Sumuko na at nasa kustodiya na ng mga awtoridad si Sen. Rodante Marcoleta matapos isilbi ang warrant of arrest na inilabas ng Sandiganbayan laban sa kanya kaugnay ng kasong plunder.
Sinabi naman ni Interior Sec. Jonvic Remulla na arestado ang co-accused ni Marcoleta sa kaso na sina dating Rep. Michael Defensor at negosyanteng si Joseph Varias Espiritu sa loob ng isang coffee shop. Pero ayon kay Defensor, sumuko sila at hindi inaresto.
Panoorin ang video para sa buong detalye.
Comments