00:00Itinulog na ng Pilipinas sa United Nations ang karapatan nito sa seabed at likasyaman sa extended continental shelf sa West
00:09Philippine Sea.
00:10Kasunod pa rin niya ng pang-aangkin sa halos buong South China Sea ng China na may namataang destroyer sa
00:18Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
00:21Nakatutok si JP Soriano.
00:28Sa kuhang ito ng sea drone makikita ang isang Chinese Guided Missile Destroyer na naglalayag sa loob ng Exclusive Economic
00:35Zone ng Pilipinas.
00:37Nakaalap ang video noong June 16 ng Lightfish, isang maliit na autonomous sea vessel ng US-based company na Seasats.
00:44Nakalapit ang drone sa Chinese warship sa layong 105 kilometers northwest ng Luzon.
00:49Na-verify ng Reuters ang video, lokasyon at barko bilang isang Type 052D destroyer ng Chinese Navy.
00:57Hinihinga namin ang reaksyon ng mga opisyal ng Pilipinas kaugnay nito.
01:01Inaangkin ng China ang halos buong South China Sea kabilang na ang West Philippine Sea bilang bahagi daw ng kanilang
01:089 o 10 dash line historical map.
01:10Pero binasura na ito ng 2016 Arbitral Award at kinatigan ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
01:17Para palakasin ito, formal nang iniharap ng Pilipinas sa United Nations ang partial claim ito sa Extended Continental Shelf sa
01:27West Philippine Sea.
01:28Layo nitong itakda ang hangganan ng karapatan ng bansa sa seabet at mga likas na yaman na lampa sa 200
01:36nautical miles.
01:37Ayon sa DFA, bahagi ito ng pagsusulong ng rule of law, kapayapaan at proteksyon sa kabuhayan at yamang dagat ng
01:46mga Pilipino.
01:46Si Defense Secretary Gilbert Gibo Teodoro nagbabala saan niya'y lumalaking banta ng foreign malign influence na maaaring makialam sa
01:56mga usaping panloob at magbanta sa sovereignty ng Pilipinas.
02:00Bagamat hindi pinangalanan ang China, ayon kay Teodoro, hindi na lamang sa West Philippine Sea nakikita ang mga banta, kundi
02:08maging sa mga iligal na aktividad na iniuugnay sa mga dayuhang grupo.
02:12Walang external defense na sustainable kung wala kang internal peace and stability. Precondition yun.
02:19Ngayon, mayroong fusion o paghahalo ng dalawa. Yan ang tinatawag na UFW and foreign malign influence.
02:29Wala pang tugon ng Chinese Embassy sa Pilipinas kaugnay sa pahayag na ito ni Teodoro at maging sa paghahain ng
02:35Pilipinas ng Extended Continental Shelf sa UN.
02:39JP Soriano, Nakatutok 24 Oras.
Comments