00:00Ipinaliwanag ng Korte Suprema kung bakit ibinasura nito ang hiling ni Sen. Ronald Bato de la Rosa
00:05na temporary restraining order sa arrest warrant ng International Criminal Court.
00:10Ayon sa Korte Suprema, more imagined than real.
00:13O masasabing nasa imahinasyon lang ang sinasabi ni de la Rosa na may panghihimasok sa kanya mga karapatan.
00:19Patunay raw dito ang pagsasailalim sa kanya sa protective custody ng Senado
00:24at ang pahayag ni Pangulong Bombong Marcos noong May 13 na hindi niya iniutos ang pagdakip kay de la Rosa.
00:30Pinunayin ng Korte Suprema na maraming hindi berifikadong ulat at aligasyon sa inihain very urgent manifestation ni de la Rosa.
00:38Hindi raw pwedeng maglabas ang korte ng TRO o status quo ante order batay lang sa mga espekulasyon.
00:44Nanawagan naman sa hulikaturang asawa ni de la Rosa na si Nancy na huwag ipadala ang kanyang mister sa ICC.
00:52Kung yung susuko ang Senador sa ICC, tila pag-amin daw ito na mahina at hindi kaya ng mga korte
00:58sa bansa na litisin ang mga kaso rito.
01:01Naunang sinabi ng Office of the Solicitor General na nagsisilbing abugado ng gobyerno na wala ng legal na hadlang para
01:08ipatupad ang ICC arrest warrant.
01:10Sabi naman ang Korte Suprema, hindi pa kasama sa resolusyon ang pasya sa main petition for certiorari and prohibition na
01:18inihain na de la Rosa,
01:19gayon din ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
01:21Yan din ang sinabi ng kampo ni de la Rosa.
Comments