00:00Sinihiling ng Coordinating Council of Private Education Association ng COCOPEA sa Malacanang
00:05na bigyan ng flexibility ang private schools kaugnay sa suspension ng klase tuwing masama ang panahon.
00:11Ang sagot ng Malacanang at DILG sa unang balita ni Rafi Tima.
00:18Tatlong buwan pa lang mula ng magbukas ang klase,
00:20pitong class days na ang nawala sa Metro Manila dahil sa mga suspensiong bunsod ng masamang panahon.
00:26Pero sa huling suspension ng klase noong nakarang linggo,
00:28maayos naman ang panahon.
00:31Kaya sa Malacanang na humiling ang Coordinating Council of Private Education Association o COCOPEA
00:35na bigyan ng mga pribadong paaralan ng flexibility para magdesisyon sa suspension ng klase.
00:41Remember, we're still catching up because of the pandemic, meron tayong learning crisis.
00:47So ang epekto nito bukod sa kinukulang ng ating mga class days na i-stress ang mga studyante
00:54because they're playing catch-up.
00:56Noon pa man may kapangyarihan ng mga para lang mag-suspended ng klase kung kailangan.
01:00Pero hindi nito maaaring bawiin ang suspension kung galing nasa DILG
01:04na inatasan ng Malacanang na mag-suspended ng klase at opisina sa gobyerno simula nitong Hulyo.
01:09Sabi ng COCOPEA, dahil sa kakaiba ng panahon, hindi pare-pareho ang sitwasyon kahit mga magkakalapit na lugar.
01:16Minsan, malakas ang ulan sa ibang lugar, sa iba naman wala.
01:21Pero ang suspension ay Metro Manila-wide or buong lahat, public and private.
01:27So nasasayang yung ating mga flexible learning modalities na nandyan na simula pa ng pandemic.
01:36Ayon sa COCOPEA, dapat daw magkaroon na ng updated at malinaw na pamantayan.
01:41Kung dati kasi nakabase ito sa Typhoon Storm Warning Signal,
01:44ngayon pwedeng masuspindi ang klase kahit walang bagyo.
01:47Ang concern namin is really consistency lang.
01:51Whoever will make that announcement should follow the guidelines that will be agreed upon.
01:58Pero yun nga, sana masama sa guidelines na on certain situations naman,
02:03ibigay na sa schools at the level of the schools ang desisyon.
02:07Ang Malacanang, bukas naman daw sa panokala.
02:09Iri-rekomenda po ito sa NDRRMC.
02:11Ang DILG naman, bukas daw napayagan ang online classes kapag inanunsyo ang class suspension dahil sa sama ng panahon.
02:18Makikipagungnayan daw sila sa DepEd, mga LGU at pribadong educational institution
02:22para mabalansi ang kaligtasan ng mga estudyante at kanilang pag-aaral.
02:27Ito ang unang balita.
02:29Rafi Tima para sa GMA Integrated News.
02:32Igan, mauna ka sa mga balita.
02:34Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
02:41Igan, mauna ka sa mga balita.
Comments