00:00Bahagyan na pong buubuti ang panahon pero bakas pa rin ang pinsala at perwisyong iniwan ng mga pag-ulan.
00:05Sa San Simón sa Mampanga, ang baha nangingitim at mabaho na.
00:11Nakatutok si JP Soriano.
00:21Walang pasok sa Dagupan City National High School pero nasa paaralan ang grade 11 student na si John Mark.
00:27Doon lumikas ang kanyang pamilya nang bahain ang kanilang bahay.
00:32Pero kahit ang ilang silid ng paaralan, lubog din sa tubig.
00:36Bumaharin sa West Central Elementary School 1 sa Dagupan.
00:40Sa tala ng DepEd Regional Office 1, may tatlong daang paaralan sa Ilocos Region ang apektado ng pananalasa ng habagat
00:47at mga nagdaang bagyo.
00:49May gitsanlibong classroom ang napinsala.
00:51Hindi bababa sa sampung araw ng walang pasok ang mga mag-aaral sa Pangasinan simula pa noong nakaraang linggo.
00:58Pero ayon sa DepEd Region 1, hindi kailangang magpatupad ng make-up classes.
01:14Sa Kalasyao, bakas ang perwisyong iniwan ng baha sa ilang barangay.
01:19Ayon sa Pangasinan PDRRMO, mahigit isanlibong pamilya o mahigit apat talibong individual ang nananatili sa mga evacuation center.
01:29Maiting at mabahong baha naman ang namemerwisyo sa mga residente at motorista sa San Simon, Pampanga.
01:36Sinisisi ng mga residente ang pagbabara ng mga kanal.
01:39Pahirapan tuloy ang pagdaan ng mga sasakyan sa San Luis-San Simon Road.
01:44Apektado na rin ang kabuhayan ng ilang.
01:47Humina po talaga.
01:48Ang mga ilap porsyento, hinihinaan yan siya.
01:51Nasa 80% po.
01:53Madalang po talaga.
01:54Ayon sa Department of Agriculture, Pampanga ang may pinakamalaking pinsala sa agrikultura na nagkakahalaga ng 131 million pesos.
02:05Sinundan niya ng Nueva Ecija at Pangasinan.
02:07Sa kabuhan, umabot ng P689 million pesos ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa mga rehyong sinalanta na mga bagyo
02:16at habaga.
02:17Karamihan, mga napinsalang pala yan na may halagang P451 million pesos.
02:23Yung P451 million worth na yan, yung total area affected is about 18,000 hectares.
02:30Ang medyo maganda konti rito, partially damaged yung 18 is 15,500 hectares.
02:37Pag sinabing partially damaged, may chance pa yan ng recovery.
02:41Yung totally damaged is about almost 3,000 hectares.
02:46Dalawang milyong piso naman ang halaga ng pinsalang naitala sa livestock at poultry.
02:51JP Soriano, nakatutok 24 oras.
02:55JP Soriano, nakatutok 24 oras.
Comments