00:00Ramdam pa rin ang masamang panahon sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao
00:03dahil po yan sa localized thunderstorms na nagpabaha at nagdulot ng landslides sa ilang lugar doon.
00:09Narito po ang unang balita.
00:16Nagdulot ng pagbaha sa ilang kalsada, ang malakas na ulam na ranasan sa Burakay sa Malay Aklan.
00:21Napilitan ng mga turista na maglakad sa gutter deep na baha.
00:25Ramdam din ang masamang panahon sa baybayin na sinabayan ng malakas na hangin at matataas na alon.
00:31Sa Gihulgan, Negros Oriental, patay na na matagpuan ng isang manging isda na tinangay ng malakas na agos ng ilog
00:38sa kasagsagan ng masamang panahon.
00:39Nakita ang kanyang labi na palutang-lutang sa dagat.
00:42Ayon sa pulisya, gabi ng lunes nang tangayin ng ilog ang manging isda.
00:46Nakita ang kanyang labi kahapon.
00:49Nahukay naman sa barangay E. Aligado sa Glan, Sarangani, ang labi ng isang lalaki.
00:54Nasawi ang lalaki matapos matabunan ang gumuhong lupa ang kanilang bahay sa kasagsagan ng masamang panahon noong Sabado.
01:01Nagpapatuloy ang search and retrieval operations para sa asawa ng lalaki.
01:05Sa bayan ng Alabel, pinakawalan sa gubat ang tatlong tarsier na nailigtas sa tabi ng ilog sa gitna ng masamang
01:11panahon.
01:14Sa kasagsagan ng ulan, rumagasa ang tubig mula sa bundok papunta sa kalsada sa barangay Malalan sa Jose Abad Santos,
01:21Davao Occidental.
01:22Humambalang sa kalsada mga bato at lupang tinangay ng tubig.
01:26Stranded ang ilang motorista, maging isang sasakyan na maghahatin sana ng assistance sa isang district hospital.
01:34Isang truck naman ng Department of Public Works and Highways ang nahulog sa tabi ng kalsada.
01:39Kargan ito ang isang backhoe na gagamitin sana sa clearing operations.
01:44Bumaon daw ang gulong ng truck sa lumambot na bahagi ng lupa kaya ito nawala ng balanse at nahulog.
01:49Walang naiulat na nasaktan sa insidente.
01:55Naging pahirapan ang pagdaan ng mga motorista sa bahagi ng Sapa sa barangay New Dumangas sa Tiboli, South Cotabato.
02:02Ilang motorsikla ang suwemplang dahil madulas at malakas ang ragasan ng tubig.
02:06Nananawagan naman ang mga residente sa agarang pagtapos ng ginagawang tulay sa lugar.
02:13Sa Davao City, nagmistulang ilog ang ilang kalsada kasunod ng malakas na ulan.
02:17Ayon sa pag-asa, ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao tulot ng localized thunderstorms.
02:23Ito ang unang balita, Bam Alegre, GMA News.
Comments