Skip to playerSkip to main content
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong August 10, 2026


-Malabon CDRRMO: 11 sa 21 barangay, binaha

-Bahagi ng Taft Avenue, binaha; mga baradong drainage, binungkal ng mga taga-Manila Engineering Department

-Tulay sa Brgy. Santa Fe, nasira; Ilang simbahan, kabilang sa mga binaha

-NDRRMC: 8 patay sa pananalasa ng Bagyong Luis, Bagyong Maymay at Habagat

-PAGASA: Ulang dulot ng Habagat, mararanasan pa hanggang Biyernes

-Ilang bahay sa bayan ng Luna, ilang araw nang lubog sa baha; ilang kalsada, binaha rin

-Baha sa ilang bahagi ng Brgy. Bagong Silangan, nagsimula kaninang umaga

-Mahigit 100 residenteng stranded sa pagbaha, nasagip ng Ph Coast Guard

-Rider na sumilong sa kasagsagan ng ulan, patay matapos mabagsakan ng halaman at 2 poste

-DOE, nagtakda ng posibleng minimum oil price rollback para sa linggong ito

-PAGASA: La Mesa Dam, malapit nang umapaw; PAGASA: 3 dam sa Luzon, nagpapakawala ng tubig

-Kabaong, isinakay sa improvised na bangka dahil sa abot-binting baha sa Brgy. Dela Paz

-Bahagi ng Mangan-Vaca Nat'l Highway, nalubog sa baha; Tubig sa ilalim ng Kalaklan Bridge sa Olongapo, umabot sa spilling level

-Sunog, sumiklab sa Brgy. 272 sa Delpan sa gitna ng maulang panahon

-Rayu Gravador at Frances Lacap, itinanghal na Ultimate Campus Cuties ng Sparkle Campus Cutie Season 2

-4, kumpirmadong patay sa landslide sa Guisad Road; search and rescue operations, nagpapatuloy

-INTERVIEW: JUNIE CASTILLO, SPOKESPERSON, OCD

-DPWH: Substandard ang gumuhong pader sa bahagi ng EDSA-Ayala; pananagutin ang nagpagawa nito

-Batang lalaki, sinagip sa gitna ng baha sa Brgy. Marulas

-INTERVIEW: CHRIS PEREZ, ASSISTANT WEATHER SERVICES CHIEF, PAGASA

-Ilang subdivision sa kahabaan ng Marcos Highway, abot-baywang ang baha; mga residente, lumikas

-Office of the Mayor: Passable lahat ng major roads sa Marikina

-Sandamakmak na basura, nagkalat sa G. Araneta Ave. matapos bumaha; QC LGU, nagsasagawa ng paglilinis

-Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng masamang panahon

CBB



For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Transcript
00:07Mga kapuso, balot pa rin ang kaulapan ang ilang bahagi ng Northern, Central at Southern Luzon dahil po sa malakas
00:14na habagat.
00:16Apektado rin ang Metro Manila at Western Visayas, kaya maghanda pa rin sa matitinding ulan sa mga susunod na oras.
00:28Magandang tanghali po. Oras na para sa maing ilit na balita.
00:40Hanging habagat, nagpaulan at nagpabaha sa Metro Manila at sa ilang pang lugar sa Luzon.
00:48Pagsagip sa ilang naipit sa baha, pahirapan.
00:52Pamibamilyang inilikas, siksikan sa ilang evacuation center.
00:57Landslides sa Baguio City, apat ang nasawi.
01:00Mga basura, tumambad matapos ang pagbaha sa ilang lugar.
01:04At sa gitan ng masamang panahon, biwan ng bayanihan, buhay na buhay.
01:09Latest sa lagay ng panahon at sa epekto ng habagat, tutukan.
01:13Sa bintana na yan, siya.
01:15Water cannon.
01:16Water cannon.
01:23Pusag na sa balita.
01:25Pusag na sa balita.
01:25Pusag na sa balita na.
01:35Nakatutok ang GMA News sa mga pinakasariwang balita kaugnay sa hagupit ng hanging habagat sa Metro Manila at sa ilang
01:42bahagi ng Luzon.
01:44Maguulat mula sa Malabon si Ian Cruz.
01:47Nakapuesto naman sa Maynila si Joseph Morong.
01:50Nasa Antipol o Rizal naman si Emil Sumangil.
01:52Mula naman sa La Union, maguulat si Jasmine Gabriel Galban ng GMA Regional TV.
02:01Unahin po muna natin kamustahin ang mga bahaing lugar sa Camanava area.
02:06May ulat on the spot si Ian Cruz.
02:09Ian?
02:20Yes, Connie.
02:21Sa pag-iikot nga natin dito sa area ng Camanava, itong syudad ng Malabon ang nakita natin na maraming mga
02:30flooded areas.
02:31At kabila nga dito sa mga sinasabi ni Roderick Tongol ng CDRRMO na as of 9am, 11 sa 21 barangay
02:40na Lungsod ang nakaranas ng gutter deep na baha.
02:44Kabilang na nga dyan ang area ng MHTL Pilar sa barangay Maysilo, tuloy-tuloy sa Tatawid sa barangay Santolan na
02:51may palengke area.
02:52Hindi rin nakaligtas ang area ng hulong duhat sa tubigbahan na paikot sa kanilang plaza.
02:58May gutter deep na tubig at mula roon ay narating naman natin ang Tanzana Votas kung saan may strukturang barko
03:07sa gitna ng kalsada.
03:08Ayon sa ating nakausap na residente, buuraw ang floodgates sa Camanava at hindi kataasan ng tubig sa dagat kaya flood
03:14-free sila kahit nga maulan.
03:16Wala rin baha doon sa City Hall area ng Votas at sa mga kalapit na lugar.
03:22May nakita tayo, Connie, na floodgates sa pagitan ng Malabon at na Votas at wala ng isang metro ay lalagpas
03:31ng tubig.
03:31Mabuti na lamang at tumigil nga ang pagulan.
03:35Doon naman sa area ng Arkong Bato sa Valenzuela, may gutter deep na baha rin tayong nadaanan nga kanina.
03:43At Connie, sa ngayon ay tumigil ang pagulan dito sa bahagi ng Malabon,
03:47particular dito sa area na kinaroonan natin ang barangay Hulong Duhat.
03:52Ang sinasabi sa atin ng mga residente rito, mula pa daw nung Sabado kahapon at hanggang ngayon ay hindi nga
03:58bumababa itong tubig dito.
04:00At patuloy silang umaasa at nananalangin na tumigil talaga yung pagulan sapagkat sawang-sawa na raw sila sa mga pagbaha
04:08dito sa kanilang lugar.
04:09So yan muna ang latest mula dito sa Malabon. Balik sa iyo, Connie.
04:12Maraming salamat, Ian Cruz.
04:15Dahil sa baha, binungkal ng mga taga-Manila Engineering Department ang mga baradong drainage sa kahabaan ng Taft Avenue.
04:21May ulat on the spot si Joseph Morong.
04:24Joseph?
04:28Rafi, may mga apatsipatsing lugar dito sa Maynila kung saan meron mga gutter deep na baha sa bandang alas 9
04:35ng umaga kanina.
04:36Pero mabilis din namang humupa ang mga ito sa kahabaan ng Taft Avenue.
04:41Halimbawa, bandang alas 9 kanina ay naabutan natin yung ilang mga taga-Manila Engineering Department na nagbubongkal ng mga baradong
04:49drainage.
04:50Tinatanggalan nila ito ng burak na nakababara sa daloy ng baha.
04:54Ang gutter deep na level na baha ay hundi-hundi naman pumapasok sa nalilinis na drainage.
04:59Pero may bahagi ng Taft Avenue, katulad dito sa May Philippine Journal Hospital o PGH, na hirap yung mga tao
05:06sa pagtawid kanina.
05:07Dahil sa gutter deep na level ng baha dito, mas mahaba yung sakop ng bahang ito, Rafi.
05:13Yung iba, hindi alintano yung panganib ng sakit na dala na at makukuha sa baha.
05:18At pinili pa rin nilang tumawid.
05:19Ang ilan ay nagubad pa ng kanilang mga sapatos.
05:22Yung iba naman ay wala ng ibang nagawa kundi magbayad ng 50 pesos na pamasahe sa padyak para makatawid lamang.
05:30Narito ang pahayag ng ilan nating mga kababayan.
05:35Bari naalis na ng burak. Kasi burak eh.
05:39Pero tumatakbo naman kasi high tide lang kaya magkamahas.
05:43May laal ko.
05:4640 pesos?
05:4840 daw?
05:4950 pag mag-isa nga.
05:50Tatawid lamang?
05:51Tatawid lamang.
05:52Saan doon?
05:53Pamuna Mercury?
05:54Papunta doon sa Mineralto.
06:02Rafi, sa mga oros na ito, kumakikita niyo yung ating likuran.
06:05Ito pa rin yung pinagkuna natin ng situation na kanina.
06:08Pero sa ngayon ay hupa na yung baha dito.
06:12At medyo nararamdaman na natin yung sikat ng araw dito.
06:15Inikutan din natin yung ilan sa Maynila na karaniwang binabaha.
06:18Katulad nung Calao at saka Rojas Boulevard bandang alas 10 nung umaga kanina.
06:22Pero hindi na natin.
06:23Wala na tayong nakitang baha doon.
06:25Rafi?
06:26Joseph, kung may informasyon ka lang, kung hindi ako nagkakamali, yan din yung area na tinanggalan din ang burak ng
06:31DPWH kamakailan.
06:33Or last week ba?
06:33Na pinangunahan mismo ni DPWH sa sekretary.
06:37Yan ba yung area na yun?
06:38Bakit may burak pa rin, Joseph?
06:44I'm not sure, Rafi.
06:45Pero yung nakita natin, nasaksihan natin na binubungkal nila.
06:48Medyo maliit na area.
06:49Ang natatandaan ko na video nun, sobrang laki na binungkal nila.
06:52So I doubt if it is the same area.
06:54Pero yung mga dito, yung mga sasakali, maliliit na drainage lang naman yung nakita natin dito na tinatanggalan nila ng
07:02burak.
07:02Pero mabilis din naman yung naging paghupa.
07:06Walang 30 minutes, no?
07:07Pagka natanggal nila yung burak doon sa mga drainage, ay nawawala agad yung ba, Rafi?
07:12So malinaw na talagang barado talaga yung ating mga drainage system na dyan sa area, Joseph?
07:20Mukhang ganun na nga, Rafi.
07:22Kasi kanina, yung nakita natin sa Tafno, yung unang video natin.
07:26Pagka tanggal ng burak, eh, lusot agad yung tubig doon, eh.
07:30So dito rin.
07:31In fairness naman, dito sa Manila Engineering Department,
07:34pagka nakutkot na nila yung mga drainage, ay mabilis yung paghupa ng bahad.
07:40Hindi katulad dati na nabababad, no?
07:42So ngayon, kanina nga, bago tayo meray, may tubig pa, pero ngayong umere na tayo, wala na.
07:47Mabuti naman na ganyan at medyo mainit na dito sa bagay ito.
07:52At is ngayong oras na ito, Rafi.
07:54So maintenance talaga ang problema.
07:55Maraming salamat sa iyo, Joseph Morong.
08:00Samatala, iba't ibang pinsala ang naitala sa ilang lugar sa iba pang bahagi ng Luzon dahil po sa masamang panahon.
08:06Ang mainit na balita, hatid ni Tina Panganiban Perez.
08:13Sa gitna ng malakas na ulan at baha, gumuho ang tulay sa barangay Santa Fe sa San Marcelino, Zambales.
08:21Umapaw kasi ang ilog sa lugar.
08:24Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office,
08:28nasira ang isang dike sa barangay at nagtuloy-tuloy ang malakas na agos ng tubig.
08:36Binahari ng ilang lugar sa San Fernando, Pampanga.
08:40Kabilang dyan ang ilang simbahan.
08:42Tulong-tulong ang ilang lalaki sa pagbubuhat ng ilang gamit.
08:47May kalsada rin nagmistulang ilog dahil sa baha.
08:52Naapektohan naman ang trapiko sa bayan ng Makabebe dahil din sa baha.
08:56Sa barangay Batasan, dobleng perwisyo dahil nag-high tide din.
09:08Sa Ilocos Norte, nasagip ng Philippine Coast Guard sa lawag ang dalawang mangingisda,
09:14matapos tumaob ang sinasakyan nilang bangka.
09:17Nangingisda raw ang dalawa ng tumaob ang kanilang bangka dahil sa malakas na alon.
09:23Nasa maayos na silang kondisyon at binala sa City Disaster Risk Reduction and Management Office
09:29para sa medical assessment.
09:32Sa Ilocos Sur naman, nasira ang bahagi ng isang dike sa bayan ng Quirino,
09:38dulot ng pagragasa ng ilog.
09:40Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office,
09:44nasa 500 hanggang 800 metro ang haba ng nasira.
09:49Umabot pa sa critical level ang ilog na hubu pa rin kalaunan.
09:56Sa Zaragoza, Nueva Ecija, halos 50 pamilya ang inilikas dahil sa baha sa dalawang barangay.
10:03Ayon sa Nueva Ecija Police, mula sa barangay Mayamot at barangay Santa Lucia ang mga inilikas.
10:13Isinara naman pansamantala sa mga motorista ang junction Kayapa Proper Provincial Road sa Nueva Vizcaya.
10:21Humambalang kasi sa kalsada ang lupa, putik at mga bato kasunod ng pag-uulan sa lugar.
10:28Nagsagawa na ng clearing operation sa lugar ang local government.
10:33Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA News.
10:38Walo ang huling bilang ng nasawi dahil sa masamang panhong dulot ng Bagyong Luis, Bagyong Maymay at Hanging Habagat.
10:45Batay sa datos ng NDRRMC as of 8am ngayong lunes, mula sa Benguet at Rodriguez Rizal, ang tig-dalawang naitalang
10:52nasawi.
10:53Tigis na naman ang naitalang patay sa Antipolo Rizal, Batangas City, Lipa, Batangas at sa Santa Teresita, Batangas.
11:00Siam ang naitalang sugatan, habang isa ang nawawala.
11:03Binaha ang Siam na Regyon, kabilang ang Ilocos Region, Cagayan Dali, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Calabaruzon, Limaropa, Bicol Region,
11:14Western Visayas at Sambuanga Peninsula.
11:17Mahigit 10,000 pamilyang inilikas na na nasa evacuation centers.
11:22Nasa 1.12 billion pesos ang halaga ng pinsana sa mga infrastruktura.
11:27Nasa mahigit 3 million pesos naman sa agrikultura.
11:33Mga kapuso, magiging maulan pa rin po ang panahon dahil sa habagat hanggang sa biyernes.
11:39Sinabi po yan ng pag-asa sa panayam kanina ng unang balita sa unang hirit.
11:43Ayon kay Alzar Aurelio, weather specialist ng ahensya, inaasahang mababawasan naman ang lakas ng monsoon rains sa mga susunod na
11:52araw.
11:52Luzon pa rin po daw ang pinaka maapektuhan.
11:55Ang habagat ay bahagya pang nahahatak ng bagyong may international name na dolphin kahit ito'y nasa China na.
12:02Nahahatak din po ang habagat ng isa pang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
12:09May international name naman yan na Peiluan na namataan po na yan ang pag-asa mahigit 2,000 km silangan
12:17ng Extreme Northern Luzon.
12:21Peilu po, at isa po itong tropical storm na may lakas na hangin na hanggang 75 km per hour.
12:28Hindi po ito inaasahang papasok sa PAR.
12:37Nasa 65 lugar sa Ilocos Region ang nakaranas ng pagbaha dulot ng habagat ayon sa Office of Civil Defense Region
12:431.
12:44Kabilang dyan ang ilang lugar sa Pangasilan at La Union.
12:46May ulat on the spot si Jasmine Gabriel Garbar ng GMA Regional TV.
12:51Jasmine?
12:55Raffi, tuloy-tuloy pa rin ang mga naranas sa mga pag-ulan dito nga sa Probinsya ng La Union.
13:00Binabaha pa rin ang ilang lugar sa probinsya.
13:02Gaya na lamang dito sa bayan ng Luna La Union kung saan ilang araw nang lubog sa baha ang ilang
13:07barangay.
13:08Partikular ang mga barangay ng Rimos 3, 4, and 5.
13:11Baha na rin maging ang kanilang kalsada.
13:13Samantala, nakapagtala rin ang flash floods sa ilang barangay, sa bayan ng Aringay, Bawang at maging sa May San Fernando
13:20City nitong weekend.
13:21Nagkaroon ng landslide sa ilang sityo sa bayan ng Bagulina.
13:25Aabot sa may 10,000 na family ang naapektuhan ng nagdaang mga bagyo.
13:31Ganun din ng umiiral na habaga.
13:33Tuloy-tuloy ang distribution ng relief packs ng provincial government.
13:36Ganun din ang iba't ibang LGUs sa mga apektadong residente.
13:39Samantala, Rafi sa probinsya naman ng Pangasinan, patuloy pa rin ang pagtaas ng baha sa ilang kalsada at maging sa
13:46mga interior roads sa ilang bayan at siyudad sa Pangasinan.
13:49Sa Dagupan City, perwisyo sa mga residente at motorista ang baha dahil sa epekto ng pag-uulan na sinasabayan pa
13:55ng high tide.
13:56Patuloy ang pagbaba ng tubig mula sa upstream rivers.
14:00Binabaharin ang pangunahing kalsada sa bayan naman ng Kalasyao dahil na nga rin yan sa umapaw na Marusay-Sinukalan River.
14:09Sa tala ng Office of the Civil Defense Region 165 na areas, ang reported na nakakaranas ng pagbaha at may
14:17kit-50 dyan ay mula naman sa Pangasinan.
14:19Nakataas sa red alert status ang emergency operation centers ng Ilocos ng RDRRMC.
14:26Raffi?
14:28Maraming salamat, Jasmine Gabriel Galban ng GMA Regional TV.
14:35Kaninang umaga lamang bumaha sa ilang bahagi ng Barangay Bagong Silangan, Quezon City.
14:41Natalya po tayo sa ulat on the spot ni Sandra Aguinaldo.
14:44Sandra?
14:49Yes, Connie.
14:50Narito tayo sa Barangay Bagong Silangan sa Quezon City.
14:55At makikita niyo po yung sitwasyon dito.
14:58Tumila na yung ulan, Connie, pero alam mo kanina ang lakas niyan.
15:01So ang nangyayari ngayon, malakas, tapos ihina, tapos lalakas ulit.
15:06Sinasabi rin yan ng mga residente rito.
15:09At pinapakita namin sa inyo yung bandang gawi doon kung saan ang lakas nung Agos ng tubig.
15:17Dahil pababa pahu doon.
15:19Mas mababa yung lugar na yun.
15:21At nilagyan na po dito ng police line para yung mga tao mag-ingat.
15:27Itong pong yellow line na nakikita nyo, dinidiscourage na po sana yung mga residente na pumunta pa doon sa lugar
15:35na yun.
15:35Pero may mga kababayan pa rin po tayo, Connie.
15:38Nananatili po sa kanilang mga tahanan.
15:41Kanina nga dumadaan dito, dala na rin yung kanilang pananghalian.
15:44Siguro bumili sila doon sa itaas.
15:46Tapos ngayon nananatili po sila sa kanilang mga bahay.
15:50At dito naman po sa aking gawing kanan, kaya may police line din dito.
15:55Dahil dito sa poste na ito na pinangangambahan,
15:58dahil kanina raw po, sabi ng mga residente na kausap natin,
16:02eh meron daw na kuryente na aso at namatay.
16:06Pero yan, binabantayan nila ito.
16:08Ngayon, nakita rin natin na may dumalaw naman na para-elektrisyan mula sa barangay at chinek na po itong lugar
16:15na ito.
16:16Ganun pa ma, pinag-iingat po yung mga tao na huwag silang makalapit dyan sa lugar na yan.
16:22At bukod po dyan, ang sinasabi po ng mga residente kanina,
16:27umikot na rin dito ang kapitan.
16:29At kanina nasaksiyan natin ang pagdating po dito ng QCPD,
16:34ang QCPD, ang QCPD Police District.
16:35At nananawagan po sila sa mga tao dito na umalis na muna sa kanilang mga bahay.
16:41At napunta doon sa evacuation center malapit sa barangay hall.
16:44Dahil ang pangambang po nila ay baka daw magpatuloy yung pagtaas ng tubig
16:51dahil hindi pa rin naman ganap na nagliliwanag ang kalangitan.
16:56Pakita ko lang Connie dito sa aking kinatatayuan.
16:59Kanina, below the knee ito, cons, pero ngayon nasa tuhod ko na.
17:04At sinasabi ng mga tao, kahit daw medyo humihina na yung ulan kumpara kahapon,
17:10ay napansin din nila na patuloy yung pagtaas ng tubig dito.
17:15In fact, sabi nila, yung ganitong level down na nakikita natin ngayon
17:20ay nagsimula lamang tumaas kanina pong umaga.
17:23So, yan Connie, mag-aantabay tayo.
17:25Pero sa ngayon, sa nakikita po natin,
17:27ay yung mga residente po dito na natatipa doon sa kanilang mga bahay,
17:32ay parang wala po silang balak lumikas.
17:35Dahil kadalasang naririnig pa rin natin, Connie, ay sanay na sila.
17:39Alam na nila yung gagawin nila.
17:41Ganun pa man, sabi po ng Quezon City LGU, Connie,
17:45ay nasa 1,600 mahigit po na pamilya ang mga nasa evacuation centers
17:52at halos 6,000 tao po ang katumbas niyan.
17:56So, Connie, yan muna ang pinakahuling ulat mula dito sa Barangay Bagong Silangan.
18:01Connie?
18:01Marami salamat, Sandra Aguinaldo.
18:05Nabig-kabilang rescue operations ang isinagawa ng Philippine Coast Guard
18:09sa ilang lugar sa Cavite dahil sa baha.
18:11Sa Imoc, may gitsandang stranded na residente
18:14ang nasagit sa gitan ng abot-dibdib na baha.
18:17Kabilang ang ilang senior citizen at sanggol.
18:20Sa Naic, dalawang residente ang na-rescue matapos matrap sa gitna ng tulay.
18:25Sa Baco or Cavite, matindi ang daloy ng trafico dahil pa rin sa baha.
18:29Kailangan namang magbangkang ilang tagakawit dahil sa abot-dibdib na baha.
18:33Sinimulan na rin ang pangumahagi ng tulong at pagkain sa mga inilikas.
18:37Patuloy ang monitoring ng motoridad sa epekto ng hanging habagat.
18:43Kabi-kabilang baha rin ang naitala sa Batangas.
18:46Sa Lipa City, abot-dibdib na baha ang naranasan sa Barangay Marawoy.
18:51Ilang residente ang stranded at ni-rescue ng Philippine Red Cross gamit ang lubid.
18:55Sa kuha ni Uscoper Renz Jelen Deras Dimaano,
18:59kita ang matinding baha sa ilang kalsada na namirwisyo sa mga motorista.
19:04Isang tricycle ang pinagtulungang buhati ng ilang lalaki para maitawid sa rumaragasang baha.
19:09Gumuhon naman ang bahagi ng pader ng Fernando Air Base dahil sa malakas na ulan.
19:14Walang naiulat na nasaktan.
19:16Sa bayan ng Mabini, kanya-kanyang diskarte ang ilang residente sa paglilinis
19:20kasunod ng pagragasan ng tubig sa Barangay Mahuben.
19:26Patay ang isang delivery rider sa gitna ng malakas na ulan sa Antipolo, Rizal.
19:30Nadaganan siya matapos bumagsak ang sinilungan niyang halaman at dalawang poste.
19:36Balita natin ni Athena Imperial.
19:41Sumilong ang isang delivery rider sa ilalim ng malaking halaman ng Boganvillia
19:46dahil malakas ang ulan pasado alas 9 ng umaga kahapon.
19:50Maya-maya pa, bumagsak sa rider ang malaking halaman.
19:53Hindi kita sa video pero may kasama palang dalawang posteng na tumba roon.
19:59Ayon sa saksing tricycle driver, umihip ang malakas na hangin nang bumagsak ang halaman at mga poste.
20:05Nagilip na yan, nakaganoon na yan.
20:09Pag dumadaan yung mga malaking truck, nasasagi, sagi, sagi.
20:14Yung mga dahon, yung nakalaylay.
20:17Pag hangin bigla, may kasama malakas na ulan, pagsak, hindi na siya nakagalaw.
20:23Ayon sa saksi, hindi nila nasa klulohan agad ang biktima
20:26dahil may kawad ng kuryente sa pinangyarihan ng aksidente
20:30kaya nagpatulong sila sa barangay.
20:32Agad nagtungo ang fire and rescue team ng barangay San Roque, Antipolo.
20:36Dinala siya sa Rizal Provincial Hospital.
20:38Dalawang poste po yung tumumbang po sa pinangyarihan po.
20:42Magkala naman po yung halaman po, ang nakano po talaga sa kanya yung poste po ng Meralco.
20:47Nasa Alex ito po.
20:50Bali, ayaw po sa mga medik po natin na kumuha, wala na po yung pasyente.
20:57Ayon sa Meralco, isa sa mga poste yung natumbay poste ng kuryente,
21:01nagpaabot ng pakikiramay ang Meralco at agad nakipag-hugnayan sa mga naulila ng rider.
21:05Sinusuri na rin ng Meralco ang epekto na aksidente sa kanilang mga pasilidad.
21:10Ikinalulungkot naman ang lokal na pamahalaan ng Antipolo ang sinapit ng biktima.
21:14Nakikiramay at bibigyan ng tulong ang pamilya ng delivery rider.
21:18May ilan pa rin mga sangang naiwan sa pinangyarihan ng insidente.
21:21Nakalaylay pa rin ang ilang kawat.
21:23Pero paniniguro ng barangay.
21:25Pura na pong kuryente po yung where po doon.
21:29Bali, kinordinate po namin sa city para sa clearing operation po nung natitira nga debris.
21:34Athena Imperial nagbabalita para sa GMA News.
22:04Tapos ang dapat na minimum rollback sa kada litro ng kerosene.
22:08Sabi ng Energy Department, nakakapekto sa galaw ng presyuan ng langis sa panday-digang merkado ang patuloy na krisis sa
22:16Middle East.
22:22Malapit ng umapaw ang tubig sa Lamesa Dam sa Quezon City.
22:26Base sa monitoring ng pag-asa kaninang alas 8, nasa mahigit 79 meters na ang antas ng tubig sa nasabing
22:32dam.
22:33Mahigit 80 meters ang spilling o overflow level ng Lamesa.
22:37Kung sakaling umapaw, maapektuhan nito ang Tulyahan River.
22:40Dapat maging alerto sa posibling baha ang mga nakatira malapit o nasa paligid ng nasabing ilog na dumadaan sa Quezon
22:48City, Caloocan, Valenzuela, Malamon at Navotas.
22:52Bukod sa Lamesa, tumaas din po ang tubig sa nakalipas na 24 oras sa Anggat, San Roque, Pantabangan, Magat at
23:01Caliraya Reservoirs.
23:02Bumaba naman ang water level sa Ipo, Angbuklaw at Binga na nagpapakawala ngayon ng tubig.
23:09Pinong Gates ang binuksan sa Angbuklaw, 6 na naman sa Binga at isa sa Ipo.
23:24Isinakay sa styrofoam ang kabawang na yan sa Barangay de La Paz sa Binyan Laguna.
23:28Ayon sa kumuha ng video, kinailangan nilang gumamit ng improvised na bangka para maitawid ang kabaong mula sa bahay hanggang
23:35maisakay sa karo.
23:37Mayos namang naiatin sa kanyang huling hantungan ang 80-anyos na babae kahit pa may baha.
23:46Binaharin ang bahagi ng Manganvaca National Highway sa Subic, Zambales dahil sa malalakas na ulang dala ng hanging habagat.
23:54Not possible ito sa light vehicles kaya mga truck lamang ang nakakadaan kaninang madaling araw.
24:00Hanggang tuhod ng isang babae ang taas ng baha.
24:04Sa update ng Subic Fire Rescue as of 9.30am, nakakadaan na po ang light vehicles.
24:09Pinag-iingat ang mga motorista dahil madulas pa rin po ang kalsada at natirapang baha.
24:15Sa Olongapo City, nasa spilling level o malapit ng umapaw ang tubig sa ilalim ng Kalaklan Bridge.
24:22Batay sa monitoring ng City Disaster Risk Reduction and Management Office as of 10.30am, nasa 4 meters na ang
24:29taas ng tubig doon.
24:31Bumaba naman ng isang metro ang water level sa Del Rosario Bridge at kalahating metro sa Santa Rita Bridge.
24:39Pinapayuhan ang mga residente na maging alerto at maghandang lumikas dahil posibleng tumaas pa ang tubig.
24:49Samantana, nagkasunog sa barangay 272 sa Delpan sa Maynila sa gitna ng masamang panahon.
24:54Balitang hatid ni Bam Alegre.
24:59Sa gitna ng pagulan, sumiklab ang sunog sa barangay 272 sa Delpan, Maynila bago maghating gabi.
25:05Itinaas ang unang alarma, rumisponde ang hindi bababa sa apat na fire truck.
25:09Dagdag pa ang mga fire volunteer.
25:12Nasa bahay na kami may tumawag sa amin, may sunog daw.
25:15So, ang tingin ko mga nasa 7 na bahay ang naapektuhan.
25:24So, dito kasi usually sa isang bahay, sa isang compound, medyo madaming pamilya.
25:30Masisikip ang mga eskinitang kailangan daanan bago matuntun ang mga estruktura na naapektuhan ng apoy.
25:35Sa pagtutulungan ng mga bumbero, agad na control at naapula ang sunog.
25:38Walang naitalang nasugatan o nasawi sa sunog.
25:41Ang mga naapekto ang residente, walang naisalbang gamit.
25:44Tulad ni Myra Bruzon na inunang tiyakin, naligtas lahat ng kaanak bago ang anumang gamit.
25:49Hindi ako makapasok kasi nakita ko na yung apoy na tumatalsik.
25:54Hindi na kami nakapasok. Sinait na lang lahat ng mga bata, lahat na nasa loob ng compound.
26:00Sinait na po. Hindi rin namin matikip kung ano pa yung mga...
26:02Kasi kwarto-kwarto akong magkakapatid eh.
26:05Kinakala pa ng barangay ang datos yung ilang pamilya ang naapektuhan ng sunog.
26:08Tinatawagan namin sa Delfan Sports Complex para makapasok sila.
26:12Sin sumuulan. Pero mayroon kami pangalawang option.
26:15Mayroon kami bakaling lote dito.
26:17Lalagyan muna namin ang tento.
26:20Pero sana mapayagan kami dun sa Delfan Sports Complex.
26:24Tumanggi muna magbigay ng pahayag ang Bureau of Fire Protection
26:27habang patuloy ang investigasyon sa sanhinang apoy, pati sa halaga ng pinsala.
26:31Bamalagro, nagbabalita para sa GMA News.
26:38Monday Latest, may nanalo na bilang Ultimate Campus Cuties
26:43ng Sparkle Campus Cuties Season 2.
26:47Rayo Gravador and Frances Lafala!
26:52Mula sa 19th finalist, itinanghal na Grand Champion ang QT Loverboy ng Bulacan na si Rayo Gravador
26:59at ang go-getter influencer ng New Manila na si Frances Lafala.
27:04Sa kompetisyon, nagpakitang gilas ang contenders sa kanilang performances.
27:09Ang napiling top 10 naman sumalang sa Q&A.
27:12May special performance din si Sparkle Campus Cuties Season 1 winner Mad Ramos.
27:18Kabilang naman sa panel of judges, si na GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon Valdez
27:24at Sparkle GMA Artist Center First Vice President Joy Marcelo.
27:29Chika sa akin ni na Rayo at Frances, grateful sila sa opportunity at support na kanilang natanggap sa kanilang journey
27:36sa kompetisyon.
27:40Talagang lahat sila talented, they all have the looks, they all have the personality and I'm very happy na they're
27:48so wholesome, parang talagang role models sila.
27:51Gusto po magpasalamat po sa mga tao na sumuporta sa akin kasi hindi ko po ito kakayanin.
27:55Hindi ko po mabibild up yung confidence ko kung wala pong sumusuporta dyan sa akin.
27:58Pero dahil nandyan po sila, kahit di ko po kilala yung mga sumusuporta sa akin, mahal na mahal ko po
28:02sila.
28:03I feel so loved right now and so excited. Sobrang excited ko po na mag-work.
28:07It's one of my biggest dreams po talaga to become an artista and seeing my first steps to being one.
28:13It's just so grabe po. I don't even know how to describe the feeling.
28:20Sa Baguio City, ongoing ang search and rescue operation ngayon sa landslide na nangyari kagabi.
28:25May ulit on the spot si Marisol Abduramani.
28:29Marisol?
28:33Puspusan ang search and rescue operation dito sa area para mahanap ang anim pang nawawala.
28:38Ilang bahay kasi ang natabunan ng gumuhong lupa dahil sa tuloy-tuloy na ulan na nararanasan natin dito sa lungsod.
28:44Apat nga ang kompirmadong patay, tatlo naman ang nailigtas ng buhay.
28:49Hanggang sa mga oros eto, Connie, gaya ng inyo nakikita dito sa ating likuran,
28:53talaga namang sa kabila ng napakasamang panahon na napakalakas ng ulan kanina-kanina lamang,
28:58ay tuloy-tuloy pa rin ang search and rescue operation.
29:00At sa punto pong ito, makakasama mismo natin ang City Director ng Baguio City Police Office na si Colonel Ruel
29:06Tagel.
29:07Sir, good morning. Sir, dito lang po tayo. Lime po tayo sa balitang halik.
29:11As we speak now, sir, ano na ho ang ginagawa ho natin sa operation?
29:15Kasi we understand kanina, nagmano-mano po kayo hanggang ngayon po ba?
29:19Mano-mano pa rin po ba yan? Or gumamit na po kayo ng mga heavy equipment?
29:23Yes, sir.
29:23Yung operations po natin is search and search rescue retrieval.
29:29So, umaasa pa rin po tayo na may buhay po tayong makukuha po dito.
29:34Kagabi po, gumamit po kami ng yung mga jackhammer breaker.
29:41Just so to, kasi yung isang bahay na dali dito is concrete.
29:47That's why we have to go through yung slab.
29:49Doon lang po ko gumamit ng yung concrete saw.
29:53But for now, nung nakita mo naman na wala, kasi gumamit din po kami ng yung life detector.
30:03Tapos yung snake eye just to look into.
30:07Pero sa possibility na buhay.
30:12Unfortunately, walang nag-register.
30:14But still, sabi ko nga, we are hoping na mayroon pang buhay.
30:17That's why, ngayon po, ang ginagamit po natin is yung water pressure muna.
30:23Just so to, well, prevent extra force that will be, mag-impact po dito.
30:31Which will add to further collapse ng lupa.
30:36Si D, bukod sa butinga ngayon, medyo tumilan ng konkoni.
30:39Alam mo, ngayon lang tayo nakaranas actually ng medyo walang patak na malakasan.
30:43Sir, bukod po dito sa ulan, ano po ang challenge sa mga rescuers dito po sa inyong ginagawang operation?
30:50Yung tarik, nakikita nyo mo, masyadong matarik po.
30:53So very stiff po yung location.
30:55That's why we have to be careful.
30:57Baka mamaya yung mga rescuers magiging biktima rin.
31:00That's why yung napapansin nyo, binabantay rin po natin yung mga rescuers.
31:04Just in case may mga pending na danger.
31:09So sa ngayon, we're still looking for 6 or more or 6 na lang po talaga?
31:14Yes sir.
31:15So all in all, ang hinahanap po natin, 13 missing.
31:20So from the 13, 7 po yung na-extract po natin.
31:24Then hinahanap po pa natin yung 6 po.
31:28Si D, the possibility of using the heavy equipment to make at least the operation faster?
31:35Yes ma'am, ituloy yung mga portable na heavy machines.
31:40Why?
31:40It is because, tignan nyo po, hindi po accessible itong lugar na ito.
31:46Kaya yung portable, yes sir.
31:48Alright.
31:49Si D, ito obviously this is a land side phone area.
31:52Hindi tayo expert pero nakita natin nasa bundok.
31:55We'd like to ask, hindi ba ito nasabihan na lumikas kasi tuloy-tuloy ang ulan?
31:59Ayan naman naman po yung ginagawa po natin, pinagsasabihan.
32:03Hindi lang kapag may typhoon, habagat or any weather disturbances that ang consequence natin is heavy rainfall.
32:12Nasasabihan po sila.
32:13Actually, 100 meters from here is the evacuation area already.
32:17Alright, sige.
32:18Thank you, see the update on you later.
32:19Connie, yan na po muna ang latest.
32:21Latest, ito sa patuloy pa rin ginagawa na search and rescue operation dito nga sa pinangyarihan ng landslide.
32:26Balik sa inyo.
32:27Maraming salamat, Marisol Abduraman.
32:31Taglay pa nga rin sa naging epekto ng habagat at mga nagdaang-habagyong Luis at Maymay.
32:35Makakausap natin si Office of Civil Defense Spokesperson, Junie Castillo.
32:39Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
32:42Magandang umaga, Rafi. Magandang umaga sa ating mga pagkapanood.
32:45Ayun po. Ano po ang latest count sa mga namatay, sugatan at nawawala dahil po sa masamang panahon?
32:50As of 11 a.m. Rafi, merong labing dalawa na nasawi.
32:56Ito ay for validation ng ating management of the dead and missing cluster.
33:01Ito po ay nanggagaling sa region po, Cordillera Administrative Region at gano'n din sa Calabar Zone.
33:08And then meron din pong walok na missing.
33:11Ito naman po ay galing sa Carpa din, sa Ilocos at saka sa Batangas.
33:15At meron pong labing isa na injured po ang mga nasugatan dahil dito sa mga panahon.
33:20Anong lugar po yung pinaka-apektado ngayon?
33:23Kung kinitingnan natin, Rafi, base dun sa mga unang ulat, ito yung Region 3, Region 1.
33:31May mga pinakataas na mga apektado ang mga kababayan natin.
33:35Kagawang meron din mga apektado sa Mimaropa at sa Calabar Zone at yung sa Carp.
33:40Kumusta pa yung response ng ating mga emergency personnel?
33:43Sunod-sunod eh, itong mga bagyo at itong habagat tuloy-tuloy pa rin.
33:48Pagdating sa response operations, Rafi, dahil naka-preposition at naka-standby naman yung ating mga response agencies.
33:56Kabilang dyan, yung mga sa search rescue and retrieval, gano'n din yung sa debris clearing.
34:01Kami sa OCD, naka-standby din yung mga logistics for logistics.
34:05Itong mga air assets ng AFP, ng BFP at Navy.
34:09Gano'n din syempre yung sa DSWD at saka sa mga emergency telecommunications din natin.
34:16And then for the food and non-food items.
34:18So, naka-standby po ito, Rafi, sa kung ano man ang pangangailangan ng ating mga lokal na pamahalaan.
34:22So, wala naman pong lugar na hindi pa maabot ngayon.
34:25Ang OCD lahat po, nakamonitor na lang kung ano yung pwede pang mangyari in the next few hours.
34:30Tama, Rafi.
34:31Yung mga hindi naabot na pinalita kahapon,
34:34nagkaroon na ito ng mga alternatibong ruta.
34:36Kaya narating po ito ng ating mga response agencies.
34:39Baka po may paalala kayo sa mga kababayan natin kung sakaling mangailangan po ng pag-rescue sa kanilang mga lugar.
34:46Pagdating sa rescue, Rafi, ito pa rin yung tatawagan numero, yung Unified 911.
34:52And then, rest assured naman po na itong ating mga kababayan,
34:55through our local government units,
34:58ay mag-responde po, nakaantabay din po yung mga response clusters
35:02ng national government agencies sa kung ano man ang mga pangangailangan po nila.
35:07Mag-ingat po ang ating mga kababayan dahil nga tuloy-tuloy pa po yung mga pag-ulan
35:11sa iba't ibang lugar sa ating bansa.
35:14Makinig po tayo sa mga abiso po ng mga lokal na otoridad natin.
35:18Okay. Maraming salamat po sa oras na ibinahagi nyo sa Balitang Hali.
35:21Maraming salamat.
35:23Yan po si Office of Civil Defense Spokesperson Junie Castillo.
35:28Substandard ang gumuhong pader sa bahagi ng EDSA Ayala Northbound dito pong Sabado ng gabi.
35:33Batay po yan sa inspeksyon ng Department of Public Works and Highways.
35:38Ito yung materialis na ginamit.
35:41Ito.
35:42Ito, hindi ito simento ah.
35:45Ito, drywall lang ito.
35:48Okay, so parang ang nangyari dito, kung sino man ang gumawa nito,
35:53pinapagabas nila na simento, pero hindi naman para simento.
35:58Walang nasaktan na gumuho ang pader nitong Sabado ng gabi,
36:01pero maraming motorista ang naperwisyo dahil nagkalat ang debris sa ilang lane ng EDSA.
36:07Sa ngayon, natanggal na ang mga tipak ng bumagsak na pader
36:10at maluwag na po ang daanan ng mga motorista sa EDSA Ayala Northbound.
36:15Sabi ni DPWH Secretary Vince Dizon,
36:18ipapatawag nila ang contractor ng proyekto at ang Makati City Engineering Office
36:23para matukoy ang sanhi ng pagbuho.
36:26Dismayado rin si Dizon nang inspeksyonin ang mga lubak sa bahagi ng bagong gawang EDSA busway.
36:32Parte po ito ng Phase 1 ng EDSA Rehabilitation.
36:36Ayon kay Dizon, napinsala ang bagong aspalto dahil sa naipong tubig dulot ng pagulan.
36:42Batay sa napag-usapan ng DPWH at ng Department of Transportation,
36:46lalagyan ng gaps ang concrete barriers para may daluyan ng tubig at hindi na ito maipon sa busway.
36:53Papaayos daw ng DPWH sa contractor ang mga lubak sa EDSA busway kapag bumuti na ang panahon.
37:01At ba nangyari nito eh? Kabago-bago.
37:06Pero dapat na-anticipate natin ito eh.
37:08Ongoing naman yung project. So rato, correction ng kontratista ito.
37:13Kahit na nagawa na na yan, uugitin na yan.
37:15War on choice yan. At no cost sa gobyerno yan.
37:24Kuha yan sa kasagsagan ng malakas na ulan sa barangay Marula sa Kawit-Kabitin itong Sabado.
37:29Buwis-buhay ang paglipta sa isang batang lalaki para maitawid sa baha.
37:33Kwento ng uploader, lagpastao ang baha.
37:36Sa sobrang lakas ng agos ng bahay, hindi kayang tawirin ang baha kahit may lubid.
37:41Naka-evacuate na ang uploader ng umabot sa lagpastawang baha sa kanilang bahay.
37:49Update po tayo sa lagay ng panahon.
37:51Kausapin po natin si Pag-asa Assistant Weather Services Chief Chris Perez.
37:55Magandang umaga at welcome po sa Balitang Halip.
37:58Magandang umaga, Connie, at sa lahat po ng ating mga taga-subaybay.
38:01Saan sa mga lugar na posibleng magpatuloy pa yung mga pagulan na dulot po ng habagat?
38:06Sa ngayon po, mayroon tayong nakataas na sa ating latest weather advisory kanyang alas 11.
38:12May inaasahan tayong 100 to 200 mm of rain sa lalawigan ng Benguet, Sambales, Bataan, at Occidental Mindoro.
38:19Samantala, 50 to 100 mm of rain naman sa Ilocosnote, Abra, Ilocosur, Laonion, Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Rizal,
38:30Metro Manila, Cavite, Batangas, at Oriental Mindoro.
38:34So ito pong mga lugar na binanggit natin, uulanin, from 50 to 200 mm of rain, nandyan pa rin yung
38:41banta ng mga pagbaha, lalo-lalo na sa low-lying areas,
38:44pagtas ng mga level ng tubig sa ilog, at pag-uunang lupa sa mga areas na malapit po sa pahanan
38:49ng bundok.
38:50Maginang alerta po yung mga kababayan natin.
38:52Makakaasa na ba tayo bukas ng mas magandahong panahon o kaya sa mga susunod na araw, particular na dito sa
38:58Metro Manila?
38:59Dito sa Metro Manila, saan po natin, magkakaroon ng gradual improvement simula bukas hanggang possibly by Wednesday,
39:06pero dito nga sa mga lalawigan sa kanlurang bahagi ng northern and central zone, particular na sa Laonion, Benguet, Pangatinan,
39:13Sambalis, Bataan,
39:14at maging dito sa may bandang Occidental Mindoro, asahan pa rin po na may posibleng occasional rains pa rin po
39:20bukas, bundod ng habagat.
39:21Pero may sinasabi rin ho na hanggang Friday pa sa ibang mga lugar, ito ho ba dun sa mga nabanggit
39:27ninyong area yung magpapatuloy, particular na dun sa mga probinsya po?
39:31Well, possible po yan, kasi ang nakikita natin ay yung habagat episode na sa kasalukoy na naranasan natin ay posibleng
39:38mag-extend hanggang sa paparating na weekend.
39:41At kapag ganitong sinabi nating habagat, malaki ang tiyansa na yung mga lugar na nasa kanlurang bahagi ng bansa natin,
39:49ng Luzon,
39:50yun pa rin po yung posibleng ulanin sa mga susunod na araw. Kaya patuloy po tayo magbibiging update sa ating
39:55mga kababayan.
39:56At gaano ho kataas naman yung tiyansang papasok naman sa Philippine Area of Responsibility, yung bagyong may international name na
40:03Pailu?
40:06Well, sa ngayon po, malitan chance ang pumasok ng ating PR, itong tropical storm na may international name na Pailu.
40:13Inasahan po ito kikilos pa si Langan, palayo pa ng ating area of responsibility.
40:18Ganun pa man, continuous monitoring din po tayo sa nabanggit na sama ng panahon.
40:21So si Pailu po naman ay may connection din sa habagat natin, hinahatak din po ba niya ito?
40:27Yung current habagat po natin ay ito pa rin pong nagdaangbag yung si Maymay na nasa labas na nga ng
40:33ating PR.
40:34Ang saka sa lukoy yung nag-influwensya.
40:36Pero sa mga susunod na araw, we're not ruling out the possibility na posibleng na yung mabuong panibagong low pressure
40:42at possibly pwedeng mag-isang bagyo, either inside the park or outside the park,
40:49na magpapaybayo ulit ng habagat hanggang sa darating na weekend nga po.
40:53Maraming salamat po sa inyong update sa amin.
40:56Maraming salamat din po at magandang araw.
40:58Yan po naman si Pag-asa Assistant Weather Services Chief, Chris Perez.
41:04Aabot baywang na baha ang namerwisyo sa mga residente ng ilang subdivision sa Antipolo Rizal.
41:10Kasunod ng hagupit ng habagat.
41:12May ulit on the spot si Emil Sumangil.
41:15Emil?
41:18Connie, mag-aalas 10 ng umaga kanina nang dumating ang team ng GMA News dito sa area ng Marcos Highway
41:25at sa kahit pa pano ay inisa-isa na natin yung mga subdivision na nakatirik dito sa kaabaan ng kalsadang
41:32aking nabanggit.
41:32At gaya nga ng inaasahan, lubog sa baka dahil nga sa walang patid na pagulan ito mga nakalipas na araw,
41:38yung mga subdivision at yung kinatitirikan, yung kinatatayuan ng ating live point ngayon,
41:43ito ang Kingsville subdivision.
41:45Nasa bungad pa lang kami ng subdivision pero makikita mo na sa aking likuran at sa aking kinatatayuan ang sitwasyon.
41:51Narito ang aking report.
41:56Pagkagat ng dilim kagabi, sinasabing tumaas ang baha rito sa mga subdivision na nasa kabaan ng Marcos Highway.
42:05Isa sa mga lumubog, ang Kingsville.
42:08Sa labas pa lamang, may tubig na sa daraanan pero lalong masalimut ang sitwasyon sa loob mismo ng subdivision.
42:17Gabewang ang antas ng tubig sa looban.
42:20Ilan sa mga bakay na aming nadaraanan, wala ng mga tao.
42:25Kung hindi raw nag-staycation muna sa mga hotel, nilisan muna ang lubog sa baha na residential area na ito.
42:33Bagamat kaninang umaga mga kapuso, nagsimula na raw humupa ang baha.
42:38Apektado pa rin ng lubusan ang mga residenteng aming nakausap.
42:42Para may makain, kailangan nilang maglakad palabas at sumuong sa baha para bumili ng supply.
42:47Ang mga sasakyan sa labas ng subdivision naman ipinarada.
42:53Narito po, mga kapuso, ang sitwasyon naman.
42:57Ganap na alas 11.55 ng tanghali.
43:01Connie, sumisilip ang haring araw pero ang antas ng tubig, bagamat binabanggit ko nga kanina,
43:06bunga ba na, ganoon pa rin mula dito sa labas at sa loob ng subdivision.
43:12Kinakausap natin yung mga residenteng ating nakaparayam kanina,
43:16ang kanilang naisanang may panawagan, masipsip yung kanilang mga drainage system dito
43:21para tuluyan ng matuyo ang mga kalasada mula sa tubig at bumalik na sa normal ang kanilang buhay.
43:27Tingnan mo lamang Connie, dito lamang sa aking kanan,
43:29hindi makapenetrate yung mga sasakyan ng ating mga kapuso, mga kababayang namili ng supply.
43:35At hindi nila basta-basta maipasok doon sa mismong kalob looban dahil pagpasok doon,
43:41gaya nga ng ang binabanggit ko sa inyo, gabewang ang antas ng tubig pagdating doon sa loob.
43:48So ang kainta at ang antipolo LGU, nakikipag-ugnayan tayo at nakikipag-coordinate
43:52para maalaman naman yung kanilang mga magiging aksyon sa mga susunod na parakon
43:56at sila rin may nakaalala at nakamonitor sa ginaing ng ating mga kababayan.
44:00Yan ang latest, Connie, mula dito sa Kingsville subdivision.
44:04Ito'y nasa kaba ng Marcos Highway. Connie?
44:05Yes, Emil. Matanong lang natin, baka may mga nakausap ka dyan ng mga residente ng Kingsville
44:10kasi parati-rati na lamang din ang nangyayari yan sa kanilang lugar.
44:13Kung anong observation ba nila? Mas mabilis ba ngayong mga panahon na ito na humupa
44:18dahil may mga ginawa na daw dyan na mga mitigating mga activities para sa baha
44:24o pareho pa rin?
44:30Iisa, yung kanilang tugon, Connie, sa ating mga tanong ukol sa kung papaano ba
44:36ang kanilang observation dito sa mga walang tigil na patid na pag-ulan ito manakalipas na araw.
44:42Ganoon pa rin. Mataas, tumaas ang baka.
44:44Pero yung paghupa, ang kanilang observation ngayon, bagaman medyo mabilis kumpara noon,
44:49eh, hindi pa rin basta-basta kaagad bababa para saan naman umbalik na yung kanilang routine sa araw-araw.
44:56Ang kanilang iniisip dito, ang kanilang sentimiento, pati yung kanilang panawagan,
45:00baka yung drainage pa rin ang may problema at yung volume nga ng tubig na ibinabagsak dito sa mga residential
45:07area na ito
45:07na mula naman sa mga higher parts ng Rizal Province.
45:11Connie?
45:11Marami salamat, Emil Sumangil.
45:15Kamustayan po natin ang sitwasyon ngayon sa Marikina.
45:18Na may ulat on the spot si Maki Pulido.
45:21Maki?
45:24Alam mo, Rafi, eh, malakas ang Agos ngayon ng Marikina River at mukhang tumataas ang level nito.
45:31Katunayan, bandang alas 11 ng umaga, ay nakikita pa natin yung mga numerong 16 o 16 meters
45:38dito sa warning post ng Marikina River.
45:42Pero sa ngayon ay halos matakpan na ito.
45:44So katunayan, dito sa kinatatayuan natin, bago mag alas 11 ng umaga, ay hindi pa ito pinapasok ng tubig mula
45:51sa Marikina River.
45:52Pero sa ngayon, kailangan na nating magbota dahil pati ito ay inapawan na ng tubig mula sa Marikina River.
45:59Dito sa aking bandang kanan, eh, mukha na nga ang bahagi ito ng Marikina River.
46:04Pero kanina pa, ganyan yung sitwasyon yan, na umapaw na yung Marikina River dun sa promenad ng ilog.
46:12Dito nga namamasyal yung mga taga Marikina, kung sila ay nagpupunta dito sa gilid ng ilog.
46:19Ganun pa man, as of 8.30 ng umaga, according to the office of the mayor, ay walang naiulat na
46:26significant flooding sa syudad
46:28at possible din lahat ng major road. Nakaranas kahapon ang pagbaha sa ilang bahagi ng Barangay Malanday at Barangay Tumana
46:36na gutter deep hanggang knee deep na pagbaha dahil ayon sa office of the mayor ay nasira yung pumping station
46:43ng DPWH.
46:44Dahil nasira yung pumping station, umapaw yung creek sa pagitan ng Barangay Malanday at Barangay Tumana.
46:51Pero nang i-deploy yung MMDA mobile pump, unti-unting bumaba yung level ng creek
46:57dahil nahigot na yung tubig mula sa creek patungong Marikina River.
47:01Sa kabuuan ay nasa mahigit 2,000 na mga taga Marikina ang nasa evacuation center.
47:08Pero ilan sa mga nakausap namin mula sa Barangay Malanday,
47:12nung bumisita kami sa evacuation center sa Malanday Elementary School,
47:17ay ilan sa kanila umuwi na dahil wala naman na raw baha sa kanilang lugar.
47:23Rafi?
47:23Maraming salamat, Maki Pulido.
47:27Tumambad ang sandamakmak na basura sa G. Araneta Avenue sa Quezon City matapos bumaba ang baha roon.
47:34Sarisang basura ang bumara sa mga drainage gaya ng plastic at styrofoam,
47:39pati na rin po may tela, kahoy at mga lata ng pintura.
47:43Kanina pong pasado alasais ng umaga,
47:46inagtutulungan na po itong linisin ng mga taga Quezon City Government at mga nangangalakal ng basura.
47:54Mga Kapuso, patuloy ang paghahatid po ng GMA Kapuso Foundation ng tulong sa mga lugar na apektado ng masamang panahon.
48:01Nakapag-Operation Bayanihan ang GMA Kapuso Foundation sa San Mateo, Rizal at Kawit, Cavite.
48:07Bukas naman ay magsasagawa po ng Operation Bayanihan sa Montalban, Rizal at iba pang mga lugar.
48:13Sa mga nais pong tumulong, maaari ho kayo mag-donate sa GMA Kapuso Foundation Bank Accounts.
48:21O kaya naman sa Cebuana, Luwilier.
48:28Pwede nyo rin po ipadala ang inyong donation via QR code sa GCash.
48:33O kaya sa PalawanPay.
48:39Pwede rin po kayo mag-donate online sa G Bayanihan.
48:44Globe Rewards
48:48Metro Bank Credit Card
48:51Lazada
48:54At Shopee
48:59Yan ang may init na balita ngayong tanghali. Ako po si Connie Sison.
49:03Rafi Tima po.
49:04Saman nyo rin po ako, Obri Karampe.
49:06Ito po ang GMA News. Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
49:09Noon at ngayon, serbisyong totoo.
49:14Pwede kala infan.
49:17Peon po.
49:20Pwede kala infanol.
49:23Pwede kala infanol.
49:24Pwede kala ep.
Comments

Recommended