Skip to playerSkip to main content
  • 1 hour ago

Bukod kasi sa maraming testigo, malaking volume ng ebidensiya rin ang nakatakdang iprisinta ng prosecutors at depensa.

Para mas maintindihan ang takbo ng impeachment, alamin ang mga legal terms na madalas gagamitin sa paglilitis.

Panoorin ang report ni Sandra Aguinaldo.

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa kasaysayan ng Pilipinas, limang opisyal pa lang ang na-impeach ng House of Representatives.
00:05Pero, ang umabot lang sa impeachment trial ay sinadating Pangulong Joseph Estrada at dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.
00:15Hindi umabot sa deliberation o paghahatol ng Senator Judges ang paglilitis kay Estrada.
00:23Naunlot ang impeachment trial nang mag-walk out ang mga prosecutor.
00:27Dahil mas maraming senador ang bumoto para pigilan ang pagbubukas ng second envelope na naglalaman umano ng mabigat na ebidensya
00:36laban kay Estrada.
00:38Ito ang naging mitya ng EDSA People Power II na inauwi sa pagpapatalsik kay Estrada.
00:44Dahil din dito, itinigil ng senado ang impeachment trial.
00:49Sa kaso naman ni Corona, tatlo sa walong articles of impeachment ang tinalakay sa trial.
00:55Sa unang article pa lang, dalawampu ang bumoto ng guilty habang tatlo lang ang bumoto ng not guilty.
01:03Kaya na-convict si Corona at natanggal sa pwesto.
01:07Ito ang mga salitang madalas din yong maririnig sa paggulong na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
01:15Para mas maintindihan ng pagdinig, alamin natin, anong nga ba ang ibig sabihin ng ilang legal terms sa impeachment trial?
01:25Lahat ng mangyayari during the impeachment trial should be understandable on the part of the ordinary Filipinos.
01:32Ang impeachment ay kapangyarihang ibinibigay ng saligang batas sa mga mambabatas para desisyonan kung dapat pa bang manatili sa posisyon
01:42ang isang impeachable official na inaakusahan ng mabibigat na krimen at kasamaang asal.
01:50Naiksisimula ito sa House of Representatives.
01:53Kapag na-impeach ang isang opisyal sa Kamara, hindi na nangalulugang matatanggal na siya sa pwesto.
01:59Ang butohan sa House of Representatives ay pagdedesisyon kung may sapat pang basihan ang reklamo laban sa opisyal para ma
02:07-impeach siya at maisalang sa impeachment trial sa Senado.
02:12Ang Articles of Impeachment ang dokumento naglalahad ng mga batayan o grounds sa pag-impeach sa isang opisyal.
02:21Kapag one-third ng mga kongresista o higit pa ang sumang-ayon sa resolusyon na kaakibat ng Articles of Impeachment,
02:29ang opisyal ay ituturing na impeached.
02:33Tsaka ipapasa ng House of Representatives ang Articles of Impeachment sa Senado.
02:38The resolution setting forth the Articles of Impeachment together with all annexes is hereby endorsed to the Senate.
02:46Dito magsisimulang mag-convene ang Senate Impeachment Court.
02:50Ibig sabihin, ang Senado ay magsisilbing korte kung saan uupo bilang hukom ang mga Senador at tatawagin silang Senator Judges.
03:01Sila ang magsisiyasat sa mga ebidensya laban o pabor sa impeach official.
03:06The court having been organized and the Articles of Impeachment having been presented,
03:12let a writ of summons be issued to the Vice President Zara Zimmerman Duterte,
03:17who is directed to file her answer within a non-extendable period of 10 days from receipt.
03:23Ang writ of summons ay dokumentong ipinapadala ng Impeachment Court para ipagbigay alam sa impeached official ang mga akusasyon laban
03:32sa kanya.
03:33Opesyal din itong inuutosan ng opisyal na maghahain ng kanyang tugon at magpakita sa korte oras na magsimula ang trial
03:41proceedings.
03:43Maglalabas din ang Impeachment Court ng mga sapina.
03:47Ito ay ang formal na utos para humarap ang mga testigo o ilabas ang mga kinakailangan ebidensya.
03:54Kabilang sa mga ebidensya ang pwedeng ipresenta sa Impeachment Court ay ang mga dokumento, testimonya o official records.
04:03Sa paglilitis, tatanungin ang na-impeached na opisyal kung siya ba ay may sala o guilty o walang sala o
04:10not guilty
04:11sa bawat batayan na isinasakdal sa kanya sa Articles of Impeachment.
04:17Pero pwedeng piliin ang impeached official na magpadala ng kanyang kinatawan o abogado para ipahatid ang kanyang tugon.
04:26Sila ang defense panel na magtatanggol sa impeached official at magpipresenta ng ebidensya
04:31at testigo kukontra sa mga aligasyon ng prosecution panel.
04:36Ang prosecution panel naman ay binubuo ng mga kongresista at private prosecutors o mga abogadong mag-uusig ng kaso laban
04:45sa opisyal.
04:47Isasalang nila ang mga ebidensya at testigo sa mga akusasyon laban sa impeached official.
04:53Ang mga testigo o witness ay dadaan sa cross-examination,
04:57kung saan sasagot sila sa mga katanungan para subukin ang kanilang kredibilidad
05:03o suriin kung naisasabi ba talaga sila ng totoo.
05:07Matapos ang closing arguments ng bawat panig, tatapusin na ang trial
05:12at pagkakaroon ng deliberation ang senator judges.
05:16Dito nila pag-uusapan at pagdinilayan kung ano ang kanilang boto.
05:22Ang verdict o hatol ay yung ibinoto ng two-thirds ng lahatang miyembro ng senado o 16 mula sa 24
05:30senator judges.
05:33Yan ay posibleng maging akwital kung saan mapapangwalang sala ang opisyal at mananatili siya sa pwesto
05:40o conviction kung saan siya'y mahatulang guilty.
05:45Kapag na-convict ang isang impeached official, matatanggal siya sa pwesto.
05:50At habang buhay na hindi makakahawak ng anumang opisina sa gobyerno.
05:57Ako po si Sandra Aguinaldo para sa GMA News.
Comments

Recommended