Skip to playerSkip to main content
Bukod sa posibleng maging kakulangan sa supply ng tubig at kuryente, at pagpapaalis sa local communities, isa pang pinangangambahang maging epekto ng Pax Silica project ang pag-init ng mga lugar na nakapaligid dito.

Ganito kasi ang nangyayari sa mga komunidad na malapit sa data centers, bagaman sinabi na ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na walang itatayong data center para sa proyekto.

Bakit nga ba tumataas ang temperatura sa mga lugar na may data centers?

Alamin sa ulat ni Mariz Umali.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Noong 2024, naitala ang all-time hottest temperature sa Metro Manila na 38.8 degrees Celsius.
00:08Ngayong taon, may posibilidad din ng very strong El Nino ayon sa pag-asa.
00:15Ang lumanalang init sa kapaligiran, posible paumanong tumindi kung sakaling may maitatayong data centers dito sa ating bansa.
00:23Isa yan sa mga pinangangambahan sa US project na Paxilica.
00:27Layo nito magtayo ng 1,600 na hectares ng high-tech industrial hub sa New Clark City sa Tarlac.
00:34The Paxilica Industrial Hub will create an ecosystem that will have AI at its core.
00:41It will bring quality jobs to our people, accelerate our industrial competitiveness and revitalize our economy.
00:49Paano nga ba nakakadagdag ng init sa paligid ang data centers?
00:57Ayon sa isang pag-aaral, nadudulot ng Data Heat Island Effect ang data centers ng Artificial Intelligence o AI.
01:04Ito ang pagtaas ng land surface temperature sa mga lugar na malapit sa AI data centers.
01:10Batay sa mga pag-aaral sa mga piling lugar, tumataas ng 2 degrees Celsius ang land surface temperature dahil sa
01:16pag-ooperate ng AI data centers.
01:19Mataas kasi ang electricity requirement sa pag-maintain ng data centers.
01:24Sa datos ng Data Center Asia, nagbabago ang electricity consumption ng data centers depende sa laki nito.
01:31Noong 2025, nasa 448 billion kilowatt hours ang electricity consumption ng data centers sa buong mundo.
01:39Para mapanatili ang safe temperature sa data centers, gumagamit ang mga ito ng cooling systems.
01:45Inaalis nito ang matinding init na resulta ng operations sa loob ng data center.
01:50Ang init na ito ay nilalabas ng cooling systems sa kapaligran at tinatawag na waste heat.
01:56Ayon sa isang pag-aaral, ang waste heat ng isang data center ay mas mataas pa kaysa init na nagmumula
02:03sa 40,000 na kabahayan.
02:05Ayon sa Basis Conversion and Development Authority o BCDA, wala naman-uanong data centers na itatayo sa Pax Silica site
02:13sa Tarlac.
02:13Magiging manufacturing hub daw ito para sa chip technology at semiconductors.
02:18Pero gagamit pa rin ito ng malaking bulto ng kuryente na pwedeng ma-convert sa heat o init.
02:2572 million kilowatt hours per day ang kailangan para sa pag-ooperate ng Pax Silica.
02:30Kung matutuloy ang proyekto, posible itong magdagdag ng nasa 26 billion kilowatt hours electricity consumption ng Pilipinas kada taon.
02:39Ayon naman sa pamahalaan, hiwalay ang magiging power source ng Pax Silica project.
02:44Hindi rin umano dapat ikabahala ang iba pang environmental concerns.
02:49Lahat po ng mga projects namin, kumukuha ng ECC.
02:53Compliant kami sa environmental regulation.
02:56May data centers man o wala, ayon sa mga kritiko, dapat isaalang-alang ang epekto ng Pax Silica sa kapaligiran
03:03at sa mga tao.
03:05Ako po si Mariz Umali para sa GMA News.
03:08Ako po si Mariz Umali para sa GMA News.
Comments

Recommended