- 6 hours ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00May pag-taas po ng presyo ng LTG simula po ngayong araw.
00:03Sa gita naman ng malipot na presyuhan ng petrolyo na maaring masundan ng kakarampot na rollback sa Martes.
00:09Pupulungin po ng LTFRB ang mga transfer group para pakinggan ang kanilang mga hibit na taas pasahe.
00:15Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:20Ang petrolyo sa susunod na linggo may kakarampot na bawas presyo.
00:24Hanggang lagpas piso kada litro sa gasolina at hanggang limampung sentimo sa diesel ayon sa source sa oil industry.
00:33Matapos ang limang magkakasunod na linggong tumataas ang presyo ng produktong petrolyo, maaaring bumabayan sa darating na Martes.
00:40Yun nga lang maliit ito kumpara sa itinaas ng presyo, kaya naman hindi raw ito ramdam na mga motorista.
00:46Parang niloloko lang.
00:48Babas, sentabo sa taas, taas, sampo.
00:52Walang kwenta yun ma'am.
01:06Kaya iisa ang busina ng mga transport group, taas pasahe.
01:11Dalawa hanggang sampung piso ang hirit ng tatlong grupo ng mga jeepney driver at operator.
01:16Humihirit din ang taas singilang UV Express, motorcycle taxi at taxi.
01:21Sa lunes, magkakaroon ng pagdinig sa iba't ibang fair hike petition ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.
01:30We look at the wages ng ating mga mananakay para makita yung kanyang kakayanan para magbayad ng certain fair rate.
01:41Of course, yung inflationary effect na kukunin po natin sa Depth Delf.
01:47Tapos kinukuha natin yung ebidensya rin ng commuters.
01:50Mabigat po.
01:52Ilan sakay din po kasi yun e.
01:54O kaya?
01:55Imbis na pang dagdag allowance, ipapamasahe mo pa.
02:00O kaya na naman po kasi mataas din po talaga yung kasulina e.
02:02Plano rin palawigin ang fuel subsidy kung saan may 10 pesos na discount para sa qualified beneficiaries.
02:10Sa tala ng Department of Energy, mahigit 90,000 na ang mga nakikinabang dito.
02:16Ang Valenzuela City Transportation Office namamahagi naman ng sanlibong fuel subsidy sa bawat syuper.
02:22Ang ayon po kami dyan. Pero sana at the same time, ipatupad din yung fair increase kasi mas direct ang
02:31kita ito sa aming mga drivers.
02:33Ito ay pang matagalan, hindi katulad po nung fuel subsidy per liter.
02:38Hindi kasama sa nagpetisyon ng taas pasahe ang Liga ng Transportasyon at mga operators sa Pilipinas o LTOP, pero supportado
02:46nila ito.
02:47Meron na tayong care adjustment formula na na-approve na sa LTFRD, na-approve na sa NEDA.
02:54Bakit hindi niyo nang sundin nila? Puro ban-aid solution e. Parang nakakasawa na e. Parabang wala naman nangyayari.
03:05Yung oil deregulation lo, ang dapat nilang pagtunan dahil kasi yung batas na yan, ayan ang nagpaparusa.
03:12Isa pang may taas presyo ngayong buwan ng LPG. Ang isang kumpanya, 3 piso ang patong sa kada kilo ng
03:19LPG, efektibo ngayong araw.
03:21Pagbiglang tumaas uli, wala na, wala na kami kikitain. Puro na lang sagas.
03:27Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
03:31Bukod sa panawagang hustisya, kasagutan mula sa paaralan ang hinahanap ngayon ng pamilya ng estudyanting sinaksak sa loob ng Las
03:38Piñas National High School.
03:39I-dinaraing din nila kung bakit walang nakaduting nurse na ang dalhin sa school clinic ang biktima.
03:46Mula sa Las Piñas, nakatutok live, si Bon Aquino.
03:50Bon?
03:54Ivanus Tisha ang panawagan ng mga mahal sa buhay ng grade 9 student na nasa Wima tapos umanong saksakin ng
04:01kanyang kaklase sa loob mismo ng Las Piñas National High School kahapon.
04:10Masiyahin, mahilig mag-wrap.
04:14Masunuring bata na pangwalo sa siyam na magkakapatid.
04:18Ganyan ilarawan ni Aizel Untong ang 13-anyos na kapatid na si Aaron Miguel Untong,
04:23na biktima ng pananaksak sa Las Piñas National High School, pasado las 4 kahapon.
04:29Suspek ang 14-anyos na kaklase.
04:31I-lutusan daw po bumili ng tubig, tapos yung sukli daw po na sampo, naiwal sa kantin.
04:38Tapos yung babalikan na po ng kapatid ko, hindi daw naniniwala yung sumaksak.
04:44Tapos naglabas daw po ng patalim.
04:47At sabi daw po ng kapatid ko, baka saksakin mo ko niyan.
04:52Tapos bigla na lang daw po sinaksak.
04:54Nakapaglakad paan niya ang kapatid matapos saksakin.
04:57Ninala po nila sa clinics, school ng clinic po. Wala daw pong nurse.
05:03Tapos napatagal pa po kasi yung nga, yung sasakyan nga po, wala rin po.
05:09Dead on arrival sa ospital ang estudyante.
05:12Sa ngayon, wala paan niyang nakikipag-ugnayan sa kanila mula sa naturang paaralan.
05:17Uli la na sa ina ang magkakapatid.
05:19Kung namin malaman yung buong detalye, galing sa kanila,
05:24ano po ba nangyari talaga?
05:27Kung napatagal ba?
05:30Napatagal ba yung pagdala nila sa kapatid ko?
05:34Kasi...
05:38Bakit tumagal?
05:40Ba't walang nurse?
05:43Kasi kung may nurse, dapat may first aid.
05:46Di ba po?
05:47Kung nalagyan siya ng first aid, siguro...
05:52...masasagip pa.
05:55Hindi ko pa.
05:59Supo namin ang kasagutan.
06:02Sinubukan namin makipag-ugnayan sa prinsipal ng paaralan,
06:05pero sinabihan kami ng security guard na wala siya roon at hindi sila pwedeng magsalita kaugnay sa insidente.
06:11Sa opisyal na pahayag ng paaralan, sinabi nitong ikinalulungkot nilang insidente,
06:16sa kabila umano ng mahigbit na patakaran nila sa kaligtasan at siguridad.
06:21Bilang tugon, agad umano silang nakipagtulungan at nakipag-ugnayan sa mga otoridad.
06:26Sinusubukan pa namin kunin ang pahayag ng Department of Education.
06:29Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang kaanak ng 14-anyos na Child in Conflict with the Law o CICL.
06:36Disidido naman ang pamilya ng biktima na magsampa ng reklamo.
06:40Sabi ko, sampung piso, kayang kaya ko naman dublin yun.
06:45Sana hindi niya nalang sinaksakay o kapatid ko.
06:48Justisya po para sa kapatid ko.
06:53Sana po tulungan, tulungan ko po kami na mapanagot yung may kasalanan.
07:01Kung pwede nga lang po, buhay ang kapalit.
07:05Yan na lang po sana.
07:07Kasi sobrang sakit.
07:10Sobrang sakit para sa amin po.
07:12Ging, mahal naman ka namin.
07:17Alam mo yan, noon pa man, hindi kami nagkulang ng pangaral sa'yo.
07:24Alam ko, sinusunod mo sa ate.
07:33Ivan, sa ngayon ay nakaburol na ang mga labi ni Miguel dito sa barangay Daniel Fajardo.
07:39At ayon sa kanyang kapatid ay naisailalin na ang kanyang labi sa autopsy.
07:42At sa ngayon ay nihintay na lamang nila ang risulta nito.
07:46Ivan?
07:46Maraming salamat, Bon Aquino.
07:50Tinawi na ang libo-libong migrante mula Morocco ang border ng Europe at Africa.
07:55Nilangoy ng mga migrante ang Mediterranean Sea para marating ang Suta, isang enclave o teritoryo ng Espanya na nasa Morocco.
08:02Ayon sa pamahalaan ng Suta, narecover ang halos 60 bangkay sa Spanish side ng border.
08:10Maraming daw maiba pang hindi nare-recover sa paning naman ng Morocco.
08:14Nalunod o nahirapan umano ang mga itong akyatin ang breakwater sa border.
08:18Malimit na tinatawin ng mga migrante ang border para makarating sa Europa.
08:23Dibo-libong migrante ang inescort na na polisya at militar pabalik ng Morocco.
08:27Ang interior ministry ng Spain, maygit 48,000 na ang nakabalik sa Morocco mula sa maygit 50,000 taong tumawid.
08:37Pinaiting na na otoridad ng Spain ang seguridad sa Suta.
08:41Semis bound si Pinay tennis ace Alex Iala sa Mubadala DC Open sa Amerika.
08:47Natala ni Alex sa quarterfinal si Elina Svitolina sa score na 6-3 at 6-4.
08:53Sunod na mga kalaban ni Alex, ang dating world number one na si Naomi Osaka.
08:57It's a 6th win over a top 10 player this season.
09:02As she books a 3rd set of tour.
09:05Oh, there's so many things that I've learned about the tour, about myself.
09:09What it takes is to stay in this level, both physically and mentally,
09:14and just the effort you need to have to, you know, hang with these top players and stay there.
09:19I'm just at the beginning of that learning process, so I'm really excited for what's ahead.
09:26Salamat mga kapwang Pinoy, magkita tayo bukas!
09:32Pinatao na parusa ng DPWH ang contractor na isang proyekto sa Pasay City,
09:37matapos mahulong ang isang PWD sa nakabukas na drainage.
09:40Ang nahulikam na insidente sa pagtutok ni Bea Pinlock.
09:49Tumatawid si Lord Phil Cruz sa FB Harrison Street, Pasay City, hapon noong July 26.
09:54Dahil totally blind si Cruz, winasiwas niya ang hawak na baston para makapang anumang nasa harapan niya
10:00at para makita siya ng mga motorista.
10:04Pero pagkatawid, nahulog si Cruz sa bukas na drainage sa kalsada na kinukumpuni.
10:12Karaniwa na po sa akin yung naglalakad ako mag-isa na kasi pagpapunta sa trabaho or sa mga home service,
10:19talaga ako lang, medyo kinabahan pero nawala din ka agad.
10:24Sabi niya, okay lang ako, okay lang, pero hindi kasi baka mamaya kung ano yung tumama yung ulo.
10:29So nakakalungkot lang na merong ganun, di ba?
10:33Na yun nga yung butas na kalsada, lalo pa kung gabi siguro, hindi siya makikita na may nalaglag doon.
10:42Maswerteng nakita agad si Cruz ng isang rider at tinulungan siya nito at ng mga tao sa paligid.
10:49Nagkagalos sa braso si Cruz.
10:51Nakipagugnayan na sa kanyang Department of Public Works and Highways
10:54at Pasay City Social Welfare and Development Department para magpabot ng tulong.
10:58Ayon sa ilang nakausap namin sa lugar, isang linggo nang nakatiwangwang ang kinukumpuneng drainage.
11:05Meron siyang mga, yung nakasakong buhangin, yung pinag-alisan nila, nakalagay sa sako.
11:12Tapos nakalagay yun doon, nakakugo.
11:14Yung nakapalibot ba, pero wala yung kulay yelo.
11:18Sa pahayag ng DPWH, sa kanilang paunang imbestigasyon,
11:23binuksan ang nasabing manhole para sa concrete curing o pagpapatuyo sa semento.
11:28Pero hindi ito nilagyan ng harang o anumang hazard warning device.
11:32Pinatawa na ng sanctions ang contractor ng proyekto dahil sa mga paglabag sa safety standards.
11:37Contractor din ang pinagbayad sa medical expenses at distress na idinulot nito sa biktima.
11:43Tuluyan ang natakpan at nakumpuni ang drainage kung saan nahulog ang biktimang PWD.
11:48Ayon sa pamunuan ng Barangay 73,
11:51nagpulong na sila kahapon kasama ang LGU at ang contractor ng proyekto.
11:56Tinakpan na.
11:58O diba, may nahulog na kasi.
12:00Kaya sana ayusin naman.
12:03Sabi ng Pasay City LGU,
12:05nag-iikot na ang mga tauhan ng kanilang engineering office
12:08para siyasatin ang seguridad ng mga proyekto sa lungsod.
12:11Ang National Council on Disability Affairs,
12:14binigyang diin na ayon sa batas,
12:16dapat laging may sapat na harang at warning signs
12:19sa paligid ng mga bukas na drainage,
12:22construction site at iba pang lugar na posibleng ikapahamak ng publiko.
12:27Ayon naman sa Move As One Coalition,
12:29hindi lang mga bukas na drainage ang mga panganib sa daan
12:32na araw-araw kinakaharap ng mga commuter,
12:35PWD man o hindi.
12:38Isinusulong din ang grupo na mapondohan na ng gobyerno
12:40ang Philippine Road Safety Action Plan.
12:43Napakahalaga na ang pagkilis natin ay prevention at mitigation
12:47at pag-create daw din ng road safety council
12:50sa local government unit.
12:52Kung seryoso talaga ang gobyerno para sa road safety natin,
12:57kailangan kung ano yung binababa galing sa national,
13:00dapat ito ay naa-adapt din at ma-insure ng local government unit.
13:04Gawing ligtas po para naman safe lahat maglakpay.
13:08Na wala naman kami ng paninipa yung kakayahan namin
13:10na mamuhay ng payapa at maayos,
13:13e yun na lang ang natatangin namin pag-aasa.
13:17Beya Pinlak, nakatutok 24 oras.
13:21Iginit ang ambassador ng China na para sa depensa
13:24at hindi para sa expansion o pagpapalawak ng teritoryong
13:27operasyon ng kanilang militar.
13:29Pinalaga niya ng ating Coast Guard.
13:31Depensa raw bang maituturing ang panggigipit nila
13:33sa ating mga mangingisda.
13:35Nakatutok si JP Sorian.
13:40Ang pagpapalakas ng China sa kanilang militar
13:43ay para sa kanilang depensa
13:45at hindi raw para palawakin ang kanilang teritoryo.
13:49Yan ang iginiit ni Chinese Ambassador Ching Kwan
13:52sa harap ng matataas na opisyal ng Chinese Defense Attaché
13:55sa pagdiriwa ng 99th founding anniversary
13:58ng People's Liberation Army of China.
14:03Sabi ni Ambassador patuloy na isinusulong ng China
14:06ang independent at foreign policy of peace
14:09na nakaangkla sa peaceful development
14:11at national defense policy na nakatoon sa pagdepensa.
14:16Hindi anya kailanman maghahangad ang China
14:18ng hegemony o dominasyon
14:20o kaya ekspansyon o pagpapalawak ng teritoryo.
14:23Ang pahayag ni Ching na taon
14:26matapos ang pahayag ng kanilang foreign ministry
14:28na naaayon sa international law
14:31and common international practice
14:33ang namataang barko ng kanilang Navy
14:36sa bahagi ng Luzon.
14:38Pinalagan at kinwestiyon ito
14:40ng tagapagsalita ng Philippine Coast Guard
14:42for the West Philippine Sea
14:43na si Rear Admiral J. Tariela.
14:45Tanong niya,
14:46ibig bang sabihin ng Chinese Ambassador?
14:48Depensa lang ang panggigipit
14:51ng Chinese Maritime Forces
14:52sa mga Pilipinong mangingisda?
14:54Pati anya ang mga ginagawang militarisasyon
14:57at iligal na istruktura ng China
14:59sa Southeast Asia?
15:01Inaangki ng China
15:02ang halos buong South China Sea
15:04kabilang na ang West Philippine Sea
15:05na ayon sa China
15:07ay bahagi ng kanilang teritoryo
15:09base sa kanilang 9-9 historical map
15:11pero ibinasura na ito
15:13ng 2016 Arbitral Award
15:15at kinatigan ang karapatan ng Pilipinas
15:18sa West Philippine Sea
15:19hindi kinikilala ng China
15:21ang disisyon
15:22para palakasin pa
15:23ang panalo ng Pilipinas
15:24sa 2016 Arbitral Award
15:26formal na iniharap ng Pilipinas
15:28sa United Nations
15:29ang partial claim ito
15:30sa extended continental shelf
15:32sa West Philippine Sea
15:33kasama na
15:34ang Bajo de Masinlo
15:36na bahagi ng teritoryo
15:38ng Pilipinas
15:38layo nitong itakda
15:40ang hangganan ng karapatan
15:41ng bansa sa seabed
15:43at mga likas na yaman
15:44na lampa sa 200 nautical miles
15:47Ayon sa DFA
15:48o Department of Foreign Affairs
15:50bahagi ito
15:51ng pagsusulong ng rule of law
15:52kapayapaan
15:53at proteksyon
15:54sa kabuhayan
15:55at yamang dagat
15:56ng mga Pilipino
15:57ang pagkatakda
15:59ng Pilipinas
15:59ng baseline
16:00sa paligid ng
16:01Bajo de Masinlo
16:02o Scarborough Show
16:03tinawag ng Chinese Foreign Ministry
16:05na iligal
16:06at walang visa
16:07paglabag umano ito
16:09sa territorial sovereignty
16:10ng China
16:12JP Soriano
16:13Nakatutok 24 oras
16:16Physically and Emotionally
16:18healthier daw ngayon
16:19si Asia's
16:19multimedia star
16:20Alden Richards
16:21kabilang sa mga
16:22pinagkakaabalahan niya
16:23ang upcoming documentary
16:24na tatalakay sa mga problema
16:26ng sektor ng edukasyon
16:28sa bansa
16:28Narito ang aking sika
16:33Kapansin-pansing
16:34mas fit na ngayon
16:35si Alden Richards
16:37sa pagpapatuloy niya
16:38ng kanyang favorite
16:39pastime na biking
16:40and running
16:40nagbalik na nga raw
16:42ang kanyang ideal
16:43at healthy weight
16:44pero more than just
16:45weight loss
16:46mas naging healthy
16:48na rin
16:48ang kanyang approach
16:49sa maraming bagay
16:51Ako siguro yung approach ko
16:53is not about
16:54weight loss
16:55Now that I'm 34
16:56my perspective in life
16:58is changing as well
17:00it evolves as well
17:01so
17:02iba ko na tingnan yung buhay
17:04kumbaga
17:04parang for me to be
17:05available
17:06to the people
17:07I care about
17:07I have to take care of myself
17:09simulan ko na rin
17:10ulit yung pagbalik
17:11sa gym
17:11for workouts
17:12but it's really
17:13more of self-care
17:14for me to be available
17:16to my loved ones
17:17Hindi man daw madali
17:18sa umpisa
17:19pero naging dedicated
17:20si Alden
17:21in the last three months
17:22Hindi lang siya
17:23about what I eat
17:24what I do
17:25it's also what I think
17:26what I consume
17:29of course
17:30what I consume
17:31in terms of intellect
17:31like yung mga pinapanood ko
17:34iba na yung preference ko ngayon
17:35it's a holistic shift
17:38basically
17:39Marami ring humanga
17:41kay Alden
17:41sa pagawa niya
17:42ng kanyang kauna-unahang
17:43documentary
17:44sa GMA Public Affairs
17:46na rebuilding broken rooms
17:48Nakakaawa yung mga bata
17:49na gustong matuto
17:51mas pinipili na lang nilang
17:52mag-survive
17:53kaysa mag-aaral
17:54Natakayan dito
17:55ang problema
17:56sa congested classrooms
17:58na nakaka-apekto
17:59sa literacy rate
18:00ng mga Pinoy
18:01And I saw personally
18:03the conditions
18:04Pag tinatanong ko yung mga bata
18:06bakit pag tinatanong ko
18:07yung mga guro
18:07normal to sa kanila
18:09makeshift classrooms
18:10dikit-dikit
18:11sobrang init
18:13yung standard ratio
18:15ng 1 is to 35
18:17meaning 1 classroom
18:18is to 35 students
18:20bakit merong classrooms
18:21na 1 is to 145
18:221 is to 75
18:25bakit tayo umaabot
18:26sa ganun
18:27to think
18:27this year
18:28nag-allocate po
18:29ang government
18:30ng 1 trillion pesos
18:31for education
18:32last February
18:33Mapapanood
18:34ang dokumentaryo
18:35sa susunod na
18:36Sabado
18:37August 8
Comments