Skip to playerSkip to main content
  • 13 hours ago
Sa gitna ng kagubatan ng Subic, Zambales, matagal nang namumuhay ang mga katutubong Ayta. Ang lupang ito ang kanilang tahanan, kabuhayan, at pamana sa susunod na henerasyon.

Pero noong 2019, ang bahagi ng kanilang lupang ninuno ay ginawang tambakan ng basura. At hanggang ngayon, nananatili pa rin ang tone-toneladang basura sa kanilang komunidad.

Paano humantong sa ganito ang tahanan ng mga Ayta?

‘I-Witness’ is GMA Network's longest-running and most awarded documentary program. It is hosted by the country’s top documentarists— Howie Severino, Kara David, Atom Araullo, Mav Gonzales, and John Consulta. ‘I-Witness’ airs every Saturday, 10:15 PM on GMA Network.

Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:02Transcription by CastingWords
00:30Habang panahon, ganito ang tahanan ng mga katutubong Aita.
00:36Pero sa isang iglap, nagbago ang lahat.
00:42Ang dating paraiso, naging ganito.
01:04Wala pang maayos na kalsada paakyat ng Sityo Tibag, Subic, Zambales.
01:14Payak ang pamumuhay rito ng mga katutubo.
01:18Malayo sa karangyaan, pero malapit sa kalikasan.
01:23Maganda pong lugar yun, ma'am.
01:26Doon po kami nagraransok. Sa totoo lang na buhay ko po, ma'am,
01:29doon po kami nagpapahinga pag nagabihan po kami bago kami aakit po doon sa kasakpo namin.
01:34Doon po kami nagraransok po at doon po kami natutulong.
01:41Isang burol sa gitna ng kagubatan ang tinutukoy ni Erlinda.
01:46Binaybay namin ang daan patungo sa lugar na ito.
01:52Sa loob ng mahabang panahon, itong kagubatang ito ang nagsilbing tahanan at kabuhayan ng mga Aita
02:01dito sa Sityo Tibag, Barangay na Ugsol, sa Zambales.
02:07Marami silang mga itinatanim dito ng mga punong kahoy.
02:10Dito sila nakakakuha ng iba't ibang pagkain.
02:14Pero seven years ago, pumasok dito yung local government at nagpatayo ng kalsada para sa kanila.
02:22Inisip ng mga Aita, maganda itong kalsadang ito, mas madali nilang maibababa ang kanilang mga kalakal.
02:28Pero may iba palang plano ang lokal na pamahalaan kung bakit nila itinayo ang kalsadang ito.
02:43Habang naglalakad, napansin ko ang ilang basurang nagkalat sa gilid ng daan.
02:52Mula dito medyo may konting amoy na?
02:59Ay, Diyos ko.
03:01Oh my gosh.
03:06Tsaka marami ng langaw.
03:11Malapit na tayo dun sa dulo ng kalsada eh.
03:15Ito na yung dulo ng kalsada.
03:18At habang lumalapit tayo dun sa dulo ng kalsada,
03:22dumadami naman ng dumadami yung basura,
03:25nagiging mas masangsang yung amoy,
03:28tsaka dumadami yung langaw.
03:31Ito na.
03:33Narating na natin yung dulo ng kalsada.
03:55Tahimik na naglakad palayo si Erlinda.
03:59Mabigat ang kanyang loob.
04:01May galit sa kanyang dibdib.
04:03Parang nagagalit pong hindi ko po maintindihan ng sarili ko po.
04:08Naawa din po ako sa lugar na bakit gina nito po nila.
04:11Masakit po sa damdamin po, ma'am.
04:14Napakasakit po.
04:21Bihira nang pumunta sa lugar na ito si Erlinda.
04:24Ang bundok ng masasayang alaala noon,
04:28mistulang masangsang na bango ngayon.
04:32May mga tanimang po dito, yun sa iba pa po.
04:34Sa gilid po nitong bundok na ito po, ma'am.
04:37Itong bundok na ito, ma'am,
04:38parang ganyan po, yung bundok na yan na nakikita po natin na yan, ma'am.
04:41Yan po ka, ganyan po yan, ito.
04:43Yung bundok na yan?
04:44Opo, ito lang po, ito lang po.
04:59Kung gaano po ang pagkabangin yan, ganyan po ang bangin yan.
05:04Malalim po yan, ito.
05:06Napapatag na po nila sa kagaganyan po ng bulusat.
05:15Oh my God!
05:17Oh my gosh!
05:18Oh my gosh!
05:19Wait lang.
05:21Medyo malambot yung lupa dito sa bahaging ito.
05:24Kasi,
05:26kung titignan mo,
05:28iisipin mo na
05:29patag lang ito na lupa.
05:31Pero ang totoo niyan,
05:33kung nakikita ninyo itong tambak ng basura na ito,
05:37itong kinatatayuan ko ay puro ganyan.
05:40Kaya,
05:42malambot ang lupa sa bahaging ito.
05:45Oh!
05:47Oh my gosh!
05:49Ayoko nang dumiretsyo.
05:51Ang sabi sa atin ng mga Aita,
05:54itong lugar na ito,
05:56bangin daw ito dati.
05:57Pero ngayon,
05:58halos napatag na yung lupa
06:00kasi tinambakan nila ng tinambakan ng tinambakan ng tinambakan ng basura.
06:10Natatandaan pa ng mga katutubo
06:12nang unang pumasok sa kanilang bundok
06:14ang mga tagapatag
06:15dalang kanilang malalaking truck.
06:20Kasi po,
06:20mayroon po kaming bundok ko doon.
06:22Nandun po yung gasakan namin.
06:24Opo.
06:24Ngayon po sa bawat paglabas po namin galing yung bundok ko,
06:27natataka po kami,
06:28bakit pinapatang po yun?
06:29Ano po sinabi nila,
06:30bakit daw pinapatag amin?
06:32Yan nga po sabi nga po,
06:33pagagandahin doon.
06:34Pagagandahin daw.
06:35Tapos,
06:36nung nakabilang na po madam ng mga ilang buwan,
06:39yun na nga po,
06:39naayos na nga po yun.
06:40May umakit na pong malalaking truck
06:42na may laman pong basura.
06:46Ayon sa mga katutubo,
06:48ipinatawag daw sila ni Mayor John Kong-Hoon,
06:51ang alkalde ng Subic, Zambales.
06:54Nangako raw si Mayor na pansamantala lang
06:56ang dump site na ito.
06:58Sabi nila,
06:59gagawin nila nga ng dump site.
07:01Sabi ko,
07:01bakit gagawin ng basura?
07:02Ay napakakuan naman ng basura.
07:05Sabi nila po,
07:06lalagyan po nila lang yung plastic daw po na,
07:09maano po,
07:10tapos alagyan daw po nila.
07:11Anong plastic daw?
07:12Aywan ko po kung anong plastic daw po
07:13ilalagay po nila.
07:14Saan daw nila ilalagyan?
07:16Doon po,
07:16sa pagtataponan daw po ng basura.
07:18Tapos,
07:19kada tapon daw po ng basura dyan,
07:21tabonan daw po ng loba
07:22para hindi daw po magkalat yung basura.
07:24Ano pang sinabi nila?
07:26Lalagyan daw po nila ng pader
07:28na paano po doon sa sapa
07:30para hindi daw po tatagos yung katas ng basura.
07:34Sabi po nila,
07:35ihiwalay yung mabaho
07:37at ihiwalay yung hindi mabaho
07:39at ihiwalay yung,
07:41kung ano-ano po yung,
07:42siyempre,
07:43yung tinatapon nila,
07:44e, lata,
07:44mga ano-ano daw po,
07:45ihiwalay daw po.
07:55Parang may mga gasa,
07:58mga goss,
07:59tsaka mga gloves.
08:01Halo-halo yung mga basura
08:03ang makikita dito.
08:05At ang sabi sa atin,
08:07pati raw mga hospital waste,
08:09yung lahat daw ng mga basura
08:11na naipon nung pandemia,
08:13yung iba,
08:14dito raw nilagay.
08:15So, delikado yun
08:17kasi including hospital waste,
08:19dito nilagay.
08:20Tinambak nila talaga lahat dito.
08:25Taong 2019
08:27nang itayo ang dump site
08:29sa Sityo Tibag.
08:31Kasagsagan noon
08:32ang COVID-19 pandemic
08:33at sumobra daw sa dami
08:35ang naipong basura.
08:39Kanina pong idea yung
08:41ilagay po doon
08:42sa bundok yung
08:45basura?
08:46Noong time po kasi nyo,
08:48naghahanap talaga kami
08:49ng location eh,
08:50na pwede po pang
08:52mag-dump kami
08:53ng basura doon.
08:54Eh, since nakita naman na po namin na
08:56isolated po yung area eh,
08:58kumbaga wala pong mga nakatira doon,
09:00gubat,
09:01gubat po yung area.
09:02Kaya,
09:02pansamantala po,
09:03doon namin naisip na ilagay.
09:05Nag-consult po ba kayo doon
09:07sa community
09:07around the area?
09:09Hindi namin alam,
09:11ma'am,
09:11na may community
09:12doon sa area.
09:14Kasi kung merong community,
09:16hindi namin tinuloy doon.
09:19Ah, okay.
09:20Hindi ninyo alam
09:21na may mga katutubo
09:22doon sa area?
09:23Ah, hindi po.
09:26Pero kung titignan
09:27sa geoportal site
09:28ng gobyerno,
09:30makikitang
09:30sakop ng
09:31ancestral domain
09:32ng mga katutubo
09:34ang gubat na pinagtayuan
09:35ng dump site.
09:38Katunayan,
09:38sa gilid lang
09:39ng basurahan,
09:40may makikitang
09:41ilang bahay
09:42ng mga katutubo.
09:46Pero abandonado na
09:47ang mga ito
09:47ngayon.
09:49Ba't wala nang nakatira?
09:52Doon na po,
09:52na yung mga anak niya po
09:54kasi yung
09:55amoy po ng basura,
09:56mabaho po.
09:58May mga hika po
09:59kasi yung anak niya,
10:00ma'am eh.
10:01Tsaka po dito po
10:02talaga yung sample, ma'am.
10:14Ang tinisan,
10:15nakakatamad nga o eh.
10:17Makadenuk.
10:18Wala nga,
10:18aboy lang,
10:19bahuro.
10:20Saka yung mga bata.
10:22Ay, aboy basura.
10:23Mapaho.
10:25Langaw.
10:26Langaw.
10:28Nakitigisa na lang ako
10:29kasi ando yung mga tanong-to eh.
10:31Andiyan yung kabuhaya ko.
10:34Matagal nang nakatira sa lugar na ito si Tatay Mariano
10:39Pero dahil sa basura, napilitan siyang lumipat sa mas liblib na bahagi ng gubat
10:46Kung dati, yung mga sagingan nila ay mga 10 to 15 minutes away lang sa kanilang mga tahanan
10:54Nung tinambakan ngayon ng basura, napilitan silang ilayo yung kanilang mga taniman
11:01Papunta tayo ngayon sa kanilang taniman, pero ang sabi sa atin, medyo masukal at mahirap daw yung daan
11:13Matarik na bangin ang sumalubong sa amin
11:16May daan ba dyan?
11:19Ay!
11:22Parang wala pong daan
11:26Parang pabangin na ito, Tayay
11:27Sa kagustuhang makalayo sa amoy ng basurahan, dito sila nagtayo ng bagong tahanan
11:34Pintayin niyo ako po!
11:36Baka ma...
11:41Oh!
11:45Pero gaano man sila kalayo sa tambakan ng basura, tila sinusundan sila ng sumpa
11:58Makalipas ang kalahating oras, narating namin ang isang sapa
12:03Ito yung sapa kung saan sila karaniwang kumukuha ng tubig
12:08Pero, ang sabi sa akin ng mga katutubo ay kumakatas dito yung basura?
12:15Opo
12:16Ha? Talaga?
12:17Opo
12:17Sa gilid ng sapa, nakabaon ng isang maliit na imbakan ng tubig
12:22Dati po iniinom niyo ito?
12:24Ito po
12:24Anong iniinom?
12:27Kaya pinaka-tanky namin o
12:29Ah, ito dito?
12:30Opo
12:31Pero ito hindi nyo na iniinom ngayon?
12:33Hindi daw
12:39Kung mapapansin ninyo, meron ditong tubo
12:42Itong tubo na ito kasi sinisipsip niya yung groundwater
12:45na nanggagaling dito
12:48Ito kasi yung source of water ng mga katutubo
12:52Pero simula nung nagkaroon ng dump site
12:54Ang sabi nila, nag-ibada raw yung kulay at saka yung amoy ng tubig
12:58na lumalabas dito sa tubo
12:59Kaya ito, hindi na nila ngayon naiinom
13:01Hindi na nila nagagamit
13:05Ayon sa mga katutubo
13:07Nagbago raw ang kulay at amoy ng tubig
13:10nang itayo ang dump site ng lokal na pamahalaan
13:13So, dati-dati, sobrang linis daw nitong sapa na ito
13:18Nangunguha pa sila dito ng mga maliliit na hipon
13:20Pero ngayon, talagang madumi na raw talaga
13:23Wala na silang nakukuha
13:26Tapos, mapapansin ninyo
13:27Kahit dito sa lugar na ito, may mga
13:29Ano po ito, basura?
13:30Galing na po ito
13:32So, dinala na ng tubig itong mga ito
13:34Oo nga, mga basura ito
13:36Galing na po sa basura po yan
13:37At saka ito
13:39So, ibig sabihin, kapag malakas ang ulan
13:44Tapos, umapaw itong
13:47Umaapaw hanggang dyan ng tubig dito sa sapa
13:49May daladalang mga basura
13:53Ito lang ang pinakamalapit na lagusan ng tubig sa bundok
13:57Ay, ang daming basura
13:59Pero dahil kontaminado na ito
14:04Sa tubig ulan na lang sila aasa
14:06Para makainom
14:08Ito wala pa pong basura, ma'am
14:10Ito ay malinis po
14:11Kahit po, ganyan lang po namin
14:12Iinom po kami nga mumuto
14:14Ma'am, pag nauuhaw
14:15Pero ngayon, hindi nyo na maiinom neto
14:21Lahat ng malalaking proyekto ng gobyerno
14:23Kinakailangan ng clearance
14:25Mula sa DNR
14:27O anumang ahensya na nangangalaga sa kalikasan
14:31During that time po
14:32Ang gusto lang namin
14:34Mahitapon po namin yung napakadaming basura
14:37Na naipon
14:38Na naipon po
14:39Pero kasi po, ma'am, diba po
14:41Ano po, sa bundok po kasi siya, diba?
14:44Tapos marami pong puno doon
14:46So, nag-consult po ba kayo?
14:49Baka po magkaroon ng damage doon sa
14:53Ano, naisip man lang ba ng local government yun
14:56Na baka magkaroon siya ng damage sa kalikasan?
15:00Hindi po namin
15:01Hindi kami aware kung nakapag-consult sa environmentalist
15:07Kasi that time, ma'am, iba pa yung may hawak
15:09Nag-retire na kasi siya
15:11So, hindi namin alam kung may previous na usapan
15:16Kasi po, ang sabi po sa amin ng mga katutubo ay
15:19Noong pinaplano pa lang daw yung dump site
15:24Parang
15:25Ang pagkakaintindi nila ay lalagyan nyo raw po ng parang
15:32Plastic or trapal
15:34Para po hindi sumipsip yung katas ng basura sa lupa
15:39Hindi po nagawa yun
15:41Hindi po namin nagawa noong una
15:44Kasi sabi nga natin, immediate solution lang po ito
15:47So, hindi po magtatagan
15:50Pero ang dapat sana'y pansamantalang solusyon ng pamahalaan
15:56Nagbunga ng problemang pangmatagalan
16:02January 2022
16:04Natuklasan ng DNR ang pagtatambak ng basura sa Sityo Tibag
16:09Paglabag daw ito sa Ecological Solid Waste Management Act
16:15Inutusan nila ang lokal na pamahalaan ng Subic
16:18Na itigil ang operasyon ng naturang dump site
16:20Pero tumagal pa ng tatlong taon
16:23Bago tuluyang naisara ang tambakan ng basura
16:28Natigil lang ang pagtatapo ng basura
16:31Nang magkaroon ng lakas ng loob na magreklamo ang mga katutubo
16:37At nitong March 2026
16:41Tuluyang ipinasara ng DNR ang tambakan ng basura
16:46So, kailan niyo po pinasara yung dump site?
16:49October, hindi na siya nag-ooperate, ma'am
16:51October
16:522025
16:55Dahil
16:55Nagpa
16:56Because of the complaint, ma'am
16:58Oo, oo
16:58So, uh
16:59Saka yung DNR din ata
17:01Yes, ma'am
17:01Siyempre, we consulted with the different agencies
17:07NCIP sa region
17:08We talked to Atty. Roman
17:10And then, nag-seek din kami ng guidance from DNR region
17:14Para po may pasara na to
17:17So, yun ma'am
17:19Last year din po
17:20Nag-stop na yung operations
17:21Ang tanong
17:26Bakit umabot ng halos pitong taon
17:29Bagot ito tuluyang naipasara
17:35At bakit hanggang ngayon
17:37May tambak pa rin ng basura sa bundok?
17:51Ang mga litratong ito ay kuha noong taong 2020
17:56Makikita pa sa mga litrato
17:58Ang buhanging kulay abo
18:00At ilang punong nakatayo
18:03Noong mga panahon ito
18:05Naniwala ang mga katutubo
18:07Na panandalian lang ang basura sa kanilang lugar
18:10Hindi magtatagal
18:13Pero paanong umabot ng pitong taon
18:16Ang basurahang ito
18:18Bago ito naipasara ng tuluyan
18:23Bakit hindi sila nagreklamo noon?
18:28Ayon sa leader ng mga katutubo
18:31Nagreklamo raw sila noong 2019
18:33Pero kinausap daw sila ng alkalde ng Subic Zambales
18:37At nangkaroon daw sila ng kasunduan
18:41Ano po ang ipinangaki sa inyo
18:43Nang kamahalaan?
18:46Ang sabi nila sa amin
18:47Buwan-buwan magbibigay sila sa angin
18:50Nang 10,000 na sabi siya
18:52Para saan yung 10,000?
18:55Parang
18:57Abang ziburo doon
18:59May pinirmahan po ba kayong kontrata?
19:02Pumirma kami
19:03Eh so hindi
19:04Papandre mo dating na
19:06Nandoon na kami sa upisina nila
19:08Pinorma kami
19:09Ba't po kayo pumirma at pumaya?
19:12Kasi
19:13Kahit na
19:15Hindi kami papaya gata sa hindi
19:17Papaya kami kindi
19:19Tapatulong nila
19:20Kasi naumpisan naman nila
19:21Bago kami nagriyak
19:23Nalaman na namin na
19:24Napatalga nila
19:27Ito yun
19:28Nangyari gano'n hindi ba?
19:29So tinanggap nyo na lang yung care
19:31Kinansa naman sa maging
19:33Papagalabangan na lang yung loob po
19:35Yung nawala naman kami
19:36Yung pagigabang
19:36Tinanggap kami
19:37Sa kanilang ipinadalang sulat
19:40Mariing itinanggi
19:41Ng lokal na pamahalaan
19:42Ang paratang ng mga katutubo
19:44Anila
19:45Wala raw silang record
19:47Ng anumang kasulatan
19:48O kasunduan
19:49Sa pagitan ng gobyerno
19:51At mga katutubong
19:52Apektado ng dump site
19:54Pero aminado silang
19:56May pagkukulang
19:57At pananagutan sila
19:59Sa komunidad
20:00Siyempre we
20:01We accept
20:03Patong kubididi
20:04Doon sa
20:05Nangyari
20:07And
20:08DLGU is
20:09Preparing for
20:10Preparations
20:11Kalian mam
20:12This is a
20:13Converted effort
20:14So sana
20:15Frequenting po
20:16Ang pagpunta
20:17Nila gito
20:17So that we will be
20:19Informed kung ano pang
20:20Pwede naming gawin
20:22Ano pa man
20:23Ang tunay na istorya
20:25Sa likod nito
20:25Para sa mga Aita
20:27Ang mahalaga
20:28Na ipasara na
20:30Ang basurahan
20:32Makakahinga
20:33Nang muli
20:34Ang kagubatan
20:37Ano po ang gusto
20:38Ninyong mangyari
20:39Kung ngayon
20:39Ano po ang gusto ninyong mangyari
20:40At tanggalin na
20:41Kung nila din
20:42Tigil na po ang basura
20:43Wala na magtatapon
20:44Yung tirang basura na po din
20:46Tanggalin na po
20:47Para mata naman
20:49Mga puno po din
20:50Kung karo ulit
20:51Kasi may mga puno
20:52Na matay po
21:04Mga alam
21:05Dahil hindi pa rin
21:06Nahahakot
21:09Sa cease and desist
21:10Order ng DNR
21:12Noong March
21:122026
21:14Nakasulat
21:15Na kailangang hakutin
21:16Ng lokal na pamahalaan
21:18Ng subik
21:18Ang lahat ng basura
21:20Ang itinambak nila
21:21Sa bundok
21:22Ng mga Aita
21:23Nagawa nyo na po ba yun?
21:27Based po kasi dun sa aming
21:29Safe closure plan
21:34As of now po kasi
21:35Talagang kailangan po ng budget
21:37Kailangan po natin
21:39At least
21:39Based on engineering po kasi
21:4178M
21:42Para lang po
21:45Marehabilitate po yung area
21:4778M
21:4878M
21:49To rehabilitate the area
21:51Yes po
21:52As of now
21:53Nakapag
21:54Ano na po kami
21:54Nakapag request na kami
21:56Sa DBWH po
21:57Through initiative po
21:59Ni Kong Jaden
22:00At least 60M po
22:04Para po doon sa
22:05Rehabilitation
22:07Ayon sa lokal na pamahalaan
22:09Ng subik
22:09Hindi raw nila kayang
22:11Tanggalin ang basurang
22:12Kanilang itinambak
22:14Sa bundok
22:14Ng mga Aita
22:15Ang kanilang solusyon
22:17Tambakan na lang ng lupa
22:19Ang bundok
22:20Ng basura
22:22Kasi po sa
22:23Honor Park po kasi
22:24Hindi po po pwedeng
22:25Magtanggal kami
22:26Hindi parang
22:27Ilan taon po
22:30Kukunin
22:31Kukunin yung ano po eh
22:32I-hole yung ano eh
22:33Yung mga basura
22:34So meron po silang binigay
22:36Na isang solusyon sa amin
22:38Pwede naman po namin
22:39Tambakan
22:39Basta may mga
22:41Nakalagay lang po doon
22:42Mga vena
22:44Vent
22:45Hindi niyo natatanggalin doon
22:47Yung basura
22:48Ang gagawin na lang po namin
22:50Prevention na lang po
22:51Nakumalat po yung
22:52Contamination
22:54Makontaminate po yung
22:55Ano natin
22:56Mga body supporter po
22:57Pero kung ang mga katutubo
22:59Ang tatanungin
23:00Hindi pera
23:02At hindi pangako
23:03Kundi tuluyang
23:04Pagtanggal ng basura
23:06Ang kanilang tanging hiling
23:08Dahil mas mahalaga
23:10Ang kalikasan
23:10Kaysa anumang
23:12Material
23:12Na kayamanan
23:15Hindi naman po namin
23:16Kinakalaban po sila
23:17Ng mga tigababa po
23:18Mama
23:19Pero
23:20Huwag naman po sana nilang
23:21Ginanon po itong bundok na ito
23:23Kung sakasakaling
23:25Manta kami po
23:25Ang magdudugyot po
23:27Doon sa palinky ma'am
23:28Kasi mayor po sila
23:29Anong masasabi po nila
23:31Doon nga po
23:32Pag nagtitinda ka po kami ma'am
23:34Sabihin nila ka agad-agad
23:35Ma'am na
23:36Wow alisan ninyo
23:37Linisan ninyo yung
23:39Kwan ninyo ha
23:39Yung puesto ninyo
23:41Agad-agad sabihin
23:54Ang mga katutubong ay ta
23:56Ang pinakaunang tao
23:58Sa Pilipinas
24:00Bago pa dumating
24:01Ang mga dayuhan
24:02Bago pa nagkaroon
24:04Ang mga batas
24:05At pamahalaan
24:06Payapa na silang
24:08Nabubuhay
24:08Sa mga kagubatan
24:13Malinaw na paglabag
24:15Sa batas
24:15Ang pagtatambak
24:17Ng basura
24:17Sa lupa
24:18Ng mga ayta
24:20Katumbas ito
24:22Ng pagbabasura
24:23Sa kanilang kultura
24:25At kasaysayan
24:26Nang pagmamaliit
24:28Sa kanilang karapatan
24:30Kaya sa lalong
24:32Madaling panahon
24:33Kailangan na itong
24:35Linisin
24:35At masolusyonan
24:36Dahil katutubo
24:39Kaman o hindi
24:40Walang taong mag-aasam
24:42Na gawing basurahan
24:44Ang kanyang tahanan
24:47Ako po si Cara David
24:49At ito po
24:50Ang Eyewitness
25:10Maraming salamat
25:11Sa pagtutok ninyo
25:12Sa Eyewitness
25:12Mga kapuso
25:13Anong masasabi ninyo
25:15Sa dokumentaryong ito
25:16I-comment nyo na yan
25:17Tapos
25:18Mag-subscribe na rin kayo
25:19Sa GMA Public Affairs
25:21YouTube channel
Comments

Recommended