Skip to playerSkip to main content
Nasa Liwasang Bonifacio na sa Maynila ang rally ng Iglesia Ni Cristo ngayong araw.


Sa huling gabi nito sa EDSA ay dumating ang ipinagtanggol nilang si Sen. Rodante Marcoleta na nagsabing handa na siyang makulong kung kasuhan ng plunder ng Ombudsman.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nasa Liwasang Bonifacio na sa Maynila ang rally ng Iglesia Ni Cristo ngayong araw.
00:06Sa huling gabi nito sa EDSA ay dumating ang ipinagtanggol nilang si Sen. Orodante Marcoleta
00:11na nagsabing handa na siyang makulong kung kasuhan ng plunder ng Ombudsman.
00:17Nakatutok si Mark Salazar.
00:22Bago magtapos ang programa ng Iglesia Ni Cristo kagabi sa People Power Monument,
00:27dumating ang sentrong karakter ng kanilang ipinaglalaban si Sen. Orodante Marcoleta.
00:33Hindi na nga po sana ako pupunta dito kasi baka akalain po nung iba ako pa po yung nag-i
00:42-instigate, hindi po.
00:44Kailangan may pakita natin kung ano ang tunay at tapat na paglilingkod ng isang public servant sa pamahalaan.
00:55Pinasalamatan niya ang mga nasa rally para sa kanilang suporta.
00:59Ang kanilang tinututulan ang balak na pagsasampa ng Office of the Ombudsman ng kasong plunder laban sa Senador.
01:06Sa kanyang talumpati, ihinarap ni Marcoleta ang issue ng posibilidad ng kanyang aresto.
01:12Nakahanda po akong magpakulong.
01:16Kung kinakailangang maaresto po ako, wala pong problema.
01:25Kung ito po ang kabayarang hinihingi para ipagtanggol ko ang katarungan at ang pambansang kagalingan at ang interes ng mamamayang
01:35Pilipino,
01:35saan naman lang may ninakaw ako.
01:41Saan naman lang kasama ako sa mga mandarambong.
01:47Mga napanggit na yung mga pangalan nila.
01:52Ang isa ay si Martin Romualdez.
01:56Ang pinagdalhan ng mali-malitang pera.
02:04Ayon kay Marcoleta,
02:06politikal ang atake laban sa kanya,
02:08kabayaran ang paglantad ng mga testigo sa umano'y mali-malitang perang pinaghatian galing sa flood control budget.
02:16Tingnan po ninyo kung sino pa yung nagtatanggol at tumutulong para sa ganon.
02:21Matupoy natin kung sino ang may kagagawan ng pinakamalawak, pinakagarapal na pandarambong sa kabambayan.
02:32E isa pa ang inaasunto at siya pa ang pinagbabalakang arestuin.
02:40Hindi ba katungkulan ng ombudsman ang sila ang humanap, umusig at parusahan ang lahat ng may kagagawan nito?
02:51Bakit ang ombudsman ang nagagalit sa akin?
02:54Hindi ba dapat tulungan pa nila ako?
02:57Sapagkat iisa ang layunin namin.
03:00Pinapanindigan niyang gawa-gawa lamang ang kasong plunder na isasampa laban sa kanya.
03:05Ang mga asunto po na sinampalaban sa akin ay nagsasaysay ng kwarta pero hindi nagbabanggit ng korupsyon.
03:24Nagsasaysay ng halaga ngunit hindi binabanggit ang ill-gotten well.
03:31Ipinipilit na iugnay ang public office ngunit walang binabanggit na abuse of public office.
03:40Naglulubid ng mga tismis ngunit walang imitensya.
03:50Kinukuha pa namin ang panig ng mga binanggit na tao ni Sen. Marcoleta sa kanyang talumpati.
03:56Samantala, hindi na nasundan ngayong araw ang rally ng INC sa People Power Monument.
04:01Matapos kansilahin ang kanilang permit to rally,
04:04bunsod ng maraming reklamo ng abala mula sa mga motorista.
04:07Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended