00:00Mga kapuso, mag-ingat at maging alisto po ngayong may masamang panahon.
00:04Sa mga sandaling ito, patuloy na tinatawid ng bagyong maymay ang Northern Luzon, sabi ng pag-asa.
00:10Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa southern portion ng Babuyan Islands,
00:15buong Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, northwestern portion ng Pangasinan,
00:21buong Apayaw, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Mainland, Cagayan,
00:26Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya at sa northern and central portions ng Aurora.
00:32Asahan sa mga nasabing lugar ang malalakas na ulan na may pabugsubugsong hangin sa mga susunod na oras.
00:42Masamang panahon ang nararanasan sa ilang lugar sa Northern at Central Luzon,
00:47matapos mag-landfall ang bagyong maymay sa Ilocos Sur kaninang madaling araw.
00:51Sa Baguio City, hindi nadaanan ang Baguio Bawang Road dahil sa bahang dulot ng magdamag at pabugsubugsong pagulan.
00:59Pumupa na ngayon ang baha at passable na po yan ngayon.
01:03May ilang puno at poste rin ang natumba at may mga naputol na linya ng kuryente na nagdudulot ng brown
01:10owl.
01:11Sa La Trinidad Benguet, gumuho ang lupa sa paanan ng bundok malapit sa Lamtang Elementary School sa barangay Pugis.
01:19Pumarang ang mga bato at puno sa bukana ng eskwelahan na pinsala po niyan ang daanan papasok sa paaralan.
01:27Nagsagawa na riyan ng clearing operations.
01:30Samantala, may mga bumabagsak pa rin bato at debris sa bahagi ng Camp 2 Cannon Road sa bayan naman ng
01:37tuba.
01:38Mahigpit namang binabantayan ang ilang ilog sa kilino Ilocos Sur sa gitna ng pananalasa ng bagyong maymay.
01:45Sa Santa Ilocos Sur, inilikas na ang mga nakatira sa coastal area sa barangay Tabukolan.
01:51Kaninang madaling araw nang bayuhin ang lugar ng malakas na hangin at ulan.
01:57Isinara sa mga motorista ang Tabuan Road sa Bagau, Pagayan, matapos gumuho ang isang bahagi nito.
02:04Bumigay na kasi ang mga sandbag na pansamantalang inilagay sa dati ng nasinang parte ng tulay.
02:10Isinisisi sa malakas na ulan ang pagbuho.
02:17Mahigit 60 pamilya na sa Ilocos Sur ang inilikas dahil sa pananalasa ng bagyong maymay.
02:23At live mula sa Santa Catalina, may ulot on the spot si Jasmine Gabriel Galvan ng GMA Regional TV.
02:30Jasmine?
02:34Connie, sa mga oras nga na ito ay ramdam pa rin ang epekto ng bagyong maymay sa probinsya ng Ilocos
02:40Sur.
02:40Nakakaranas pa rin ang pag-uulan sa ilang lugar sa probinsya.
02:44Malakas at mataas pa rin ang alon sa baybayin.
02:47Ngayong umaga ay ongoing ang clearing operation na isinasagawa ng iba't-ibang mga LGUs.
02:52Sa monitoring ng PDRRMO, nasa 67 na pamilya ang nasa mga evacuation center.
02:58Sa pag-ikot ng otoridad, wala namang naitalang pinsala matapos mag-landfall ang bagyong maymay kaninang madaling araw sa bayan
03:05ng magsinggal.
03:07Dahil sa tuloy-tuloy na pag-uulan ay pinag-iingat pa rin ng PDRRMO at mag-inibat-ibang LGUs ang
03:14mga residente sa posibilidad ng pagbaha.
03:17Yes, Jasmine, may posibilidad bang madagdagan pa yung bilang ng mga ililikas?
03:26Sa ating pakikipag-ugnayan, Connie, sa iba't-ibang mga LGUs and even sa PDRRMO, wala namang daw possibility madagdagan pa
03:32yung mga evacuees sa mga evacuation center.
03:35Sa katunayan, mamayang hapon ay possible daw na makauwi na rin yung mga evacuees dahil ang pinapangambahan lamang nila ay
03:41yung malakas na hanging dala ng bagyong maymay.
03:45At dahil sa wala namang masyadong hangin, ay posibleng makauwi na rin dawa yung mga evacuees sa kanilang mga bahay,
03:51Connie.
03:51Pero kamusta yung mga kalsada? May mga possible ba o impossible na mga daan dahil sa baha o kaya landslide?
04:02Sa mga nadaanan natin, Connie, na mga daan mula doon sa May Kandon City hanggang dito nga sa May Santa
04:08Catalina,
04:08possible naman ang lahat ng mga major roads na ating dinaanan.
04:12At sa ating pakikipagugnayan sa PDRRMO, lahat naman ng kakalsadahan sa probinsya ng Ilocos Sur ay pwedeng madaanan ng mga
04:20motorista, Connie.
04:21Maraming salamat at ingat kayo dyan.
04:23Jasmine Gabriel Galvan ng GMA Regional TV.
04:27Dito naman po sa Metro Manila, magdamag naranasan ang pagulan na dulot ng hanging habagat na pinalalakas pa rin ng
04:34bagyong maymay.
04:38Sa Maynila, katamtaman hanggang malakas na ulan ang naranasan kaninang madaling araw.
04:44Nakaranas din ang pabugsubugsong ulan sa ilang bahagi ng Marikina.
04:48Habang sa Malabuan, nakabantay ang lokal na pamahalaan sa posibleng epekto ng masamang panahon.
04:54Inihanda nila ang rescue boat at ilang equipment na gagamitin nila sakaling may emergency.
04:59Ayon sa MMDA, suspendido ang number coding scheme ngayong Webes dahil sa masamang panahon.
05:07Dahil sa bagyong maymay at habagat, sinuspindi ng Malakanyang ang klase sa lahat ng antas at trabaho sa mga opisina
05:14ng gobyerno sa ilang bahagi ng bansa ngayong pong araw.
05:18Kasama po riyan ang National Capital Region, Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan, Abra, Zambales, Kalinga, Mountain Province at Ifugao.
05:28Gayun din ang Ilocos Norte, Apayaw, Nueva Vizcaya, Tarlac, Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna at Occidental
05:40Mindoro.
05:41Ayon sa Malakanyang, nasa pagpapasyanan ng pamunuan ng mga pribadong kumpanya at opisina kung magsuspindi rin sila ng pasok.
05:49Wala rin pong pasok ngayong Webes ang Senado at Kamara.
05:52Gayun din ang lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa Echage Isabela at sa Bagau, Cagayan.
06:00Preschool hanggang high school naman ang walang pasok sa Ilagan, Isabela.
06:04Sa Tugigaraw, Cagayan, shift muna sa alternative learning modality ang klase ng kinder hanggang grade 12 sa public at private
06:11schools doon.
06:12Kabilang po dyan ang alternative learning system.
06:15Ayon sa LGU, hanggang alas 12 ng tanghali, suspendido ang in-person classes sa kolehyo ngayong araw.
06:23Antabay lamang po dito sa Balitanghani para sa iba pang anunsyo ng class at work suspensions.
06:31Nasa bahagi na ng Tanudan, Kalinga ang Bagyong Maymay.
06:35Humina po ito bilang tropical depression.
06:38Taglay po ang lakas ng hangin na ang abot sa 55 km per hour.
06:42Ngayong alas 11 ng umaga, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1
06:47sa southern portion ng Babuyan Islands, buong Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, northwestern portion ng Pangasinan,
06:55buong Apayaw, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Mainland Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya
07:04at sa northern and central portions ng Aurora.
07:07Base sa latest forecast, magpapatuloy ang paghina ng bagyo habang tinatawid ang northern Luzon.
07:13Mamayang hapon o gabi, posibleng maging low pressure area ito hanggang sa malusaw o unti-unting aanib sa Typhoon Dolphin
07:21ang binabantayang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
07:26Ayon sa pag-asa, nananatiling mababa ang tsansa ng Typhoon Dolphin na pumasok sa PAR.
07:32Pero sa mga susunod na araw, hahatakin po nito at palalakasin ang habagat na siyang magpapaulan sa ilang bahagi ng
07:40bansa.
Comments