00:00Ang sagupaan ng ating mga sundalo at Coast Guard ng China sa Ayungin Shoal noong 2024 na ulit ngayong araw.
00:07Dalawang sundalo natin ang nasaktan.
00:10Kinundinan ng ating gobyerno ang pangaharas ng China.
00:13Pero sagot ng Chinese Embassy, may video sila na patunay na Pilipinas ang nagsimula ng gulo.
00:19May report si Jonathan Nanda.
00:24Walang humpay ang hampasan ng sagwan at baton sa videong ito ng AFP na nakunan kaninang umaga sa Ayungin Shoal.
00:32Ang mga sundalo ng Philippine Navy sa maliit na rubber boat, Dehado, sa mas malaking motorboat na sakay ang walong
00:38tauhan ng China Coast Guard.
00:40Sa gitna ng hampasan, nasira ang rubber boat ng Navy.
00:43Napuruhan pa sa ulo ang isa nating sundalo.
00:45Ayon sa AFP, nabigyan ito at isa pang nasaktang sundalo ng first aid.
00:50Pinag-aaralan kung kailangan silang i-medevac o medical evacuation.
00:54Dalawang tropa natin na injured.
00:57Yung isa required four stitches sa kanyang ulo, almost two inches yung haba ng kanyang sugat.
01:02Yung isa naman may mga galos, may mga bruises sa kanyang braso.
01:06Sapagkat sinasagahan niya ang hampas na kanila.
01:08Ayon sa AFP, galing sa barko ng China Coast Guard na may bow number 21560,
01:14ang mga CCG personnel.
01:15Sakay ng rigid hull inflatable boat, inikutan nila at kinunan ng litrato at video,
01:20ang BRP Sierra Madre na outpost niyang Navy sa Ayongen Shoal.
01:24Dalawang rubber boat, sakay ang ating mga sundalo ang dineploy para itaboy ang China.
01:28Gate ng AFP, kalmado at hindi confrontational ang ating pagpapaalis.
01:33Pero sino unang ng hampas?
01:35Yung China Coast Guard personnel.
01:37Makita naman natin sa video, marami siyang humahampas.
01:41We're purely defensive.
01:42Na pangsanggalang para huwag na siya matamaan.
01:46Aggressive actions at assault ang tawag ng AFP sa ginawa ng China Coast Guard
01:50na nagpahamak sa ating mga sundalo at nagpalala sa sigalot sa West Philippine Sea.
01:55Panawagan ng AFP sa China, itigil ang iligal, agresibo at mapandin lang na kilo sa West Philippine Sea.
02:01At sumunod sa 2016 Arbitral Award na nagpatibay sa karapatang pandagat ng Pilipinas
02:07sa linsunod sa international law.
02:09Sabi ng ating Department of Foreign Affairs,
02:11anumang karahasan laban sa ating mga tauhan ay hindi katanggap-tanggap.
02:15Ang Chinese Embassy naglabas ng video ngayong gabi
02:17para patunayang ang mga sundalong Pinoy ang nangudyok at unang ng atake.
02:23Pero sa artikulo ngayong araw ng Global Times,
02:25isang state-owned newspaper ng China,
02:27sinabi ng China Coast Guard na habang nagsasagawa raw sila ng routine patrol sa Ren Aijiao,
02:34ang tawag nila sa Ayungin Shoal.
02:36Nag-deploy ng dalawang rubber boat ang BRP Sierra Madre
02:39na tinawag nilang illegally grounded vessel number 57.
02:43Sa kabila raw ng mga babala nila,
02:45matulin at walang habas daw na lumapit ang mga bangka ng Pilipinas
02:49sa kanilang patrol vessel paraan nila ipalibutan at banggain.
02:53Mga Pinoy raw ang unang ng hampas gamit ang sagwan at patpat.
02:58Dagdag nila, binabaligtad ng Pilipinas ang istorya.
03:01Nanawagan sila sa Pilipinas na itigil ang ating umanong pangihimasok,
03:05panguudyok at pagpapakalat ng maling impormasyon.
03:08Noong June 17, 2024,
03:10mas malala ang ginawang pangaharas ng China Coast Guard
03:13sa resupply mission noon.
03:15May dalapang palakol ang isang CCG personnel.
03:18Armado rin sila ng patalim na pinangsaksak sa mga bangka ng ating tropa.
03:22Nanungkit sila ng itim na bag sa bangka ng Pilipinas,
03:26laman ng mga baril at cellphone ng mga sundalo.
03:28Gumamit pa sila ng laser na pangsilaw at tear gas.
03:32Sa gitna ng panggigipit ng China,
03:34naputulan ng hinlalaki.
03:36Si Seaman First Class Underwater Operator Jeffrey Facundo,
03:40pati medevac sa kanya noon,
03:42pahirapan dahil sa pangaharas ng China.
03:44They don't speak of what the Chinese Communist Party has been saying
03:50that they are for the peaceful rise of China.
03:53Their actions on the ground show otherwise.
03:56Jonathan Andal, GMA News.
Comments