00:00Patuloy na inimbisigan ang Bureau of Fire Protection ng sumiklab na sunog sa dalawang palapag na gusali sa Caloacan City
00:05kung saan limang individual ang nasawi sa insidente habang nasa anim ng pamilya naman ang naapektuhan.
00:12Alamin niyan sa report ni Carlo Candelaria.
00:18Linggo ng madaling araw ng sumiklab ang sunog sa isang dalawang palapag na gusali sa Sinaliasi Street, Barangay 8, Caloacan
00:24City.
00:25Ayon sa Bureau of Fire Protection ng BFP, umabot sa unang alarma ang apoy bago ito maapula bandang alas dos
00:31ng madaling araw.
00:32Lima ang nasawi sa insidente kabilang na ang isang sanggol habang nasa anim na pamilya o labin limang individual ang
00:37naapektuhan.
00:38Isa sa mga nakaligtas si Alias Lari.
00:41Ayon sa kanya, mag-aalauna ng madaling araw nang maamoy niya ang tila na susunog na goma.
00:46Sinubukan niya rin umanong balaan ang iba pang nakatira sa gusali at kinatok ang kanilang mga pinto.
00:51Ngunit dahil kalagitnaan na ng gabi, marami ang mahimbing na natutulog.
00:55Pinuksan ko yung ilaw pag bukas ko ng pinto. Nakita ko, umaapoy na siya sa baba.
01:02Tapos, yung una kong kinatok yung tapat namin kasi alam ko may baby doon.
01:07May baby doon. Tapos, hindi sila nagre-response.
01:12Tapos, zero visibility na siya. Tapos, hindi na ako makahinga.
01:16Tapos, yung wala na akong choice kundi lumusot na lang ako doon sa butas na pinagtanggalan ng erko namin.
01:26Sa second floor?
01:26Sa second floor po.
01:27Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isip niya ang nangyari noong gabing iyon.
01:31Sobrang traumatizing talaga. Tapos, nanginginig pa rin ako.
01:36Tapos, hindi ako makatulog ng maayos kasi yung boses nila naririnig ko pa rin.
01:42Naririnig ko pa rin yung boses na dumihingi sila ng tulong.
01:46Eh, wala naman akong magawa kasi mas nasusuffocate na din ako nun.
01:51Samantala, agad namang nagpahatid ng tulong ang DSWD at lokal na pamahalaan sa mga pamilyang naapektuhan.
01:57Na ipamahagi sa mga biktima ang pinansyal na ayuda, mga food packs, kumot, banig at iba pang pangunahing pangailangan.
02:04Tinutulungan din ang barangay ang mga nawalan ng tirahan at ang mga pamilya ng mga nasawi para mailapit sila sa
02:09mga ahensya para sa kaukulang tulong.
02:12Ang bang po kasi dyan ng barangay po, eh, ginagawa po ng aming kapitan na makuha lahat ng casualties para
02:19mailapit po lahat sa munisipyo.
02:20Kung ano po yung ano, maitutulong po sa mga casualties ko naman.
02:25Patuloy namang iniimbestigahan ng BFP ang sanhinang sunog na ayon sa paunang investigasyon ay nagsimula sa ground floor ng bahay.
02:31Tinatayang umaabot sa 500,000 piso ang halaga ng mga napinsala sa sunog.
02:36Carlo Candelaria para sa Bayan.
Comments