00:00Sa iba pang balita, dalawang low-pressure area ang namataan sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility.
00:06Pinalalakas po nito ang hanging habagat ngayong Martes.
00:09Namataan po ng pag-asa ang isang LPA, mahigit 1,000 km silangan ng Extreme Northern Luzon,
00:15nasa loob po yan ng PAR, habang ang isa ay may 400 km ang layo sa kandura ng Kalayan, Cagayan.
00:23Parehas na mataas ang chance ng dalawang nabanggit na LPA na maging bagyo.
00:27Ang susunod na local name ng bagyo ay Neneng Ayon sa pag-asa.
00:32Sa ngayon, hanging habagat pa rin po ang magpapaulan sa buong Luzon at Visayas kasama ang Metro Manila.
00:37Local thunderstorms naman ang aasahan sa Mindanao.
00:40Lumalapit na rin sa PAR ang isang bagyo na namuo sa Pacific Ocean.
00:45Isa itong tropical depression, mahigit 3,000 km ang layo sa silangan ng northeastern Mindanao.
00:52Base po sa datos ng Metro Weather, inaasahang lalapit sa northeastern boundary ng PAR ang nasabing bagyo sa darating na
01:00weekend.
Comments