- 50 minutes ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong July 24, 2026
-PAGASA: Wind signal #2, itinaas sa ilang bahagi ng extreme northern Luzon
-Ilang bahagi ng Metro Manila, binaha dahil sa malakas na ulan kagabi at kaninang madaling-araw
-Kabi-kabilang pagbaha at pagguho ng lupa, naitala sa Sarangani dahil sa malakas na ulan
-Ilang klase, suspendido dahil sa masamang panahon
-Barko ng BFAR na papuntang Bajo de Masinloc, binuntutan at binomba ng tubig ng China Coast Guard
-2 lalaki, arestado matapos nakawin ang kargang mga bakal ng isang truck sa Felix Ave.
-Delivery rider na nagbebenta umano ng ilegal na droga, arestado; sinusubukan pang kunan ng pahayag
-10-anyos na lalaki, sugatan matapos mabundol ng SUV; tumakas na driver, tinutugis
-Lalaki, patay sa pamamaril; gunman at motibo, tinutukoy pa
-Mga bangka, inilagay sa mas mataas na lugar para hindi masira ng bagyo
-DSWD, naka-blue alert bilang paghahanda sa Bagyong Kiyapo
-Malacañang: Si PBBM mismo ang nagsusulat ng kanyang ikalimang State of the Nation Address
-Senate Pres. Gatchalian sa hiling ng OVP na sagutin ng Senado ang pagkain ng defense team ni VP Duterte: "We cannot afford it"
-Sen. Rodante Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandiganbayan kung bakit hindi siya dapat ma-suspend bilang senador
-James Graham, ikinuwento ang kanyang coming out story
-Pusa, patay matapos barilin gamit umano ang airsoft gun
-8-anyos na estudyante, patay matapos hampasin umano ng notebook ng kaklase
-Barangay Kagawad, sugatan matapos barilin sa Brgy. Olympia
-A.I. hub ng Amerika, sinisimulan nang itayo sa New Clark City
-Trabahador, patay nang mabagsakan ng mga granite slab
-Sunwest Inc. at 2 opisyal nito, sinampahan ng BIR ng P22.71B tax evasion case sa DOJ
-U.S Sec. of State Marco Rubio, sinabing namagitan ang isang U.S. Coast Guard vessel sa tensyon ng Pilipinas at China sa West Ph Sea noong July 20
-INTERVIEW: SEC. FRANCIS TOLENTINO, DOLE
-Janet Napoles, hinatulang guilty sa mga kasong graft at malversation of public funds kaugnay sa P50M ghost projects at deliveries
-Inter-religious groups, magsasagawa ng "SONA ng Sambayanan" sa Lunes
-INTERVIEW: CHRIS PEREZ, ASSISTANT WEATHER SERVICES CHIEF, PAGASA
-Top 9 Teen clashers ng "The Clash Teens," ready na sa biritan sa "Round 3: Collabosesan"
-Giant Swing sa tuktok ng bundok, tampok sa isang resort sa Switzerland
CBB
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
-PAGASA: Wind signal #2, itinaas sa ilang bahagi ng extreme northern Luzon
-Ilang bahagi ng Metro Manila, binaha dahil sa malakas na ulan kagabi at kaninang madaling-araw
-Kabi-kabilang pagbaha at pagguho ng lupa, naitala sa Sarangani dahil sa malakas na ulan
-Ilang klase, suspendido dahil sa masamang panahon
-Barko ng BFAR na papuntang Bajo de Masinloc, binuntutan at binomba ng tubig ng China Coast Guard
-2 lalaki, arestado matapos nakawin ang kargang mga bakal ng isang truck sa Felix Ave.
-Delivery rider na nagbebenta umano ng ilegal na droga, arestado; sinusubukan pang kunan ng pahayag
-10-anyos na lalaki, sugatan matapos mabundol ng SUV; tumakas na driver, tinutugis
-Lalaki, patay sa pamamaril; gunman at motibo, tinutukoy pa
-Mga bangka, inilagay sa mas mataas na lugar para hindi masira ng bagyo
-DSWD, naka-blue alert bilang paghahanda sa Bagyong Kiyapo
-Malacañang: Si PBBM mismo ang nagsusulat ng kanyang ikalimang State of the Nation Address
-Senate Pres. Gatchalian sa hiling ng OVP na sagutin ng Senado ang pagkain ng defense team ni VP Duterte: "We cannot afford it"
-Sen. Rodante Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandiganbayan kung bakit hindi siya dapat ma-suspend bilang senador
-James Graham, ikinuwento ang kanyang coming out story
-Pusa, patay matapos barilin gamit umano ang airsoft gun
-8-anyos na estudyante, patay matapos hampasin umano ng notebook ng kaklase
-Barangay Kagawad, sugatan matapos barilin sa Brgy. Olympia
-A.I. hub ng Amerika, sinisimulan nang itayo sa New Clark City
-Trabahador, patay nang mabagsakan ng mga granite slab
-Sunwest Inc. at 2 opisyal nito, sinampahan ng BIR ng P22.71B tax evasion case sa DOJ
-U.S Sec. of State Marco Rubio, sinabing namagitan ang isang U.S. Coast Guard vessel sa tensyon ng Pilipinas at China sa West Ph Sea noong July 20
-INTERVIEW: SEC. FRANCIS TOLENTINO, DOLE
-Janet Napoles, hinatulang guilty sa mga kasong graft at malversation of public funds kaugnay sa P50M ghost projects at deliveries
-Inter-religious groups, magsasagawa ng "SONA ng Sambayanan" sa Lunes
-INTERVIEW: CHRIS PEREZ, ASSISTANT WEATHER SERVICES CHIEF, PAGASA
-Top 9 Teen clashers ng "The Clash Teens," ready na sa biritan sa "Round 3: Collabosesan"
-Giant Swing sa tuktok ng bundok, tampok sa isang resort sa Switzerland
CBB
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Category
🗞
NewsTranscript
00:09Good morning!
00:10It's time for a hot weather.
00:14It's time for a hot weather.
00:16It's time for a hot weather.
00:29Itinas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 dahil sa banta ng Tropical Storm, Quiapoc.
00:34Efektibo yan sa Batanes, northern portion ng mainland Cagayan, kasama ang Babuyan Islands at Pagudput, Ilocos Norte ayon sa pag
00:41-asa.
00:42Signal No. 1 naman sa nalalabing bahagi ng mainland Cagayan, Buong Isabela, Nueva Biscaya, Quirino, Apayaw, Abra, Kalinga, Mountain Province,
00:53Ifugao, Dengget,
00:54Natitirang bahagi ng Ilocos Norte, Buong Ilocos Sur, La Union at northern and central portions ng Aurora.
01:01Base sa forecast track na pag-asa, posibleng dumaan ng bagyo malapit sa northeastern portion ng mainland Cagayan ngayong umaga
01:08o mamayang hapon.
01:10Posibleng ito mag-landfall o dumaan din malapit sa Babuyan Islands mamayang hapon o gabi.
01:15Umaga bukas, inaasang nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Quiapo.
01:21Habang dumara ng bagyo sa extreme northern luzon, ay posibleng lumakas pa ito bilang severe tropical storm.
01:28Namata ng pag-asa ang Bagyong Quiapo 200 km silangan ng Apari, Cagayan, kaninang alas 8.
01:34Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 75 km per hour at mabilis na kumikilos 30 km per
01:41hour.
01:42Pinalalakas na ng Bagyong Quiapo ang hanging habagat kaya nagpapaulan na ito sa Mindanao at ilang bahagi ng Southern Luzon
01:48at Pisayas kasama na ang Metro Manila.
01:52Tumutok po dito sa balitang hali para sa 11 a.m. bulletin ang pag-asa kaugnay sa Bagyong Quiapo.
02:00Dito sa Metro Manila, na perwisyo ng baha ang ilang motorista at commuter kasunod ng malakas na ulan kagabi at
02:06kaninang madaling araw.
02:08Balita natin ni Gabriel Gonzalez.
02:12Bumaha sa Espanya Boulevard sa Maynila tulot ng malakas sa pag-ulan pasado alas 9 kagabi.
02:18Kinailangang itulak ng ilang rider ang kanilang motorsiklo.
02:22Pilit namang tumuloy sa biyahe ang ilang sasakyan kahit umabot na sa kalahati ng gulong ang baas ng baha.
02:28Guttertip din ang baha sa Taft Avenue mula Kirino Avenue hanggang Calow Street.
02:33Sa kanto naman ng Taft Avenue at Pedro Hill Street, halos umabot hanggang tuhod ang baha sa ilang bahagi ng
02:39kalsada.
02:40Napilitang lumusong ang ilang residente habang nanatili naman sa Center Island ang iba.
02:45Nakadaan naman ang lahat ng uri ng mga sasakyan.
02:49Sa Muntinlupa, malakas din ang buhos ng ulan na may kasamang kidlat.
02:53Sumilong sa gasolinahan ng ilang motorista.
02:56Sa Kaloocan, bumaha sa ilang bahagi ng Rizal Avenue matapos bumuhos ang ulan kaninang alas 5 na madaling araw.
03:04Napilitang huminto sa biyahe ang ilang motorista.
03:07Ayon sa pag-asa, ang kalat-kalat na pagulan sa Metro Manila kagabi ay dahil sa Bagyong Quiapo.
03:13Nakita natin, medyo nagkaroon ng mga pagulan.
03:17Mga severe thunderstorms ito pero dala na rin ito noong Bagyong Quiapo habang papalapit siya.
03:23Kasi halos yung malawak ng mga kaulapan ay sumasakop na sa malaking bahagi ng luson.
03:28So kasama rin dito yung area ng Metro Manila.
03:38Inulan at binaharin ang ilang bahagi ng Mindanao.
03:46Gaya sa Kiamba, Sarangani, pumapaw ang sapa sa barangay Katubaw kaya bumaha sa ilang kalsada at bahay.
03:54Naperwisyo rin ang baha ang mga taga-barangay, Bantasan.
03:57Sa bayan ng Glan, isang bahay na malapit sa ilog ang tinangay ng Agos nito at nawasak.
04:03Gumuho ang isang bahagi ng kalsada sa barangay Kyogam.
04:07Sa malapatan, hindi madaanan ng sampumas na bridge matapos mawasak ang bahagi ng tulay dahil sa baha.
04:14Matinding baha rin ang naranasan sa ilang barangay sa bayan ng Maasing.
04:21Sarado naman ang Arakan Davao Road sa Cotabato dahil sa paghunang lupa dulot ng malakas na ulan.
04:28Ayon sa Department of Public Works and Highways Region 12,
04:31hindi muna pwedeng dumaan ang daanan ng kalsada habang isinasagawa ang clearing operations.
04:37Naperwisyo naman ang ilang motorista kasunod ng pagbahas sa Zamboanga City.
04:40Ayon sa pag-asa, ang ulan na nararanasan sa ilang bahagi ng Mindanao ay dahil sa hanging habagat na pinalalakas
04:47ng Bagyong Quiapo.
04:51Dahil nga sa masamang panahon dulot ng Bagyong Quiapo at habagat sa bansa,
04:55kansilado ang pasok ng lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa Sibuco, Zamboanga del Norte,
05:02Pigkawayan, Cotabato, at Hordan, Guimaras ngayon pong araw.
05:07Wala namang in-person classes ang public at private schools sa buong nalawigan ng Maguindanao del Norte.
05:13Ipatutupad naman muna ang alternative learning modality o modular distance learning sa Maguindanao del Sur,
05:19Sultan Kudarat, Pagudpu di Locos Norte, Bacuolod City, at General Trias, Cavite.
05:33Arestado ang dalawang lalaking nahulikam na pinagnanakawa ng isang truck sa Cainta Rizal.
05:38Sa video, kita ang dalawang suspect na nakasabit sa jeep at tila sinisilip ang karga ng isang truck sa Felix
05:44Avenue.
05:45Nang huminto ang mga sasakyan, bumaba ang isa sa kanila at umakyat sa truck.
05:50Doon niya iniabot sa kanyang kasamahan ang mga bakal na karga ng truck.
05:54Sabay silang tumakas.
05:55Sa follow-up operation, natunto ng mga suspect at naaresto habang nagsusugal.
06:01Nasa bat sa kanila ang perang ginagamit sa pagsusugal at dalawang kutsilyo.
06:05Aminado ang dalawa sa pagnanakaw at mga ginamit nila sa sugal ang pinagbentahan.
06:10Mahaharap ang mga suspect sa kaukulang reklamo.
06:17Isang delivery rider ang arestado sa drug by-bust operation sa Taguig.
06:21Ayon sa pulisya, posibleng isinasabay ng lalaki ang pagbibenta o muna ng iligal na droga sa kanyang pagdedeliver.
06:28Balitang hatid ni Jomar Apresto.
06:38Hindi na nakapalag sa mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit ng SPD ang isang delivery rider.
06:44Matapos siyang mahuli sa ikinasang drug by-bust operation sa bahagi ng C6 Road sa barangay Lower Bikutan, Taguig City
06:51nitong Merkules.
06:52Ayon sa pulisya, ang lalaki ang itinuro ng ilang nahuli nilang drug suspects na source umano ng droga.
06:59So itong suspect lumalabas sa aming investigation na isang sa mga source dyan sa Taguig.
07:07Pero ang items nila, ang siya po nila, within SPDY.
07:11Ibig sabihin kung saan sa nakakarating yung kanilang paninda.
07:14Mahigit dalawang linggo raw pinag-aralan ng pulisya ang kilos ng target
07:18bago napakagat sa 50,000 pesos na budal money.
07:21Sa kasagsagan ng operasyon, tinangkapa raw manlabad ng target.
07:26Pilipilit niyang kulin yung baril niya, pero siyempre, bago namin siya hulihin,
07:32pinag-aralan namin kung paano namin siya makakuha ng walang mangyayari, hindi maganda.
07:41Nakumpis ka ang nasa 150 gramo ng hinihinalang shabu
07:44na aabot sa mahigit 1,000,000 pesos ang halaga at isang caliber .45 na baril.
07:49Sabi ng pulisya, may posibilidad na isinasabay ng sospek ang pagtutulak ng iligal na droga
07:55sa kanyang trabaho bilang delivery rider.
07:58Kasi may mga transaction sa kanya yung bayad sa kanya i-deliver.
08:02Tingin namin talagang drugs ang kanya na hanag buhay.
08:05Isinailalim sa ballistic examination ang baril na narecover sa sospek
08:09para malaman kung nasangkot na ba ito sa insidente ng pamamaril.
08:12Nasa custodial facility ng taging city police ang sospek na sinusubukan pala may makuha na ng pahayag.
08:19Maharap siya sa reklamong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act
08:22at comprehensive law on firearms and ammunition.
08:25Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA News.
08:31Nag-uusap habang nakaupo ang dalawang batang yan sa gitna ng Maximum Patalinhog Junior Avenue
08:36sa Lapu-Lapu, Cebu, nang biglang dumating ang isang SUV.
08:40Nakaiwas ang isa sa mga bata.
08:42Nasa pool at tumilapo naman ang kanyang kaibigang 10 taong gulang.
08:47Dumeretso ng takbo palayo ang sasakyan.
08:49Ayon sa Lapu-Lapu City DRRMO,
08:52nasa maayos na lagay ang bata na dinala sa ospital,
08:54matapos lagnatin at magsukah.
08:57Nananawagan ng mga kaanak ng biktima sa nakabundol na driver
09:00na magpakita at akuin ang pagpapagamot sa bata.
09:04Humingi na rin ng tulong ang pulitsya sa LTO
09:06para matuntunang may-ari at driver ng sasakyan ng sangkot sa hit and run.
09:13Patay ang isang lalaki matapos barilin sa General Mariano Alvarez Cavite kagabi.
09:17Inaalam kung sino ang gunman at kung ano ang motibo sa krimen.
09:21Balita natin ni Gabriel Gonzalez Exclusive.
09:27Nakasubsob sa semento ng tatna ng mga otoridad ang isang lalaki
09:31sa barangay Francisco Reyes General Mariano Alvarez Cavite kagabi.
09:35Ang 34-anyos sa biktima na residente sa lugar,
09:39pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang gunman.
09:41Ayon sa saksi, matapos ang pamamaril, naglakad lang palayo ang salarin.
09:58Ayon naman sa kapitan ng barangay Francisco Reyes,
10:02agad siyang rumisponde kasama ang mga tanod matapos malaman ng insidente.
10:06Blanko pa sila sa motibo sa krimen.
10:09May nag-text sa akin na kabarangay yung mga nandito.
10:14May barilan daw.
10:15Nagkaimbestiga ng mga polisi.
10:17So wala akong ideya.
10:20Nakausap po rin naman yung pamilya.
10:22Hindi nahagip ng CCTV ang pamamaril.
10:25Nasa tatlong basyo ng bala ang narecover sa crime scene.
10:29Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang mga kaanak ng biktima.
10:32Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
10:38Nakaalerto ang mga lugar sa Hilagang Luzon para sa posibling epekto ng Bagyong Quiapo.
10:43Sa Dagupan, Pangasinan, idinaong nasa Pantalport ang mga bangka na pumapalawad sa Linggayon Gulf.
10:49Iniligay naman ang ilang manging isda sa mataas na lugar ang kanilang mga bangka.
10:53Naka-standby na rin ang mahigit 2,000 reservist ng Philippine Navy sa Northern Luzon kung kailanganin ng rescue operations.
10:59Ayon sa Office of Civil Defense, pinag-iingat at pinaghahanda nila ang mahigit 1,000 barangay sa Ilocos Region sa
11:06posibilidad ng pagbaha at landslide.
11:09Naka-position na rin ang mga rescue equipment at may available food packs na rin.
11:16Ramdam na rin ang pagulan dulot ng Bagyong Quiapo sa ilang lugar sa Batanes na nasa signal number 2.
11:24Naka-blue alert ang Department of Social Welfare and Development para sa posibling hagupit ng Bagyong Quiapo.
11:31Sa blue alert na pinagting ang paghahanda at mas maraming tauhan ang naka-alerto para sa bagyo.
11:37Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, mahigit 4,000,000 food packs ang nakahanda sa buong bansa.
11:44Meron ding non-food essentials na nakahanda sa disaster resource centers, warehouses at field offices ng DSWD.
11:51May nakahanda rin ang mahigit 2,000,000 pesos quick response fund bilang suporta sa mga maapektuhang lokal na pamahalaan.
12:07Lalo pang hirigpitan ng siguridad sa Batasang Pambansa para sa State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos sa
12:12Lunes, July 27.
12:14Ang iba pang paghahanda para sa Sona ng Pangulo sa Balitang Hatid ni Tina Pangaliban Perez.
12:23Tuloy ang pagpulido ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang ikalimang State of the Nation Address o Sona sa Lunes, July
12:3027.
12:31Siya mismo ang nagsusulat ng kanyang talumpati.
12:35Sa ngayon po ang Pangulo po ay malapit na matapos at nire-review ang kanyang speech.
12:40Should we expect earth-shaking announcements during the Sona of the President?
12:47Lagi naman po gano'n. So, antayan nilang po natin kung anong sasabi ng Pangulo.
12:52Sa ngayon, hindi pa masabi ng palasyo kung gaano kahaba ang magiging talumpati.
12:58Most probably sa Sunday po namin malalaman. Maraming matatake lang Pangulo dito.
13:02Mga priorities niya na maaaring maging topic.
13:06Sa batasang pambansa naman, sinilip ni House Speaker Faustino D. III ang session hall at mga daraana ng Pangulo.
13:14May hiwalay pang inspeksyon ang House Sergeant at Arms.
13:17All systems, yung ating security preparations is talagang very maigpit.
13:27Nagpapatupad dito ngayon ng lockout.
13:30Ibig sabihin, pili lang yung mga taong pwedeng pumasok sa loob nitong batasan complex.
13:35Kumbaga, yung mga essential personnel lamang ang papapasukin.
13:39Sa loob nitong batasan complex, yung mga tauhan ng Sergeant at Arms, pati na yung Presidential Security Command,
13:47ang bahala sa security.
13:49Habang sa labas nitong batasan complex, sa araw ng SONA,
13:52may mga ipakakalat na mga tauhan ng Philippine National Police, MMDA, pati na Armed Forces of the Philippines.
13:5922,000 polis ang ipakakalat sa buong Metro Manila, bukod pa sa 1,400 datauhan ng MMDA.
14:09Lalong mahigpit dahil sa sinabi ng National Bureau of Investigation o NBI na may nagpapatuloy at aktibong banta laban sa
14:18Pangulo.
14:18We always consider yung mga all possibilities na threat.
14:26Pinaghahandaan din ng Kamara ang iba pang emergencies gaya ng natural disasters.
14:32Kaya may mga helmet, flashlight, pito at bottled water na nakapuesto sa mesa ng mga kongresista sa session hall.
14:41Nag-hahandaan na rin ang Senado na gaya ng nakagawian ay darayo sa batasan para sa pagbubukas ng joint session
14:49ng Kongreso.
14:50Wala mo ng impeachment trial niyan na hindi inaasahan ni Senate President Sherwin Gatchalian na marinig sa SONA.
14:58Well, ang impeachment is purely the function of the Senate so hindi ko ina-expect na pag-uusapan ni Presidente
15:07yan sa kanyang SONA
15:08kasi constitutional responsibility yan ng Senado ngayon.
15:13How do we jumpstart our economy so that we get back to the front?
15:18Magpapatupad naman ang Quezon City ng citywide liquor ban mula 12.01am hanggang 6pm sa July 27 kaugnay ng SONA
15:28ng Pangulo.
15:29Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas.
15:32Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa Maynila.
15:36Tina Panginiban Perez, nagbabalita para sa GMA News.
15:46Hindi raw kakayanin ang pondo ng Senado ang hiling ni Vice President Sara Duterte
15:51na sagutin nito ang pagkain ng kanyang defense team sa impeachment trial.
15:57It's a basic issue of budget.
15:59Dahil nga hindi kaya ng budget dahil meron tayong ibang gastusin.
16:04We cannot afford it in short.
16:07Sabi ni Senate President Nguyen Gatchelian, hindi pa niya nasasagot ang request letter ng visa
16:11dahil wala pang pinal na desisyon kaugnay rito.
16:14Paliwanag niya, ginagamit ang ilang committee offices ng prosecution at defense team sa paglilipis.
16:19Dahil dito, kailangan daw nilang umupo-umupa ng espasyo sa Philippine International Convention Center
16:24para sa committee hearings lalot tatalakayin na ang national budget.
16:29July 7 nang ipadala ng Office of the Vice President ang liham kay Gatchelian.
16:33Nakasado ng hiling na bayaran ng Senado ang gasto sa pagkain ng defense team
16:37na iahanda ng accredited caterer ng OVP.
16:45Pinagpapaliwanag ng Sandigan Bayan 3rd Division si Sen. Rodante Marculeta
16:49kung bakit hindi siya dapat patawan ng preventive suspension bilang senador.
16:53Binigyan ng sampung araw si Marculeta para isumiti ang kanyang paliwanag
16:56alinsunod sa anti-plunder law at sa 2018 revised internal rules ng Sandigan Bayan.
17:02Wala pang pahayag ang kampo ni Marculeta kaugnay nito.
17:05Nag-ugat ang kasong plunder sa inamin ni Marculeta na pagtanggap ng 75 million pesos na donasyon
17:11habang kongresista pa siya bago ang campaign period noong eleksyon 2025.
17:16Naghahain siya ng not guilty plea nitong Merkules.
17:25Friday latest, Embracing, her new chapter si Sparkle artist James Graham.
17:33Kasunod yan ang pag-come out niya bilang miyembro ng LGBTQIA plus community.
17:38Kwento ni James, aksidente ang nangyari nang mag-viral ang isang lip sync video niya
17:43na para lang dapat sa kanyang close friends.
17:46Nakaramdam daw siya ng takot noong una, lalo na at isa-isa iyong sikreto sa publiko
17:51noong nasa Pilipinas pa siya.
17:53Sa kabila nito, masaya raw siya sa nangyari dahil na rin sa supportang natanggap niya.
17:58Nasa Amerika ngayon si James para mag-aral.
18:01Naghahanda na rin daw siya para sa kanyang transition.
18:05May ibinahagi rin si James na mensahe para sa mga dumaraan sa kaparehas na sitwasyon.
18:13You deserve a place in this world.
18:15You deserve to be seen.
18:17You deserve to be respected.
18:19You don't have to be afraid anymore.
18:21Because lots of people love you and will love you for who you are.
18:32Rinig ang putok ng baril sa CCTV footage na yan sa San Carlos, Pangasinan.
18:37Kita naman ang pagkaripas ng takbo ng isang pusa pagkatapos nito.
18:41Maya-maya, natumba ang pusa.
18:43Namatay ang pusa kalaunan ayon sa may-ari nito.
18:47Kwento niya, isang alaga pa niya ang nauna ng binaril noong July 8.
18:51Nagpapagaling paraw ang pusa niyang ito.
18:52Ayon sa maotoridad, posibleng airsoft gun ang ginamit sa pamamaril.
18:57Pinutukoy pa kung sino ang namaril sa mga pusa.
19:00Ayon sa Animal Kingdom Foundation, malinaw na paglabag sa Animal Welfare Act ang pamamaril sa mga pusa.
19:06Kinukondena nila ang insidente.
19:14Nasawi ang isang estudyanteng walong taong gulang matapos hampasin umano ng notebook ng kanyang kaklase sa Davao City.
19:21Ayon sa pulis siya noong viernes, July 17, nangyari ang insidente sa isang eskwelahan.
19:26Lumipas ang tatlong araw, siya ka dinala sa ospital ng bata.
19:29Dahil hindi pa rin daw nawawala ang panunakit ng kanyang katawan ng unang dalhin sa manghihilot.
19:35Pagkaraan ng ilang oras, humanaw ang bata.
19:38Brain failure at traumatic brain injury ang kanyang ikinamatay ayon sa pulisya.
19:43Dumulog ang ina ng biktima sa pulis station para i-report ang umunoy pambubuli sa kanyang anak.
19:48Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang pamunuan ng eskwelahan.
19:52Ayon naman sa Deped Region 11, naglunsad na ng imbistigasyon ng Deped Davao City Division.
20:01Ito na ang mabibilis na balita.
20:07Isang lalaki ang binaril sa barangay Olimpia sa Makate City kahapon ng umaga.
20:11Kinilala siyang abogado at kagawad sa katabing barangay.
20:15Ayon sa pulisya, papasok sa opisina ang biktima ng barilin na hindi pa natutukoy ng mga salari.
20:21Inaalam pa ang motibo sa krimen.
20:23Iniimbestigahan na ang insidente.
20:25Stable na ang kondisyon ng biktima na nananatili pa rin sa ICU matapos magtamo ng tama ng bala sa ilang
20:31bahagi ng ulo.
20:35Sa Makate City pa rin, nabulabog ang mga residente ng isang kondominium nang masunog ang isang kotse sa basement ng
20:41gusali.
20:42Dahil sa kapal ng usok, hindi agad nakababa ang ilang residente ng kondominium.
20:47Ayon sa City Social Welfare Department, ligtas ang lahat ng mga tao sa kondo.
20:51Matuloy pang inaalam ang sanhi ng pagkasunog ng kotse.
20:58Nababahala ang ilang environmental groups ay tinatayong Artificial Intelligence o AI Hub ng Amerika sa New Clark City sa Tarlac
21:04dahil sa epekto nito sa kalikasan at mga kalapit na residente at katutubo.
21:09Pagtitiyak ng Basis Conversion and Development Authority o BCDA na nangangasiwa sa proyekto,
21:15susunod sila sa environmental regulations.
21:18Balita ng atid ni Marie Zumali.
21:23Sa isang bahagi ng New Clark City,
21:26sinisimulan nang i-develop ng Amerika ang isang Artificial Intelligence o AI Hub sa ilalim ng Pax Silica Initiative.
21:33We have some really big plans to bring American business, jobs, investment, assistance, and so much more to the Filipino
21:42people.
21:42Kabilang din ito sa mga pinag-usapan ni Pangulong Bombong Marcos at U.S. Security of State Marco Rubio.
21:48Ang ideya, maglalagay rito ng mga AI processing o data centers na may mga supercomputer na totoong nag-iisip at
21:55naghahanap ng mga sagot
21:56sa mga tanong nyo sa AI o gumagawa ng mga AI photos at video.
22:01Hindi pa kasi yan kaya ng mga chip o utak ng ating mga cellphone kaya doon ipinapadala.
22:06Pero kailangan din ng mga chip o utak ng mga supercomputer ng AI data centers kaya tumaas lalo ang demand
22:13at presyo nito worldwide.
22:14Sa planong Pax Silica sa AI Hub na rin sa New Clark City gagawin ng mga chips na nangangailangan ng
22:20mga mineral.
22:21Nang ilan, pwedeng minahin na lang at iprosesa sa Pilipinas.
22:25Tatlong industriya agad ang lilikha ng trabaho dahil sa Pax Silica na magdaragdag ng kita sa ekonomiya at sa tax
22:31collection.
22:32Ang pinaka-importante dito, our critical minerals, tapos number two, our world-class workers, tapos number three, yung ating strategic
22:41location.
22:42Hindi na natin sila i-export ng unprocessed, mapaprocess natin sila rito. Yung value add ay nandito sa Pilipinas.
22:50Pagkakataon din ito para di mahuli ang Pilipinas sa mga bansang bahagi ng world ship market at maturuan tayo sa
22:56research and development.
22:58Gusto natin dito rin magtayo sila ng R&D. Bago pa lang magawa yung produkto ay pinag-aralan na dito.
23:04Merong susuportang local talent para magawa yan.
23:07Pero anong kapalit? Dahil supercomputers nga ang ginagamit ng AI, takaw kuryente ang mga ito.
23:14Ang tanong sa isang AI chat app halimbawa, sampung beses na mas power hungry kasa sa tanong sa search engine.
23:21Mas matindi ang AI photos at videos.
23:23Pero giit ng Department of Trade and Industry o DTI, may hiwalay na pagkukuna ng kuryente ang AI hub.
23:29These are additional pagdating sa mga power. Hindi ito yung mga kukuha dun sa ating existing power na mga power
23:38capacity.
23:39Gayon man pangamba ng mga kabayan block, maaaring itulak nito ang singil sa kuryente sa Pilipinas sa pinakamahal sa buong
23:46Asia.
23:47Takaw tubig din ang AI hub. Kung ang cellphone kasi nagiinit pag sobrang ginagamit, lalo ang AI centers.
23:54Kaya may cooling system ito na sa ilang malalaking center ay gumagamit ng hanggang 5 milyong galon ng tubig kada
23:59araw.
24:00Kailangan kasing malinis lagi ang tubig nito para walang duming bumara.
24:03Kaya nangangambang ilang environmental group.
24:06Hindi natin kailangan ng verbal assurance. Ang kailangan natin, scientific data. Saan kukunin yung water supply.
24:14Ayon sa Basis Conversion and Development Authority o BCDA na mga ngasiwa sa proyekto, hindi sila aagaw sa groundwater ng
24:22komunidad kundi gagamit ng tubig ulan.
24:24Magkakaroon tayo ng impounding technology o impounding dam area. So upunoyin natin ang mga yan para yan ang magamit.
24:32Kung may surplus kami, pwede pa namin i-share ito sa mga community around.
24:38Pero paano kung tagtuyot?
24:40Sabi ng palasyo tiniyak ng National Water Resources Board na may sapat na water source sa lugar at prioridad ang
24:46mga residente.
24:47Sinagot din ang BCDA ang pangambang may mga maaagawan ng lupa.
24:51Around 20,000 ITAS ang madidisplace dito sa pagpasok ng paksilika.
24:57At syempre, hindi lang mga ITA kundi mga magsasaka.
25:01Hindi po totoo ito. Ang proyekto pong ito, una-una ay nakatitulo na sa BCDA. So it's a public land.
25:10Wala pong ancestral domain title doon.
25:13Kaugnay naman ng mga agricultural land na maapektuhan, may mga nakahandang livelihood program at modern urban farming.
25:19Alam pong sampo dito ang maapektuhan ng farmers pero more than 200 naman po ang ma-degenerate na employment.
25:27Dagdag epekto sa kalikasan ng posibleng ingay ng mga cooling systems, generators at mga industrial fan.
25:33Makari talagang ma-epektohan halimbawa yung mga ibon. It's very disturbing. Meron pa siyang i-e-emit na noise pollution.
25:42Lahat po ng mga projects namin kumukuha ng ECC. We will comply with the for sustainability in the compliant kami
25:48sa environmental regulations.
25:51Giit pa ng DTI, bagaman may mga data center, mga pabrika ng computer chips ang talagang fokus.
25:58Hindi ito tungkol sa pagtatayo ng data center dito sa Pilipinas. Ito ay pag-manufacture ng mga components.
26:06Ibang issue pa kung babaratin ba ang Pilipinas sa makukuhang mineral, gayon din sa bayad sa paggamit ng lupa.
26:12Halimbawa, dalawang taong rent-free ang AI Hub. Pero ayon sa DTI, karaniwan ito sa malalaking land project dahil wala
26:20pa namang kita sa unang mga taon ng pagpapatayo.
26:22At kung gusto raw malaman talaga kung logi ang Pilipinas sa kasunduan, nakapost sa website ng Board of Investments,
26:29ang madokumentong kaugnay ng framework. Bagaman inaayos pa ng BCDA ang panghuling lease agreement.
26:36Mariz Umali, nagbabalita para sa GMA News.
26:41Nahulog mula sa flatbed truck ang dalawa sa mga lalaki nagde-deliver ng mga granite slabs sa Liloan, Cebu.
26:47Ang isa sa kanila na daganan ng granite slabs.
26:50Agad siyang sinakluluhan at isinugod sa isang ospital sa Mandawi City pero idiniklarang dead on arrival.
26:57Nakaburo ng lalaki sa kanyang bahay sa bayan ng Argao.
27:01Dalawang batang anak ang kanyang naulila.
27:03Ayon sa asawa ng lalaki, nakitulog na ina sa kanila ang kumpanyang pinagtatrabawuhan ng kanyang mister.
27:20Sinampahan ng reklamong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice
27:24ang Sunwest Incorporated at dalawang opisyal nito.
27:2822.71 billion pesos ang halaga ng buwis ang hindi umano na i-file at nabayaran ng tama
27:33dahil sa mga maling deklarasyon ng income at tax credits mula 2019 hanggang 2024.
27:40Naiuugnay kay dating Congressman Zaldico ang korporasyon dahil isa siya sa mga incorporator nito.
27:45Sabi ni Co, nag-divest siya ng kanyang mga interes mula sa Sunwest noong umupoong kongresista.
27:51Partikular na sinampahan ng reklamo ang presidente ng kumpanya na si Aderma Anjali Alcazar
27:57at treasurer na si Cesar Buenaventura.
28:00Silusubukan pang makuha na ng pahayag ang mga nabanggit na opisyal ng korporasyon.
28:07Nababahal na raw ang Amerika sa insidente ng pambuntot at pagbomba ng tubig ng China Coast Guard
28:12sa barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea ayon kay U.S. Secretary of State Marco Rubio.
28:18Nabanggit din niya ang dahilanan nila kung bakit hindi pa rin matigil ang gera sa Middle East.
28:23Balitang hati ni JP Soriano.
28:29Isang U.S. Coast Guard vessel daw ang tumulong mamagitan para maisagawa ang medical evacuation o medevac
28:36sa dalawang sugata na sundalong Pilipino na pinagpapalo ng ilang tauhan ng China Coast Guard
28:42sa Union Shoal sa West Philippine Sea.
28:45Yan ang kinumpirma ni U.S. Secretary of State Marco Rubio sa sidelines ng 59th ASEAN Foreign Minister's Meeting sa
28:51Pilipinas.
28:52Sabi ni Rubio patunay raw ito ng commitment ng Amerika na tulungan ang Pilipinas sa ilalim ng mga kasunduang meron
28:59ang dalawang bansa.
29:18Nagpahayag din ng pagkabahala si Rubio sa pinakabagong kaso ng pambubomba ng tubig ng China Coast Guard sa mga barko
29:24ng Pilipinas
29:25sa Bangod yung Masinlok o Scarborough Shoal umaga nitong Webes.
29:29The whole world's solid and it's disturbing.
29:32These challenges and these claims of sovereignty over territory are a growing challenge.
29:38It's why we continue to reiterate our commitment to our treaty partners
29:41but also our commitment to freedom of navigation and respect for territorial rights in the region.
29:46Ang tinutukoy na treaty ni Rubio, ang Mutual Defense Treaty o MDT,
29:51dito obligado na ipagtanggol ang Pilipinas at Amerika ang isa't isa sa oras ng isang armadong pag-atake
29:59sa anumang sasakyang pandagat ng dalawang bansa sa Indo-Pacific.
30:04Bukod sa isyo ng West Philippine Sea at iba pang regional issues,
30:07naging abala si Rubio sa pagpapaliwanag sa mga ministro ng ASEAN
30:10kung bakit hindi magkasundo ang Amerika at Iran na tigilan na ang kanilang digmaan.
30:16Habang tumatagal kasi ang bulo, apektado ang buong mundo.
30:20Lalo na at sumipa ang presyo ng krudo.
30:23Ayon kay Rubio, Iran ang hindi sumusunod sa mga kasunduan at nais parao kontrolin
30:29ang Strait of Hormuz, bagay na hindi raw hahayaan ng Amerika.
30:33Matatanda ang ilang beses ng sinabi ni US President Donald Trump na nagkasundo na sila ng Iran.
30:40Pero ilang beses ding naonsyabi.
31:05Isa rin sa mga isinusulong ng US State Department
31:09ay ang pag-dismantle sa International Criminal Court o ICC.
31:13How do you reconcile that position with the need for an international mechanism
31:17to hold perpetrators of war crimes and crimes against humanity accountable?
31:21We're not members of the ICC.
31:23We never signed that treaty, we never joined it.
31:25And they somehow claim that they have a right nonetheless
31:27to go after non-treaty members and put heads of state and others in jail.
31:31Isa si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga dating heads of state
31:35sa mga nakakulong ngayon sa ICC dahil sa kasong crimes against humanity.
31:41JP Soriano, nagbabalita para sa GMA News.
31:45Kaugnay sa unang tranche ng Dagdag South sa NCR na Efectivo Bukas, July 25,
31:50at sitwasyon ng labor force sa bansa.
31:52Kausapin natin si Department of Labor and Employment, Secretary Francis Tolentino.
31:56Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
32:00Mga damaga po, Rakit, sign yung mga tigasabaybay.
32:02Opo, Secretary, problema ng ilang maliliit na negosyo na
32:06baka daw mapilitan sila mag-taas presyo ng produkto
32:09kayo mag-layoff ng mga empleyado.
32:10Kasunod nitong wage hike sa NCR na Efectivo Bukas.
32:13Ano po masasabi niyo rito?
32:15Tama po yung concern na yan, pero lahat naman po ay kinonsidera
32:19noong bago magkaroon ng announcement ng wage hike,
32:22nagkaroon po ng malawakang konsultasyon sa ngayon po sa Republic Act 627.
32:27At kung meron naman pong mga ilang problema pa,
32:30may mga mekatismo po tayo dito.
32:32May mga maliliit na negosyo po na nakakuha ng exemption.
32:35Exempted po dyan yung ating micro-enterprises.
32:39Exempted po yung mga barangay enterprises.
32:41At kung meron naman pong ibang enterprise, lalo yung mga medium,
32:45ay nabibigyan naman po yan ng supporta ng DOLE.
32:49Meron po tayong tinatawag na adjustment mechanism program
32:53para matulungan po sila.
32:56Nabanggit niyo po yung hindi magkakaiba.
32:58Depende po sa laki ng kumpanya.
33:01Hindi kaya magkakaroon po ng wage distortion naman
33:02sa pagitan ng mga manggagawa sa malalaki at malilita kumpanya
33:05at may mga sweldong lalong mapag-iiwanan po ng inflation?
33:09Ang wage distortion po,
33:12ang application po niyan ay hindi iba't ibang kumpanya.
33:16Ang application po niyan ay within a company.
33:19Maaari po yung minimum wage earner ay malapit-lapit na yung sweldo doon
33:23sa mga middle earner or supervisory.
33:27So, nagkakaroon po ang tinatawag na wage distortion.
33:29Yan po ay nariresolba sa pamamagitan ng collective bargaining agreement
33:33o ng pag-uusap ng employer at ng mga manggagawa.
33:37Papano naman po yung mga empleyado doon sa maliliit na kumpanya
33:41na hindi po mabibigyan ng dagdag na sweldo
33:45dahil nga po iba yung kanilang bilang
33:47at base dito sa wage hike.
33:50Yung may 15, tama po ba?
33:52More than 15.
33:53Yun lang po ang mabibigyan ng additional na sweldo.
33:58Meron po kasi mga exempt.
34:00Yung talaga yung mga maliliit.
34:01Ang gusto po ng batas, sila po ay mag-umraduate
34:06doon sa umuunlad na lumalaki.
34:08Yung iba naman, non-formal, papunta po sa formal.
34:11So, kinonsidera po lahat yan.
34:13So, ang gusto po natin mangyari ngayon dyan,
34:16kahit yung mga non-monetary benefits ay masakop sila
34:19kagaya po ng tamang SSS benefits,
34:22yung feel health, yung pag-ibig at marami pa ang iba.
34:25Patuloy pa rin po yung tension sa Middle East.
34:27May mga umuwi pa rin po bang OFW?
34:29Papano po yung kabuhayan nila rito?
34:31Meron po kami nilagdaan noong lunes
34:33kasama po ang Department of Migrant Workers at ng TESDA
34:37para po yung mga returning OFWs
34:40ay magkaroon ng reintegration program
34:42kasama po dyan ng Dole.
34:43Mabigyan po sila ng tamang skills,
34:45mabigyan po sila ng tamang puhunan
34:48para kung mag-desisyon sila na dito na lang sila,
34:51ay meron po silang hanap buhay.
34:52So, nilagdaan lang po namin ito noong lunes
34:54yung OFW reintegration program
34:57at palagay ko po malaking tulong yun sa kanila.
35:00At Sona na po ng Pangulo sa lunes.
35:02May nasaan po ba kayong isyo sa trabaho na matatalakay niya?
35:07Hindi ko po alam.
35:08Manila alaman ng,
35:09alam ko po ang Pangulo mismo,
35:11ang sumusulot ng kanyang Sona.
35:12So, abangan na lang po natin yan
35:14at ilang araw na lang po yan.
35:16Okay. Maraming salamat po sa oras na ibinahagi nyo sa Balitanghali.
35:20Maraming salamat po at magandang pahali sa inyo mga tingas yung baybay.
35:22Yan po si Dole Secretary Francis Tolentino.
35:27Kinatulang guilty ng Sandigan Bayan si Janet Napoles
35:30sa mga kasong graft at malversation
35:32kaugnay sa 50 million pesos na ghost projects
35:35and deliveries noong 2011.
35:37Detal tayo niya sa ulat on the spot ni Maki Pulido.
35:40Maki?
35:44Guilty nga ang hatol ng Sandigan Bayan 6 Division sa kasong graft
35:48at malversation of public funds through falsification of documents
35:52laban kay Janet Napoles at ilan sa kanyang mga kapwa-akusado sa kasong ito.
35:58Kaugnay yan sa ghost projects na ginamit ang pondo
36:01ng Department of Agrarian Reform.
36:04Ibinaba ang hato sa pamamagitan ng partial video conference.
36:08Naka-video conference si Napoles na ngayon nakakulong
36:11sa Women's Correctional sa Mandaluyong City.
36:14Sa graft, 12 to 15 years for each 10 counts.
36:18Nang graft sa malversation, 17 to 20 years for each 10 counts din.
36:24Pinagbabaya din siya ng 5 million pesos bilang fine for each count.
36:28Dalawa sa mga kapwa-akusado ang nasa korte,
36:31si na Jerry Pakturan at Evelyn De Leon.
36:33Si Jerry Pakturan, na dating undersecretary
36:36ng Department of Agrarian Reform,
36:37not guilty sa kasong graft, pero guilty sa malversation
36:42at binigyan ng parusang 14 to 19 years na pagkakulong
36:46for each 10 counts din.
36:48May 5 million peso fine din siya for each count.
36:51Guilty si Evelyn De Leon sa 3 counts ng malversation
36:54at 3 counts ng graft.
36:56Si De Leon ang dating empleyado ng isa sa mga NGO ni Napoles.
37:0014 to 19 years na pagkakulong
37:03ang ibinabang parusa for each count.
37:05Sa mga akusado, tatlo ang nananatiling at large.
37:09Nag-issue ng warrant of arrest ang korte
37:11at ngayon ay naka-archive ang kaso hanggat sila ay ma-aresto.
37:15Bilang civil liability,
37:17pinapabalik ng korte kay Napoles ang 50 million pesos
37:20na nalustay na pondo ng gobyerno plus 6%.
37:2415 million pesos naman plus 6% interest
37:28ang pinapabayad kay pakturan.
37:30Pero dahil maaari pang mag-appeal sa Korte Suprema
37:33ang mga nahatulan,
37:34pinayagan sila ng 6th Division
37:36na mag-post ng higit 4 million peso bond
37:39para sa kanilang provisional liberty
37:41o pansamantalang kalayaan.
37:43Ang kasong ito ay kaugnay ng 50 million pesos
37:46na ghost projects and deliveries
37:48noon pang 2011
37:50pero nitong 2022 na naisampaang kaso
37:53dito sa Sandigan Bayan.
37:55Gamit ang pondo ng Department of Agrarian Reform,
37:58ipinalabas na humingi ng proyekto
38:00ang sampung munisipyalidad sa Luzon
38:02at mga NGO ni Napoles
38:04ang nagpatupad ng mga ito.
38:06Pero sabi ng mga prosecutor,
38:08pineke ang mga lagda ng mga mayor na mga bayan
38:11at walang na ipatupad ni isang proyekto.
38:14Rafi?
38:15Maraming salamat, Maki Pulido.
38:26Kasabay ng Sona ng Pangulo sa Lunes,
38:28magtitipo ng ibang religious group
38:30para magsagawa ng sariling version nito.
38:33May ulat on the spot si Bernadette Reyes.
38:36Bernadette?
38:40Rafi, kasabay ng State of the Nation address
38:42ng Pangulo sa Lunes,
38:44ay magsasagawa rin ang tinatawag na Sona
38:47na nga sambayanan ang inter-religious group sa bansa.
38:52Ayon kay Global Ambassador of the World Evangelical Alliance,
38:56Most Reverend Ephraim Tendero,
38:59sa kanilang magiging programa,
39:01ipapahayag nila ang tunay na kalagayan
39:04at hinaing ng taong bayan,
39:06pati na ang kanilang mga hiling
39:08na sana ay matugunan daw
39:11tulad ng patuloy na pagtaas
39:13ng presyo ng mga bilihin
39:14at mataas na singil sa kuryente.
39:17Mahalaga rin daw na magkaroon ng accountability
39:19tulad nalang halimbawa
39:21sa mga issue ng flood control projects.
39:24Hindi rin daw dapat maging selective
39:26sa paghahanap ng hustisya.
39:28Bukas raw sa lahat ng relisyon
39:30ang naturang pagtitipon.
39:31Sa pamamagitan daw ng interfaith na pagtitipon
39:34ay magkakaroon ng moral guidance
39:36at moral radar na makakatulong daw.
39:40Halimbawa na lamang sa mga panalangin
39:42para maging mapayapa at maayos
39:45ang magiging pagpapahayag ng damdamin
39:47para sa pagkakaisa at kaayusan ng bayan.
39:51Grabe samantala sa mga hindi naman daw
39:53makakadalo sa kanilang gagawing SONA,
39:57sa Sambayanan,
39:58ay maaari naman daw mag-post na lamang
40:00sa mga social media pages.
40:02Raffi?
40:03Maraming salamat, Bernadette Reyes.
40:07Update po tayo sa galawat epekto ng bagyong Quiapo.
40:09Makakausap natin si Pag-asa
40:11Assistant Weather Services Chief, Chris Perez.
40:13Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
40:16Magandang umaga, Raffi,
40:17at sa lahat po na ating mga taga-subaybay.
40:19Opo, nasa na po yung bagyo sa mga oras na ito?
40:22Raffi, sa ngayon, nasa dagat pa rin ito
40:24sa silangang bahagi nga ng Northern Luzon
40:26at kanina, last year, ay tinatayang
40:28nasa layang 100.
40:29Sa layo, sila nga ng Apari, Cagayan.
40:32Taglay ng bagyong,
40:35ang lakas ng hangin,
40:36umagang 70 km per hour,
40:38malapit sa gitna nito,
40:39at ang pagbugso,
40:40abot hanggang 90 km per hour.
40:42At kung patuloy nga itong kikilos
40:44ng pakanduran sa bilis naman na 30 km per hour,
40:47inaasaan natin itong posibleng nga
40:48mag-landfall
40:49or mahagip itong Babuyan Island
40:51ngayong gabi.
40:52Gano pong karaming ulan
40:53ang posibleng ay buhos nito,
40:55lalo na doon sa mga
40:55nasa ilalim ng storm warning signal?
40:58Sa ngayon, Raffi,
40:59ang nakikita natin,
41:00the highest na amount of rainfall
41:02na posibleng maranasan
41:04ng mga lugar,
41:05in particular,
41:06yung mga lugar na may
41:06storm signal number 2 and 1,
41:09ay posibleng mula
41:1050 to 100
41:11hanggang 100
41:11to 200 mm of rain.
41:14Dito sa may bandang north,
41:15sa ating 200 mm of rain,
41:17sa may bandang Batanes,
41:19Tugigaraw, Ilocos,
41:20Norte at Apayaw,
41:21habang 50 to 100 mm of rain naman
41:23sa natitirang bahagi nga
41:24ng northern Luzon.
41:25Bukod pa dyan,
41:26ilang bahagi po
41:27ng ating bansa
41:28makakaranas naman
41:29ng mga pag-ula
41:30na dulot naman ng habaga.
41:31At kapag lumakas pa itong
41:33kaya po bilang
41:33severe tropical storm,
41:35posibleng bang isa ilalim na rin
41:36sa storm warning signal
41:37ng Metro Manila?
41:39Sa nakikita po nating
41:41posibleng pagkilos ito
41:42in the next 24 to 48 hours,
41:44bagamat inaasang
41:45posibleng maging
41:46severe tropical storm,
41:47ay posibleng palabas na ito
41:49o nakalabas na nga
41:50ng ating air responsibility.
41:52Pag nagkagalit,
41:53ang chance ang magkaroon
41:54ng wind signal
41:55ng Metro Manila,
41:56pero ito nga,
41:56asahan natin yung
41:57paminsan-minsan
41:58pagbugso ng hangin
41:59at saka pagulan
42:00dito sa Metro Manila
42:01dahil naman po
42:02sa pinag-iba yung habagat.
42:03Kumusta naman po
42:04ang panahon sa Quezon City
42:05sa lunes,
42:06araw po ng SONA?
42:08May ninaasahan po natin
42:09na magkakaroon na tayo
42:11ng gradual improvement
42:12ng weather
42:12ngayong darating
42:13Sunday onwards
42:15dahil nga
42:15bukas posibleng
42:16nasa labas ng PAR
42:18itong Bagyong Sikyapo.
42:20Bukod po sa Anggat Dam,
42:21binabantayan din
42:22ang level ng tubig
42:22sa iba pang dam
42:23sa luson
42:23gaya po ng Magat.
42:25Makakatulong po ba
42:25itong pagulang-dulot
42:26ng Bagyong Sikyapo
42:27sa naturang dam?
42:29Well, ang nakikita ko nga po
42:30kasi nating amount of range
42:32ay around 50 to 100 mm
42:34in particular
42:35dito sa may bandang
42:36Magat area.
42:37Now, tingnan natin
42:38kung mas marami pa
42:40ang bumagsak,
42:42actually na bumagsak
42:42then likely
42:43possibly magkaroon
42:44ng significant increase
42:45pero we cannot
42:46at the moment
42:47dahil nga sa forecast natin
42:48hindi natin inaasa
42:49na ganung karami
42:50kung magkakaroon man po
42:52ng increase in the water level
42:53sa mga water reservoirs natin
42:55in particular
42:55dito sa may bandang
42:56northern Luzon area.
42:57Okay, maraming salamat po
42:59sa oras na ibinahagi nyo
43:00sa Balitang Halik.
43:02Maraming salamat din po
43:02at magandang araw.
43:03Yan po si Pag-asa
43:04Assistant Weather Services Chief
43:06Chris Perez.
43:10Simula na ang taggisa ng galing
43:12ng top 9 contenders
43:14ng The Clash Teens
43:15ngayong linggo.
43:17The pressure is real
43:19dahil magsisimula na
43:20ang round 3
43:21ng kompetisyon
43:22ang Colabo Cezanne.
43:24Handa na ang natitirang
43:25teen clashers
43:26na magpakita ng kanika nilang
43:27abangan kung sino-sino
43:29ang magiging duet partners
43:31kina
43:31Besa Trestiza
43:33Bien Opeña
43:36Chloe Tiglao
43:38Hannah May
43:39Inigo Badillo
43:40Kay Gabunada
43:42Lois Bersalona
43:44Martin Miguel
43:45at Violet Santa Cruz
43:47Ngayong linggo na yan
43:487.15pm
43:49sa GMA
43:58Giganting sayang hatid
43:59ng isang atraksyon
44:00sa isang ski resort
44:01sa Switzerland
44:02Perfect destination
44:03para sa thrill-seeking adventurers
44:12Napapa-up, up and away
44:14ang mga sumasakay
44:15sa giant swing
44:16na yan
44:17na 2,000 metro
44:18ang taas
44:19bawal malula
44:20dahil
44:21tanaw sa swing
44:22ang iconic
44:23na Swiss Alps
44:24Kahit medyo matagal daw
44:25ang waiting time
44:26of a super worth it
44:27ang mini freefall experience
44:28at breathtaking view
44:30Sabi ng nangangasiwa sa resort
44:32kahit summer
44:33at walang snow roon
44:34tuloy-tuloy ang pagdagsa
44:35ng mga turista
44:36mula ng buksa
44:37ng swing
44:37nitong buwan
44:38Wow!
44:41Sasakay ka ba ron?
44:43Malulain ako eh
44:45Pero parang saya no
44:46Yan po
44:46Yan po may inita balita
44:48ngayong tanghali
44:49Rafi Tima po
44:50Kasama nyo rin po ako
44:51Aubrey Carampea
44:51Ito ang GMA News
44:53Walang kinikilingan
44:54Walang pinoprotektahan
44:55Noon at ngayon
44:56Servisyong Totoo
Comments