00:00Napilita na magsara ang ilang negosyante sa Strawberry Farm sa La Trinidad Benguet
00:05dahil sa pagbaba ng bilang ng mga turista ngayong masama ang panahon.
00:10Apektado rin ang bentahan at presyo ng mga prutas at gulay roon.
00:14May unang balita live si Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
00:18Sandy, good morning.
00:22Marie, Cindy, biro ang dinaranas ngayon ng mga negosyante dito sa Strawberry Farm sa La Trinidad Benguet
00:29dahil kasi sa epekto ng habagat, tuloy-tuloy na pagulan at mga nagdaang bagyo
00:33ay kapansin-pansin na bumababa ang bilang ng mga turista na bumibisita dito sa naturang pook pasyalan.
00:43Ilang negosyante na ang napilitang magsara dito sa Strawberry Farm sa La Trinidad Benguet
00:47dahil halos hindi narosapat ang kinikita nila para matustusan ang kanilang araw-araw na gastusin.
00:53Pero ang iba ay pinipili pa rin magbukas kahit batid nilang kakaunti lang ang mga bisita.
00:57Anila, mas mabuting subukang magbukas kaysa tuluyang mawala ng pagkakataong kumita.
01:03Swerte na raw kung kumita pa sila ng 200 pesos sa isang araw.
01:06Sa ngayon, nasa 400 to 500 pesos ang presyo ng strawberries kada kilo.
01:12Ayon naman sa ilang turista, kahit na may banta ng masamang panahon,
01:15ang importante, matuloy daw ang lakad.
01:17Gayon man, nagpadismaya raw sa kanila ang pagsasara ng maraming stalls dahil sa malalakas na pagulan.
01:23Mahina rin ngayon ang bentahan ng iba pang mga gulay, dulot pa rin ng masamang panahon.
01:29Maris, sa kabila ng lahat, umaasa pa rin ang mga negosyante dito sa Strawberry Farm
01:33na bumuti na ang lagay ng panahon, lalo na pagdating ng vermonts para makabawi man lang sa kanilang pagkalugi.
01:40Samantala sa mga oras na ito, Maris, ay nakararanas pa rin tayo ng makulimlim na panahon.
01:45At syempre dito sa probinsya ng Benguet, asahan pa rin ang malamig na klima dahil ngayong araw ay pumapalo sa
01:5117 to 20 degrees Celsius
01:53ang klima o temperatura dito sa naturang probinsya ayon sa pag-asa.
01:59Maris.
01:59Maraming salamat. Sandy Salvation ng GMA Regional TV.
Comments