Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ayon sa National Capital Region Police Office, walang naipakitang permit ang mga lidan ng grupo para sa biglaang pagkitipon sa
00:08People Power Monument na nagdulot po ng matinding traffic sa EDSA.
00:12Nagkagitgitan at nagkatulakan pa ang mga polis at mga aranyista. Balita natin ni EJ Gomez.
00:21Hile-hile na ng mga sasakyan, kabilang ang private vehicles at mga bus, ang sumakop sa kahabaan ng White Plains
00:27Avenue.
00:28Sakay ng mga ito ang mga nagtitipon-tipon dito.
00:31Mula pasado alas 4 kanina, humarang at pumarada sa kalsada ang mga bus, dahilan para hindi na madaanan ng mga
00:38motorista ang White Plains Avenue.
00:40Ilan sa mga narito ay nakasuot ng puting t-shirt na may nakasulat ng mga salitang transparency at accountability.
00:47Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Anthony Abirin, ang grupo ay mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo o INC.
00:55Wala pong prior coordination and we believe sa pakikipanayam natin sa kanina sa kanilang mga leader ay wala po silang
01:03may pakitang permit.
01:05Batay po sa pakikipag-ugnayan natin sa kanina, wala pong definite na oras kung hanggang kailan po sila dito.
01:12Nakabantay naman ang PNP personnel sa People Power Monument.
01:15We will observe maximum tolerance and at the same time respect po, respeto po sa human rights ng bawat kasabi
01:23po dito sa pagtitipon mo nito.
01:25Sa mga INC po ay nananawagan po tayo na panatilihin po ang disiplina sa kanilang hanay at sumunod po sa
01:34alituntunin at patat.
01:36Mga alas 5.30 kanina, nagbumuhus ang ulan. Nagpulasan ang mga taong nagtitipon. Ilan sa kanila sumilong sa gilid at
01:44sa ilalim ng mga puno.
01:45Ang iba naman, sumakay sa kanilang mga service bus.
01:48Nagkabuhol-buhol din ang traffic papuntang EDSA White Plains sa gitna pa man din ng morning rush hour.
01:54Isang lalaki ang itinabi at pinaupo sa gilid ng kalsada matapos mahimatay dahil nahirapang huminga.
02:00Pinagtulungan siyang paypayan at painumin ang tubig ng mga ralihista para mahimasmasan.
02:05Pasado alas 8 ng umaga, nagkatensyon sa People Power Monument nang subukang lumabas ng dalawang service bus ng mga ralihista
02:13mula White Plains Avenue patungo sa EDSA.
02:16Nagkagitgitan at tulakan ang mga ralihista at mga pulis. Sabi ng pulis siya, may mga inaresto sila.
02:24EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
02:29Aabot sa isang libo naman ang nagtipon sa Liwasang Bonifacio, kabilang po din ang mga membro ng Iglesia ni Kristo.
02:36Ayon sa pulis siya, walang naipakitang permit ang mga leader sa pagtitipon.
02:41Magdadagdag din daw sila ng pwersa kung mas dumami pa ang bilang ng mga tao riyan at para makontrol ang
02:47dalaw niya ng traffic.
02:48Mayroon ng stage at LED screen para siya sa gawang programa.
02:52Kabilang po sa mga panawagan nila ay huwag baliin ang hustisya.
03:00Kinumpirma ng Iglesia ni Kristo na kasama nga nila mga membro nila sa mga panagtipon sa People Power Monument at
03:06Liwasang Bonifacio ngayong umaga.
03:08Ang aktibidad ay kasunod ng anunsyo ng Office of the Ombudsman na sasampahan nila ng kasong plunder si Sen. Rodante
03:14Marcoleta na isa ring INC member.
03:16Panawagan ng INC, Transparency, Accountability, Justice and Peace.
03:22Sabi ni INC spokesperson Kaedul Zabala, hindi sila tutol sa pagpapatupad ng batas.
03:27Ang tinututulan daw nila ay pagbaluktot anya sa batas, lalo na kung ang layunin ay pagtakpan ang katiwalian.
03:35Ipinunto ni Zabala na si Sen. Marcoleta bilang dating chairman ng Senate Blue Ribbon Committee
03:39ang isa sa mga nanguna sa pag-iimbestiga sa questionabling flood control projects
03:44na isa sa anilay pinakamalaking pandarambong sa kasaysayan.
03:48Ang pinagtatakaraw nila, bakit si Marcoleta ang kakasuhan at ipakukulong sa halip na ang mga na-expose?
03:54Gusto rin nilang ipaalam sa mga kinauukulan na INJUSTICE, ang anilay SELECTIVE JUSTICE.
04:03Nananawagan kami para sa transparency, accountability, justice and peace.
04:11Kaya, nais naming iparinig sa mga kinauukulan na kahit ipakulong nila si Sen. Marcoleta
04:23ay hindi kami titigil sa paghingi ng katarungan para sa mga kababayan natin na ninakawan.
04:33Sa iba pang balita, mula pa kanina maulan na rito sa Metro Manila dahil po yan sa low pressure area
04:40na nasa Bicol.
04:41Huling namataan ang pag-asa ang LPA sa coastal waters ng Claveria Masbate.
04:46Mataas na po ang chance na nito maging bagyo sa mga susunod na oras.
04:50Kung sakali, tatawagin po yan na Bagyong Henry, ang ikawalong bagyo sa bansa ngayong 2026.
04:56Bukod sa NCR, uunanin din dahil sa LPA ang Visayas, Calabarzon, Bicol Region, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque at Romblon.
05:08Hanging habagat naman ang nakaka-apekto sa Palawan.
05:11Mas makakaasa po sa maayos sa panahon naman ang iba pang bahagi ng bansa ngayong Martes,
05:15pero posible pa rin po ang mga local thunderstorm.
05:18Base naman sa rainfall forecast ng Metro Weather, uulanin sa mga susunod na oras ang halos buong bansa kasama ang
05:25Metro Manila.
05:26May heavy to intense rain sa ilang lugar na maaaring magdulot ng baha o landslide.
05:31Maging alerto at mag-ingat tayo mga kapuso.
05:36Binahangilang evacuees sa Jose Abad Santos, Davao Occidental kasunod ng malakas na ulan dulot ng local thunderstorms.
05:42Rumagas ang tubig kagabi hanggang sa ilang tent na sinisilungan ng evacuees ng magnitude 7.8 na lindol noong June
05:498.
05:50Kaya ang ilan napilitang lumipat sa ibang tent.
05:53Inabot na rin ng tubig ang katabing kalsada.
05:56Bukod sa aftershocks, magdudulot na rin ng takot at pangamba sa mga evacuee ang malakas na ulan.
06:09Patay ang tatlong minor de edad matapos malunod sa Laguna, Dibay.
06:13Ayon sa kaanak ng mga biktima, nagkayayaan ang mga batang edad tatlo, anim at labindalawa na manguan ng kabibe sa
06:20baybayin ng lawa.
06:21Napadpad sila sa malalim na hukay roon sa lugar.
06:25Magkayakap na nakita ang tatlo at labindalawang taong gulang.
06:28Habang natagpuan ang isa pa nilang kasama, may limang metro ang layo.
06:32Ayon sa barangay officials, may hinukay sa lugar noon at hindi pa naaayos.
06:37Nakikipagugnay na raw sila sa naghukay para solusyonan ang problema.
06:45Paala lang po mga kapuso, ingat po tayo sa pagtawid sa kalsada at yaking sa pedestrian crossing dadaan.
06:51Sa Maynila, patay ang isang babae matapos mabanggaan ang motorsiklo habang tumatawid sa Mel Lopez Boulevard.
06:58Tumagin muna magsalita sa harap ng kamera ang nakabagang rider para sa panig niya.
07:03Ang nahulikam na insidente sa balitang hatid ni Jomera Presto.
07:09Naglalakad ang ilang estudyante sa gitna ng Mel Lopez Boulevard malapit sa Delpan Flyover sa Tondo Maynila kahapon ng umaga.
07:16Sa di kalayuan, may kita naman ang isang babae na tumatakbo patawid sa kalsada ng biglang.
07:22Nabangga siya ng isang motorsiklo at tumilapon.
07:24Nadamay ang mga naglalakad na estudyante.
07:27Ayon sa polisya, dalawa sa mga biktimang isinugod sa ospital na nakalabas din kalaunan.
07:31Ang babaeng tumilapon, sinubukan pang is-CPR ng mga first responder bago siya dinala sa paggamutan.
07:38Pero, hindi na siya umabot ng buhay sa ospital.
07:41Ayon sa polisya, katatapos lang maghatid sa paaralan ng 45-anyos na babae sa kanyang anak at pauwi na sana
07:48siya ng maganapang aksidente.
07:50Nag-conduct po kami ng ocular, no, inspection dun sa field.
07:54Hindi po talaga tawiran ng mga tao yun, no.
07:58Wala pong naka-indicate na pedestrian.
08:00Yung pagtawid din po ng ating pedestrian, nasa curve position po ng kalsada.
08:08So, pagkaganyan po, hindi po kasi siya makikita agad ng motorista.
08:13Bukod sa matinding tama sa kanyang ulo, napuruhan din ang iba't ibang bahagi ng katawan ng biktima batay sa investigasyon.
08:20Inaresto ang 26-anyos na rider na nasugatan din sa nangyari.
08:24Kasi sa CCTV, mabalis po yung tagbo ng motor.
08:27Siya ay na-respondehan ng ating mga traffic enforcer.
08:34Sabi ng polisya, ito sana yung tamang tawiran sa bahagi ng Mel Lopez Boulevard.
08:39Pero medyo malayo raw yan mula sa bukana ng paaralan.
08:42Kaya maraming magulang at estudyante ang pinipili na lamang maglakad sa mismong kalsada.
08:47Yung Boulevard po is considered po natin na mabibilis po ang mga sasakyan dyan.
08:53Sa mga motorista naman po, maging defensive driver tayo palagi.
08:57Nasa punerary na ang bangkay ng biktima.
09:00Sinusubukan pa namin makuha ang pahayag ng kanyang pamilya.
09:03Maharap ang rider sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide.
09:07Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA News.
09:12Ngayong linggo, nakatakdang sampahan ang kasong plunder si Sen. Rodante Marcoleta
09:18dahil po sa tinanggap daw niyang 75 million pesos noong 2025.
09:22Ayon kay embouchement Jesus Crispin Remulia,
09:25kakasuhan din ang tatlong personalidad na nagbigay nito sa kanya.
09:29Balitang hatiit ni Joseph Morong.
09:34Ngayong linggo na ay nasa ang sasampahan ang kasong plunder si Sen. Rodante Marcoleta.
09:40Dahil ito sa pagtanggap umano niya ng 75 million pesos na donasyon noong January 2025.
09:45Sen. Marcoleta, definitely, ano na, for the solution, we're about to file it already.
09:52Ang investigating team ng ombudsman, napakalaking halaga nito para ituring na simpleng regalo.
09:58May tuturing daw itong korupsyon, lalo't kongresista na siya noon,
10:01kaya hindi umano may iwasang isipin na may hinihintay nakapalit ang mga nagbigay.
10:06Kakasuhan din ng tatlong nag-donate na sinadating Congressman Mike Defensor,
10:10isang Joseph Espiritu, at isang Aristotle Baluyut.
10:13Ngayong umaga, nagpost ng video si Mark Coleta sa kanyang Facebook account.
10:17Anaya tila inuuna raw ang isang tulad niya naglalabas ng katotohanan
10:21kaysa sa mga taong may kasalanan sa isyo ng flood control projects.
10:24Ang kasalanan ko lamang po, yung paglingkuran kayo, kung kasalanan pong matatawag yan,
10:31na humarap sa kanila ng buong tapang.
10:34Para sa ganon ay malaman ninyo ang totoo, malaman ninyo kung sino ang nagkasala,
10:41sapagkat gusto nating papanagutin lahat ng mga taong ito.
10:44Ngunit kapag ako'y kanilang inaresto, hindi na po matutuloy yan.
10:49Nanawagan din siya sa kanyang mga taga-suporta na huwag pamayag na baluktutin ang katwiran.
10:54Oras na maihain si Sen. Mark Coleta ang ikalawang senador sa Menoria na may kaso sa Sandigan Bayan.
11:01Aligasyon ng ilang mga senador sa Menoria, inuubo sila para mabawasan ng kanilang bilang sa Senado,
11:07bagay na itinanggi ni Ombudsman Rimulya.
11:09All the evidence came from you know where.
11:13Di ba? Hindi naman namin hiningi ito mangyari.
11:15All of you are witness to the actuations of the guy,
11:20of what he has said in public.
11:24Si Defensor naman, dati nang iginiit na hindi may tuturing na plunder,
11:28ang pagbibigay niyo noon ng pera at wala rin daw siyang hininging kapalit.
11:32Patuloy namin sinusubukang kunin ang panig ng iba pang personalidad na binanggit ng Ombudsman.
11:38Non-vailable o walang piansa ang kasang plunder.
11:40Ayon kay Rimulya, depende sa Sandigan Bayan kung sususpindihin rin si Marcoleta,
11:45gaya ng ginawa kay Sen. Gingoy Estrada.
11:48Patuloy naman daw ang case build-up laban kay Sen. Joel Villanueva.
11:51Kasi nakulangan kami sa case build-up na ginawa ng DOJ, so we had to conduct our own.
11:57It's our choice whether or not to accept the work of the DOJ because we delegate work to them.
12:02Inaasahan naman daw noong matatapos na sa loob ng isa o dalawang linggo
12:06ang preliminary investigation kay Sen. Cheese Escudero.
12:09Kapwa lumipat sa bagong mayorya sa Senado si na Escudero at Villanueva.
12:13Gayit ni Rimulya, wala itong kinalaman sa kanilang magiging desisyon.
12:17We don't make deals with anybody with regards to the culpability or innocence of anybody.
12:23We don't make deals with anybody.
12:24And you're not going to be...
12:25All the deals that we make here will be in open court.
12:28Hinihingan namin ng pahayag si La Villanueva at Escudero.
12:32Ang kapwa-akusado naman ni Estrada sa kasang plunder at graft
12:36dahil sa maanumalya mo ng infrastructure projects
12:38na si datin DPWH Secretary Manuel Bonoan
12:41mula sa pagiging akusado magsisilbi na raw na state witness.
12:45We already have a signed agreement for the cooperation of former Secretary Manuel Bonoan
12:52to be a state witness.
12:53Kaya iuurong na ng ombusman ng kasang plunder at graft laban kay Bonoan.
12:57His health is of concern to us and we want to be able to perpetuate his testimony as soon as
13:04possible.
13:05The knowledge that he has about the whole institution is something very important to us
13:12to be able to prove many cases.
13:14Sa social media posts, inalmahan ni dating Congressman Mike Defensor
13:17ang nakatakdam pagsisampan ng kasang plunder laban sa kanya ni NaMarco Leta.
13:22Kuinestyon din ni Defensor ang desisyon ng ombusman na gawing state witness si Bonoan.
13:28Sisikaping pa namin kunin ang payag dito ng ombudsman.
13:31Joseph Morong, nagbabalita para sa GMA News.
13:35Minomonitor ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagtitipon sa People Power Monument ayon sa Malacanang.
13:40May mga naatala kasi ang biyahe sa kanilang mga trabaho dahil sa aktibidad.
13:44Minomonitor din ang pagsasagawa ng pulisya ng kanilang mandato.
13:47Bago nito, inanunsyo ng Presidential Communications Office na hindi dadalawang Pangulo
13:52sa Presidential Luncheon ng Foreign Correspondents Association of the Philippines
13:56para imonitor ang sitwasyon.
13:58Ang Department of the Interior and Local Government naman,
14:01sinabing inatasan na nila ang PNP at ang Local Government Unit
14:04na nakakasakop dito na ipatupad ang maximum tolerance at security and traffic measures
14:09para tiyakin ang kaligtasan ng lahat.
14:11Nananawagan din sila sa responsabling pag-iit ng kanilang karapatan,
14:15sundin ang batas at makipagtulungan sa mga otoridad.
14:24Latest ngayong Tuesday,
14:26nag-enjoy si Kamoa star Shanti Videla sa kanyang intimate gathering with fans.
14:32Ang special fan meet, pasasalamat daw ni Shanti sa never-ending na pagmamahal ng kanyang supporters
14:38mula sa pagiging Lapilus member, celebrity contestant sa Stars on the Floor Season 2
14:44hanggang sa kanyang pagbida sa kapuso afternoon Prime Series na Kamao.
14:49Achievement din daw yan para sa Sparkle star at patunay na marami pa siyang kayang gawin.
14:54May chika naman si Shanti sa kanyang Kamao leading na na si Anton Benzon.
14:59Nagkasama na sila sa youth-oriented show na Maka
15:02pero may bago raw siyang na-discover kay Anton.
15:08Honestly, sama ka nga parang konti lang yung mga bonding moments namin ni Anton eh.
15:13Kaya nagulat ako kasi for me, parang komportable na ako sa kanya
15:16tapos malaman ko na awkward pala siya.
Comments

Recommended