00:00Sa ibang balita, binahagi ni Orly Guties Agutesa ang dati niyang sinabi na nag-deliver o binawi niya.
00:05Ang sinabing nag-deliver siya ng mali-maletang pera sa bahay ni dating House Speaker Martin Romualdez.
00:10Ang utak-anya ng naturang aligasyon, si na Sen. Rodante Marcoleta at dating Congressman Mike Defensor.
00:17Balita natin ni Maki Pulido.
00:22Unang lumabas sa publiko si Orly Gutiesa sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee,
00:27kaugnay ng mga anomalya sa flood control projects noong Setiembre ng nakaraang taon.
00:32Sa kanyang testimonya, sinabi niyang bilang bodyguard ni dating Congressman Zaldico,
00:37taga-hatid siya ng mali-maletang pera sa bahay ni dating House Speaker Martin Romualdez.
00:42Humigit kumulang tatlong bisis ako mismo ang nag-deliver ng basura sa bahay ni Congressman Zaldico
00:49at sa mga bahay ni Speaker Romualdez.
00:53Si Sen. Rodante Marcoleta ang nagharap sa pagdinig kay Guteza
00:57na inilapit daw ng kaibigang si dating Congressman Mike Defensor.
01:01Pero ngayon, binabawi na ni Guteza ang kanyang mga sinabi sa isang panibagong affidavit.
01:07Pinilit lang daw siya ni Defensor na sabihin,
01:10naghakot siya ng pera para kay Romualdez kahit hindi daw ito totoo.
01:15Sa isang video, binasa ni Guteza ang ilang bahagi ng kanyang affidavit.
01:19Sa isang Japanese restaurant malapit sa Senado, sinulat daw ang kanyang affidavit
01:24laman ng kwentong idinikta ni Defensor.
01:27Inayos pa raw ni Marcoleta ang draft na tinipe ng manugang ni Defensor na si Mark.
01:55Ang video na ito ibinigay sa GMA News ni Atty. Melvin Kalimag,
01:59ang abogadong nagnotaryo ng panibagong affidavit.
02:14Nirequest namin kay Atty. Kalimag na makausap sa telepono si Guteza,
02:18pero ayon sa kanya, may problema sa signal kung nasaan si Guteza kaya di siya makontakt.
02:23Sa kwento ni Guteza sa kanyang affidavit,
02:26narinig daw niya ang usapan ni na Defensor at Marcoleta tungkol sa pera.
02:30Sabi ni Ponglog Kung Guzman,
02:33Mike, basahin mo na muna, ikaw na ang bahala kung pwede yan.
02:36Sabi niya,
02:38Pari, 150 milyon lang masaya na tayo.
02:42At nang matapos yung basahin ng apidavit,
02:44sabi niya, ito na yung missing link na hinahanap natin
02:49kasi puro sila sa natiko at ikaw lang
02:52ang makapagbabanggit kay former Speaker Martin na dideliver ng pera.
02:57Pinangakuan daw siya ng pera at scholarship sa mga anak.
03:01Pinilit niya sa akin na ako na lang sabay-sabi na
03:05basahin mo lang yan at mababayaran naman.
03:12Ako ay pilitan sabihin, napilitan na sabihin para sa kanya.
03:17Sige po, sir.
03:19Kung ito ang paraan para makatulong ako,
03:23nang gawa ko dyan, sir.
03:25Kaya lang, sir, rinala na po lang ang pag-aaral ng mga anak ko.
03:30Nag-promise ng Casa Educational Scholar si former Congressman Mike Pinsor.
03:36Kinabukasan, bago sumalang sa Senate Blue Ribbon Committee hearing,
03:39kinausap pa raw siya ni Mark Coleta at sinabihang
03:42huwag lilihis sa nakahandang apidavit.
03:44Kaya nang mag-adlib daw siya sa pagsalang sa hearing,
03:48napagalitan pa siya ni Mark Coleta.
03:50Paulit-ulit na sinasabi na buluntaryo ang aking gagawin
03:54at tinuturuan niya ako na kung ano lang ang kalagay sa apidavit
03:59na ginawa ni Mark, naasawa ng anak ni former Congressman Mike Pinsor.
04:05Yan lang mag-focus.
04:06Sinagot ko, opo, sir.
04:08Pagkatapos ng Senate hearing,
04:10hindi na raw siya muling kinontak ni na Defensor at Mark Coleta.
04:14Doon ko na tansya na ginamit lang talaga nila ako
04:17sapagkat huli na ang lahat ng mga pangyayari
04:23at ako'y lubos na nagsisisi.
04:26Sinusubukan pa namin kunan ang pahayag si na Mark Coleta at Defensor.
04:30Ang binabawi ngayong salaysay ni Guteza,
04:33bahagi ng mga ebedensyang pinag-aaralan ng ombudsman
04:36para sa posibleng isampang reklamo
04:38laban kay dating Speaker Romualdez.
04:41Bukod kay Guteza,
04:42nag-recant na rin ang kasamahang bodyguard
04:44na may affidavit na hawak ng ombudsman.
04:47Hiningan namin ang ombudsman ng reaksyon
04:49pati na kung anong epekto nito sa case build-up
04:52laban kay Romualdez.
04:53Pero hinihintay pa nilang magkakopya
04:55ng affidavit ni Guteza
04:56bago sila makapagbibigay ng komento.
05:00Maki Pulido,
05:01nagbabalita para sa GMA News.
Comments