Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga nangungunang balita ngayong August 7, 2026


-Mahigit 6,500 na pamilya sa 40 barangay sa Pangasinan, apektado ng baha / Floodgate ng dike, nadiskubreng may tagas kaya bumabaha sa Brgy. Lasip, binabantayan ng mga awtoridad/ Mga alagang baboy at gamit ng ilang residente, inilipat sa mas ligtas na lugar/ Angalacan River, patuloy na binabantayan ng MDRRMO


-Ilang kalsada sa Baguio City, binaha; Newly rehabilitated na Burnham Lake, napuno ng tubig


-Guiguinto, Bulacan, pansamantalang nawalan ng supply ng kuryente at tubig dahil sa masamang panahon/ Kidlat overflow, binabantayan ng mga awtoridad


-Abot-tuhod na baha, namerwisyo sa ilang barangay sa Ilocos Sur


-Presyo ng ilang gulay mula Benguet, tumaas/ Mga gulay mula sa Bulacan at Nueva Vizcaya, hindi pa tumataas ang presyo/ Ilang nagtitinda, dismayado dahil pataas nang pataas ang presyo ng gulay kahit noong wala pang bagyo


-Senado, isinusulong na maalis ang TRO sa P85 wage hike sa Metro Manila/ Resolusyon na imbestigahan ang pagtatayo ng Pax Silica Industrial Hub sa bansa, inihain sa Senado/ Senate Bil No.2361 o pagtatakda ng price cap sa power rates tuwing may state of emergency, isinusulong sa Senado/Extradition ni Pastor Apollo Quiboloy, hiniling ng Amerika ayon sa DFA


-4 sa 18 nagpakilalang dating tauhan ni Zaldy Co, binawi ang alegasyong naghatid sila ng male-maletang pera kina PBBM at Rep. Romualdez/ Unang joint affidavit ng tinaguriang "Maleta Boys," hindi raw sila ang gumawa/ Reaksiyon ng Ombudsman at ni Atty. Baligod na abogado ng tinaguriang "Maleta Boys," kinukuha pa kasunod ng pag-recant ng 4 sa kanila


-VP Duterte sa kaniyang impeachment trial: Klarong may nangyayaring "bending the law"/ Vice Pres. Duterte, natutuwa sa performance ng kaniyang defense team sa impeachment trial/ Vice Pres. Duterte, pinaghahandaan na ang napapabalitang pagsasampa ng kaso ng NBI laban sa kaniya


-Baby girl na tila gigil sa pagkanta ng kaniyang lolo, kinaaliwan ng netizens



Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).




For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Transcript
00:05Mula Lozon, Visayas at Mindanao, laging una ka sa mga issue at informasyon sa mas pinalakas na unang balita.
00:35Mga higit 6,000 pamilya mula sa 4,000 barangay sa Pangasinan ang binaha dahil sa masamang panahong dulot ng
00:42Bagyong Maymay.
00:44Live mula sa Dagupan City, may unang balita si Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
00:49Sandy.
00:53Ivan, paminsan-minsan ay nararanasan pa rin ang pagulan dito sa probinsya ng Pangasinan.
00:58Bagamat bumubuti na, ang lagay ng panahon ay nakastandby pa rin ang mga local DRRMOs para sa anumang oras ng
01:06pagresponde at assistance.
01:11Sa monitoring ng Pangasinan PDRRMO, nananatili sa above normal level ang Marusay River sa Kalasyo, Pangasinan.
01:17Nasa above normal level na rin ang Kayanga River sa San Fabian.
01:21Nananatili naman sa below normal level ang Sinucalan River at Santa Barbara at Banyaga River sa Bugalyon.
01:26Paalala namin na makipag-ugnayan lagi sa inyong mga barangay officials at huwag na po sana nating hintayin na tumaas
01:34pa lalo yung tubig.
01:35Nasa 40 barangay sa probinsya ang nakararanas ng pagbaha.
01:39Mahigit 6,500 na pamilya ang apektado.
01:42Isa sa mga binabaha ang barangay Lasip sa Kalasyo.
01:45Lampas tuhod ang baha rito.
01:47Sanay na rin ang mga residente.
01:48Malang tubig.
01:49Kasi?
01:51Nabababad ka.
01:52Nagawa kami ng lamo para makatawid kami.
01:56Opo.
01:57Hindi kayo maki-evacuate, sir?
01:58Hindi.
01:59Dito na kayo?
02:00Dito lang sa bahay ng mata, hindi naman nakukuha.
02:03Ayon sa Barangay Council, ay may dikes sa likurang bahagi ng kinatatayuan ko ngayon.
02:08Kaya naman nakapagtataka kung bakit binabaha itong lugar na ito sa isinagawang assessment ng Barangay Council na tuklasan nila na
02:16mayroon palang tagas yung floodgate dito sa naturang dike.
02:19Kaya naman dumederecho dito sa lugar na ito yung tubig mula sa ilog.
02:24Nakamonitor ang opisyal ng barangay sa sitwasyon.
02:27Dahil nga po sa pagtaas ng ating kalsada, dahilan din po ng pag-stock ng tubig sa ating mga kabahayan.
02:33At isa din po yung kaukulangan ng drainage.
02:38Inilagay sa ligtas na lugar ang mga alagang baboy ni Nanay Florentina.
02:42Baha dito sa paglagyan namin po.
02:46Kaya pinaas namin, siyempre magkakasangit yung baboy.
02:49Kanya-kanyang taas din ang gamit ang ilang residente sa Barangay Lasip Dagupan City.
02:54Nakaraan na bagyo mam, inabot po yung bahay namin hanggang dito po sa taas.
02:59Kasi kung anong label po nung kalsada, ganoon din ang taas po dito nung nakarangbag yung...
03:05Sa Mangaldan, nag-iikot ang MDRRMO sa barangay Tributaris ng Angalakan River upang mabantayan ang sitwasyon nito.
03:11Sa may inlambot, tinitignan din namin yung mga irrigation dito na kung minsan ay mga ganitong pagulan ay underwater para
03:20mamonitor din po.
03:24Naagdulot din ang pagulan ng Bagyong Maymay sa ilang bahagi ng Baguio City.
03:28Binaha ang bahagi ng Baguio Bawang Road sa Barangay Irisan.
03:32Binantayan ang mautoridad ang pagdaan doon ng mga motorista.
03:35Apektado kasi ang visibility sa ilang bahagi ng siyudad dahil sa pagulan na sinabayan pa ng malakas sa hangin.
03:41Dahil sa ulang dulot ng Bagyong Maymay at nagdaang Bagyong Luis,
03:45napunong ng tubig ang newly rehabilitated na man-made lake sa Bernham Park.
03:52Dahil sa masamang panahon, pansamantalang nawala ng supply ng tubig at kuryente sa giginto Bulacan.
03:59Ayon kayu-scooper John Robert Alfonso, nangyari po yan, alas 11 noong umaga kahapon,
04:05kasabay ng malakas na hangin at ulan, pasado alas 5 na ng hapon na ibalik ang supply ng kuryente sa
04:10kanilang lugar.
04:11Sa San Gabriel La Union, patuloy na binabantayan ang kilat overflow dahil sa patuloy na pagulan.
04:20Ilang pambahagi ng Ilocos Sur ang nakaranas ng pananalasa ng Bagyong Maymay bago ito humina bilang low pressure area.
04:27Sa bayan ng Tagudin, umabot hanggang tuhod ang baha sa barangay Borono dahil sa malakas na ulan doon kahapon.
04:34Ayon kayu-scooper Manon Jero, kalaunan ay humupa rin ang tubig.
04:39Sa bayan naman ng Narvacan, binaha ang isang kalsada sa barangay Nanguneg West, kasunod ng pag-apaw ng ilog malapit
04:48doon.
04:49Pansamantalang hindi nadaanan muna ang kalsada.
04:59Silipin na natin ang presyo ng gulay sa ilang pamilihan sa Quezon City, kasunod ng pananalasa ng Bagyong Maymay at
05:05Habagat.
05:06May unang balita live si Gabriel Gonzalez. Gabriel, nagmahal ba?
05:15Maris, mataas na nga ang presyo ng gulay, ng ilang gulay mula dito, mula sa benggit, na'y binabagsak dito
05:22sa Juliana Market sa Quezon City.
05:23Dahil umano sa bagyo, ayon nga sa ilang nagtitinda na ating nakausap, hindi pa man bumabagyo ay tumaas na ang
05:30presyo ng mga gulay dito sa pamilihan.
05:35Apektado na na masamang panahong dulot ng Bagyong Maymay at Habagat ang mga gulay na'y binabagsak sa Juliana Market.
05:41Ang ilang nagmumula sa benggit, tumaas na ang presyo.
05:45Ang isang bago katumbas ng 18 kilo ng patatas ay nagkakahalaga na ng 1,900 pesos mula sa dating 1
05:53,350.
05:55Katumbas ito ng 105 pesos per kilo mula sa dating 75.
06:00Ang sayote naman nasa 550 pesos na ang isang bulto o 25 pesos per kilo mula sa dating 400 pesos.
06:09Katumbas naman ito ng 24 pesos kada kilo mula sa dating 16 pesos.
06:14400 to 600 pesos na ang wholesale ng carrots mula sa dating 300 to 500 pesos.
06:2060 pesos per kilo ito mula sa dating 50 pesos.
06:24Abangang Labanos, nasa 450 na ang wholesale mula sa dating 350.
06:29Lumalabas na 45 pesos per kilo mula sa dating 35 pesos ang presyo nito.
06:35Ang mga gulay naman na nagmumula sa Bulacan at Nueva Biscaya, hindi pa tumataas ang presyo kahit umuulan din sa
06:42norte.
06:42Ayon kay Alma Ferrer, hindi kaagad mararamdaman ang epekto ng bagyo sa presyo ng gulay mula sa kanilang pinagkukunan.
06:49Ang ibang tindera naman dismayado dahil hindi pa man bumabagyo, pataas na ng pataas ang presyo ng gulay.
06:56Talong-talo rin daw sila dahil mas binibili ang mga imported kaysa mga lokal na gulay.
07:02Narito ang kanilang mga pahayag.
07:03Ang mga limang araw, pagtagulan, saka po tumataas. Sa ngayon di pa po.
07:10Hindi ko lang po alam kung bukas tataas na.
07:13Luya, yung big po, 125. Yung medium, 120. Yung pipino, 50.
07:21Sa bill pepper po, 130. Sa beans, 90.
07:26Kamatis namin, 70 retil. Ang orsel namin, 65.
07:31Pag minsan may dumating dito na marami na mga carrots, gano'n, wala.
07:40Hindi mabibili yung carrots namin. May kalabang kaming price dito.
07:44May yung ibang gulay ng mga imported.
07:53Mariz, ang Juliana Market dito sa Balintawak sa Quezon City, kung saan tayo nakatayo ngayon,
07:58ay bagsakan ng mga gulay mula sa Bingget, Nueva Vizcaya, Bulacan at Batangas dito.
08:04Kung kaya't mas mura ang mga gulay na nabibili sa nasabing pamilihan.
08:09Karaniwang parokyano daw ng mga nagtitinda dito, yung mga may-ari ng mga restaurant
08:13at yung may mga pwesto sa iba pang mga pamilihan dito sa Metro Manila.
08:18Sa lagay naman ng panahon, ay medyo maulan dito sa ating kinalalagyan.
08:21At yan ang unang balita mula rito sa Quezon City. Gabriel Gonzalez, GMA News.
08:28At kaugnay sa temporary restraining order sa P85 wage hike dito sa Metro Manila
08:33at ang isinusulong na imbisigasyon sa planong pagpapatayo ng Pax Silica Industrial Hub sa Pilipinas.
08:39Makausap po natin, Sen. Teresa Hontibero.
08:42Sendri, good morning.
08:44Good morning, Ivan. At sa lahat po ng ating mga tagapakinig.
08:47Good morning, ma'am. Isinusulong po ninyo. Maraming isyo mga nakaline-up dito sa ating pag-uusap ngayon.
08:53Unahin po natin itong P85 wage hike sa isang pambihiram pagkakataon.
08:59Naglabas po ng unanimous resolution ng Senado to support this na ituloy na dapat.
09:03Ano hong latest dito, Senator?
09:06Well, gaya ng sinabi mo, Ivan, pambihiraman pero talagang united ang Senado
09:11sa pagpasaan itong proposed Senate Resolution No. 577.
09:15Yung panawagan namin, i-lift yung TRO sa P85 wage hike.
09:20Kasi yung dagdag P85 sahod kada araw, lalo na ngayong panahon ng bagyo at mataas na presyo ng pagkain,
09:29maliit lang yung P85.
09:31Pero at kailangan pa rin ang manggagawa at kanilang pamilya.
09:34Makakatulong yan ngayong mataas na presyo, di lang ng pagkain, pati kuryente, petroyo, gamot,
09:41bawat piso mahalaga sa pamilyang kulang o hirap pagkasayin ang kanilang hita.
09:48I mean, maliit na nga yung naaprubahang umento, installment pa, di ba?
09:52Binitin pa, bakit ba yan pinagkakait ang tagal ng hinintay nila?
09:58Sa amin, DOLE and OSG, dapat habulin ang lahat ng legal remedies para agad malift yung TRO.
10:08Iparamdaw pa natin ang gobyerno nakasuporta at makakapitan na yung may krisis.
10:14At paalala po, let's follow the law.
10:16Hayaan kumana ang wage setting system.
10:20Malinaw kasi sa labor code natin, una sa Article 126,
10:24walang hukuman o tribunal o entity ang maaaring maglabas niyang TRO o injunction
10:33laban sa proseso ng wage board.
10:35At pati sa Article 123, remedyo ng sino mang employers na gustong umapila
10:42ay umapila sa National Wages and Productivity Commission.
10:46Senator, I was going to go to that point na sinasabi niyo ngayon.
10:50Nagkaroon ho ba dito ng, I don't know, judicial overreach?
10:54At ano ho kaya ang pwedeng gawin dito ng sinabi?
10:57Well, hindi ko pa sasabihin, Ivan, judicial overreach out of cortesia na lang, di ba?
11:04So separate at co-equal branch namin.
11:06Pero malinaw yung aming unanimous resolution na nanawagan po kami sa corte
11:13na ilift na yung suspension ng pagpapatupad ng wage hike.
11:17Yes.
11:18Dito naman tayo, Senator, sa Paxilica.
11:22Kawag na isa planong pagtatayungan itong Paxilica Industrial Hub sa Tarlac.
11:26Ang pangako ho dito, ayon sa palasyo ng Malacanang, quality jobs, of course, industrial competitiveness on one hand.
11:34But on the other hand, nandyan din po yung pangamba, agam-agam ng ating mga kababayan.
11:40May agricultural impact ito, may environmental impact ito.
11:44So, naghahain ko ho kayo ng resolusyon, gusto nyo muna itong maimbisigahan.
11:48Ano ho yung basihan nito?
11:49Yes.
11:50Well, nag-file tayo niyang resolusyon para busisiin muna ng Senado ang impact ng Paxilica Initiative.
11:58Yun na nga sa ating ekonomiya, sa ating kabuhayan, sa ating kalikasan.
12:03Kasi sa anumang investment, lalo na at foreign direct investment ito, hindi dapat manugi ang Pilipinas.
12:10Ang ibig sabihin lamang nito, well, unang-unang mayaman ang bansa natin.
12:16At maraming gustong mag-invest sa bansa natin.
12:19Mabuti hon, pero hindi naman pwedeng dehado tayo.
12:23Anuman ang kahinat na ng debate dito, interest ng Pilipino ang dapat manaig.
12:29So, dapat masagot ng malinaw, ano ba talaga ang itatayo?
12:34Kaya kasi ang dami-dami nga kahaka eh.
12:36Data center ba? Semiconductor hubs ba?
12:40Kung dapat malinaw ang full jurisdiction ng Pilipinas.
12:45O pagkatapos, ano ba ang pakinabang sa taong bayad talaga?
12:50Ano ba ang dapat asahan na kapalit sa lupa, kuryente, tubig, tax breaks pa na ibibigay natin?
12:59Senator, based on what you know already, may initial position na kayo dito sa Paxilica?
13:04Well, ang initial position ko talaga, Ivan, at reflected sa resolusyon ito, alamin natin ng totoong kumpleto at totoong-totoo.
13:15Baka premature pa po musisyon, basta't ang prinsipyo ko ay dapat capital ay may purpose.
13:22Kung may kapital, may puhunan, domestic man o lalo na itong dayuhan at malaki, foreign direct investment, dapat malinaw sa
13:31ating mga Pilipino na ang kabuang resulta niyan in the balance ay pakinabang sa ating mga Pilipino.
13:39So yung target kung mapirmahan nito ng November, Sen, masyado, yung target mapirmahan nito ng November, you think that's too
13:46early?
13:48Well, kung simula na namin ngayon, sooner than later, before November, ang investigasyon, then magiging malinaw kung dapat bang pirmahan
13:59yan.
13:59At kung pipirin, ano yung malinaw na terms in terms of yung jurisdiction ng ating bayan sa pamamagitan ng gobyerno,
14:08in terms of ano talagang itatayo dyan, in terms of ano ang pakinabang sa ating mga kababayan at sa ating
14:14ekonomiya, at in terms of ano ang mga proteksyon sa usapin ng ating kalikasan.
14:21Right. Senator, dako ako sa isyo ng mataas na singil sa kuryente. Paano naman makakatulong yung isinusulong ninyong price cap
14:28sa power rates kapag may state of emergency?
14:31Well, yun yung isang finile ko. Epira amendment na ito para sa price cap, Senate Bill 2361. Finile ko yan
14:40para may expanded protection sa power consumers.
14:43Unang proteksyon, magkakaroon ng kapangyarihan ang presidente na magtakda nga ng price cap sa kuryente tuwing national emergency.
14:53O kasama din dyan ang isang 90-day no disconnection policy.
14:58At yung dapat payagan ang hulugang bayad sa mga households, pati na sa mga maliliit na negosyo kapag national emergency
15:07din.
15:08At dahil nga, eh sila naman itong mali-mali ang meta-reading at singil, kung may protesta sa bill, dapat
15:16hindi full amount ang babayaran.
15:18Yun lamang average for the last three months.
15:21Alright. Senator, dako ako sa panghuling issue natin for today.
15:25Hiniling po ng Amerika na i-extradite si Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quibuloy.
15:30Ano pong reaksyon ninyo? Since meron din po kasi siyang hinaharap na kaso dito, hindi ho ba dapat harapin muna
15:36yun bago siya i-extradite.
15:37But ano ho ang posisyon nyo rito?
15:39Ang posisyon ko dyan, Ivan, ay sa kung saan mang bansa o mga bansa ay nilabag niya ang karapatan ng
15:48mga kababaihan at mga minote edad, dapat managot siya.
15:52So malinaw na dito sa Pilipinas, ngayong hiningi, yung matagal na hinintay na extradition niya sa Estados Unidos,
16:01dapat humarap din siya sa mga victim survivors niya doon.
16:04At kung ma-convict din doon, ay magbayad sa kanyang krimen sa kanila.
16:10Ano naman ho kaya yung magiging implication nito sa extradition request?
16:15Yun na, dahil may kinakaharap din siyang kaso.
16:17Kung halimbawa, i-grant nga natin yung request na yun.
16:20Well, naalala ko, Ivan, nung isa sa mga unang hearing pa lamang namin tungkol dito kay Apollo Kibuloy,
16:27naitanong po namin yan sa DOJ.
16:29At ang naalala ko, sinabi nila that early investigation, maaring may dalawang senaryo mag-materialize.
16:36Yung una ay tapusin muna ang proseso dito sa kasya ipadala sa alimang bansang humingi ng extradition.
16:45O maari ding maging option ng gobyerno ay ipadala muna doon sa isang bayan.
16:52And then, sakatapusin yung pagharap sa responsibilidad niya dito sa ating bayan.
16:57So mukhang yung pangalawang senaryo ang nagbamaterialize ngayon,
17:01after almost a year na lumitaw yung concrete possibility na hingin ng U.S. State Department
17:07ang extradition ni Kibuloy doon sa kanila.
17:10Kaya napalitaan po natin kahapon na inendorso na ng DFA sa DOJ itong extradition request
17:19para sa kanila namang aksyon.
17:21Senator Rizontiberos, ma'am, thank you very much for joining us this morning.
17:24Thank you very much also. Ingat po at sa ating mga kababayan, ingat po sa bagyo.
17:29Salamat po.
17:31Nirekant o binawi ng apat sa labing walong tinaguriang maleta boy.
17:36Sa aligasyong naghatid sila ng pera kina Pangulong Bombong Marcos
17:39at dating House Speaker Martin Romualdez.
17:41Hindi raw sila ang gumawa ng joint affidavit noon.
17:44Narito po ang aking unang balita, exclusive.
17:51Noong February 2026, lumabas sa publiko ang labing walong lalaking nagpakilalang dating security
17:57ni dating Congressman Zaldico, ang ilan sa kanila mga dating Marines.
18:01Sa kanilang affidavit, sinabi nilang naghatid umano sila
18:05ng mali-maletang pera kina dating Speaker Martin Romualdez,
18:08kay Co, at maging kay Pangulong Bombong Marcos.
18:13Kapat sa kanila, humarap sa akin.
18:15Ang sinabi nila sa akin, binabawi na nila ang mga nauna nilang sinabi at kwento.
18:20Gusto lang po namin mag-rekantan po ma'am at para mag-binabawi na po namin yung mga unang salaysay
18:27namin.
18:29Gusto na namin pong manaimik dahil sa ngayon ay taddad kami ng mga kaso,
18:35mga banta sa buhay namin.
18:37Kaya pag-isip-isipan namin na binabawi na po namin yung mga salaysay po namin.
18:45Hindi sila nagpakita ng mukha sa kamera dahil sa matinding bantaraw sa kanilang buhay.
18:51Dala nila ang tiging isang bagong sinumpaang salaysay.
18:57Binigyan din nila kami ng kopya ng video ng panumpaan at inotaryo ang mga ito.
19:06Bakit nyo gustong bawiin?
19:09Hindi po totoo yung mga ibang sinabi na po namin.
19:11Binabawi po namin lahat yung unang salaysay na nagatid namin.
19:15At hindi totoo po yung sinasabi namin sa unang sinumpaang sinaysay namin.
19:19Doon sa salaysay namin, sa unang salaysay.
19:24Sa apit-amit.
19:26Yung hindi totoo yung sinasabi namin.
19:30Bakit nyo ngayon sinasabi na hindi totoo?
19:33Pero noon kasi pinanimbigan nyo eh.
19:35Parang naguguluhan pa kami noon.
19:38Tapos ang nagawa ng affidavit namin po ay hindi kami po.
19:45Sa kanilang bagong affidavit, sinabi nilang binabawi na nila ang nauna nilang mga aligasyon.
19:51Laban kina Marcos, Romualdez, Co at iba pa.
19:54Pumirma lang sila sa joint affidavit dahil sa pangakong pera.
19:57O na kasi dyan ma, may mga pangako po sa amin.
20:01Tulad ng pinansyad na sinasabi nila po na pwede na po kayong hindi magtrabaho ng dalawang taon.
20:10Tapos meron kayong security sa pamilya niya.
20:14Kapalit ng ano?
20:15Kapalit po sa ginawa na pinag-dient affidavit ko.
20:18Tatlo sa humarap sa akin, pumirma ng affidavit sa Office of the Ombudsman na ginagamit ngayon sa investigasyon kay Romualdez
20:25at iba pa.
20:25Pero kwento nila, nang humarap raw sila sa Ombudsman, pinilit silang pumirma sa sinumpaang salaysay na gawa na rin daw.
20:34Tinakot daw silang sasampahan ng patong-patong na kaso.
20:37Ang affidavit daw nila ngayon, sila mismo ang nagsulat at walang namilit.
20:41Kami po po, wala pong namilit.
20:45Walang namilit. Hindi kayo, wala ng financial assistance this time?
20:48Wala po. Kasi gusto lang po namin manahimay mo kami ma'am at matapos na po lahat na ito.
20:56Para mawala na rin po yung mga kaso namin.
20:59Dalawang buwan na raw pinag-iisipan ng mga tinaguriang maleta boys na ito na bawiin ang unang nilang mga salaysay
21:06hanggang sa maging buo na raw ang kanilang loob at i-execute ang mga bagong affidavit dalawang linggo na nakalilipas.
21:13Anila, nag-iisip na rin daw ang iba pa nilang mga kasamahan na pumanig sa kanila.
21:18Patuloy na kumukuha ang GMA News na reaksyon mula sa Ombudsman at kay Atty. Baligod na unang nagpakilala sa grupo
21:24ng mga sundalon.
21:25Ito ang unang balita. Maris Umali, GMA News.
21:36Pinagahandaan na raw ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang usap-usapang magsasampan ng kaso laban sa kanya, ang
21:43National Bureau of Investigation.
21:45May patutsada naman ang BCS sa ginagawang impeachment trial sa kanya. Yan ang unang balita ni Darlene Kai.
21:55Sa panayam kay Vice President Sara Duterte, nagpakawala siya ng batiko sa kinahaharap niya ngayong impeachment trial.
22:02Napaka-klaro naman yung bending the law dyan sa impeachment na yan.
22:07Ang sabi niya, bending the law o pagbali ng batas.
22:14Kabilang sa mga pinatungkulan niya ang kunestyon niyang impeachment proceeding sa Kamara, petisyong ibinasura na ng Korte Suprema dahil boot
22:21na ang issue.
22:22Pati na ang magkasamang pag-upo sa rostrum ni na Senate President Sherwin Gatchalian at Presiding Officer Senator Cheese Escudero
22:29sa kanyang impeachment trial.
22:30Simula pa sa House of Representatives hanggang sa pagkakaroon ng dalawang tao na nakaupo doon sa stage or rostrum or
22:42elevated platform.
22:46Hindi na kailangan guluhin ang impeachment dahil magulo na siya sa bending the law.
22:52Tumangging magkomento si Duterte sa pagbasura ng Korte Suprema sa kanyang petisyong kumwestyon sa proseso ng Kamara sa pag-impeach
23:00sa kanya.
23:00Pero naghayag siya ng pagkatuwa sa ipinapakitang performance sa kanyang defense team.
23:05Nagpapasalamat lang talaga ako dahil merong mga abogado na tinanggap ang aking kaso at they are diligent and passionate enough
23:15to defend.
23:16Ayon din sa BICE, narinig daw nila na may iniyahan ng kaso ang National Bureau of Investigation.
23:22Hindi malinaw kung tungkol saan pero matatanda ang iniimbestigahan ng NBI ang umanoy banta ng BICE sa buhay ni Pangulong
23:29Bongbong Marcos.
23:30Usaping bahagi ng mga akusasyon sa kanyang impeachment trial.
23:34Naghahanda na raw ang kanyang abogado kung meron mang kasong isasampa.
23:37Dili naman siguro nakatingalad at sa nakita na ito sa mga kadaghan-daga nag-file nila ang kaso sa, as
23:43I said, mga tao na dili musunod kay BBM.
23:48Ito ang unang balita. Darlene Kai, GMA News.
23:54Tutukan ang GMA News Special Coverage, the Vice President on Trial.
23:59Via live stream sa GMA News Facebook at YouTube at sa gmanetwork.com at gmanews.tv.
24:07Tuwing lunes hanggang miyerkulis po yan.
24:12Benta online ang reaksyon ng isang sanggol sa video ke-session ng kanyang lolo sa Borongan Eastern Summer.
24:26Todo emote sa pagkanta ng OPM song si Lolo Pio Capones.
24:30Ang kanyang apo naman na si Ayabel, tikuman ng bibig, titig na titig at all ears sa performance ni Lolo.
24:37Gigil mo dyatang nine-month-old si Ayabel as a mini fangirl.
24:42Alos one milyon na ang views ng video online.
24:45Ang hiritang ilang netizen, imbes na heleng pampatulog, pampagising ang eksena ng kanta ni Lolo.
25:00Ang hiritang ilang netizen, imbes na heleng pampatulog, pampagising ang eksena ng kanta ni Lolo.
Comments

Recommended