Marie taong 2024.
10:43Sinabi raw ni Marie na gusto nitong bilhin ang 1.5 hectares na lote ni Ray
10:49sa halagang 7.4 million pesos.
10:53Plano raw kasi ni Marie na gawin itong resort.
10:57Nagkasundo na sa presyo.
10:58Pupunta na yun dito sa Pilipinas para tingnan yung lote.
11:01Pagkatapos yun, sabi niya, mag-initial ng 1 million.
11:05Nagkaroon pa raw ng groundbreaking para sa ipatatayong resort.
11:10Pero gaya ng naranasan ni na Lucky Joy,
11:13tumalbog o hindi rin dimano na in cash ang checking ibinayad ni Marie.
11:18Kita pa yung resibo na pinag-deposit ang remitan.
11:21Pabalik-balik yung kapatid ko sa sinabi yung bangko, wala naman.
11:24Sabi yung manager, baka nadelay lang.
11:26Ang dami naman ang rason.
11:28Pero may duda na ako noon kasi mag-iba-iba yung mga salita niya.
11:32Tapos yung halaga ng pera, imposible na makahanap ng ganitong pera.
11:37Itong nakikita niyo, nakatayong steel bar.
11:40Ito ay bakod ng lote na gagawin na resort.
11:44Itong hollow blocks na nakikita niyo, wala na.
11:46Wala pa, sirag-sira na kasi two years na na-stack na ito.
11:49Kaya ano na, matlasisira na.
11:50Imbes na mataniman pa ng mga gulay, hindi na.
11:53Kasi nabakpilan na yung mga graba na eh.
11:55Paano pa matataniman yun? Wala na.
11:58Samantala, si Lucky Joy, sa kabila ng mga inabunohan niya at mga peking-checking natanggap,
12:04pinag-iisipan pa kung magsasampa siya ng kaso.
12:08Ang huli kong balita, most like, is nasa kaan na dapat siya?
12:12Nagbigay na hanin ng demand letter na kailangan niyang magbayad in five days.
12:16Yung simpleng pagrenta ng bahay at pagkakaroon ng house blessing,
12:19hindi talaga siya punishable under our law.
12:22Nagiging punishable lamang siya kung mayroong panlilin lang
12:24o mayroong tinatawag natin na breach of contract.
12:27Pwede siya ma-fall din under staffa.
12:29Kung ginawa yung staffa naman online, kunyari nagkaroon ng online transaction,
12:33pwede siya ma-fall din under the anti-cyber crime laws.
12:36For Article 315 ng Revised Penal Code,
12:39meron talaga itong karampat ng pagkakakolong.
12:41Pwede rin siya mag-gain falsification of documents.
12:44Depende kung paano ginawa ang panlilin lang o panlulok
12:48o gamit yung pagbayad using other information.
12:51Ang red flags na dapat natin bantayan ay siguro yung sinisigaw yung yaman.
12:56Tawag natin niyata dun ay loud flexing.
12:59Dahil ang tunay naman na mayaman ay hindi sinisigaw yung yaman nila.
13:03Siguro yung mga inconsistencies na dati naman parang wala,
13:07tapos biglang nagka-yaman na parang may gap kung paano sila umaman.
13:12Or kung meron silang mga angulo na it's too good to be true.
13:16Maraming reasons para magpanggap na mayaman.
13:19Baka mababa yung self-esteem nila.
13:21Yung iba naman ay type lang nila, manginggit.
13:24Yung iba naman ay narcissistic.
13:26So gusto nila yung attention.
13:28Ang purpose nun ay madagdagan yung credibility nila
13:31para maniwala ang tao sa kanila.
13:33Gagamitin nila na mag-scam.
13:35May konti pa akong awas sa'yo.
13:37Konti pa.
13:38Pero tumigil-tigil ka na ading kasi nakakahiya ka.
13:42May nasaan ka man.
13:43Ma'am, munang luguhin ang mga tao.
13:45Tandaan mo, karma is real na sinasabi.
13:49Hindi lahat ng may susi.
13:52Siya ang may-ari.
13:53Ang bahay pwedeng mabasbasan.
13:56Pero hindi kailanman.
14:00Ang pambubudor.
14:05Thank you for watching mga kapuso.
14:08Kung nagustuhan niyo po ang video ito,
14:10subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel.
14:15And don't forget to hit the bell button
14:17for our latest updates.
Comments