Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:02Muntik po maging mitsa ng sunog sa isang bahay sa Olongapo City ang nag-short circuit at nagliyab na outlet.
00:08Ayon po sa may-ari ng bahay, nabasa ang outlet sa gitna po ng mga pagulan.
00:13Ating saksihan!
00:18Nabulabog ang tulog na mag-anak na ito sa Olongapo City, badang alas 4 na madaling araw kahapon, sa labas
00:24pala ng kwarto.
00:27May nagliyab sa isang sulok ng kanilang bahay na puno ng usokang sala.
00:31Ang amoy nitong gumising kay Ivy Bautista.
00:35Luwabas po ako ng kwarto.
00:37Then pag check out po sa may sala namin na yun, nag-aapoy na po yung sa outlet namin.
00:41Dito na niya ginising ang kanyang asawa at dalawa nilang anak.
00:44Dali-dali nilang ina po lang apoy.
00:46Wala po kaming breaker and then wala rin po kaming available na fire extinguisher.
00:51Inoff po namin yung switch and then sinabuhyan po namin ng tubig.
00:55Nakasaksak noon sa outlet ang isang extension cord para sa electric fan at mosquito repellent.
01:01Bukos sa nag-short circuit na outlet, nasunog ang plug ng extension wire pati ang katabing switch.
01:08Hindi po namin na-expect na sa bandang outlet, doon po may kumakata sa tubig kaya nabasa po yung outlet.
01:15Dahil raw sa patuloy na pag-uulan, kaya nabasa ang pader.
01:18Wala namang nasirang iba pang gamit sa bahay.
01:20Ipapacheck po muna namin sa expert and then magpapalagay na po kami ng breaker.
01:27Tapos bibili na rin po kami ng fire extinguisher.
01:32Ang Bureau of Fire Protection, naglabas ang ilang tips para maiwasan ang sunog tuwing umuulan.
01:38Iyaking tuyo at malayo sa tubig ang mga electrical appliances.
01:43Iwasang hawakan ang mga ito habang basa ang inyong mga kamay.
01:47At iwasan din gamitin tuwing may pagbaha.
01:50Laging i-check ang mga kable at agad palitan kung sira na.
01:55Iwasan din ang overloading o maramihang nakasaksak sa mga outlet.
01:59Ilagay sa tuyo at ligtas na lugar ang mga LPG tank at flammable materials.
02:05Agad i-report ang mga nasirang kable ng kuryente at ang mga fire hazard.
02:09At maiging alamin ang mga ligtas na exit sakaling magkasunog.
02:15Ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
02:19Hanggang abo at dibdib na baha ang namerwisyo sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila
02:23dahil sa pabugso-buksang ulan mula pa kagabi.
02:26At sa ilang lugar, dagdag problema ang basura na bumabara pati sa mga pumping station.
02:32Saksi, si Mark Salazar.
02:37Halos abutin ang tulay ng umapawang Letre Creek sa Malabon kanina madaling araw.
02:43Binaha ang T-Aquino Avenue pagdating sa Rizal Avenue malapit sa City Hall.
02:48Abot-tuhod ang baha.
02:50May ilang rider na napilitang itulak ang motorsiklo.
02:53Habang ang iba, ipinarada ang sasakyan sa tulay para hindi masira.
02:57E malalim na, kaya nilabas po.
02:59O.
03:00Tumataas ka yung tubig yun.
03:01Halagi bang ganyan?
03:02O, sir. Town-town yun.
03:03Tawaran ka lang na siya. Nakakapahalod na siya.
03:08Malakas din ang ulan at hangin sa Valenzuela kagabi.
03:11Mabilis na binaha ang MacArthur Highway sa barangay Karuhatan.
03:15Sa marulas, nahirapan sa baha ang mga motorsiklo.
03:19May umapaw din creek sa isang subdivision kaya binaha ang mga kalapit na kalsada.
03:24Kaninang hapon, hanggang binti pa rin ang baha nang mag-ikot si Mayor Wes Gachalian.
03:30May mga umikot ding bangka na mga rescuer para tumulong sa mga residente.
03:37Zero visibility sa bahagi ng Araneta Avenue sa Quezon City.
03:41Pasado alas 11 kagabi.
03:44Bumaha agad sa NS Amoranto Street malapit sa Araneta Avenue.
03:48Kaya, tinanggal ng mga taga DPWH ang mga bara sa mga kanal.
03:53Sa ilang bahagi, hindi na mataanan ng light vehicles ang kalsada.
03:58Sa Santo Domingo Avenue, wala rin makadaan.
04:01Hasel lang, wala tayong magagawa.
04:03Umulan din ang malakas eh.
04:05Papatila na lang, hanggang lumubog.
04:07Pasado ating gabi, nagsagawa ng pumping operation ang QC Engineering Department sa kalapit na E. Rodriguez Avenue.
04:15Sabay-sabay na ipinagana roon ang tatlong pump ng QCLGU, ng MMDA at DPWH
04:22para mabilis mailabas ang tubig mula sa mga drainage sa Araneta Avenue patungong San Juan River.
04:29Nang muling bumuhos ang ulan sa Quezon City kaninang umaga,
04:34bumaha ulit sa ilang kalsada gaya sa barangay Mariblo.
04:38Sa NS Amoranto Street hanggang dibdib agad ang tubig,
04:41gumamit na ng bangka ang ilang residente.
04:45Binaharin ang bahagi ng G. Araneta na sakop ng barangay Talayan dahil sa pag-apaw ng Talayan Creek.
04:52Muling binuksan ang mga pumps sa E. Rodriguez para bumaba ang tubig.
04:56Matapos ang halos isang oras, pumupa ang baha sa G. Araneta.
05:01Pero naiwan ang sandamakma at mabasura.
05:04Nakita niyo yung obstruction na yan sa daluyan ng tubig baha,
05:08yung basura na yan,
05:09yan ang isa sa tinukoy na dahilan kung bakit nagbabaha pa rin dito,
05:14halimbawa sa G. Araneta Avenue sa Quezon City.
05:18Kung tutuusin, napakalaki ng absorptive capacity yan,
05:21itong creek na ito para sa floodwater.
05:24Pero syempre, kung ang daluyan naman ay may baranggan yung karaming basura,
05:28haaapaw talaga ang tubig sa kalsada.
05:30Yan na yung nakikita natin sa balita.
05:32Ito'y hindi na problema ng infrastruktura.
05:35Ito'y problema ng behavior ng mga tao na sana raw ay magbago.
05:41Naglinis doon ang mga taga-skyway kung saan bukod sa mga single-use plastic,
05:46may nakuha rin malalaking tabla, maleta at sako-sakong balat ng bawang.
05:51Nagsagawa ng pumping operation ng MMBA mula sa bagong drainage system ng G. Araneta
05:57para itapon sa main creek, palabas ng San Juan River.
06:04Sa Maynila, halos mag-zero visibility sa ilang daan,
06:08pasado alas 7 ng umaga kanina.
06:10Tumila ang ulan kalaunan pero hindi agad humupa ang baha.
06:14Guttered deep ang baha sa Rojas Boulevard Service Road
06:17pero sinoong pa rin niya ng delivery rider at senior citizen na si Lucio.
06:26Perwisyo po, ma'am. Grabe.
06:28Pagka malalim talaga, hindi na bibiyayin, mape-perwisyo ka eh.
06:32Mas malaki pang magagastos mo sa paggawa, change oil, ganyan.
06:37Bayad mekaniko.
06:39Huwag na lang bumiyayin.
06:43Binuksan ang DPWH ang mga drainage para alisin ang para.
06:48Pero ang problema, makipot din ang bukana ng drainage
06:51kaya hindi agad makababa ang tubig.
06:53Pinapare-design ko ngayon lahat ng inlet ng major roads
06:56para palakihin.
06:58And mag-umpisa tayo dun sa mga flood-prone area sa mga kalya na yan.
07:05Plano ng DPWH lagyan ng trash trap o pangharang sa basura
07:10ang daluyan ng tubig dahil maging ang mga pumping station,
07:14pina-perwisyo raw ng mga basura.
07:16Hindi lang tubig ang nahihigop eh, pati basura.
07:19Yung basura, hindi lang ano, hindi lang yung waterways ang kinaklag niya.
07:24Sinisira din niya yung mga pumps natin.
07:26Apat na pumps na ang ilang buwang sira sa Maynila.
07:30Kaya pansamantala munang pinapagana ang back-up pumps.
07:34Kahit na marakasyong ulan, since nag-pump out tayo,
07:37walang baha dito ngayon.
07:38Pag yan hindi gumana, garantisado baha dito.
07:41Pero pag gumagana, hindi masyadong babahain itong area na ito.
07:46Ayon kay Secretary Dizon,
07:48pinag-aaralan ang paglalagay ng detention basin sa Raja Sulayman Park
07:53para may pansamantalang imbakan ng mahigit 3 milyong litro ng ulan.
07:58Yan din ang ibinahagi ni Pangulong Bongbong Marcos
08:00sa situation briefing niya kanina.
08:03Ayon sa Pangulo, target nila ang paglalagay ng imbakan ng tubig
08:07sa ilalim ng ilang pasilidad, gaya ng football o open fields.
08:11They have already identified 30 sites,
08:17some of which are in Raja Sulayman, Rizal Memorial, Campaginal.
08:21Para sa ilalim lahat ito.
08:23Hindi, hukukayan ito tapos i-re-restore naman kung ano yung nandun dati.
08:29Pwede nating gamitin para dito sa mga cistern.
08:32Pag-aaralan din, ano yan pwedeng gawin sa mga naiipong tubig
08:36para mapakinabangan imbis itapon sa dagat.
08:39Gagawa tayo ng sistema para kung ano man yung nakulekta na tubig
08:43ay magamit din.
08:44Magamit for household use, magamit para sa,
08:47magamit for industrial purposes,
08:50magamit for irrigation, whatever uses that we can find for it
08:53para hindi naman masayang.
08:57Patuloy namang binabantaya ng Marigina River
09:00na itinaas sa first alarm nang umabot sa 15 meters
09:03pasado alauna ng hapon kanina
09:06pero unti-unti ring bumalik sa normal level kalaunan.
09:10Habang ang Lamesa Dam umabot sa critical level
09:13na 80 meters kaninang alaswebe ng umaga.
09:16Bahagyayang bumaba pero nanatili sa alert level 3
09:20pasado alas 6 ng gabi ayon sa Quezon City DRRMC.
09:25Ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
09:30Ilang bahagi ng Valenzuela ang baha pa rin ngayong gabi
09:33dahil po sa efekto ng habagat.
09:34Abot-bewang ang tubig sa isang subdivision.
09:37At saksi live, si EJ Gomez.
09:40EJ?
09:44Tia, wala ng pagulan sa nakalipas na ilang oras
09:47dito sa Valenzuela City, pero abot pa rin sa 20
09:51o lagpas 20 yung baha dito sa F. Santos subdivision
09:54subdivision sa barangay Pasolo.
09:59Ilang araw na raw baha sa subdivision nila Julie.
10:03Ang kanilang gate, pinasok na rin ng baha.
10:06Buti na lang daw at di inabot ang loob ng kanilang bahay
10:09at di nila kinailangang mag-evacuate.
10:11Ang kanila raw negosyong lugawan,
10:13apektado dahil sa tumahal ng dating ng mga customer.
10:17Isa pang lubog sa baha ang kalsada sa Martinville subdivision.
10:21Abot pa yan sa Bewang.
10:23Ang barangay, puspusa ng operasyon gamit ang kanilang mobile pumping
10:27para humupa ang bahas sa lugar.
10:29Ang mga apektadong residente sa Pasolo Elementary School
10:32pansamantalang nananatili.
10:34Abot yan sa mahigit 70 pamilya o halos 300 individual.
10:39Binigyan sila ng hot meals ng barangay Pasolo
10:41na namahagi rin ng relief goods gaya ng bigas at mga delata.
10:45Bukod sa ilang kalsada dito sa Pasolo,
10:48hindi pa rin nadaraanan ng light vehicles
10:50dahil sa abot binting baha ang Estrella Street sa Kaloong
10:54at sa Sanjago de Alcala Church Compound.
11:00Pinasok po itong loob ng gate po namin.
11:03Ito yung katulad po nung lugawan namin,
11:05medyo matumal kasi hindi po makalabas yung mga tao at baha.
11:11Yung volume ng ulan po talaga,
11:14talagang na-overwhelm po kami.
11:15Yung MacArthur Highway po, dalamdanan,
11:18yan po ang bumabaha talaga mataas pagkaulan.
11:21Yan po ay sinasalo ng aming pumping dito sa Pasolo.
11:29Pia, itong kinatatayuan ko ngayon ay bungad lang
11:32nitong subdivision na ito.
11:34Ito nasa harap ko, itong kalsada.
11:36Yung baha ngayon, nandito sa ibabalang ng bitiko
11:38pero pag diniretso raw ito,
11:40ayon sa ilang residente,
11:41umaabot yan sa lagpas 20 hanggang sa hita.
11:44Kaya naman puspusan nga yung ginagawang mobile pumping ng barangay
11:47para unti-unti no pumupa yung baha rito sa lugar
11:50at madaanan na ng mga apektadong residente.
11:53At live, mula rito sa Valenzuela City.
11:56Ako si EJ Gomez,
11:58ang inyong saksi.
12:00Naganunso po ang Malacanang ng Alternative Work Arrangement
12:03para sa mga ahensya ng gobyerno bukas,
12:05August 20,
12:06sa ilang lugar sa Luzon
12:07dahil pa rin po sa inaasang epekto ng habagat.
12:09At sako po nito ang mga kawaninang gobyerno sa Metro Manila
12:12sa Abra,
12:14Benguet,
12:15Ilocos Norte,
12:16Ilocos Sur,
12:16La Union,
12:17Pangasinan,
12:18Bataan,
12:20Bulacan,
12:21Vevesiha,
12:22Pampanga,
12:23Tarlac,
12:24Zambales,
12:25Batangas,
12:26Cavite,
12:27Laguna,
12:28Rizal,
12:29at Occidental Mindoro.
12:30Kung wala po po anunsyo ang lukal na pamahalaan sa mga nabanggit na lugar,
12:34ipapatupad po ang Alternative Learning Mode o Online Class
12:38para sa lahat na atas sa privado at pampublikong paaralanan.
Comments

Recommended