Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Trahedya ang sinapit ng pagligo ng apat na kabataan sa Ilog Pasig habang umuulang.
00:12Ang isa sa kanila na edad siyam na taong gulang bigong maisalba at tuluyan ang nalunod.
00:17Labis ang pagdadalamahati ng pamilya ng biktima na huli na nang malaman ang nangyari sa anak.
00:24Nakatutok si EJ Gomez.
00:29Magkakasama ang ilang residente sa gilid ng Ilog Pasig sa bahagi ng barangay Barangka Itaas, Mandaluyong City, hapon nitong lunes.
00:37Nakaabang sila sa rescue operations ng Philippine Coast Guard at Mandaluyong CD-RRMO Fire and Rescue sa isang batang lalaki
00:45na nalunod umano sa Ilog.
00:47Nagtulungan din ang ilang residente na hanapin ang nawawalang bata sa malalim na bahagi ng Ilog ayon sa barangay.
00:54Eksena ng ilog na yun, medyo maiti, maburak, mahina yung karint o yung daloy.
01:01And mababaw sa una, may mga bato. Pero pag mga siguro dalawang hakbang, biglang lalim na siya. Ang gandibdib niya.
01:07Mahigit kalahating oras bago nakita ang siyam na taong gulang na lalaki.
01:21Nagtulungan silang buhati ng bata.
01:27Nagtulungan din na i-revive.
01:33Bloated na po yung chan niya. Tapos yung bibig niya po, medyo maputla na talaga.
01:38Wala na po siyang breathing. Wala na po ang pulse po.
01:41Yung CPR po ma'am, dere-diretsyo po namin ginagawa agang makarating po sa Mandaluyong hospital.
01:47Dead on arrival sa ospital ang biktima.
01:51Tumangging humarap sa kamera ang mga magulang ng bata.
01:54Pero kwento nila, galing daw sa eskwelahan ang kanilang grade 3 pupil na anak.
01:59At nagkayayaan sila ng kanyang mga kaibigan na maligo sa ulan at sa ilog.
02:04Nalaman na lang daw nilang nalulunod na ang kanilang anak nang tawagin sila ng ilang residente.
02:10Ayon sa barangay, maraming insidente ng pagkalunod ang naitatala sa lugar.
02:15Pinapayuhan nila ang mga residente na huwag nang maligo sa ilog lalo na.
02:19Ngayong tag-ulan.
02:21E.J. Gomez, nakatutok 24 oras.
02:26Dahil sa maling akala, nagpanik ang mga estudyante sa isang paaralan sa Quezon City.
02:34Napasugod pa doon ang kanilang mga magulang.
02:37Ang malakas na kalabog kasi sa katabing construction site, inakala nilang putok ng baril.
02:44Nakatutok si Bea Pinla.
02:50Nakatutok niyo yan.
02:51Kalagit na ang panang klase sa Bagong Silangan High School sa Quezon City.
02:55Pero nagmamadaling nanunundu na ang mga magulang sa kanilang mga anak.
03:00Naulinigan kasi nilang may nangyayari sa eskwelahan.
03:03Yung nangyayari kanina, e talagang naano ako doon na alarma.
03:11So pagpunta ko doon, yung nga nagkaroon na ng komosyon, nagkaroon ng pagtatalo daw.
03:16Yun lang sabi ng apo ko.
03:18Tapos siyempre mga grade 7 yun, talagang madali matakot.
03:23Parang nagkatakbuhan daw tapos nag-iyakan na iba.
03:27Ang nakarating sa kanila, nagkaroon daw ng saksakan at barilan sa loob mismo ng paaralan.
03:33Bulabog dahil doon sa mga text ng mga bata na meron daw na tutuka, sinaksak or something.
03:40Medyo nagkasigawan doon sa taas sa mga kapang reses daw po.
03:45Nagkataon namang ng maggagulo.
03:47Nasa paaralan ang jepe ng Quezon City Police Payatas para sa isang meeting.
03:51Kaya agad na klaro na hindi totoong nagkaroon ng pamamaril o pananaksak.
03:57Nagpanik po ang mga parents.
03:58Gawa po na meron pong nagpost sa social media ata na meron nga daw pong sinaksak o nasaksak
04:05or tsaka meron din daw pong nagpaputok na kung saan sa pag-iimbestiga po natin ay totally wala pong nangyayaring
04:14gano'n.
04:14Sa sotoo lang wala naman nangyayari ng pagtakan.
04:18Wala naman tutuka na sinasabi nila.
04:20Nagkagulo.
04:20Wala naman tutuo.
04:21Batay sa kwento, nagpanik ang mga estudyante nang makarinig sila ng malakas na kalabog
04:27at inakala nilang ito ay putok ng baril.
04:30Pero nilinaw ng polis na ang narinig ng malakas na ingay galing lamang sa construction site sa tabi ng paaralan.
04:37Ayon naman po rin sa ating investigador sa pagtatanong niya po sa ating mga kabataan.
04:42Meron daw po silang narinig ng malakas na putok.
04:45At in nga po ay nakonfirma na ito ay galing dito sa ginagawang gusali.
04:49Sa tabi po mismo ng ating pong iskwelahan.
04:53Ang iniimbestigahan ngayon ng polisya, kung sino ang nagpakalat ng fake news.
04:58Wala pong kahit anumang insidente, saksakan, barilan, totally po lahat po yun ay fake news.
05:06Ang iniimbestigahan pa po natin sa ngayon ay kung sino po ang nagpapakalat sa SOCMED ng lahat ng fake news
05:14na ito.
05:15Grabe na nga yung nakapoks eh.
05:16Ang hindi namin matanggap na maraming negatibo agad na nagpost na hindi naman totoo.
05:23Sa isang pahayag, sinabi ng pamunuan ng Bagong Silangan High School na hindi totoo ang kumakalat ng mga mensahe na
05:30may banta sa kanilang mga estudyante.
05:33Iniimbestigahan na raw ito ng mga otoridad.
05:35Wala rin daw nasaktan dahil sa maling impormasyon.
05:39Gayunpaman, dahil maaaring may nabalisa o natakot dahil sa nangyari kanina,
05:44handa ang eskwelahan na magbigay ng nararapat na psychosocial support sa mga naapektuhang estudyante.
05:50Bea Pinlac, nakatutok 24 oras.
05:53Nasa liwasang Bonifacio na sa Maynila ang rally ng Iglesia Ni Cristo ngayong araw.
05:59Sa huling gabi nito sa EDSA ay dumating ang ipinagtanggol nilang si Sen. Orodante Marcoleta
06:05na nagsabing handa na siyang makulong kung kasuhan ng plunder ng ombudsman.
06:11Nakatutok si Mark Salazar.
06:16Bago magtapos ang programa ng Iglesia Ni Cristo kagabi sa People Power Monument,
06:21dumating ang sentrong karakter ng kanilang ipinaglalaban si Sen. Orodante Marcoleta.
06:26Hindi na nga po saan ako pupunta dito kasi baka akalain po nung iba ako pa po yung nag-i
06:36-instigate, hindi po.
06:37Kailangan may pakita natin kung ano ang tunay at tapat na paglilingkod ng isang public servant sa pamahalaan.
06:49Pinasalamatan niya ang mga nasa rally para sa kanilang suporta.
06:52Ang kanilang tinututulan ang balak na pagsasampa ng Office of the Ombudsman ng kasong plunder laban sa Senador.
07:00Sa kanyang talumpati, ihinarap ni Marcoleta ang isyo ng posibilidad ng kanyang aresto.
07:06Nakahanda po akong magpakulong.
07:11Kung kinakailangang ma-aresto po ako, wala pong problema.
07:18Kung ito po ang kabayarang hinihingi para ipagtanggol ko ang katarungan at ang pambansang kagalingan at ang interes ng mamamayang
07:28Pilipino,
07:30sana man lang may ninakaw ako.
07:34Sana man lang kasama ako sa mga mandarambong.
07:41Mga napanggit na yung mga pangalan nila.
07:46Ang isa ay si Martin Romualdez.
07:50Ang pinagdalhan ng mali-maletang pera.
07:58Ayon kay Marcoleta,
08:00politikalang atake laban sa kanya,
08:02kabayaran ng paglantad ng mga testigo sa umano'y mali-maletang perang pinaghatian galing sa flood control budget.
08:09Tingnan po ninyo kung sino pa yung nagtatanggol at tumutulong para sa ganon.
08:15Matukoy natin kung sino ang may kagagawan ng pinakamalawak, pinakagarapal na pandarambong sa kabambayan.
08:26Eh siya pa ang inaasunto at siya pa ang pinagbabalakang arestuin.
08:34Hindi ba katungkulan ng ombudsman ang sila ang humanap, umusig at parusahan ang lahat ng may kagagawan nito?
08:45Bakit ang ombudsman ang nagagalit sa akin?
08:47Hindi ba dapat tulungan pa nila ako?
08:50Sapagkat iisa ang layunin namin.
08:54Pinapanindigan niyang gawa-gawa lamang ang kasong plunder na isasampa laban sa kanya.
08:59Ang mga asunto po na sinampa laban sa akin ay nagsasaysay ng kwarta.
09:18Nagsasaysay ng halaga ngunit hindi binabanggit ang ill-gotten well.
09:24Ipinipilit na'y ugnay ang public office ngunit walang binabanggit na abuse of public office.
09:34Naglulubid ng mga tismis ngunit walang ebitensya.
09:44Kinukuha pa namin ang panig ng mga binanggit na tao ni Sen. Marcoleta sa kanyang talumpati.
09:49Samantala, hindi na nasundan ngayong araw ang rally ng INC sa People Power Monument.
09:54Matapos kansilahin ang kanilang permit to rally,
09:57bunsod ng maraming reklamo ng Abala mula sa mga motorista.
10:01Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
10:06Naniniwala si Pangulong Bongbong Marcos na mali ang opinion ni Iglesia ni Christos spokesperson Edwil Zabala
10:12na may selective justice ang kanyang administrasyon.
10:15Reaksyon niya yan sa pahayag ng INC na kawalan ng kustisya ang Anilay Selective Justice,
10:21kaugnay ng planong pagsasampa ng kasong plunder laban kay Sen. Rodante Marcoleta.
10:25Bagay na tinututulan ng INC kaya nagsasagawa sila ng rally.
10:32And sir, and your reaction to their allegation that your administration has been having a selective kind of justice daw
10:41po?
10:42Well, they have their opinion that they're wrong.
10:47Sinabi yan ang Pangulo bago umalis pa Canada para sa kanyang official visit.
10:51Sabi pa ni Marcos, ang tanging nais niya ay maging mapayapa ang protesta at walang masaktan.
10:57Kumpiyansa anya siyang hindi magugulo ang mga membro ng INC.
11:05Lema lang namin is that merong informasyon na siyempre merong mga mag-infiltrate, mag-agitate.
11:14Yun ang inaalala namin.
11:16Ayaw, yung pinaka-importante sa amin, walang masaktan.
11:21Either tiga iglesia o kung siya naman na makuntalo na magdulo.
11:25So, let's just keep everything stable and peaceful.
11:31Natuldukan na ang mahigit dalawang dekadang pagtatago ng sospek sa pagpataya sa kanyang amo noong 2001.
11:39Amit siya ng krimi.
11:41Tinutukan ni Gabriel Gonzalez.
11:49Sa hudyat ng tawag ng operatiba, agad sumugod ang mga pulis sa isang bahay sa bypass road,
11:55Barangay Pignay, Valenzuela kahapon.
11:57Natunto ng mga otoridad ang lalaking senior citizen na subject ng bitbit nilang warrant of arrest
12:03dahil sa kasong pagpatay sa kanyang amo noong pang 2001.
12:08Ayon sa pulis siya, halos 25 taon na nagtago ang akusado.
12:13Tapos ni-revive ng court natin, so last month nag-issue sila uli ng warrant of arrest.
12:18June 23, nagsimula na yung surveillance namin doon sa address na nakalagay doon sa kung saan nahuli yung isa sa
12:26mga suspects.
12:27Kaya namin natuntun yung suspect ngayon sa murder incident noong 2001.
12:31Ayon sa pulis siya, sa biktimang negosyante kumukuha ng panindang binatog ang akusado at kanyang anak.
12:38Simpleng away magkapitbahay raw ang pinagmula ng krimen.
12:42Kinumpronta raw ng nooy 44 anyos na biktima ang lalaki at tatlong iba pa dahil sa hinalang sila ang pumatay
12:50sa aso niya.
12:51Pinuntahan pa umano ng biktima ang akusado sa kanyang bahay para kumprontahin
12:56at doon na raw humantong sa pananaksak ang kanilang away.
13:00Nung paalis na yung victim natin during the confrontation, pagtalikod niya, ayun, hinabol ng mga suspects natin ng stab.
13:09Ayon sa akusado, nagawa niya ang krimen para sa kanyang anak na nauna raw na pinagbuntunan ng galit ng biktima.
13:15Hindi ko na po sana siya papatulang kaso po pumunta po sa sabahin namin, naghahamon at nambato.
13:23Bigla po akong pinormahan.
13:28Pinormahan ako ng karate.
13:30E may ikdala ako sir, binunutan ko na ako.
13:33Sobra hirap namin nun sir kasi maliliit pa yung mga anak ko.
13:38Nag-aaral pa sila.
13:39Ngayon na-aresto na po yung suspect.
13:42Makakamit na namin ang justicia.
13:45Nakakulong na sa San Jose del Monte Police Station ang akusado na nahaharap sa kasong murder.
13:51Tinutugis pa ng pulisya ang dalawa pang subject din ng warrant of arrest.
13:57Gabriel Gonzalez, nakatutok, 24 oras.
14:01Nasa Canada na po si Pangulong Marcos para sa isang official visit.
14:05Kabilang sa inaasahang mapag-uusapan,
14:08ay tulong nito sa seguridad ng Pilipinas at pagpapalakas ng kalakalan ng dalawang bansa.
14:14At mula po sa Vancouver, Canada, nakatutok live si Ivan Bailina.
14:19Ivan!
14:25Vicky, alas 11.30 ng umaga, oras dito sa Vancouver, Canada.
14:29Magaganap ang pulong ni Pangulong Bongbong Marcos at ni Canadian Prime Minister Mark Carney.
14:34Isang mahalagang kaalyado, Vicky, ang Canada hindi lamang sa defense and security,
14:38kundi dahil tahanan nito ng halos isang milyong Pilipino.
14:45Inabot ang labing isang taon bago may Pangulong ng Pilipinas na muling bumisita sa Canada.
14:50Ang pagdating ngayon ni Pangulong Bongbong Marcos,
14:53batay sa paanyayan ni Prime Minister Mark Joseph Carney,
14:55na nagsabi sa isang talumpati noong Enero,
14:58na kailangan magkaisan ng mga tinawag niyang middle powers
15:00sa gitna ng pagbaliwala ng mga makapangirihang bansa
15:03sa rules-based international order.
15:05Ang pahayag, sinabi ni Carney noong panahong pinatawa ng Amerika
15:09ng napakataas na taripa ang mga bansa,
15:11kabila ang Canada at Pilipinas.
15:14Kaya sabi ni Carney sa parehong talumpati,
15:16nakikipag-negosasyon sila sa Pilipinas at ibang bansa
15:19para dito mas malayang makipagkalakalan.
15:22Inaasahang matatalakay sa pulong ni Carney at ni Pangulong Marcos,
15:26particular na gustong isama sa kasunduan,
15:28ang palitan ng agricultural products,
15:30mga may kinalaman sa information technology,
15:32pati critical minerals.
15:34Sa pagalisaman kagabi ni Pangulong Marcos sa Pilipinas,
15:37sinabi niyang lalo pang lumalalim
15:39ang relasyon ng Canada at Pilipinas.
15:41Isa raw ang Canada sa masugi na sumusuporta
15:44sa pag-iit ng Pilipinas at sovereign rights,
15:46lalong-lalo na sa West Philippine Sea.
15:48Canada's consistent support,
15:50both bilaterally and multilaterally,
15:53reflects our shared interest in upholding
15:56a rules-based international order,
15:59including the United Nations Convention
16:01on the Law of the Sea, or UNCLOS,
16:03and the 2016 Arbitral Award.
16:07It is thus imperative that we further strengthen
16:10this connection with our long-standing friend and partner
16:13as we navigate the shared challenges
16:16that we face as specific nations.
16:26Tulad ng nabangit ko kanina, Vicky,
16:28malaki ang Filipino community rito
16:30at habang narinito,
16:32ay dadada daw ang Pangulo
16:33sa isang pagtitipon
16:34ng mga Pinoy dito sa Canada.
16:36Vicky.
16:36Maraming salamat sa iyo, Ivan, Myrina.
16:40Nakamitinan ang ombudsman
16:41ang testimonya ng walo
16:42sa labing walong dating bodyguard umano
16:44ni Zaldico.
16:45Sa investigasyon,
16:46laban kaya ako
16:47at dating House Speaker Martin Romualdez.
16:49Ang problema,
16:50tila may nagdudulot umano ng delay.
16:53Nakatutok si Joseph Moro.
16:59Walo sa labing walong dating bodyguard
17:01ni dating Congressman Zaldico
17:03ang ipinatawag
17:04at isa-isang inimbestigahan
17:05nung isang buwan ng ombudsman.
17:07Bahagi yan ang investigasyon ng opisina,
17:10laban kina ko
17:11at dating House Speaker Martin Romualdez
17:13kaugnay na umunibigaya ng kickback
17:15sa manumalyang flood control project.
17:18Sabi ngayon ng ombudsman,
17:20gagamitin nila ang testimonyo ng walo
17:22laban kina Romualdez at ko.
17:23Matatanda ang sinabi
17:25ng mga dating bodyguard
17:26na personal silang nag-deliver
17:28na mga mali-maletang
17:30milyong pisong kickback
17:31kina ko, Romualdez
17:33at iba pang mga personalidad.
17:35Ayon sa mga investigador
17:36ng ombudsman,
17:37consistent o hindi nagbabago
17:39at kategorikal o sigurado
17:41ang mga testimonya ng walo
17:43sa kung ano ang alam nila
17:44sa bigaya ng kickback kaugnay
17:46kina Romualdez at ko.
17:48The investigators seem to find
17:50those narration of facts
17:53as it relates to the money
17:55being delivered to the former speaker
17:56and to Zalbi
17:59kategorikal and consistent
18:01as to those facts.
18:03But as for the rest,
18:05hindi pa namin muna,
18:07we will not focus on that.
18:09Ang walo lamang umano
18:10ang may personal na alam
18:11kaugnay ng pag-deliver ng pera.
18:13The others don't have
18:15a first-hand account
18:17of the actual delivery.
18:18Pinasplit namin yung
18:20joint affidavit
18:21to individual affidavits
18:22so we can really assess
18:24per person
18:25kung ano talaga nakita nila.
18:26And actually,
18:27that makes the statements
18:29more credible,
18:31if I may.
18:32Kailangan na lamang ani
18:33ang pirmahan ng walo
18:34ang tigitigisan nilang
18:35mga affidavit.
18:36Pero hindi pa ito
18:37nangyayari
18:38dahil kailangan pa
18:39umunong reviewhin
18:40ng kanilang abogadong
18:41si Atty. Levy Baligod.
18:43He seems to be
18:44delaying
18:46the signatures
18:48of the 18 Marines.
18:50And that's one of the things
18:51that is delaying the case
18:53also
18:54as against
18:55former Speaker.
18:57Naantala raw
18:58ang pabubuo nila
18:59ng kaso
19:00dahil dito.
19:01Sa amin lang,
19:02sana
19:02mapirmahan na,
19:04sana
19:05magamit na namin
19:06para sa kaso
19:06para sumulong
19:08or isulong na namin
19:09yung kaso.
19:10Hinihingan pa namin
19:11ng pahayag
19:12si Atty. Baligod.
19:13Hindi naman
19:14nagbigay ng pahayag
19:15ang abogado ni Co
19:16na si Atty. Ruy Rondain.
19:18Kung mapipirmahan na
19:19ng walong mga dating
19:20bodyguard
19:21ang kanilang mga
19:22individual na mga
19:23sinumpaang salaysay,
19:24ebedensya ang mga ito
19:25laban kay dating
19:26House Speaker
19:27Martin Romualdez
19:28at dating
19:28Congressman Sal Dico
19:30na isasama
19:31sa magiging mga
19:32testimonya
19:33ni dating
19:33DPWH
19:34Secretary Manuel
19:35Bunuan.
19:36Si Bunuan
19:37ay irerekomendahan
19:38ng ombudsman
19:39sa Sandigan Bayan
19:40na maging
19:41state witness
19:41sa mga kaso
19:42ng flood control
19:43projects.
19:44That's still not the whole.
19:46Meron pa,
19:46meron pa,
19:47but I cannot
19:47divulge everything
19:49to the public
19:50right now
19:51kasi we're up against
19:53the biggest lawyers.
19:54Joseph Morong
19:55nakatutok 24 oras.
19:57Giit ng kampo
19:58ni Leite 1st District
20:00Representative
20:00Martin Romualdez,
20:02walang ebedensya
20:03na nag-uugnay
20:04sa dating Speaker
20:05sa anomalya
20:06sa flood control
20:07projects.
20:08Ayon sa abogado
20:09at tagapagsalita
20:10ni Romualdez,
20:12ang ehekutibo
20:13at hindi
20:14ang House Speaker
20:15ang namamahala
20:16sa pagre-release
20:18ng pera
20:18sa national budget.
20:20Nakatutok,
20:22si Tina
20:22Panganiban Perez.
20:25Yung grand case
20:27of conspiracy
20:28and plunder
20:29na ang pinaka
20:31punot-dulo nun
20:33ay si former Speaker
20:34Martin Romualdez.
20:36Pinalaga ng
20:37company Leite
20:37Representative
20:38Martin Romualdez
20:40ang allegasyon
20:40ng Office
20:41of the Ombudsman
20:42na ang dating Speaker
20:43ang mastermind
20:44ng flood control
20:46scam.
20:46Despite numerous
20:47Senate and House
20:48inquiries
20:49and other official
20:49investigations,
20:51no former
20:52or incumbent
20:52DPWH official
20:54has ever
20:55identified
20:56Representative Romualdez
20:57as having
20:58participated
20:59in the planning,
21:00procurement,
21:01implementation,
21:02inspection,
21:04payment,
21:04or release
21:05of funds
21:06for any
21:06alleged ghost project.
21:08Kinontra rin
21:09ang Romualdez
21:10cap
21:10ang sinabi
21:11ng Ombudsman
21:12na kinalikot-umanon
21:13ang literato
21:14ng Kamara noon
21:15ang ginawang budget
21:16ni dating Public Works
21:18Secretary Manuel
21:19Punoan.
21:19Balak na ngayong
21:20gawing state witness
21:21ng Ombudsman
21:22si Bonoan.
21:24Even former
21:25DPWH Secretary
21:26Manuel Bonoan,
21:28despite all
21:29opportunities
21:30in the past
21:30and who had
21:31first-hand knowledge
21:33of the department's
21:34operations,
21:35never implicated
21:36Representative Romualdez.
21:39Simple lang
21:39kung bakit.
21:40Because
21:41Representative Romualdez
21:42was not involved.
21:43Diit ng tagapagsalita
21:45ni Romualdez,
21:47maraming kasamang tao
21:48sa proseso
21:49ng pababudget
21:50at walang isang taong
21:51may control dito
21:52kahit pa
21:53ang Speaker
21:54ng Kamara.
21:55At ang pagpapatupad
21:56ng budget,
21:57ang ehekutibo
21:58ang gumagawa.
22:00The Speaker
22:00has absolutely
22:01no authority
22:02over project bidding,
22:04contract awards,
22:06implementation,
22:07inspections,
22:08payments,
22:09or the release
22:10of government funds.
22:12Hindi niya po saklaw
22:13ang pagpaparelease
22:15ng budget.
22:16Those are functions
22:17vested by law
22:18in the Executive Branch.
22:19Kung may nagkasala,
22:21papanagutin natin.
22:23Pero huwag natin
22:24gawing shortcut
22:24ang paghahanap
22:25ng isang malaking pangalan
22:27para lang may maipakita
22:29sa publiko.
22:30Ginihinga namin
22:31ang reaksyon dito
22:32ang Office of the Ombudsman.
22:34Tina Panganiban Perez,
22:36Nakatutok,
22:3724 oras.
22:43Good evening mga kapuso.
22:45Well-deserved pat on the back
22:47ang na-achieve
22:48ni kapuso-it girl
22:49Gabby Garcia.
22:50Aside sa healthy relationship
22:51with boyfriend Calil Ramos,
22:53nasa point na rao
22:54ng life si Gabby
22:55na meto na siyang peace
22:56at financial stability.
22:59Yan ang chika
22:59di Obrie Carampel.
23:03Stunning!
23:04In an electric blue dress
23:05si kapuso-it girl
23:07Gabby Garcia
23:07na dumalo
23:08sa isang tech brand launch
23:10bilang bagong ambasador
23:11at isa sa panel members.
23:14Dito,
23:14isinare ni Gabby
23:15ang ilan sa kanyang experiences
23:17bilang artista
23:18at content creator.
23:20Dahil tapos na
23:21ang Encantadia Chronicle Sangre,
23:23mas may time na rao
23:24si Gabby ngayon
23:25para sa kanyang personal projects
23:27with boyfriend Calil Ramos
23:29na ipapakita ang haraw nila
23:31ang kanilang creative side
23:32at love for food.
23:33Nagiging couple bonding
23:35na rin daw nila ito
23:36ni Calil
23:36na busy rin
23:37sa ginagawang serye
23:39at pelikula.
23:40It's more of really
23:41fun-fun bonding time
23:42kasi nga
23:43it's our passion project
23:44so we really don't feel
23:45na it's work at all.
23:46Last month
23:47nagkaroon naman
23:48ng solo trip
23:49si Gabby
23:49sa Paris, France.
23:51Nanood daw siya
23:51ng French Open
23:52at in-explore
23:54ang City of Love.
23:55Ang saya kasi
23:56parang gift ko siya
23:57sa sarili ko
23:58na
23:58diba
23:59when can I ever do it
24:01na magka-travel ako
24:02to Paris
24:02and shop
24:04and spend time
24:04with myself
24:05now that I'm in my
24:06late 20s
24:06parang it's such a
24:07perfect time
24:08to do all of that.
24:09Surreal nga raw ito
24:10para kay Gabby
24:11na may punto pang
24:13naging emosyonal siya
24:14habang dinodocument
24:15ang isa sa kanyang
24:17unforgettable
24:17and joyful moment.
24:19Hindi ako makapaniwala
24:20na I'm at the stage
24:21of my life
24:22na I can
24:23I can freely
24:24do everything
24:25anything on my own.
24:27Parang
24:27meron akong
24:28security
24:29meron akong
24:30financial stability
24:31at this age
24:32so parang
24:32it was kind of
24:33a pat on my shoulder.
24:35Soon ay magbabalik
24:37television din si Gabby
24:38for another
24:39hosting project.
24:40I can't say
24:41what program pa
24:42pero
24:43we're really excited
24:44about this.
24:45Aubrey Carampel
24:46updated
24:47Jashubis sa Pinex.
24:48partner
24:52Jashubis sa Pinex.ㅋ
Comments

Recommended