00:00800 police ang ipapadala ng Manila Police District sa Senado
00:04sa pagsimula ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte mamaya.
00:08May pindi binabantayan ng seguridad sa Mendiola sa Maynila.
00:12May unang balita live si Gabriel Gonzalez.
00:15Gabriel!
00:16Igan, good morning. Naka-alerto pa rin ang polisya dito sa Mendiola, Maynila
00:20sakaling may magkilos protesta.
00:22Sa ngayon, wala pa raw na momonitor ang mga autoridad na mga grupong
00:26posibleng magsagawa ng rally.
00:28Pero hanggang ngayon ay hindi pa inaalis ang mga barbed wires,
00:32concrete barriers at container van dito sa Mendiola.
00:35Nagsisilbi itong harang sa mga magtatangkang sumugod sa Malacanang.
00:40Tinatayang sanda ang polis ang naririto sa Mendiola ngayong araw.
00:43Nakaalalay rin ang Manila Police District o MPD
00:46para magbigay siguridad sa Senado mamaya.
00:50Ayon kay MPD Spokesperson Police Major Philip Ines,
00:53kabuang 800 na polis mula sa MPD ang ipadadala sa Senado
01:00para sa pagsisimula ng impeachment trial ni Vice Presidente Sara Duterte ngayong araw.
01:05Nasa 400 din daw ang unang bugson na ipinadala sa Senado
01:10habang nakamonitor din sila sa boundary ng Maynila at Pasay.
01:17Igan, wala pang sinasabi ang mga polis dito sa Mendiola
01:20kung magsasara ng mga kalsada sa paligid nito gaya noong mga nakakaraan.
01:25Sa ngayon, nakaalerto pa rin sila sa anumang posibilidad
01:28at kung makikita ninyo sa aking likuran,
01:30malaya pa rin nakadaraan yung mga pedestrian,
01:34yung mga estudyante at yung mga manggagawa
01:35na pupunta doon malapit mismo sa may Mendiola Peace Arch.
01:39Sa lagay naman ng panahon, Igan ay maaraw dito sa aking kinalalagyan
01:44habang ang trapiko naman sa Casal Street, Recto at Legarda Street
01:48ay nananatiling magaan.
01:51At yan ang unang balita mula rito sa Maynila.
01:54Gabriel Gonzalez, GMA News.