00:06Mga kapuso, extra ingat po, lalo na ngayong maulan ang panahon.
00:12Viral ang video na ito kung saan ang isang delivery rider
00:15nabagsakan ng malalaking halaman at poste ng kuryente sa Antipolo City.
00:22Sa lakas ng ulan, sumilong sa isang malaking halaman ng Boganvilla ang delivery rider.
00:27Pero sa kasamaang palad ay nabagsakan siya ng malaking halaman at dalawang poste na kanyang ikinasawi.
00:35Ayon sa Meralco, isa sa mga posteng na tumba ay poste ng kuryente batay sa paunang impormasyon.
00:43Nang bumagsak ang halaman dahil sa malakas ng hangin at ulan, sumama ang poste ng kuryente at isa pang poste.
00:51Pag-usapan natin ang insidente niyan, ask me, ask Atty. Gabby.
01:01Atty, nakakalungkot ang ganitong pangyayari.
01:04Bukod dito, may nabalita nga na rin na lalaking na kuryente sa poste naman ng ilaw.
01:10Sa ganitong mga insidente, ano po ang habol ng mga biktima?
01:14Well, mas importante siguro ay malaman kung sino ba ang hahabulin at usually sa mga tanong na ating sinasagot dito
01:23ukol sa mga sino ang dapat managot sa mga aksidente na nauuwi sa mga taong nasasawi o nasasaktan,
01:30eh ang usual na sagot natin ay kung sino ang may ginawang pagpapabaya.
01:34Pero alam niyo po ba na meron tayong batas ng Republic Act 11361 o mas kilala bilang ang Anti-Obstruction
01:44of Powerlines Act of 2019
01:47at sa batas na ito ay malinaw kung sino ba ang may responsibilidad para sa mga powerline at poste na
01:54nagdadala ng kuryente.
01:56Malinaw sa batas na ito na bawal magtanim, maglagay ng kahit na anong sagabal sa tinatawag na powerline corridor
02:04at ito yung lupa na kinatitiri ka ng powerline at syempre kasama ang poste nito.
02:10Kasama na lahat ng airspace sa ibabaw at tabi nito, kasama na dito ang lahat ng mga halaman,
02:18istruktura o kung ano-ano pa na maaaring itanim, itayo, ilagay sa powerline corridor na ito.
02:26At ang may obligasyon na linisin, maglinis, maggupit, magputol, magbagsak kung kinakailangan ng mga puno
02:35at iba pang halaman na maaaring sagabal dito ay sino pa po ang power company o kumpanya ng kuryente
02:42at responsibilidad din niya na inspeksyonin at panatiliin maayos at walang sagabal ang mga poste at linya ng kuryente na
02:51yan.
02:51Kahit na masabing ang poste at linya ng kuryente ay nasa pagmamayari pa ng pribadong tao,
02:58at the end, yung power company pa rin ang may pangunahing may responsibilidad para dito.
03:04So napakalinaw po yung kumpanya ng kuryente ang dapat na nagsisigurado na maayos at malinis at walang piligro
03:13sa mga poste at linya ng kuryente na yan.
03:16At marami na rin mga kaso na nakaabot pa sa Korte Suprema ukol sa responsibilidad ng power company tulad ng
03:23Meralco
03:23para sa mga nababagsakan ng poste halimbawa at sa mga kaso ng electrocution ng mga tao
03:31dahil sa mga nahuhulog na kawad mula sa poste.
03:34Sabi ng Korte Suprema, mas mataas ang antas ng responsibilidad at pangangalaga ang meron dito sa mga poste at linya
03:43na ito
03:43dahil nga sa likas na panganib at peligro na dulot ng kuryente.
03:49Wala tayong kalaban-laban dyan lalo na nga kung bigla na lang mapapatid at angkawad at ma-expose tayo sa
03:57high voltage wire na ito.
03:59Kung mapapatunayan nagkaroon ng hindi pagsunod sa obligasyon nito sa ilalim ng batas,
04:04mananagot ang power company sa actual damages para sa pagpapagamot o kung may nasawi sa pagpapalibing din.
04:12Maaari din magkaroon ng compensation for loss of a life na at the very least ay 300,000 pesos na
04:19maaaring madagdagan pa,
04:21lalo na kung ang namatay ay nagtatrabaho.
04:23So maaaring may compensation for lost income.
04:27At depende sa mga circumstances, maaaring din maging issue ang moral at exemplary damages.
04:33Kaya dapat po ay laging mag-iingat at tayo kung may nakikita tayong mga irregularidad,
04:40lalo na ng mga poste, yung mga malalaking halaman dyan at yung mga sanga,
04:45ay i-report na po natin kaagad sa barangay o diretso sa power company mismo.
04:51Dahil sa ganitong mga sitwasyon, ang pag-iingat at agarang pag-aksyon ay pwedeng makapaligtas pa ng buhay.
04:59Kung hindi sa ibang tao ay buhay ninyo.
05:03Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
05:06Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip.
05:11Ask me. Ask Atty. Gabby.
05:15Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
05:18Bakit? Mag-subscribe ka na dali na para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
05:25I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
05:28Salamat ka puso!
05:30Salamat ka puso!
Comments