00:00Ano nga ba ang dapat gawin kung napalusong sa baha para makaiwas sa sakit tulad po ng leptospirosis?
00:07Una, ay hugasan agad ang bahagi ng katawan na nabasa ng baha gamit ang malinis na tubig at sabon.
00:14May sugat man o wala, importante ang magpatingin po kayo sa health center o ospital para maresetahan kung kailangan ng
00:22gamot contra leptospirosis na prophylaxis o doxycycline.
00:27Paalala po ng Department of Health, hindi lahat ay pupwedeng uminom ng antibiotic na yan.
00:32Kaya kailangan po talaga ng gabay ng doktor.
00:36Kung may sugat, mainam na takpan ang mga ito ng waterproof bandage bago pa man lumusong.
00:42Kung hindi rin ho ganoon kataas naman ng baha, nire-rekomenda ang pagsusuot ng bota.
00:48Doon sa first 7 days na na-expose ka, yung mga bacteria po, yung leptospira na bacteria,
00:56gumagalaw na siya sa loob ng dugo natin, di ba?
01:00So after that period, pwede na siyang mamalagi sa mga organs natin.
01:05So kaya pwedeng masira po yung bato natin, kidney, pwedeng masira yung atay,
01:09at pwede rin magka-infection sa ulo at sa spinal cord, yung mga meningitis.
01:14Kaya mas mabuti na po, uminom ng tabletas.
01:20Kaya masira po yung maz
Comments