00:00Klasunod po ng pangahato ng baton ng mga tauha ng China Coast Guard
00:03na ikinasugat po ng dalawang Pilipinong sundalo sa Ayungin Shoal,
00:07sinabi po ng Foreign Affairs Department na hindi katanggap-tanggap ang nangyari
00:10at may karampatang diplomatic action para rito.
00:14Saksi, si Jonathan Anda.
00:19Sa bahaging ito ng Ayungin Shoal sa West Philippine Sea,
00:22nakuna ng pangahampas ng sagwan at baton kaninang umaga
00:26ang nasa mas malaking motorboat mga tauha ng China Coast Guard.
00:30Habang mga taga-Philippine Navy naman ang nasa maliit na rubberboat
00:33gamit ang kanilang malaking motorboat at mas mahahabang mga pamalo
00:37na itulak palayo ng CCG ang mas maliit na rubberboat ng Philippine Navy,
00:41inilabas ng Armed Forces of the Philippines ang video.
00:44Ayon sa Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea,
00:47dalawang sundalo ang nasugatan,
00:49kabilang ang isang nahataw sa ulo gamit ang kahoy na baton ng China Coast Guard.
00:54Binigyan ang sundalo ng first aid at pinag-aaralan kung isa sa ilalim siya sa medical evacuation.
01:00Dalawang tropa natin na-injured,
01:02yung isa required four stitches sa kanyang ulo,
01:05almost two inches ang haba ng kanyang sugat.
01:07Yung isa sa braso, sa batang kamay niya, sa mga daliri,
01:11sapagkat sinasangga niya ang hampas sa kanila.
01:13Nasira rin ang rubberboat ng Philippine Navy.
01:15Pero sinuunang ng hampas?
01:17Yung China Coast Guard personnel.
01:19Makita naman natin sa video.
01:21Marami siya ang humahampas.
01:23Yung ating mga tasundaluhan were purely defensive.
01:27Na pangsanggalang,
01:28paano wag na siya matamaan.
01:29Sabi ng AFP,
01:31mula sa China Coast Guard ship na may bow number 21560,
01:35pinakawalan ng China ang rigid hull inflatable boat na may walong sakay.
01:40Pinaikutan at kinunan daw nito ng litrato at video,
01:43ang BRP Sierra Madre,
01:45ang kinakalawang na barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal,
01:48na may mga nakaistasyong Pilipinong sundalo.
01:51Para raw itaboy ang China,
01:52naglabas ng dalawang rubberboat ang mga sundalong Pinoy,
01:55pero kalmado at hindi ro sila nanghahamon sa ginawa nilang pagpapaalis.
01:59Bagamat ginagawa ito sa ating mga sundaluhan,
02:02mataas yung kalang moral,
02:04at saka ay magpapatuloy sa pagpapatrolya
02:06at pagwawagayway ng ating badila sa West Philippine Sea.
02:09Ang aksyon ng China Coast Guard,
02:11tinawag na assault ng AFP.
02:13Inilagay daw nila sa alanganin ng buhay ng mga Pilipinong sundalo
02:16at nagpataas ng tensyon sa West Philippine Sea.
02:20Pero sa kabila raw ng anilay karahasan na natiling profesional,
02:23disiplinado at sumunod sa rules of engagement
02:26ang mga Pilipinong sundalo
02:27habang ginagampana ng kaninang misyon sa loob ng Exclusive Economic Zone.
02:32Panawagan ng AFP sa China,
02:33itigil na ang iligal, agresibo at mapanlinlang na kilos sa West Philippine Sea
02:38at sumunod sa 2016 Arbitral Award na iginigiit ang karapatan ng Pilipinas
02:43sa naturang dagat sa ilalim ng international law.
02:47Sinusubukan pa namin kuna ng pahayag ang Chinese Embassy sa Maynila tungkol dito.
02:51Ang ating Department of Foreign Affairs nakikipag-ugnayan na raw sa AFP
02:54kaugnay ng insidente.
02:56May karampatang diplomatic action daw kaugnay nito.
03:00Sabi pa ng DFA,
03:01hindi katanggap-tanggap ang anumang marahas na aksyon laban sa Filipino personnel.
03:06Ang insidente sa Ayungin Shoal nangyari ilang araw lang matapos maghain ng diplomatic protest
03:11ang DFA dahil sa AI-generated video ng state-owned newspaper ng China
03:17na nagpapakitang unggoy ang Pilipino.
03:20Hindi pa malinaw kung kabilang ito sa pag-uusapan sa nakatakdang pagkupulong
03:23ni na Foreign Affairs Secretary Maria Tereza Lazaro at Chinese Foreign Minister Wang Yi.
03:29Yes, I have knowledge that the Secretary will have a meeting with the Foreign Minister of China.
03:37But as regards their discussions, of course, I don't want to preempt what they will discuss.
03:41Ako si Jonathan Andal, ang inyong saksi.
03:50Ako si Jonathan Andal, ang inyong saksi.
Comments