- 3 hours ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
-Ilang pasahero ng AirAsia flight na diverted sa Clark Int'l Airport dahil sa masamang panahon, nawalan ng malay sa loob ng eroplano; Impeachment trial, kanselado ngayong August 18 dahil sa masamang panahon; Ikalawang reklamong perjury, isinampa ni VP Sara Duterte laban kay Ramil Madriaga; Pokwang at Martin del Rosario, waging Best Actress at Actor sa Cinemalaya 22; Ilang kalsada sa Olongapo City, apektado ng baha at pagguho ng lupa dahil sa walang tigil na ulan; PAGASA: Metro Manila, nakaranas ng high intensity na ulan kahapon kaya nagdulot ng malawakang pagbaha; Tatlong mobile pump, inilagay sa San Juan Bridge kasunod ng malawakang pagbaha kahapon; Deklarasyon ng State of Calamity sa La Trinidad, Benguet, inirerekomenda; DILG Sec. Remulla: Isang Grade 10 student ang kabilang sa 2 nasawi; CBB: Ilang Kapuso celebrities, nahirapang bumiyahe kahapon dahil sa malawakang pagbaha
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Samantala, dahil sa epekto ng masamang panahon, na-divert ang isang flight mula Vietnam sa Clark International Airport kahapon imbis
00:08na sa Naia Terminal 1.
00:09Habang naghihintay po na makalipad pa Maynila, nagkatensyon sa loob ng aeroplano matapos hindi payagang makababa agad ang mga pasahero.
00:18Ang ilan po, nahimatay. Balidang hatin ni Bam Alegre.
00:25Sa mga cellphone video na ito, mula sa isang pasahero, kitang tensyonado ang sitwasyon sa loob ng aeroplano na ito.
00:32Makikita pang may medical personnel na tumugon sa ilang hinimatay na pasahero.
00:36Sa isang statement, kinumpirma ng AirAsia na flight Zay 2823 nila ito,
00:41nagaling Danang, Vietnam at lalapagdapat kahapon ng tanghali sa Naia Terminal 1.
00:46Pero dahil sa masamang panahon, hindi makalanding ang aeroplano sa Naia
00:50at kinailangan ma-divert sa Clark International Airport.
00:53Ipinaunawa naman daw ito ng flight crew sa mga pasahero.
00:56Pero ayon sa isa sa mga pasahero na si Jay Aquino,
00:59nagsimula ang tensyon ng hindi makaalis sa Clark,
01:01ang aeroplano ang lilipad sana ulit pa Maynila.
01:04Pinatay raw ang air conditioning ng aeroplano habang naghihintay ng clearance.
01:07At nasa loob lang daw ang mga pasahero buong hapon.
01:11Sa huli, hindi na rin nakakuha ng clearance para makalipad ulit ang aeroplano dahil sa air traffic.
01:15Sana mas nahahandol nila na maayos.
01:17And I think ang very disappointing part doon is hindi sila transparent.
01:22If sinabi naman nila yung mga kailangan gawin at yung decisions nila real time
01:28at hindi pa bago-bago, kaya naman ang pasahero eh.
01:32Pero yung 4 hours kami sa loob, may mayhihimata pa bago sila mag-decide.
01:36May point na kinlose na nila yung AC.
01:39And then closed din yung doors.
01:42So imagine walang air circulating inside.
01:45So sunod-sunod na yung mga pasahero na nasa suffocate.
01:49So nagko-collapse.
01:50And then nagpa-panic.
01:53Sa ilan pang cellphone video mula sa mga pasahero,
01:56makikita nagpupumilit makalabas ng aeroplano ang ilang pasahero.
01:59May ilang ding nasa bridge na.
02:01May mga airport police na rin nakastandby sa lugar.
02:04Kinumpirma ng AirAsia na may dalawang pasahero na nangailangan ng atensyong medikal
02:08na tinugunan daw ng airport medical team.
02:11Naiintindihan daw nila na nagdulot ng inconvenience ang aberya sa flight
02:14pero kinailangan daw sundin ang operational processes at coordination bago makalipad ulit.
02:19Prioridad daw nila ang kaligtasan ng lahat.
02:21Naghanda rin daw sila ng snacks at hot meals para sa mga pasahero.
02:25Binenta pa nila yung water at snacks sa amin nung bago nila patihin yung AC.
02:31So narealize na lang nila na kailangan namin ng food and snacks nung wala ng AC at may mga nahihilo
02:36na.
02:37So there are news about they gave us snacks.
02:39Hindi po totoo yun.
02:41Binentahan po nila kami.
02:43Kumalmaraw ang sitwasyon ng pahintulutan na mga pasahero na lumabas ng aeroplano
02:46at pumunta sa immigration gates ng Clark International Airport bandang gabi.
02:51Ipinaliwanag sa kanila ng immigration officials ang sitwasyon.
02:55Pinasakay rin sila sa mga point-to-point o P2P bus mula Clark International Airport patungo na IA Terminal 3.
03:01Sagot daw ng mga pasahero ang pamasahe sa P2P bus.
03:04Pasado alauna na ng madaling araw na makarating ang P2P bus
03:08ng mga pasahero ng aeroplano dito sa IA Terminal 3.
03:12Kaya naman matapos ang napakaraming oras ay pagod na-pagod na itong mga pasahero,
03:18lalo na may makasama sila mga bata.
03:20We're gonna file a complaint sa tamang...
03:22Yes, yes, AB.
03:25And magko-coordinate kami kung ano yung tamang proseso kasi pag sa social media lang,
03:30I don't think it's gonna reach somewhere.
03:31The fact na nag-post sila ng public statement without sorting out first kung ano nangyari sa loob,
03:37that's very unacceptable.
03:38Sisikapin pa namin kung na nakaragdagang pahayag ang Air Asia.
03:42Bama Legre, nagbabalita para sa GMA News.
03:51Suspendido ang impeachment trial ngayong araw dahil sa masamang panahon.
03:54Kahapon, sinabi niya dating ang OVP Specialist Bursing Officer Gina Acosta
03:58na si Vice President Sara Duterte ang nagutos na ibigay ang P125M confidential funds
04:05sa dating head ng kanyang security na si Col. Raymond Dante Lachica.
04:09Si Acosta ay diniklarang hostile witness dahil hindi tugma sa interes ng prosekusyon sa kaso
04:14ang kanyang interes bilang empleyado ng OVP.
04:17Balita natin ni Sandra Ginaldo.
04:24Ang iniharap ng prosekusyon, si Gina Acosta mula sa tanggapan ni Vice President Sara Duterte.
04:31Ang pagsagot ni Acosta sa mga tanong, may halong bisaya,
04:35kaya nagtatagal dahil kailangan pa itong isalin sa Ingles o Pilipino.
04:40Could you have me nag-himong o accomplishment report, Your Honor?
04:45Dalawang behes mo kayo gumawa ng accomplishment report, Ma'am Gina?
04:48Ang kaningihatag sa acquire, Your Honor, mauni ang unang agihimo, Your Honor.
04:54Yung unang accomplishment report.
04:56Pero tumayo si Senator Judge Irwin Tulfo para tanungin,
05:00bakit noong humarap ito sa pagdinig sa kamera noong November 2024,
05:05nakakasagot naman daw ito ng Tagalog o Ingles?
05:09Hawak niya ang transcript ng testimonya noon ni Acosta.
05:13What is this?
05:16I mean, mabuti po sana pati yung discretionary.
05:19And she's a government official, she doesn't know what discretionary means is.
05:23I mean, what it means?
05:25Dito po, sumasagot naman po siya.
05:28English, Tagalog, tama na po itong paluloko sa atin.
05:32Tinanong siya ng prosekusyon tungkol sa pagwi-withdraw niya
05:35ng P125 million pesos in cash sa land bank noong December 2022.
05:41Ito yung confidential fund ng BICE na sinasabing na disbursed o nagamit sa loob lamang ng labing isang araw.
05:49Para maisalarawan ang dami ng pera,
05:52nagpakita ng letrato ang prosecution lawyer pero umalma ang depensa.
05:57May we just ask as to the source of the photo and how it was generated and produced?
06:06Because we don't have P125 million pesos in cold cash, so we had to resort to technology.
06:15Is that, Your Honor, artificial intelligence? This is AI?
06:20Yes.
06:20Generated?
06:21Yes.
06:21Ang pera ay nilagay daw niya sa apat tabag tsaka bumalik sa kanilang opisina.
06:27Doon ibinigay niya ang P125 million pesos in cash kay Col. Raymond Lechica,
06:34former head ng Vice President Security and Protection Group.
06:38Dati nang ipinunto ng prosekusyon na sa ilalim ng Joint Circular ng Commission on Audit,
06:44ang Special Disbursing Officer ang dapat nangakasiwa sa pagre-release ng confidential fund.
06:50Kaya tanong ngayon ang prosekusyon, bakit ibinigay niya ang cash sa security ng Vice
06:56gayong trabaho niya ito bilang Special Disbursing Officer?
07:00Kasi po, may instruction po sa taas, Your Honor, ang aking head of agency.
07:04Sino ba ang head of agency na nag-utos sa'yo?
07:09Ang nag-utos po sa akin na i-release ang pera na 125 M sa security officer na si Col.
07:19Lachica ay si Ma'am Sara Duterte.
07:23Pinunturin ang prosekusyon na kay Lachica rin napunta ang confidential fund para sa taong 2023.
07:29Gayong hindi naman daw niya trabaho ito at hindi siya ang Special Disbursing Officer.
07:34Siya po ang may alam, siya po ang expert to Your Honor sa pagpatupad po ng confidential operation and activities,
07:43Your Honor.
07:44Kasi siya po ang may access when it comes to national security, Your Honor.
07:50Pinaalala din ang prosekusyon ang sinabi ni Acosta sa Kamara.
07:54And without the approval of the Vice President, will you give that to Col. Lachica?
08:00Hindi po.
08:00Lumabas din sa pagtatanong na ang inihandang plano para sa pagkakagastusan ng confidential fund ay walang detalye kundi blanket program
08:10lamang.
08:10Sabi ni Acosta, lumalabas na ang detalye ng paggamit ng pera kapag ibinigay na ni Lachica kung saan ginamit ito.
08:18Yung paglilista, pagdiditalye ng expenditures, opo, di ba trabaho niyo rin po yan as SDO slash Project Accountable Officer?
08:31Ang pagsulat po ako pero ang mga expenses po kung unsa ang gamiton kay Sir sa kay security officer po.
08:44Kasi siya po ang mag-implement ng various confidential operation and activities, kasi siya po ang eksperto dito sa ground
08:53Your Honor.
08:53Kinumpirma rin ni Acosta na sa mga dokumentong isinumite sa Commission on Audit para i-liquidate ang milyong-milyong pisong
09:01confidential fund,
09:02wala ang pangalan ni Lachica sa kabila ng papel niya sa paggamit ng confidential fund.
09:08Sa lahat ng mga dokumento isinumite niyo sa COA, nakasaad ba dyan yung pangalan ni Col. Lachica?
09:21Wala.
09:23Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA News.
09:28Nagsampa ng ikalawang reklamang perjury si Vice President Sara Duterte laban kay Ramil Madriaga,
09:35ang nagpakilalang dati niyang aide at bagman umano.
09:38Isinampa ni Vice President Duterte ang reklamo sa Taguig Prosecutor's Office kung saan din niya isinampa ang unang perjury complaint
09:46noong Marso.
09:47Nag-ugat ang ikalawang reklamo sa Supplemental Affidavit ni Madriaga na iprinisinta sa hearing ng House Committee on Justice noong
09:55Abril.
09:56Idilitali roon ni Madriaga na nag-deliver daw siya ng mga bag ng pera sa ilang personalidad sa utos ng
10:03Vice.
10:03Sinabi rin noon ni Madriaga na sa loob lamang ng 24 oras at hindi labing isang araw na ubos ang
10:11confidential funds.
10:12Ang misuse of confidential funds ang hinimay-himay ngayon sa impeachment trial.
10:19Mariing itinanggi ng kampo ng Vice Presidente ang mga aligasyon sa affidavit ni Madriaga.
10:24Gusto nilang panagutin si Madriaga dahil saan nila'y malisyoso at walang basihang impeachment laban kay VP Duterte.
10:33Ayon sa abogado ng defense team sa impeachment trial na si Attorney Michael Poa,
10:37hindi maapektuhan ng perjury complaint ang paglilitis.
10:41Nakakulong si Madriaga sa Camp Bagong Biwa sa Taguig para sa kasong kidnap for ransom.
10:46Wala pang pahayag ang kanyang abogado tungkol sa panibagong perjury complaint.
10:56Tuesday latest, panalo ng Acting Awards sa 22nd Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.
11:03Ang mga kapuso nating, si Na Pocuang at Martin Del Rosario.
11:09Best Actress si Pocuang para sa pelikulang Two Valid IDs.
11:14Si Martin naman ang itinanghal na Best Actor para sa Tayo Lang Ang Nakakaalam.
11:18Sa aking coverage sa awarding, parehong nagpasalamat si Na Martin at Pocuang sa kanilang speech para sa pagkilala ng Film
11:26Festival at pati na rin sa effort ng production teams.
11:33May mga bagay na pinipili nalang itago at huwag sabihin dahil sa takot na maja-judge ng ating lipunan.
11:42Marami na nagbago. Sabi nga nila, malayo na, pero malayo pa. Marami pa tayong pwedeng gawin.
11:49So let's end the stigma towards LGBT. End the stigma now sa HIV.
11:54Especially po sa lahat po ng mga nanood. Alam ko mahirap ang buhay ngayon, kipid-tipid.
11:59Pero nandiyan kayo, sunuporta kayo, pinatunayan yung kaya ng Pilipino.
12:03Kaya natin po, bangon industriya.
12:07Sa lahat ng mga Pilipinong mga binagdadanasan po, huwag kayo mawala ng pag-asa. Laban lang.
12:16Tulad sa Metro Manila, binaha rin ang Olongapo Zambales dahil sa hagupit ng hanging habagat.
12:22May ulat on the spot si Von Aquino.
12:24Von!
12:28Rafi binaha at nagka-landslide ang ilang kalsada rito sa Olongapo City dahil nga sa walang tigil na pag-ulan.
12:39Putik dala ng matinding pagbaha kahapon ang nililinis ngayon ng ilang residente sa Acacia Street, Barangay Gordon Heights nitong umaga.
12:47Sa bahay ng senior citizen na si Onorio Gomez, makikita pa kung hanggang saan umabot ang baha kahapon.
12:53Tuwing habagat, inaasahan na raw nila ang baha kaya naman hiling niya ituloy-tuloy ang dredging sa ilog dahil patuloy
13:00ang pagbaba ng lahar mula sa bundok.
13:02Nagtumbahan naman ang mga puno, poste ng kuryente at ilaw matapos ang landslide sa Barreto National Highway, pasadola sa is
13:10ng gabi kahapon.
13:11Bumigay ang pader na nagsisilbing bakod ng lupa.
13:14Isang fruit stall at e-trike din ang nadamay sa landslide pero mabuting walang nasaktan.
13:19Mag-alas 10 kagabi nang isagawa ang clearing operation kaya't naiwasan ang pagbagsak ng puno sa high-tension wire.
13:25Isa pang landslide ang naitala sa Skipper Beach National Highway mag-alas 12 ng tanghali kahapon.
13:31Humamba lang ito sa kalsada pero wala namang nasaktan sa nangyari.
13:34Naisa ilalim na ito sa clearing operation kaya't maayos ng nadaraana ng mga motorista.
13:40Nagbaha rin sa Rizal Street, Barangay Barreto pero humupa rin ito bago sumapit ang gabi.
13:45Gutter deep na baha naman ang naranasan sa Manila Avenue, Dewey Avenue at Canal Road sa Subic Bay kahapon.
13:52Halos umapaw din ang Matain River sa Subic at malapit na itong umabot sa kalsada.
13:57Narito ang pahayag ng ilan sa aming nakapanayam.
14:01Wala pa kaming tulog dahil sa dalawang beses na tumasang tubig kahapon.
14:09At makikita ninyo yung hanggang doon ang tubig, halos sa gabewang ang tubig.
14:17Lalo na sa likod namin ay ang ilog, pag umapaw yun, malamang pati dyan sa daan.
14:27Hindi na madaangan ng mga sasakyan.
14:31Kung magsakit itong puno na ito dahil sa kalakasan na ng ulan, walang tigil na ulan.
14:37Yung bigat po niyang puno na yan, tsaka yung lupa ng gagaling sa bundok,
14:42kaya nagiba rin itong ating mga hagda, itong ating mga pader.
14:54Raffi, sa mga oras na ito ay nagsisimula na namang umulan dito sa Olongapo City.
14:59At naghahanda rin yung mga residente dito sa barangay Gordon Heights na binahakahapon,
15:03lalo na may heavy rainfall warning dito sa Zambales.
15:08Raffi?
15:09Maraming salamat, Von Aquino.
15:13Itinuturing na high intensity ang naranasang pagulan dito sa Metro Manila kahapon,
15:17kaya po nagdulot ito ng malawakang pagbaha.
15:20Sa panayam kanina ng unang balita, ng unang hirit kay Charmaine Varilla,
15:24weather specialist ng pag-asa,
15:27202 millimeters na dami ng ulan ang naibuho sa NCR
15:31mula alas 8 kahapon ng umaga hanggang alas 2 ng hapon.
15:35Anin na oras po yan.
15:37Sa mga sumunod namang oras ay nakaranas ang kamay nilaan na mahina
15:41hanggang katamtamang ulan na aabot sa 8 hanggang 10 milimetro ang dami.
15:47Sabi ni Varilla, mas mababa pa rin ang datos na yan
15:50kung ikukumpara sa dami ng ulan sa NCR ng Bagyong Ondoy noong September 26, 2009.
15:57Ang high impact na pag-ulan noong Ondoy,
16:00nagbuhos ng 345 millimeters na ulan sa loob lamang din ng anin na oras.
16:08Yung mga paulan po kasi ay driven by habagat na sinabayan po ng mga makakapal at saka frequent na mga
16:15thunderstorms.
16:16Kung ikukumpara sa high impact na mga paulan kahapon, parang nasa 60% lang po ni Ondoy so mas mababa
16:23po siya.
16:30Update tayo sa La Trinidad Benguet.
16:32May ulat on the spot si Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
16:36Sandy?
16:38Tony, baga man umaayos na ang lagay ng panahon dito sa La Trinidad Benguet,
16:42hindi raw maikakaila ang malawak na pinsala ng kalamidad sa iba't ibang sektor sa bayan.
16:47Inire-recommende na ng lokal na pamahalaan ng La Trinidad ang pagdideklara ng state of calamity sa bayan,
16:52pasunod nung malawak ang pinsala sa turismo, agrikultura at iba pang sektor ng lokal na ekonomiya.
16:58Gunsod ito ng mga bagyong Luis at Maymay pati ng Habagat.
17:01Dahil konti lang ang mga turista, nagsara muna sa pwesto ang ilang mga negosyante.
17:06Kakaunti rin ngayon ang mga binibentang strawberries na 400 to 500 pesos kada kilo.
17:11Ayon sa alkalde ng bayan, pinakanapektuhan ang sektor ng agrikultura matapos masira ang pananim ng ilang magsasaka.
17:17Apektado rin ang biyahe ng mga gulay dahil sa ilang sirang kalsada tulad ng bumigay na bahagi ng provincial road
17:24sa barangay Bagcal na Trinidad.
17:25Access road din kasi ito ng mga sakya na nagdurugtong sa Benguet at Nueva Vistayan.
17:30Sinuspinda ng na-trimit at LGU ang piece-to-piece classes mula preschool hanggang senior high school sa lahat ng
17:36pampubliko at pibadong paaralan sa bayan ngayong araw.
17:40Connie.
17:40Maraming salamat, Sandy Salvasio.
17:45Dagdag-detail tayo sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University.
17:49Ayon kay DILG Secretary John Vic Rimulla, kabilang sa dalawang nasawi ang isang grade 10 student.
17:55Inaalam pa kung paano na ipasok sa eskwalahan at kanino ang mga armas na ginamit.
17:59Tiniyak naman ang Sambuanga City Police Office na wala nang banta ng active shooter ngayon sa lungsod.
18:05Ang Department of Education naman, nababahala rao sa nangyaring pamamaril.
18:09Handa rao sila magbigay ng suporta at tulong sa mga apektado mag-aaral, pamilya, school personnel at sa mga otoridad.
18:18Yan ang may init na balita ngayong tanghali.
18:20Ako po si Connie Sison.
18:22Rafi Tima po.
18:22Kasamang niyo rin po ako, Aubrey Caramper.
18:24Ito po ang GMA News.
18:26Walang kinikilingan, walang pinaprotektahan.
18:28Noon at ngayon, serbisyong totoo.
Comments