00:00Kahit humina na ang ulang dulot ng habagat, lubog sa baha ang ilang bayan sa Pampanga.
00:06Mula sa makabebe na katutok live, si Jamie Santos.
00:10Jamie!
00:14Ivan, patuloy na binabaha ang ilang bahagi nga ng makabebe Pampanga.
00:18Sa kabila nga ng paghina ng ulang dulot ng habagat, ayon sa mga otoridad,
00:23pinalala ang baha ng high tide na sinabayan pa ng agos ng tubig mula sa upstream areas.
00:28Sa karatig bayan naman ng Masantol, gumawa na ng pansamantalang diki ang lokal na pamahalaan para maibsan ang epekto ng
00:36pagbaha.
00:40Nananatiling problema ang baha sa labing pitong barangay sa Makabebe, Pampanga.
00:44Sa barangay San Gabriel, may mga residenteng gumawa na ng improvised tulays sa kanilang bahay para di lumusong sa baha.
00:52May mga namimingwit sa gilid ang kalsada dahil umapaw ang mga palaisdaan at palayan.
00:56Sir, anong isda po na kukuha niya dyan?
01:00Arroyo saka mayan.
01:02Business as usual naman sa supermarket na ito kahit binahak.
01:06Ito pa pa yan, hindi pa pa gaano mas ato.
01:09Kailangan ng pag-trabaho kahit pinakamang mag-imposed.
01:12Ayon sa MDRRMO, kahit hindi kalakasan ng ulan sa probinsya,
01:17nagdudulot ng baha ang pagbaba ng tubig sa Pampanga River
01:20mula sa upstream o matataas na lugar na sinabayan pa ng high tide.
01:24Yung pong mga upstream towns, areas, nakaranas po ng malakas na pagulan.
01:32So bumababa po patuloy papuntang Pampanga River.
01:36At the same time, ang high tide po natin ngayong araw na ito ay 4.6 feet.
01:43So nagsasalubong po ang high tide at saka yung bumababang tubig galing sa upstream.
01:49Kaya po lumalaki yung tubig dito sa mga barangay ng Makabebe.
01:55Bukas hanggang Webes, inaasahang tataas pa ang high tide sa 4.9 feet hanggang 5.2 feet.
02:02Suspendido na ang klase bukas sa mga coastal barangay ng Makabebe.
02:06Pinagpapasyahan pa ng mga opisyal ang sitwasyon sa ilang inland barangay.
02:10Sa Masantol, Pampanga na problema rin ang baha, naglagay ang LGU ng pansamantalang dike na gawa sa kawayan, lupa at
02:18tarpulin.
02:19Nasa 60% na itong tapos at lalagyan pa ng solar powered water pumps.
02:24Halos 6 na kilometro ang haba nito sa ilalim ng 26 milyon peso na proyekto ng LGU.
02:30Ayon kay Masantol Mayor Danilo Ginto, sinimulan nila ang proyekto habang nakahinto ang ilang flood control projects ng national government.
02:39Magmula po dito sa pantalan dyan, hanggang po sa boundary namin ng Makabebe, Santa Maria.
02:45Hinagyan po namin ang bambu yan.
02:47Tapos yung bako namin, nagtrabaho dyan, nagtask po ng Pilapil.
02:57Ivan, patuloy na binabantayan ng mga otoridad ang sitwasyon sa Masantol at dito nga sa Makabebe, Pampanga.
03:03Pinapayuhan din nila yung mga residente na manatiling alerto at sundin ang abiso ng kanilang lokal na pamahalaan.
03:10At iyan ang latest mula rito sa Makabebe, Pampanga. Balik sa iyo, Ivan.
03:14Maraming salamat, Jamie Santos.
03:22Maraming salamat, Jamie Santos.
Comments