- 6 hours ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Narito ang mga nangungunang balita ngayong August 10, 2026
- Baguio City PIO: 3, patay sa landslide sa Brgy. Guisad Surong; 5 iba pa, hinahanap
- Ilang kalsada sa Maynila, binaha dahil sa magdamag na ulan | 239 na pamilya, lumikas sa 3 evacuation centers sa Maynila
- Baha sa malaking bahagi ng Brgy. Concepcion, Malabon, abot-tuhod | Ilang taga-Malabon, nananawagan ng pangmatagalang solusyon sa matinding baha | Gen. Luna Street sa Malabon, gutter-deep ang baha; 16 na pamilya sa Brgy. Tinajeros, lumikas dahil sa umapaw na Tullahan River | La Mesa Dam Water Level (as of 10 pm, August 9) 79.89m / Spilling level: 80.15m
- Basura, tumambad matapos ang paghupa ng baha sa ilang kalsada
-Ilang kalsada, isinara dahil sa pag-apaw ng Marikina River | Tubig sa Marikina river, nasa 16 meters, as of 6 am; nananatiling nasa 2nd alarm | Mahigit 300 pamilya, inilikas dahil sa pagtaas ng tubig sa Marikina River | Paglilinis sa mga saradong kalsada sa paligid ng Marikina River, isinagawa ng LGU
- Mga residenteng lumilikas, patuloy na nadaragdagan dahil sa pagtaas ng tubig sa Pantal at Marusay River | Tubig sa Marusay-Sinocalan River, lampas 10 feet as of 5 pm kahapon; ilang paaralan, binaha | 2 mangingisda, nailigtas matapos tumaob ang sinasakyang bangka | OCD Region 1: Mahigit 130,000 na residente, apektado ng pag-ulang dulot ng hanging habagat; 277 pamilya, isinailalim sa preemptive evacuation | 8 gate ng Ambuklao Dam, binuksan; nasa 14 metro na ang total gate opening
- Impeachment trial at regular Senate session ngayong araw, kanselado; work-from-home setup ang mga empleyado | Ipatatawag bilang testigo sa impeachment
trial: Gina Acosta at Edward Fajarda
- Sanya Lopez, stunning sa kaniyang 30th birthday photoshoot | Sanya Lopez, may 30th birthday celebration with family and friends; boyfriend ng actress, present din sa okasyon
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
- Baguio City PIO: 3, patay sa landslide sa Brgy. Guisad Surong; 5 iba pa, hinahanap
- Ilang kalsada sa Maynila, binaha dahil sa magdamag na ulan | 239 na pamilya, lumikas sa 3 evacuation centers sa Maynila
- Baha sa malaking bahagi ng Brgy. Concepcion, Malabon, abot-tuhod | Ilang taga-Malabon, nananawagan ng pangmatagalang solusyon sa matinding baha | Gen. Luna Street sa Malabon, gutter-deep ang baha; 16 na pamilya sa Brgy. Tinajeros, lumikas dahil sa umapaw na Tullahan River | La Mesa Dam Water Level (as of 10 pm, August 9) 79.89m / Spilling level: 80.15m
- Basura, tumambad matapos ang paghupa ng baha sa ilang kalsada
-Ilang kalsada, isinara dahil sa pag-apaw ng Marikina River | Tubig sa Marikina river, nasa 16 meters, as of 6 am; nananatiling nasa 2nd alarm | Mahigit 300 pamilya, inilikas dahil sa pagtaas ng tubig sa Marikina River | Paglilinis sa mga saradong kalsada sa paligid ng Marikina River, isinagawa ng LGU
- Mga residenteng lumilikas, patuloy na nadaragdagan dahil sa pagtaas ng tubig sa Pantal at Marusay River | Tubig sa Marusay-Sinocalan River, lampas 10 feet as of 5 pm kahapon; ilang paaralan, binaha | 2 mangingisda, nailigtas matapos tumaob ang sinasakyang bangka | OCD Region 1: Mahigit 130,000 na residente, apektado ng pag-ulang dulot ng hanging habagat; 277 pamilya, isinailalim sa preemptive evacuation | 8 gate ng Ambuklao Dam, binuksan; nasa 14 metro na ang total gate opening
- Impeachment trial at regular Senate session ngayong araw, kanselado; work-from-home setup ang mga empleyado | Ipatatawag bilang testigo sa impeachment
trial: Gina Acosta at Edward Fajarda
- Sanya Lopez, stunning sa kaniyang 30th birthday photoshoot | Sanya Lopez, may 30th birthday celebration with family and friends; boyfriend ng actress, present din sa okasyon
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Category
🗞
NewsTranscript
00:30Naroon si Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
00:33At nasa Kawit-Kabite, ang kasama natin si Anjo Portiera.
00:52Metro Manila, Hilaga at Gitnang Luzon.
00:55Napuruhan na masamang panahong dulot ng haing habagat.
00:58Ilang kalsada hindi madaanan dahil sa lalim ng baha.
01:02Mga ilo, tumaas ang tubig at umapaw dahil sa walang tigil na ulan.
01:07Sa Baguio City, tatlo ang nasawi sa landslide.
01:11Search and rescue operations nagpapatuloy.
01:14At Pangulong Bongbong Marcos at mga hensya ng gobyerno nakabantay sa patuloy na pananalasa ng haing habagat.
01:35Nagpapatuloy ang search and rescue operations sa landslide sa Baguio kung saan tatlo ang naitalang nasawi.
01:41May unang balita live si Marisol Abdurrahman.
01:49Susan Treheja nga ang indinulot ng walang tigil na pag-uulan dito sa Baguio City.
01:54Tatlo ang kompirmadong patay nang matabunan nga ng gumuhong lupa ang ilang bahay sa Gisad Road, pasado alas 7 kagabi.
02:01Sa gitna ng masamang panahon na patuloy pa rin nararanasan dito sa Baguio City.
02:06Tulong-tulong na nagsagawa ng rescue operation ng Baguio City Governments sa Gisad Surong, Baguio City.
02:12Tatlong bahay na may limang pamilya ang natabunan ng gumuhong lupa dahil sa tuloy-tuloy na ulan na nararanasan dito.
02:18Bandang alas 9.38 ang marescue ng NDR Aradar, ng DRMMO, ang apat na individual.
02:25Sa FB Post ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ibinahagi niya ang patuloy na isinasagawang search and rescue sa mga
02:31posibleng pang natabunan ng guho.
02:34Sa pinakanghuling ulat ng Baguio City PIO, tatlo ang kompirmadong patay, apat naman ang nailigtas ng buhay.
02:42Hanggang sa mga oras nito, Susan, simula na mag-umpusa sila sa kanilang operasyon,
02:46ay tuloy-tuloy pa rin ang kanilang isinasagawang search and rescue operation para sa mga nawawala pa na ayon dito
02:53sa Baguio City Governments ay hindi bababas sa lima.
02:56Pinag-iisipan na rin ang posibleng paggamit ng mga heavy equipment sa kanilang isinasagawang operasyon.
03:03Bukod dun, Susan, sa mga pinagahanap pa rin, inilikas na rin ang ilang residentes sa area na may risk na
03:09rin dito nga sa nangyaring landslide.
03:11Susan.
03:12Maraming salamat, Marisol Abduraman.
03:23Mga kapuso, kung paalis pa lang po kayo ng bahay, abiso.
03:27May ilang kalsada sa Maynila na hindi madaanan dahil sa maha.
03:31Para sa latest, kung ganyan, may unang balita live si Bam Alegre.
03:35Bam, location mo.
03:37Good morning. Walang patid ang pagulan sa lungsod ng Maynila, sa Magnamag.
03:42Meron din mga bukso ng napakalakas na buhos ng ulan.
03:45Dahil dito, ay apektado ang ilang kalsada sa lungsod.
03:52Wala 4 a.m.
03:54Not possible to light vehicles na ang Espanya Boulevard corner at Ticono Street.
03:58Dahil 15 inches ang baha.
04:00Tanging basta ito na nakasabay naming pagtasin ang kahabahan ng EDSA ng Espanya,
04:05rather, sa taas ng baha.
04:06Mabilis rin umakyat ang tubig sa ilang bahagi ng Kalaw.
04:10May ilang mga sakyat, punta ng mga kotse at tricycle ang paban agad sa baha.
04:15Karaniwa na rin mabilis kumaas ang tubig sa Taft Avenue.
04:18Gutter Deep ang baha sa ilang bahagi sa patuloy na pagulan.
04:22Puno rin ang baha at mga kalye sa ilang bahagi ng Santa Mesa.
04:26Lampas gulong na rin ang lalim nito sa ilang bahagi ng kalsada.
04:30Wala naman alas 9 kagabi, may ilang presidente ng Maynila ang nag-preemptive evacuation.
04:35Hindi bababa sa tatlong evacuation center ang meron sa lungsod.
04:39Meron sa Pierre, San Andres at Aplaya.
04:41Sumatotal, 239 na pamilya o 837 na individual ang nagpalipas ng gabi rito.
04:51Mahalaga po talaga yun kasi kapag di po sila napunta rito ng maaga,
04:57maaaring maabutan yung mga tahanan nila ng baha.
05:02So Ivan, ito yung sitwasyon ngayon dito.
05:04Nasa may kahabahan tayo ng Kalaw, nandito tayo sa Central Isle.
05:08Sa ating likuran, ito yung lalim ng baha.
05:10Ito ay almost ng pastuhod na.
05:13At nahihirapan na rin gumahan yung mga light vigas.
05:16Ito nga, mga ganitong sasakyan na lang ang nakakataan dito.
05:19Pero talagang pahirapan na rin ang akses dito pati sa kapildang lane.
05:24At ito lang yung sitwasyon sa ilang kalsada dito sa lungsod ng Maynila.
05:27Ito ang unang balita.
05:28Bamalegre, GMA News.
05:30Balik sa Ivan.
05:33Salamat, Bamalegre.
05:34Ang matagalang solusyon, ang panawagan ng ilang taga-malabon
05:37dahil bahana naman sa lungsod.
05:39Bunsod ng ulan na dulot ng high habagat.
05:42At may unang balita live si Gabriel Gonzalez.
05:45Gabriel?
05:50Ivan na perwisyo ng baha ang maraming residente dito sa Malabon
05:55dahil sa ilang araw na walang tigil na buhos ng ulan.
05:58Ayon sa mga residente, matagal na raw itong problema sa lungsod.
06:04Matapos ang tuloy-tuloy na pagulang dala ng habagat,
06:07ganito na ang sitwasyon sa Burgo Street sa barangay Concepcion, Malabon ngayon.
06:12Abot binti hanggang tuhod pa rin ang baha sa malaking bahagi ng lugar.
06:16Sinuong ng ilang residente ang maruming tubig.
06:19Ayon sa 20 anyos na si J. Winn Dagundong,
06:22mula papagkabata niya, bahain talaga ang kanilang lugar.
06:26Kaya gusto raw niya ng pangmatagalang solusyon.
06:29Lagi naman po ang ganito eh, pagkakalakasan po ng ulan,
06:31tapos pagka-i-tide po, nakasanayan na rin naman.
06:34Ayaw na po.
06:37Baha pa rin po sa maraming lugar dito sa Malabon City.
06:40Kabilang po sa mga apektado,
06:42ito pong Concepcion Technical Vocational School dito po sa barangay Concepcion.
06:46Pero ayon naman po sa Malabon DRRMO,
06:49ay hanggang Gutterdeep lang naman ang baha sa maraming lugar sa kanilang lungsod.
06:54Ang ilang residente, gumagamit na ng mga sako ng buhangin bilang tapakan.
06:59Habang ang iba, pinataasa na mismo ang bahay para hindi pasukin ng tubig.
07:04Gutterdeep naman ang baha sa General Luna Street.
07:07Pero nakadaraan naman ang lahat ng uri ng mga sasakyan.
07:10Sa barangay Tinajeros, aabot sa labing anim na pamilya
07:13o anim na putisang individual ang lumikas matapos umapaw ang Tulyahan River.
07:18Binuksan muna ang Tinajeros Elementary School para magsilbing evacuation center.
07:23As of 10 p.m. kagabi, nasa 79.89 meters ang water level sa Lamesa Dam
07:29na malapit na sa 80.15 meters na spilling level.
07:33Yung ibang area po kasi okay naman na naging stable na rin naman po yung ano sa kanila.
07:38So yung ano lang, yung problema lang po yung ibang evacuants
07:41kasi malapit po talaga sila sa Tulyahan River po talaga.
07:44Pag tumaas po yung ano ng baha,
07:47so huwag na po sila magdalawang isip magpa-evacuate po
07:50kasi maherap po mag-rescue pag malalim na po talaga yung baha.
07:53Nabigyan na rin ang hot meals ang mga residente.
07:56Nag-ikot na ang mga tauha ng Malabon DRRMO
07:59para tingnan ang sitwasyon ng mga binaha sa lungsod.
08:08Iva, nandito tayo ngayon sa General Luna Street sa barangay Concepciono.
08:13Kanina nga alas 2-3 ng madaling araw ay bumuhos na dalawang beses yung malakas na ulan.
08:19Kung kaya't lumampas sa gutter yung taas ng baha rito.
08:23Ayon naman sa Malabon DRRMO, meron din ganitong sitwasyon
08:26sa katabing barangay naman na barangay San Agustin doon sa C. Araliano Street.
08:31Isa yan sa lugar na madalas talagang bahain dito sa Malabon City.
08:36At yan muna ang latest mula rito sa Malabon.
08:39Gabriel Gonzalez, GMA News.
08:43Tumambad ang mga basura kasunod ng paghupa ng baha sa ilang kalsada sa Quezon City.
08:48May unang balita live si James Agustin.
08:50James?
08:57Tumasang good morning.
08:58Bago mag-alas 7 ngayong umaga na tuluyan ang madaanan ng mga motorista.
09:02Ito magkabilang lane ng Araneta Avenue na binaha.
09:05Kasunod nga ng malakas na busang ulan kaninang madaling araw.
09:07Papakita ko laba po yung sitwasyon.
09:09Ito yung lane ng Araneta Avenue na malapit po sa E. Rodriguez Avenue.
09:14Mga light vehicles ko ay nakakadaan na dito.
09:16So kanina ay mga truck pa lamang yung sumusubok na dumaan dito.
09:20At may marami mga natatakot dahil nga pumabot hanggang bewang yung tasang tubig.
09:24At sa paghupa ng baha, tumambad naman Susan yung sandamakmak na mga basura
09:28na nandito sa isang lane ng kalsada.
09:31Sari-sari ito mga nakikita ko mula sa mga styro, plastic, plastic bottles,
09:36meron pa mga tela, kahoy at yung mga inanood dito ng mga bote ng alak.
09:41Mga babasagin pa ito.
09:42So kanina sinusubokan po yan na matanggal ng mga otoridad,
09:46maging mga nangangalakan ng basura.
09:48At nakita natin doon sa paghupa ng baha talaga.
09:50Sumama ito doon sa drainage.
09:52At hindi na po tuluyan na nakababaano.
09:55Kailangan hakutin na itong mga basura na ito dahil nakatambak dito sa kalsada.
09:59Pasado alas 12, medyo nga po na madaling araw kanina
10:01na nakaranas ng malakas na buhus ng ulan dito sa Quezon City.
10:05At isa lamang po itong Araneta Avenue doon sa mga kalsada na binaha.
10:09Yung manilitas, mula po rito sa Quezon City, James Agustin, GMA News.
10:15Patuloy ang paglilinis ng mga otoridad sa mga isinarang kalsada sa paligid ng Marikina River.
10:20Tuloy-tuloy din ang monitoring sa Marikina River na nananatiling nasa second alarm dahil sa masamang panahon.
10:26At live mula sa Marikina, may unang balita si EJ Gomez.
10:30EJ.
10:35Ivan, pabugso-bugso pa rin yung nararanasang ulan dito sa Marikina.
10:40At ngayong maliwanag na, mas tanaw ang malakas na agos ng tubig mula dito sa Marikina River
10:45at itong pag-apaw ng ilog.
10:47At as of this time, nasa 16.2 meters o nasa second alarm pa rin
10:53ang Marikina River sa mga puntong ito.
11:02Walang humpay ang ulan sa Marikina na nagpaapaw na sa tubig ng Marikina River.
11:08Sinamahan pa ng malakas na hangin.
11:11Umabot sa 17.5 meters ang antas ng tubig sa ilog kahapon ayon sa Marikina River Parks Authority.
11:18Ilang kalsada sa paligid ng umapaw ng Marikina River ang isinarana sa mga residente at motorista.
11:24Ang ulan kasi kahapon, talagang malakas din.
11:30Dito, minsan walang ulan.
11:33Sa taas, sa may parting Montalban, malakas ang ulan doon.
11:37Kaya ang tubig, pababa ngayon dito, umapaw.
11:42Ang putik, doon makapal.
11:46Mga ilang sarado, access road, saruming ramos to underloaf.
11:52Sinasaradoan po namin yan kasi parang wala ng dumahan.
11:55May pupunta naman mga paputang ilog.
12:00Sinasaway po namin, ginagamit na ng migiapon para hindi maaksidente.
12:04Bawag muna dyan mag-stambay.
12:07Medyo madulas ang wang, maputi pa.
12:10Balik na lang tayo sa taas.
12:12Muling umakyat sa 16 meters ang antas ng tubig pasado alas 3 kanina.
12:17Itinaasang ikalawang alarma ganap na 3.49 AM.
12:21Ibig sabihin, hinihikayat ang evacuation.
12:24Sa pangambang pasukin ang baha ang kanilang bahay sa barangay Tumana,
12:27lumikas na ang pamilya ni Mark.
12:29Hindi na rin nila kayang tiisin ang abot-binting baha sa mga kalye sa kanilang lugar,
12:35gaya sa Ilaw Street at Angel Santos Street.
12:39Magkabilaan po, yung dadaanan po namin is may tubig po.
12:43So nag-decide po kami na mag-evacuate kasi nga po, for our safety na rin po.
12:48Siyempre po, sobrang hassle kasi di ka makatulog ng maayos,
12:52mas mahirap yung comfort room and maingay po yung paligid.
13:00Dalo na po ngayon umuulan, sobrang lamig po talaga.
13:03Ayon sa Marikina LGU, nitong Sabado nagsimulang lumikas ang ilang residentes sa Marikina.
13:08Sa H. Bautista Elementary School, abot na raw sa mahigit tatlundaang pamilya
13:13o lampas dalawang libong individual ang bilang ng evacuees.
13:18Kanya-kanya sila ng pwesto sa pagtulog.
13:20Ang ilan sa kanila, sa karton nalang humiga.
13:23Meron din po tayo dito mga medic, kapulisan, saka po yung mga buntes, PWD, senior citizen.
13:34Ginagawa naman po namin ang paraan na lahat po sila, kahit papano, mapakain natin ang maayos.
13:41Samantala, may hakbang naman daw ang LGU para sa agarang pagbubukas
13:45na mga saradong kalsada sa paligid ng Marikina River at masigurong ligtas ito sa mga daraan.
13:52Pinakakayod namin sa babkat, ayoda rin kami sa pala ng paglilinis.
13:57Basura, ipo namin, iniipo namin, tapos ikakarga sa truck.
14:02Kagaya doon, kanina, lininis namin mga basura.
14:06Yung mga dito, tinanggalan namin ang basura yan.
14:14Ivan, for the last 15 minutes, naglalaro actually, sa 16.1 to 16.3 meters itong antas ng tubig dito
14:21sa Marikina River
14:22dahil din yan sa lakas ng Agos.
14:24Pero still, second alarm yan.
14:28At dito sa River Park, ito mismo kalsada sa gilid ng Marikina River, may mga ilang residente.
14:34Yan yung mga ilan sa kanila nag-check kung ano ba yung latest dito sa water level ng Marikina River
14:41dahil karamihan sa kanila nakatira malapit lang dito.
14:44Sine-check nila kung po pwede na nga ba silang bumalik sa kanilang bahay
14:48or mananatili pa rin sila sa evacuation center katulad na nga ng mga eskwelahan na pinuntahan natin.
14:54At sa mga puntong ito, for the last 20 minutes, ay tumila naman na yung ulan,
14:59ambon-ambon yung mga nararanasan dito ngayon sa Marikina City.
15:03Yan ang unang balita. Ito po si EJ Gomez ng GMA News.
15:10Iban, iba yung pag-iingat ang apayon ng mga otoridad sa mga kapuso natin dito sa Ilocos Region
15:15dahil sa nararanasan pa rin masamang panahon.
15:21Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga pamilyang lumika sa Dagupan City
15:26dahil sa pagtaas ng Pantal at Marusay River.
15:28Ang 61-anyos na sinanay Luz, napilitang lumikas matapos bahayin ang kanilang bahay sa Caliedos, Barangay Maluwad.
15:36Tumatas na yung tubig, saka nalunod na yung kama namin.
15:41May mga tumatawag pa sa atin na mag-iimpact na rin daw po sila kasi parang bumibilis yung pagtaas ng
15:49tubig.
15:49Patuloy ang pagdating ng mga evacuee.
15:51Inihanda na rin ng Barangay Council ang mga gamot at relief packs para sa mga residente.
15:56Walang humpay rin ang pagtaas ng baha sa ilang kalsada sa syudad.
16:00May mga sasakyang tumirik sa kalsada at hirap makadaan ang mga light vehicle.
16:05Sa Kalasyao, Pangasinan, halos lamunin na rin ng umapaw ng Marusay Sinukalan River ang flood monitoring ng MDRRMO.
16:12As of 5pm kahapon ay lampas 10 feet na ang antas ng Marusay Sinukalan River.
16:17Halos lahat ng mga paaralan sa bayan ay binaha dahil sa ulan at pag-apaw ng ilog.
16:22Nakahanda na rin sa paglikas ang mga residente.
16:25Alibawa, nabutan ng mayigyan hanggang dito na, lilipat na sa bayan.
16:30Mga pagkain kasi yung prejecture na ako nakataas na eh.
16:34Basta may makain to, may bagoong alamang, okay lang.
16:38Meron po tayong naitalang 16 barangays na nakaranas po ng pagbaha.
16:43Although yung iba na nanatiling isolated lamang doon sa kanilang mababang area or portion lamang ng kanilang barangay.
16:50Nagpatupad na rin ang localized face-to-face class at government work suspension ang ilang bayan at syudad sa Pangasinan
16:57dahil sa banta ng habagat.
16:59Sa Lawag City sa Ilocos Norte, dalawang mangingisda ang nailigtas ng Coast Guard matapos tumaob ang kanilang sinasakyang bangka dahil
17:07sa malalakas na alon.
17:08Sa tala ng Office of the Civil Defense Region 1 kahapon, August 9, pumalo na sa halos 40,000 na
17:14pamilya.
17:15Katumbas ng mayigit 130,000 na individual ang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng mga nagdaang ulan at habagat.
17:23277 sa mga pamilyang ito ay nagsagawa na ng preemptive evacuation.
17:29Bukas na rin ang lahat ng walong gates sa Ambuklao Dam sa Bukod Benguet.
17:33As of 8am kahapon, nasa labing apat na metro na ang total gate opening ng dam.
17:39Pinapayuhan ang mga komunidad na malapit sa mga ilog na bantayan ang antas ng tubig.
17:48Ivan, na nakikita na natin ang epekto nitong pagbaba ng tubig mula sa mga upstream river dahil hanggang ngayon ay
17:55nasa above critical level pa rin ang ilog sa Santa Barbara.
17:58Habang nasa above normal level naman ang mga kailugan sa Dagupan City, San Fabian at Mabini.
18:04Samantala, nagbabala ang mga otoridad natin sa mga mangingisda na huwag munang pumalaot dahil nakataas pa rin ang gale warning
18:11dito sa probinsya ng Pangasinan.
18:12Ivan, maraming salamat. Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
18:42At DepEd noong si Vice President Duterte pa ang sekretary nito.
18:46Sasalang ulit sa witness stand si Supervising State Auditor Zaylin May del Campo ng Commission on Audit Intelligence and Confidential
18:54Funds Audit Office.
18:56Ipatatawag din sa mga susunod na araw si dating OVP Disbursing Officer Gina Acosta at dating DepEd Disbursing Officer Edward
19:03Fajarda.
19:04Batay sa naunang testimonya ng ilang branch managers ng Land Bank, si Acosta at Fajarda ang payis ng inintash na
19:12confidential funds.
19:20Mga kapuso, extra special ang 30th birthday celebration ni Sparkle star Sanya Lopez.
19:26Bukod kasi sa kanyang family and friends, present din sa okasyon ang kanyang boyfriend.
19:31May unang chika si Athena Imperial.
19:38Vintage ang tema ng video and photo shoot ni kapuso star Sanya Lopez para sa kanyang 30th birthday.
19:44Kwento ni Sanya, nakipagtulungan siya sa kanyang team para mabuo ang concept ng latest birthday shoot.
19:51Parang namiss ko lang yung pulang araw din.
19:54Pero eto parang may pagka...
19:5970s, year ng 70s.
20:04Sinalubong niya with her loved ones ang kanyang 30th birthday sa isang cafe and lounge sa Taguig City.
20:10Di ba gagalit tayo?
20:16Present sa celebration ang boyfriend ni Sanya, pero hindi siya formal na nagpakilala sa lahat ng dumalo sa party.
20:22Sa previous interview, sinabi na ni Sanya na gusto nilang manatiling private ang kanilang romantic relationship.
20:28Importante na may plano kayo sa isa't isa.
20:30So, sa ngayon, of course, napakusapan.
20:33Date to marry talaga ako, na klase ng babae.
20:36Mayroon na bang time frame?
20:38Like, siyempre, sabi mo date to marry, di ba?
20:41So, may time frame na ba na by next year?
20:44In God's perfect time.
20:47Ito ang unang balita, Athena Imperial, GMA News.
Comments