00:18E.J. Gomez
00:30May kasamang malakas na hangin ang naranasan nga dito sa lungsod ng Marikina.
00:34At itong Marikina River, umapaw na at maraming paligid o maraming kalsada sa paligid nitong river
00:42ang isinara muna sa mga residente at motorista.
00:50Dahil sa walang tigil na ulan sa iba't ibang bahagi ng Marikina, umapaw na ang tubig sa ilog.
00:57Malakas din ang Agus nito. 17.5 meters ang pinakamataas na antas na inabot nito kahapon ayon sa Marikina City
01:06LGU.
01:07E diniklara sa lungsod ng ikalawang alarma, hudyat para lumika sa mga residenteng nakatira sa mga binabahang lugar o nasa
01:14low-lying areas.
01:15Kagabi, bumaba ito sa 15.9 meters at unang alarma.
01:20Pero muli itong umakyat sa ikalawang alarma kaninang mag-aalas 4 ng madaling araw.
01:26Dahil diyan, nananatiling sarado ang ilang kalsada sa paligid ng Marikina River,
01:30kamilang ang Bayan Access Road at Ming Ramos Lane.
01:34Naiwan kasi ang makapal na putik sa kalsada na nakatakdang linisin ng Marikina City LGU at Marikina River Parks Authority.
01:41Ilang river patrol ang rumuronda at sinasaway ang mga residente o motoristang nagtatangkang lumapit sa ilog.
01:48Ilang pamilya naman ang lumikas na at ngayon ay nananatiling sa mga evacuation center.
01:54Kahapon, bumisita sa ilang eskwelahan sa evacuation centers si Marikina City Mayor Maan Chodoro at Congressman Marcelino Chodoro.
02:03Kinamusta nila mga apektadong pamilya na nakatanggap ng ilang pangangailangan gaya ng pagkain.
02:10Sa mga puntong ito, nakikita natin itong antas ng tubig dito sa Marikina River at nasa 16 meters pa din
02:17at yan ay nasa ikalawang alarma.
02:19Dito naman, Ivan, sa aking kinatatayuan ay kitang kita, just to give you a background,
02:26itong kinatatayuan ko kanina mga past 20 minutes ago, wala pa dito yung bahang ito o yung pag-apaw ng
02:35ilog.
02:35Kaya masasabi natin talagang mabilis dahil yan dun sa walang tigil na pag-ulan at ngayon sa ang ay mag
02:41-aala 6 o pasado ala 6 na,
02:43mas lumakas pa yung ulan na nararanasan dito sa lungsod ng Marikina.
02:48Yan muna ang latest.
02:50EJ Gomez, GMA News.
Comments