00:00Formal nang inalis ng European Union ng Pilipinas sa high-risk money laundering list nito ngayong Agosto.
00:06Ang detalya sa ulat ni Clay Zalfardelia.
00:11Tatlong taon simula nang mapasama ang Pilipinas sa listahan ng European Commission
00:16ng mga bansang itinuturing na may mataas sa panganib sa money laundering ngayong buwan ng Agosto.
00:22Formal nang inalis ang bansa sa high-risk list.
00:26Ayon sa Malacanang, refleksyon ito ng lumalakas na laban kontra money laundering at anti-terrorism financing na sure.
00:36Pagsupil ito sa paggamit ng pera mula sa mga iligal na aktibidad gaya ng smuglik, katiwalian at iligal na sugal.
00:45Pagpigil din sa pagpondo sa operasyon ng mga teroristang grupo.
00:49Ang ibig sabihin ito ayon sa palasyo.
00:52Senyalis ito na gumagana ang mga hakbang ng Admonisasyong Marcos Jr. para palakasin ang kumpiyansa ng mga international investors sa bansa.
01:02Bukod sa mas maraming potential investors ang maaaring mainggan niya na mamuhunan sa bansa,
01:10posible ring bumaba ang remittance fees at mas gumanda pa ang relasyon sa pagitan ng ating local banks at ang kanilang foreign counterparts.
01:19Pero hindi raw rito natatapos ang laban ng pamahalaan.
01:24Utos ni Pangulong Marcos Jr., lalo pang pag-iigihin ng BSP ang mga reforma upang palakasin ang ating financial system
01:34na siya namang magsusulong ng economic growth and global confidence.
01:38Tiniyak naman ang Banko Sentral ng Pilipinas na palalakasin pa nito ang laban sa mga financial crime at sinigurong susunod sa global standards.
01:51Itutuloy ang reforma sa sektor ng pananalapi.
01:54Mas mahigpit na babantayan ang money laundering at aktividad kontra terorismo.
01:59Patatatagin ang sistema ng pananalapi at itutulak ang pagpapalago ng ekonomiya.
02:05Iwala naman ang Malacanang na maaabot ng Pilipinas ang upper middle income status ngayong taon.
02:13Kasunod ito ng pagsampa ng gross national income per capita na US$4,470 noong 2024.
02:21Kulang na lamang ng US$26 sa itinakdang pamantayan ng World Bank.
02:26Mahalagang pag-angat ng income status dahil nangangahulugan na tumataas ang kita ng mga Pilipino.
02:34Nagiging batayan din para masabing umuunlad ang bansa na siyang nakapag-iengganyo ng mga negosyante at investors.
02:43Kulay Zalpar Dilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.