Skip to playerSkip to main content
  • 13 hours ago
Binaha ang sasakyan o motor? Sagot ba ito ng insurance? Alamin kung kailan maaaring i-cover ng insurance ang mga sasakyang napinsala ng baha at kung may epekto ba kung kusa itong inilubog sa baha.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, ingat po!
00:03Patuloy pa rin po ang mga pagulan at ang mga pagbaha.
00:06At nitong mga nakaraang araw nga, marami tayong nakita ang mga sasakyang binaha.
00:11Gaya nito isang sasakyan na naglakas loob na tawirin ang baha.
00:19Nako, bumuelo pa para sana makasuong.
00:23Pero pagdating sa kalagitnaan ayun, lumutang ang sasakyan dahil sa taas ng tubig.
00:30Nangyari po yan dyan sa bandang Mother Ignatia Avenue sa Quezon City.
00:34Maliban po dyan, may mga binahari mga motosiklo at pati bisikleta.
00:40Ang tanong, paano ang mga binahang yan?
00:44Yan ang ating pag-usapan natin.
00:46Ask me, ask Attorney Gabby.
00:55Attorney, sasagutin ba ng insurance yung mga ganitong nabahang mga sasakyan o motor?
01:00At paano kung gaya sa video na kahit nakitang baha, ay inilusong pa rin ang sasakyan?
01:06May insure ba ito?
01:08Well, depende.
01:10Hindi po automatic na lahat ng sasakyan ay covered ng tamang insurance.
01:15Ang unang titignan ay kung ano ba ang coverage ng insurance policy ng sasakyan.
01:19Dahil ang aktwal na liabilidad o pananagutan ng insurance company,
01:24ay nakadepende pa rin sa mismong terms, conditions, exclusions at coverage ng policy na binayaran ninyo.
01:31Siyempre, mas malawak na coverage ng policy, mas mataas ang premium na babayaran.
01:38Alam naman natin na ang damage na dulot na isang baha ay posibleng napakalaki.
01:44Natutuhan yan ng marami noong bagyong undoy na napakaraming sasakyan
01:48ang bigla na lamang pinasok ng tubig habang nakaparada sa medyo mababang mga lugar.
01:54Doon natin natutunan na kahit na may comprehensive motor vehicle insurance kayo,
02:00kung wala itong specific na acts of nature o acts of God coverage,
02:06hindi mababayaran ng insurance company ang damage sa sasakyan
02:09kung ang damage ay dulot ng acts of nature tulad ng baha o bagyo o storm surge.
02:16Isama pa natin dito ang ibang acts of God of nature tulad ng lindol, sunog at iba pang similar na
02:23sakuna.
02:24Dagdag na bayad ang pagdagdag nitong coverage for acts of God and acts of nature.
02:30So kung hindi kayo bumili ng special coverage na ito, malamang sorry po,
02:35pero hindi ito sasagutin ng insurance ninyo.
02:38Of course kung CTPL lamang ang insurance ng inyong sasakyan,
02:42dahil ito naman lamang ang required ng batas para sa lahat ng sasakyan para marehistro ito,
02:48mas lalong sigurado tayo na hindi ito sasagutin ng damage
02:53dahil sa baha, dahil ang CTPL ay para lamang sa death or bodily injury lamang ng third party
03:00o passenger arising from the use of a motor vehicle.
03:05Paano naman kung nakita ang baha e inilusong pa rin ang sasakyan?
03:08Nako, malamang ay madadenay ang claim na yan kahit na may acts of God or act of nature coverage siyan.
03:15Ito po ay dahil kahit na covered sana kayo sa mga acts of nature nga tulad ng baha.
03:22Ayon sa Article 89 ng Insurance Code as amended,
03:26walang liabilidad ang insurance company kung yung insured ay guilty of gross negligence
03:33or kung ang damage ay dahil sa kanyang deliberate or willful act.
03:37So kung ay maipapakita ng ebidensya na ang sasakyan ay sadyang inilubog o ipinilit gamitin sa isang lugar
03:44na may matinding pagbaha, maaaring magkaroon ng ground ang insurer para i-deny ang claim na yan.
03:51Pero hindi rin naman basta-basta sasabihin na dahil pinasok sa baha, denied na agad.
03:56Case to case po ito at nakadepende sa policy at sa aktual na circumstances ng insidente.
04:03Pero halimbawa, kung may mga warning na na napakalalim na ng baha,
04:09nakita na ninyo na hanggang leeg na ang tubig o nagdadive na ang mga bata sa underpass.
04:14Halimbawa, pero nilusong nyo pa rin ang sasakyan dito,
04:18malamang ay sasabihin na matinding pagpapabaya ang nangyari
04:21at hindi pananagutan ng insurance company ang damage ninyo.
04:26Kailan walang gross negligence?
04:28Well, tulad sa nangyari noong undoy, nakaparada ka lang sa usual na parking lot,
04:33biglang nagkaroon ng taas ng tubig, halimbawa overnight,
04:38o biglang nagkaroon ng flash flood, yan ay covered ng inyong insurance.
04:44So, tuloy po tayong mag-ingat dahil tuloy-tuloy pa rin ang mga ulan.
04:49Keep safe and dry.
04:50Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
04:53Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip,
04:58ask me.
04:59Ask Attorney Gabby.
05:01Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
05:05Bakit?
05:06Pagsubscribe ka na dali na para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
05:11I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
05:15Salamat ka puso!
05:16A-da!
05:16Guha a-da!
05:17B-pa!
05:17Pag-iisip!
05:17Past-a!
05:18Al-MG.
05:18Malarak.
Comments

Recommended