00:00Ito na ang mabibilis na balita!
00:04Pansamantalang isinara ang isang bahagi ng Kulyak Bridge sa Quezon City
00:08matapos tumama ang isang provincial bus sa vertical clearance signage
00:11kaninang alas 5 ng umaga.
00:13Ayon sa driver ng bus, hindi niya napansin ang vertical clearance signage.
00:17Papunta raw sana siya sa Mindanao Avenue.
00:20Dahil sa aksidente, pansamantalang isinara ang bahagi ng eastbound lane
00:23ng Congressional Avenue.
00:25Naapektuhan ang dalil ng trapiko sa lugar dahil sa insidente.
00:30Nalis na ang provincial bus sa kalsada.
00:32Inaayos na rin ng mga otoridad ang nasirang vertical clearance.
00:38Arestado sa Davao City ang isang lalaking may-ari ng internet shop
00:41dahil sa pang-abuso umano sa isang binatilyong customer.
00:45Ayon sa biktima, naglalaro siya ng computer games ng lapitan ng suspect
00:49at hawakan umano ang pribadong bahagi ng kanyang katawan.
00:53Sa pilitan din umano siyang dinala sa kwarto.
00:56Nang makauwi ang biktima, doon siya nagsumbong sa kanyang pamilya
00:59na humingi naman ng tulong sa pulisya.
01:01Tumagi magbigay ng pahayag ang suspect na mahaharap sa kasong rape.
Comments