00:00Walang hinto ang pamahalaan sa pagsasagawa ng mga hakbang sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng sunod-sunod na pagulan
00:08sa Metro Manila at ilang bahagi ng bansa.
00:12Alinsunod ito sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siguruhin na ligtas ang mga residente sa gitna ng
00:19walang tigil na pagulan.
00:21Sa tulong ng mga estero rangers at river warriors ng Department of Environment and Natural Resources at partner organizations,
00:30mas lalo pang pinagting ng DNR sa pangunguna ni Sekretary Juan Miguel Cuna ang paglilinis at pagbabantay sa mga ilog,
00:38estero, drainage system at baybaying lugar.
00:42Ang DPWH naman sa pangunguna ni Sekretary Vince Disson ay patuloy ang pag-iikot sa mga lugar na binaha upang
00:51agad na alamin ang kondisyon ng mga apektadong lugar at malapatan ng solusyon.
00:56Ipinag-utos din ang Pangulo sa DPWH na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Quezon City upang maiayon ang
01:06Flood Control Master Plan ng lunsod upang lalo pang bumilis ang paghupa ng baha sa lugar.
01:14Ipinapaalalahanan naman ng DILG sa pangunguna ni Sekretary John Vic Remulia ang ilang Regional and Provincial Directors sa mga LGU
01:24sa mga apektadong lugar na panatalihin ang pakikipag-ugnayan sa mga Local Disaster Risk Reduction and Management Council upang bantayan
01:34ang sama ng panahon.
01:37Ipinapaalalahanan din ang lahat na maging alerto at magbantay upang maiwasan ang disgrasya sa mga apektadong lugar.
01:47Nakatutok din ang DOH sa pangunguna ni Sekretary Edwin Mercado sa posibleng pagtaas ng kaso ng leptospirosis, dulot ng malawakang
01:57pagbaha.
01:57Kaugnay nito na nanatiling operational at sapat ang supply ng mga pasilidad ng DOH habang nakataas ang Code White Alert
02:07sa mga apektadong Centers for Health Development.
02:11At patuloy naman ang pakikipag-ugnayan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
02:17Nakaakabang din ang nasa 3.1 million doxycycline capsules ng DOH Central Office at sa 17 CHDs sapat ang supply
02:29ng mga gamot para tumugon sa pangailangan ng mga ospital at lokal na pamahalaan.
02:35Ayon sa DSWD, sa pangunguna ng Sekretary Rex Gatchalian, umabot na sa halos 800 million pesos ang humanitarian assistance na
02:44inilabas ng pamahalaan sa gitna ng sunod-sunod na pagulan.
02:48Habang nasa 2.3 million pesos na financial assistance ang ipinaabot sa mga apektadong residente.
02:56Nananatiling handa ang DSWD para maghatid ng tulong sa mga binahang residente.
03:02Sa kasalukuyan ay nasa 832 million pesos ang standby funds ng pamahalaan sa buong bansa.
03:09Mamayang hapon ay nakatakdang pulungin ni Pangulong Marcos Jr. ang mga pangunahing ahensya na patuloy na nakaabang at nakabantay sa
03:18samaan ng panahon.
03:19Maliban dyan, tuloy-tuloy din ang Pangulo sa pagbabantay sa lagay ng panahon at sa kondisyon ng ating mga kababayan.
03:32Sa okay.
03:32Sa okay.
03:35You
Comments