00:00Now, holy camp, kung paano ang meet-up sana para magbenta ng cellphone ay nauwi sa hold-up.
00:05Ang mga nagpanggap na buyer tinangay ang cellphone at libo-libong pisong pera na dala ng mga biktima.
00:12Nakatutok si EJ Gomez.
00:17Kita sa videong ito ang pakikipagkamay ng isang lalaki.
00:21Sa isang lalaking na kaputing t-shirt at may suot na helmet at angkas ng isang motorsiklo.
00:27Maya-maya, tila may binubunot ang lalaki sa kanyang bulsa.
00:33Ang eksena, meet-up ng isang online seller ng cellphone sa mga nagpakilalang buyer na nauwi sa pang-hold-up.
00:49Agad tumakas ang riding in tandem sa kanyang motorsiklo.
00:56Nangyari yan sa barangay North Signal Taguig, July 1 ng gabi.
01:00Kwento ng 21-anyos na biktima, kasama niya ang kanyang kaibigan para kitain.
01:05Ang kausap nilang mga buyer nang ibinibenta nilang mga cellphone.
01:09Kakain muna sana sila habang naghihintay sa mga katransaksyon.
01:12Nabigla na lang sumulpot sa gilid ng kalsada at nagdeklara ng hold-up.
01:17Nak-capture po yung insidente na yun dito po sa glasses ko na may camera.
01:22Tapos nung tinanong ko po kung ano po yung unahin nilang iche-check na unit is bigla na lang po
01:28nila kaming tinutukan ng, ayun nga po, baril.
01:33Tapos kinasa rin po sa harapan namin.
01:35Tapos tinanong po kung hindi namin ibibigay, papatayin daw kaming dalawa.
01:39Bigla pong naglabas ng baril, tapos inablot po sa akin yung bag.
01:42Na blanco po ako, parang wala na rin po ako nagawa. Natakot na rin po.
01:47Laman ang bagang apat na cellphone na aabot sa 140,000 pesos ang halaga at cash na nasa 25,000
01:55pesos.
01:55Ayon sa mga biktima, ikalawang meet-up location na nila ang nahulikam na insidente.
02:01Anila, umuwi na sila noon sa akalang pinagtitripan lang sila ng mga kausap na buyer.
02:07Ilang oras ang lumipas nang mag-chat ulit ang mga sospek na nagbigay ng panibagong meet-up location.
02:13Medyo suspicious po sila nung mga oras na gusto nila kaming i-meet-up.
02:18Doon sa may madilim na lugar, nakasasakyan daw sila, dadaanan na lang daw nila yung unit.
02:23Tapos hindi po ako pumayag kasi nga po, sobrang dilim po.
02:26Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto kahapon ang isa sa mga sospek na nanutok ng baril.
02:32Nakuha po agad sa agad niyang prosesyon, yung isang talibre na baril na ngayon po ay pinaproseso kung paano niya
02:42nakuha at kung sino po ang restat of order.
02:44Nasa kustodiyan na ng Taguig City Police ang sospek. Wala pa siyang pahayag. Pinagahanap pa ang isang sospek.
02:52Naharap ang mga sospek sa reklamong robbery at illegal possession of firearms and ammunition.
02:58EJ Gomez, Nakatutok 24 Horas.
03:02EJ Gomez, Nakatutok 24 Horas.
Comments