00:00Humaharin po sa ilang kalsada sa Valenzuela at Malabon matapos bumuhos ang malalakas na ulan kagabi hanggang kaninang madaling araw.
00:08Sa Valenzuela, umapaw ang creek sa isang subdivision sa barangay Malinta, kaya binaha ang mga kalapit nitong kalsada.
00:15Humaharin po sa bahagi ng MacArthur Highway sa Valenzuela, pinili ng ilang rider na lumusong kahit mataas ang baha.
00:23May iba naman na piniling huminto sa mangketa para hindi tumirik.
00:27Sa Malabon, umapaw po ang Lettre Creek, kaya binaha ang P. Aquino Avenue.
00:33Mataas din po ang baha sa Rizal Avenue, kaya napilitan ng ilang rider na itulak ang kanilang mga motorsiklo.
00:39Bagaman sanay na, sinabi ng isang residente na nagsasawa na siya dahil paulit-ulit na lamang binabaha ang kanilang lugar.
Comments