Narito ang mga maiinit na balita ngayong August 5, 2026
-Ilang klase, suspendido dahil sa masamang panahon
-Ilang lugar sa Antipolo City, nag-zero visibility dahil sa lakas ng ulan; Panghapong klase sa mga pampublikong paaralan sa Quezon City, sinuspinde
-PAGASA: Maraming lugar sa Luzon, isinailalim sa wind signals dahil sa Bagyong Maymay
-Babaeng angkas sa tricycle, sugatan matapos mahulog
-Ilang senior citizen, maagang pumila at tiniis ang maulang panahon para makabili ng P20/kilong bigas sa Kadiwa Store
-State auditor Wamil: DepEd, walang isinumiteng dokumento para patunayang ginamit sa counterinsurgency program ang P112.5M confi funds noong 2023
-Dustin Yu at Bianca de Vera, in rehearsal mode para sa "DustBia Love, Actually" Concert this weekend
-Ilang office equipment, natangay sa compound ng Senado; nabawi matapos magsumbong ang napagbentahan; 2 suspek sa pagnanakaw sa Senate compound, arestado matapos maaktuhang nagsusugal sa kalsada
-Babaeng 51-anyos, sugatan matapos pagtulungang bugbugin dahil sa alitan sa lupa; 2 kapatid at 1 nilang kaanak, arestado
-Rider at kanyang angkas, sugatan matapos sumemplang nang makabangga ng asong tumatawid
-INTERVIEW: CHRIS PEREZ, ASSISTANT WEATHER SERVICES CHIEF, PAGASA
-Halos 600 pamilya sa La Union, lumikas sa evacuation centers dahil sa baha; La Union Provincial Government, iniutos ang pre-emptive evacuation sa mga nasa coastal areas at paanan ng bundok; Foodpacks, nakahanda nang ipamigay sa mga apektadong residente
-Alex Eala, sunod na sasabak sa National Bank Open Tournament sa Canada
-Puno sa Sumulong Highway, nabuwal; siklista at rider, sugatan matapos madaganan
-Motorcycle rider, patay matapos sumalpok sa closed van at sa poste
-4, sugatan sa karambola ng kotse, SUV at bus sa Brgy. Palattao
-Dengue epidemic, idineklara sa Zamboanga City
-PSA: Inflation noong July 2026, bahagyang bumagal sa 6.2%
-Lalaki, patay matapos saksakin ng kanyang kinakasama; suspek, arestado; Suspek, aminadong nagawa ang krimen dahil sa pananakit umano sa kanya ng kinakasamang biktima; Nanay ng biktima, itinangging sinaktan ng kanyang anak ang live-in partner
-DILG Sec. Jonvic Remulla: Hindi pa rin naaaresto si Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa
-Mahalagang natutuhan ni Dennis Trillo sa kanyang career: Magpasalamat sa mga nakakasama sa production; Kapuso Drama King Dennis Trillo, muling pumirma ng kontrata sa GMA Network
-Atty. Roderick Wamil ng COA, sumalang sa interjection ng senator-judges
-CBB: Badminton player, kuwelang nag-dive sa swimming pool para iligtas ang shuttlecock
Comments