Skip to playerSkip to main content
-Bagong silang na sanggol, natagpuang patay sa estero

-AI-generated video ng China Daily kung saan inilalarawan ang mga Pilipino bilang unggoy, mariing kinondena ng ilang opisyal ng Pilipinas

-Intense fight scene nina Kylie Padilla at Cheska Fausto sa "Taskforce Firewall," hinangaan online

-NBI Dir. Matibag sa imbestigasyon sa New Clark City Sports Center: "Kung walang ginawang pangungurakot, hindi ka dapat matakot"

-INTERVIEW: DIR. RINO ABAD, DOE-OIMB

-Babae, nabangga at pumailalim sa truck matapos humabol sa isang jeep sa Osmeña Highway

-Burol ng motorcycle rider na pinatay ng kanyang pasahero, binisita ng mga kapwa niya rider

-50-anyos na babae, patay matapos pagbabarilin habang nagpapahinga sa e-trike

-"Forda content" umanong pananakit ng vlogger sa isang tuta, kinondena ng animal welfare groups

-Pagbubukas sa tax records ng isang public official, naging usapin din noon sa impeachment trial kay dating Chief Justice Corona

-Bahagi ng kalangitan sa Ontario, nagkulay-itim at kahel dahil sa usok mula sa wildfires

-Kara David at Joy "Jusa" Barcoma, maghaharap sa Kusina Battle: Lakambukid Edition ng "Pinas Sarap"


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Basel tabi para sa sensitibong detalye ng susunod na balita,
00:04isang patay na sanggol ang natagpuan palutang lutang sa isang estero sa Tondo, Maynila.
00:09Inaalam pa kung sino ang mga magulang ng sanggol at kung sino ang nagtapon.
00:14Balita ng atin ni Jomera Presto.
00:21Nagsasagawa ng green up drive ang estero rangers at mga opisyal ng barangay sa barangay 228 sa Tondo, Maynila kahapon
00:26ng umaga.
00:27Habang hinahakot ang mga basura, isang bagong silang na sanggol ang nakita nilang palutang lutang sa estero.
00:33Ayon sa barangay, agad nilang iniahon ang sanggol na wala ng buhay.
00:44Sabi ng barangay, hindi pa malaman kung sino ang posibleng nagtapon sa sanggol dahil walang mga CCTV sa bahagi ng
00:49estero.
00:50Malaki raw ang posibilidad na galing ito sa ilang kalapit barangay at inanod lang sa kanila.
00:55Ayon sa Abad Santos Police Station, patuloy silang naikipag-ugnayan sa mga barangay para mabilis matukoy kung sino ang responsable
01:01sa pagtatapon ng sanggol at kung sino ang mga magulang nito.
01:05Nananawagan din ang polisya sa mga residente sa lugar na ipagbigay alam sa kanila kung mayroon silang impormasyon kaugnay sa
01:11pagkakakilanlan ng nagtapon sa sanggol.
01:13Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA News.
02:09Sabi naman ang Department of Foreign Affairs, dapat alisin ng China ang nakakaibig.
02:13Nakakabastos na video at tigilan ang paggawa ng anilay irresponsabling content.
02:19Hinihimok din ang DFA ang China na pairali ng dignidad, respeto at katotohanan sa pampublikong diskurso.
02:33Friday latest, pinuri online ang intense na confrontation scene ng mga karakter ni na Kylie Padilla at Cheska Fausto sa
02:42Task Force Firewall.
02:46Come on Isa, stop being so dramatic about this. Wala lang yung sa amin ni Martin, it was all fun
02:52and games.
02:53Fun and games?
02:56Fun and games?
02:58Malandig ka!
03:01Nangyari iyan matapos malaman ni Isa, played by Kylie, ang secret affair ng kanyang asawa na si Martin na ginagampan
03:08na ni Luis Ontiveros at Leila, played by Cheska.
03:11Ang clip ng fight scene sa TikTok may more than 2 million views na and counting.
03:17Ang intense na puksaan ng legal wife at third party nakatanggap ng iba't ibang comments ng netizens.
03:22Hirit ng iba, pasalamat daw si Cheska at hindi hawak ni Kylie ang brilyante.
03:28Pinuri rin ang co-stars nilang nasa set ang eksena na napanood nilang live.
03:34Hindi rin nakaligtas sa galit ni Isa ang mister na si Martin.
03:38Sa isang behind the scene footage, ramdam ang emosyon ng dalawa.
03:42Abangan ang mga susunod pang intense na eksena at mga kakaharaping krimen ng Task Force Firewall Monday to Friday 8
03:50.50pm sa GMA.
03:54Para kay Sen. Alan Peter Cayetano, pananakot ang ginagawa ng National Bureau of Investigation sa planong investigasyon sa umano'y
04:01irregularidad sa pagtatayo ng sports complex na ginamit sa 2019 Southeast Asian Games.
04:07Pareho yung itinanggi ng NBI at Malacanang sa baygiit na walang dapat ikatakot kung wala namang ginawang mali.
04:14Balitang hatid ni John Konsulta.
04:20Makalipas ang pitong taon, muling inuungkat ng National Bureau of Investigation ang sinasabi nito mga anomalya sa mga strukturang ginamit
04:28sa 2019 Southeast Asian Games.
04:31Ang kanilang pinupuntiriya si Minority Sen. Alan Peter Cayetano na nagsilbi noong chairman ng Philippine Sea Games Organizing Committee o
04:39FISGO.
04:39Kung wala pa lang ginawang pangungurakot, hindi ka dapat matakot. Dahil natakot ka lang kung meron kang dapat itago.
04:46Iparating natin sa NBI, sa DOJ at sa Malacanang.
04:52Tayo tayo lang ha.
04:55Sabihin natin sa DOJ, sa NBI at sa Malacanang, di kayo halata ha.
05:04Slight lang pero hindi naman kayo halata.
05:06Para kay Sen. Alan Peter Cayetano, pananakot daw ang ginagawa ng NBI, lalot nasa gitna na ang Senado sa impeachment
05:14trial ni Vice President Sara Duterte, bagay na itinanggi ng palasyo.
05:19Ang tao na wala naman na dapat katakutan ay hindi na i-intimidate kahit kailan.
05:28Ang pag-iimbestiga na gagawin, dahil meron naman talagang issue noong pang 2019, hindi ito pang-i-intimidate, hindi ito
05:38panggigipit sa mga taong wala namang ginawang mali.
05:42Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, mahigit 2 bilyong pisong pera ng gobyerno ang pumasok daw sa FISGO na isang
05:50NGO.
05:51Aligasyon niya, ang itinayong sports center sa New Clark City na nagkakalaga ng 10 bilyong piso,
05:57hindi dumaan sa bidding, pinunduhan ng mga insertion sa budget at meron pa raw ditong hindi pa nalilikwidate.
06:03Noong 2019 siya ay Secretary of Department of Foreign Affairs, hindi po ba?
06:09Yung sinasabi nating insertion, kung alam ko yung gusto niyong balikan, for the budget of 2020 yan, noong siya na
06:16yung speaker.
06:17So yun na, para alam na niya, kasi mas maganda naman nga pag inibitahan siya, di pumunta siya para sagutin
06:24niya yung mga allegasyon sa kanya.
06:25May mga nagbigay ng donation na pumasok. There are allegations na mga may pondo nang galing sa confidential funds.
06:31E tinanggi ito ni Cayetano at sinabing walang anomalya sa proyekto.
06:35Wala siyang insertion sa budget dahil hindi siya mamabatas ng panahon yun at lahat daw ng gastusin ay liquidated na.
06:42So eto, eto proposal natin sa NBI, sa Malacanang at saka sa DOJ.
06:52Imbestigahan niyo yung Southeast Asian Games of 2019.
06:58Imbestigahan niyo ng gusto, bigay niyo lahat.
07:01We will support totally.
07:02Ako naman, sampunang aming mga kasama na ngayon ay nasa minority.
07:07Imbestigahan naman namin ang flood control.
07:11Ano, deal?
07:12Dagdag niya, wala siyang kinilaman sa pagkapatayo ng sports center dahil ang namahala doon,
07:18ang Basis Conversion and Development Authority President and CEO nito noon,
07:23si kasalukuyang DPWH Secretary Vince Dizon.
07:26Ayon sa Office of the Ombudsman, batay sa kanilang records,
07:29dinismissed noong 2021 ang kaso isinapan noon kay Dizon,
07:33kaugnay ng 2019 SEA Games dahil sa kakulangan ng ebidensya.
07:36Sa ating pagkakaalam, hindi naimbestigahan sila Sen. Alan Cayetano.
07:43At that time, I Speaker of the House.
07:47Sa ating pagkakaalam, ang dating Pangulong Duterte ay nilinis na agad si Sen. Alan Cayetano at that time,
07:55kahit wala pang umaanda na pag-iimbestiga.
07:57Tapos ang Malacanang, si ano daw, naimbestigahan na daw yung sekretary nila,
08:03pero ako daw, hindi pa.
08:04Okay lang, imbestigahan natin lahat.
08:07Pero hindi naman siguro bad words ang flood control.
08:11Ang bad words ay cover up.
08:14So, tama-tama, magsosona na ulit.
08:18Bigyan natin ng pwedeng pag-usapan ang mahal natin, Pangulo,
08:21na tunay na mga pangyayari.
08:24May list na kami ng mga witnesses na mga matitibay.
08:30Yung iba, nasabi na in public.
08:33John Consulta, nagbabalita para sa GMA News.
08:41Alamin natin kung magkano ang magiging galaw ng presya ng diesel at gasolina sa susunod na linggo.
08:46Ka-usapin natin si Department of Energy, Oil Industry Management Bureau Director, Rino Abad.
08:51Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
08:55Sir Rafi, magandang umaga sa inyong programa at sa ating mga kababayan.
08:59Ano pong inaasahan natin na magiging galaw ng presya ng produktong petrolyo sa susunod na linggo?
09:04Well, ang inaasahan nun natin, kahit apat na araw pa lang ang dumadaan dun sa trading,
09:12prices na compute natin, ang gasolina will range an increase of 3 to 4 pesos per liter.
09:21Diesel would be 10 to 11 pesos.
09:25Kerosene would be 11 to 12 pesos.
09:28Ngayon, pwede pa po ito mabago dahil hinihintay lang natin yung last day, yung Friday today.
09:36Pag sinamid nyo pong mabago, pwede pa pong umakyat ito.
09:38At bakit po ganyan kalaki yung inaasahan ang oil price hike?
09:41Ah, well, napakalaki ho.
09:43For example, ang diesel na lang, ang itinaas ho ng average of the 5-day trading last week
09:51versus this 4 days this week, ay umaabot ho ng 23 US dollar.
09:58Yun ho, kalaki ang itinaas.
10:00In a matter of 4 days.
10:02So, ito'y sa computation, yun ang sinasabi ko, umefecto ito to around 10 to 11 pesos per liter na
10:10inaasahang increase sa diesel.
10:12Mm-hmm.
10:13Eh, masasabi nyo po bang mas tatas pa ito at papalo ulit sa 600,000 o 600 piso kada litro?
10:18Well, kung nababalikan na lang natin, ang nangyari, nung nagkaroon ng MOU, US-Iran, biglang bumagsak ang ating price in
10:31the international market
10:32at nagkaroon nga tayo ng malakihang rollback around 10 to 11 pesos at that time, mga 3 weeks ago, no?
10:39Ah, but of course, ah, dahil ah, dun sa 2-month ah, negotiation nila for the permanent ah, peace agreement,
10:50ah, 3 weeks lang nagkaroon sila ng problema.
10:53So, ang inaasahan natin kung ang epekto nito ay dahil nga dun sa nawalang ceasefire, no?
11:01At hindi na ulit naka, naka, nagkaroon ng ah, safe passage yung mga shipping dyan sa Persian Gulf, yung mga
11:11ships carrying petroleum products,
11:14eh, mukhang babalik lang ito.
11:16So, ah, ang ating pump price at that time, nag-a-average before the, before the MOU, mga 80 to
11:2290 peso per liter ang pump price natin.
11:26So, inaasahan natin, dahil sa pagbagsak na yun, bumalik tayo to around 60 to 70, ah, asahan lang natin na
11:34babalik lang to 80 to 90, no?
11:38Because of this increase.
11:39Pwede pa may, mayroon dyan mga, mga ilang ilan, ya, baka umabot pa rin ng 70, pero, ah, ang makaramihan
11:47dyan, baka nasa 80 to 90 peso per liter.
11:50Opo. So, kakulangan po ba ito ng supply o especulation pa rin dahil hindi pa nga natatapos yung crisis sa
11:55Middle East?
11:57Well, ang maganda ng balita, at least, nakapag-replenish yung global market dahil dun sa pagkakataon,
12:02yung two-week period na nakapaglabas ang Persian gold supply to the global market.
12:09But, ah, of course, ah, ngayon sarada ulit, hindi na mong bago yan, kasi nung, before MOU, sarado naman talaga
12:17yan.
12:18So, ang nangyayari lang ho talaga ngayon, parang bumabalik lang ulit tayo dun sa level ng pump price before the
12:25MOU was signed.
12:26Mm-hmm. So, yung mga lumabas po na oil, ah, ipit pa rin po, ah, dun sa Middle East, hindi
12:32makalabas?
12:33Well, ah, basically, kung sinasabi yung around 21 million barrels per day ang lumalabas dyan na combination of crude oil
12:42and finished product, ah, balik ulit tayo sa dati na may nakakalabas lang dyan,
12:48mga 5 to 6 million barrels per day. So, dahil lang yun dun kay Saudi Arabia and United Arab Emirates
12:57na mayroong pipeline na alternate dun sa Strait of Hormuz.
13:03Mm-hmm. Ah, so, balik lang ho tayo dun sa level na yun for now, kasi sarado ulit yung, yung,
13:09yung Strait.
13:10So, limitado po ulit yung supply, lalo na para sa, ah, ASHA. Yung pagbibigay po na diskwento para sa mga
13:16chopper ng Jeep at UV Express, ah, magpapatuloy pa rin po ba?
13:20Ah, yes, kanina na nagkaroon ng alignment meeting yung DOA, LTFRB, Land Bank at Office of the Executive Secretary,
13:30wala hong, ah, policy direction na ihinto yan, tuloy-tuloy pa rin ho yan, at mas lalo na hong kailangan
13:37yan ngayon na bumabalik ulit tayo sa 80 to 90, ah, peso per liter na range.
13:44Mm-hmm. Eh, kamusta po yung kasalukuyang supply o reserva ng mga produktong, ah, petrolyo ng bansa?
13:50Well, babalik lang ho tayo, even before the, ah, kasi maganda na nga ho ang epekto nung nag-resume yung
13:56supply from Middle East.
13:58But, ah, please note na before the MOE was signed, ah, stabilized na ho ang, ang Asia Pacific Region.
14:06Ito yung pangunahin nating pinagkukunan ng mga import. Wala ho namang bansa dito sa area na to na nag, nag
14:14-ban ng export, no?
14:16Ah, tuloy-tuloy yung import natin at inaasahan natin na tuloy-tuloy pa rin yan. Ah, yun nga lang, ah,
14:22meron hong epekto lang doon sa price.
14:25Sa presyo. Okay. Abangan po natin yan. Maraming salamat po sa oras na ibinahagi nyo sa Balitang Hali.
14:31Opo, magandang hangali ulit sa lahat.
14:33Yan po si DOE Oil Industry Management Bureau Director, Rino Abad.
14:44Huli ka, magpagsampan ang isang lalaki sa humaharurot na jeep sa isang intersection ng Osmeña Highway sa Maynila.
14:50Nagdere-derecho ang jeep hanggang sa businahan ng paparating na truck dahil naka-green light.
14:55Nang lumampas ang jeep sa truck, isang babaeng tumatakbo ang nabangga ng truck.
15:00Pumailalim ang babae sa truck at naiwang nakahandusay sa kalsada.
15:04Sugatan ang babae na dinala sa ospital.
15:06Base sa embestigasyon ng pulisya, pinagtripan umano ng grupo ng nabanggang babae ang driver ng jeep.
15:13Humarurot daw ang jeep kahit na naka-red light dahil sa takot.
15:17Inahanap pa ng pulisya ang driver ng truck na posibleng maharap sa reklamong reckless imprudence resulting in physical injuries.
15:24Tukoy na ng pulisya ang dalawang lalaking kagrupo umano ng babae.
15:27Inareklamo sila ng jeep ni driver dahil sa umano'y pananakit.
15:31Patuloy ang embestigasyon.
15:35Dahil sa ilang insidente ng pambibiktima sa mga motorcycle taxi,
15:39nangangamba ang ilang rider para sa kanilang kaligtasan, lalo yung mga bumibihay sa gabi.
15:44Balit ang hatid ni Gabriel Gonzalez.
15:49Pagkatapos maghatid ng pasahero, sumaglit si Elvin Oralde sa burol ng nasawing kapwa motorcycle taxi rider na si Fabio Norberte
15:57Jr. sa San Francisco del Monte, Quezon City.
16:00Nauna na raw siya sa mga kaibigang motorcycle taxi rider na nakatakdaring bumisita sa mga susunod na araw.
16:07Nakakasabay niya raw sa kalsada si Fabio o si Junjun kung tawagin sa gabi-gabing pagbiyahe kaya hindi siya makapaniwala
16:14sa sinapit ng kapwa motorcycle taxi rider.
16:17Mabait na ito sir, matulungin sir. Lalo na pag may nasaraan sa daan. Ano ito eh, tumutulong talaga.
16:26Dahil sa sinapit ng kapwa rider, nangangamba na rin daw siya sa kanyang kaligtasan.
16:31Halos rider yung pinagpuntraya ngayon eh. Kakatakot talaga sir, pero sunod-sunod na po sir eh.
16:39Hindi lang isa, hindi lang dalawa. Maraming beses nang nangyayari sa ano to.
16:45Ganito rin ang pangamba ng motorcycle taxi riders na sina Jill Joseph at Richmond Agtarap, nakapwa bumibiyahe sa gabi.
16:54Nagdadalawang isip na rao silang tumanggap ng booking na ang drop-off point o destinasyon ay hindi pamilyar sa kanila
17:00o alangan ng lugar.
17:02Tinatanong muna rao nila ang customer kung ligtas sa pupuntahang lugar.
17:06Nakakatakot po kasi hindi mo po alam yung bababa mo kung madilim ba.
17:11Kontindasan na lang po kasi may dalawa din po ako anak eh.
17:14Parang ayaw ko na nga bumiyahe ng panggabi.
17:17Kinikilatis ko yung customer sir kung siya galaw niya or kung ano ba yung gagawin niyang ano.
17:24Kasunod ng insidente, pumukaw sa atensyon ng netizens ang nagviral na larawa ng isang rider na may note sa helmet
17:31na nagsasabing,
17:33Buntis po ang asawa ko, huwag niyo po ako sanang saktan.
17:37Nagluloksa rin ang Motorcycle Taxi Community Alliance sa pagkasawi ng motorcycle taxi rider.
17:43Bawa naman tayo. Bawa naman po sila sa rider.
17:49May pamilya yung tao, may anak.
17:52Papatayin mo, nag-ihanap buhay ng bayo.
17:55Tiniyak naman ang Philippine National Police na makikipag-ugnayan sila sa mga ride-hailing company,
18:01lokal na pamahalaan at iba pang stakeholder para lalong matiyak ang kaligtasan ng mga rider, pasahero at publiko.
18:08Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
18:17Patay sa pamamarilang isang babae sa Cebu City.
18:20Batay sa embestigasyon, nagpapahinga sa e-trike ang biktima ng lapitan siya ng lalaki na kahelmet at pagbabarilin.
18:27Mga tama sa ulo ang ikinasawi ng 50 anyos na biktima.
18:32Tumakas ang gunman at ang kasama niya sakay ng motorsiklo.
18:35Ayon sa pulisya, posibleng may kinalaman sa iligal na droga ang motibo sa pagpatay.
18:41Hawak na nila ang CCTV footage ng insidente.
18:44Pero hindi pa ito isinasa publiko habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
18:50Huli kam sa Kawayan Negros Occidental ang pananakit sa isang tuta.
19:04Kita sa viral video ang biglang pananapak ng 18 anyos na vlogger sa hawak niyang tuta.
19:10Kahit tumilapon nito at umiiyak, patuloy pa rin siya sa pagbablog.
19:13Paliwanag ng vlogger sa pulisya, for the content lang daw ang kanyang ginawa paraan niya magpatawa ng mga tao.
19:21Pero hindi natuwang ilang animal welfare groups na kinundin ang ginawa ng vlogger at planong sampahan siya ng reklamo.
19:29Batay sa Animal Welfare Act, ipinagbabawal ang pananakit o pangabuso sa mga hayop.
19:34Kung masawi ang hayop, maaaring maparusahan ang may sala ng hanggang dalawang taong pagkakakulong at multang hanggang sandang libong piso.
19:42Wala pagtugon ng vlogger sa paghingin ng komento ng GMA Regional TV.
19:47Ipinapatawag din siya ng LGU ng kawayan.
19:57Pinag-uusapan ng legalidad kung pwedeng gamitin ebidensya sa impeachment trial ang Tax and Bank Records ni Vice President Sara
20:04Duterte.
20:05Ayon sa dating opisyal ng BIR na tumistigo sa paglilitis kay dating Chief Justice Renato Corona,
20:10naging issue na yan noon at narisol ba naman dahil sa pahintulot ng Pangulo?
20:16Balita ng TV, Sandra Aguinaldo.
20:21Paglabag ba sa karapatan ni Vice President Sara Duterte ang pagbubukas ng kanyang Tax and Bank Records gaya ng sinasabi
20:29ng depensa
20:29o paglalahad lamang ng katotohanan gaya ng sabi ng prosekusyon?
20:37Mainit na rin itong pinag-debatihan sa isa ring impeachment trial noong taong 2012 laban kay nooy Supreme Court Chief
20:45Justice Renato Corona.
20:47Kinwestiyon noon kung tama ang kanyang idineklarang yaman kaya pumirma siya sa waiver para mabuksan ang kanyang mga bank account.
20:55Ito po, pirmado ko na po.
20:58Pero meron siyang kondisyon. Dapat daw pumirma din ng waiver ang mga mambabatas.
21:05Kung hindi sila papayag sa hamong ito,
21:10bibigyan ko po ng direktiba ang aking defense panel na i-rest na po ang aking depensa.
21:19Total, wala naman silang napatunayang paratang laban sa akin.
21:24Na-uwi ito sa kanyang piglang pag-alis sa paglilitis.
21:28The Chief Justice of the Republic of the Philippines wishes to be excused.
21:43Counsel for the Defense, will you kindly advise your client to return to the witness stand?
21:51I respect him as a Chief Justice, but this court must be respected.
21:59Quiet!
22:01At ang kanyang tax records na ongkat pa rin noon.
22:04Paliwanag din o ay Bureau of Internal Revenue o BIR Chief Kim Henares na tumestigo sa trial,
22:11nakasaad sa National Internal Revenue Code of the Philippines na ang mga income tax returns na nakalagat sa Office of
22:19the Commissioner ng BIR
22:20ay magiging bahagi ng public records at maaring mabuksan sa inspeksyon sa utos ng Pangulo ng Pilipinas.
22:28Noong mga panahon na yun, pinayaga ni Pangulong Noynoy Aquino ang pagre-release ng tax records ni Corona.
22:35Ako yung silupina ng Senado na mag-testify at dalhin ho yung mga income tax returns ni Justice Corona,
22:45the wife, the children, and the son-in-law.
22:48Kailangan may isang mag-testify niyan para ma-admit as evidence.
22:53Ngayon, tax records naman ni Vice President Sara Duterte ng kanyang mister at kanila mga negosyo ang gustong maungkat sa
23:01kanyang impeachment trial.
23:03Bagay na tinutulan ang defense team ng BICI dahil labag-anila sa batas at labag sa karapatan ng BICI sa
23:11due process.
23:12Let's look at the tax code.
23:14Section 270 of which criminalizes disclosure of taxpayers' information.
23:23Meron po bang exception sa batas na ito?
23:27Meron po, but it is limited.
23:30Kasama po bang impeachment?
23:33Hindi po.
23:34Ayon sa ilang abogado, tulad noon, nasa kamay din ang Pangulo kung magagamit itong ebidensya.
23:40So, magsusupina ho siya kay Commissioner ng BIR.
23:45Ngayon, ang Commissioner ng BIR, susulatan niya ngayon ang Presidente na meron ho ako natanggap.
23:53Ang supina, pahingi ho ng authority nyo na pwede kong i-release.
23:59Kasi kung hindi nyo ko bibigyan ng authorization, hindi ko pwedeng i-release.
24:04Gayon man, pinag-iisipan pa ng prosecution kung kailangan pa ba talagang gambalain ang Pangulo.
24:10Legal strategy po yan. Hanggat maaari, siyempre ayaw naman natin na guluhin pa ang ating executive.
24:19Sabi naman ng Malacanang, wala pang request kay Pangulong Bombong Marcos para sa isang authorization.
24:26Sa ngayon, wala pa rin po. Wala pa rin pong ibinibigay na anumang request.
24:31Bukod sa tax records, pinapasabi na rin ang prosecution ang bank records at reports ng Anti-Money Laundering Council na
24:39mga confidential deal.
24:40Hindi po tayo takot sa dokumento. Ang gusto lang po natin yung naayon sa batas.
24:45Wala po tayong kinakatakot sa mga dokumento.
24:47It's really that, you know, when we're trying to obtain evidence, procure evidence,
24:51it always has to be within the limits of the Constitution, the laws, and the rules.
24:56Sa lunes ito, inaasang de-desisyonan ng Senator Judges.
25:00Ayon sa tagapagsalita ng Impeachment Court, sakaling magbutuhan ang mga Senator Judges
25:06kung ipapasabpina ang financial records ng BSE, simple majority lang na mga dumalo ang kailangan.
25:13Dalawamput isang senador ang nakadadalo sa trial ngayon, kaya labing isang boto ang kailangan.
25:19Sinusundan kasi ng korte yung previous na nangyari sa corona trial.
25:25Nag-issue na sabpina ang korte kay Commissioner Quimenares.
25:31I'm sure itong fact na ito will be brought up as well by the Senator Judges or the parties pagdating
25:39sa lunes.
25:40Kung ipasabpina nga ng Impeachment Court ang financial records ni Duterte,
25:44maaari bang dumulog ang BSE sa Supreme Court para pigilan ito?
25:49Karapatan po nila yan. Everybody has a right to question.
25:54It is the part of due process.
25:58They can of course question. We cannot predict how the Supreme Court decides.
26:02May nagsasabi na hindi pwede dahil sole power to try and decide on all matters about impeachment
26:10ang Senate Impeachment Court.
26:14Meron naman school of thought na nagsasabi na parang pwede kapag maipakita na merong grave abuse of discretion.
26:20Sandra Aguinaldo nagbabalita para sa GMA News.
26:29Nagkulay itim at kahel ang kalangitan sa Thunder Bay sa Ontario, Canada dahil sa usok mula sa wildfires doon.
26:36Naipit sa gitan ng wildfire ang ilang railway workers.
26:39Nasa loob sila ng tren na pinalibutan ng malaking apoy.
26:44Nailigtas sila kalauna ng mga otoridad.
26:47Apektado rin ang usok ang Toronto na kamisera ng Ontario.
26:50Halos 860 wildfires ang naitala ngayon sa buong Canada.
26:55Mahigit 2 milyong hektaryan ng lupain ang apektado.
27:00Batay sa 2021 census ng Statistics Canada, may mahigit kalahating milyong Pilipino sa Ontario.
27:07Ang wildfire sa Canada, ramdam na rin sa ilang bahagi ng Amerika.
27:12Kita ang puting usok o tila haze sa kalangitan sa Illinois.
27:16At sa New York.
27:17Nagsusot na ng face mask ang mga residente roon.
27:20Reklamo rin nilang amoy mula sa usok.
27:23Nababahala ang mga otoridad dahil posibleng maapektuhan nito
27:26ang inabangang FIFA World Cup Finals sa New Jersey Stadium sa darating na linggo.
27:37Get ready para sa pinakamaiingay at exciting showdown sa television this weekend.
27:44Magtatapat si na award-winning journalist Cara David at Jusa ng kagandahan herself,
27:50Miss Earth Philippines 2025 Joy Barcoma sa Cucina Battle Lakambukid Edition ng Pinasarap.
27:57Sa two-part special ng Cucina Battle, magpapasiklaban ang dalawa sa anim na challenges sa isang farm sa Konsepsyon Tarla.
28:05Gaya ng pag-harvest ng kamote at paghahakot ng mga ani gamit ang traktor.
28:12Lulusong din sila sa putik para mamulot ng kamaru o mga pesting insekto sa palayan at gagawing atobo at marami
28:21pang iba.
28:21Sino kaya ang magwawagi at mag-uuwi ng titulong Ultimate Lakambukid?
28:27Abangan yan ngayong Sabado 8.15pm sa GTV.
Comments

Recommended