- 13 hours ago
- #kmjs
Aired (August 16, 2026): ILANG MGA LUNGSOD SA METRO MANILA AT KALAPIT NA MGA PROBINSYA, LUBOG SA BAHA KASUNOD NG WALANG TIGIL NA PAG-ULANG DALA NG HABAGAT. ISANG TAON MATAPOS PUMUTOK ANG ANOMALYA SA MGA FLOOD CONTROL PROJECT, NAPANAGOT NA BA LAHAT NG DAPAT MANAGOT?
Binaha ang malaking bahagi ng Luzon, mula Norte hanggang Katimugan dahil tila nagparadang muli ang mga bagyo at sama ng panahon sa nakalipas na dalawang linggo.
Ang mga probinsya sa Central Luzon, nagsisilbing catch basin o parang palanggana ng lahat ng mga baha sa parteng ito ng Luzon. Isa na rito ang lalawigan ng Bulacan na ayon sa listahan ng Pangulo, pinaglaanan ng mahigit 600 na flood control projects.
Si Jessica Soho, pinuntahan ang Hagonoy, Bulacan para imbestigahan kung bakit tila
habambuhay nang nakalubog sa baha ang bayan.
Isang taon na mula ng pumutok ang issue ng flood control projects, marami pa rin tayong mga tanong. Napanagot na ba lahat ng dapat managot?
Ang Part 19 ng 'Katakot-takot na Kurakot' sa pagpapatuloy ng KMJS Special Reports, panoorin sa video na ito. #KMJS
“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture. 'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS
Binaha ang malaking bahagi ng Luzon, mula Norte hanggang Katimugan dahil tila nagparadang muli ang mga bagyo at sama ng panahon sa nakalipas na dalawang linggo.
Ang mga probinsya sa Central Luzon, nagsisilbing catch basin o parang palanggana ng lahat ng mga baha sa parteng ito ng Luzon. Isa na rito ang lalawigan ng Bulacan na ayon sa listahan ng Pangulo, pinaglaanan ng mahigit 600 na flood control projects.
Si Jessica Soho, pinuntahan ang Hagonoy, Bulacan para imbestigahan kung bakit tila
habambuhay nang nakalubog sa baha ang bayan.
Isang taon na mula ng pumutok ang issue ng flood control projects, marami pa rin tayong mga tanong. Napanagot na ba lahat ng dapat managot?
Ang Part 19 ng 'Katakot-takot na Kurakot' sa pagpapatuloy ng KMJS Special Reports, panoorin sa video na ito. #KMJS
“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture. 'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS
Category
🎈
FunTranscript
00:01If you collect all the money,
00:05the money, the flood control,
00:10how many schools, schools and hospitals should be able to pay?
00:17How many people should be able to pay?
00:19How many people should be able to pay?
00:21One year, many people should be able to pay.
00:28So, napanagot na ba lahat ang mga dapat?
00:39Tila nagparadang muli ang mga bagyo at sama ng panahon
00:44sa nakalipas na dalawang linggo.
00:50Nagsabay-sabay ba naman?
00:52Oo, napakalakas ng doob ni kuya.
00:54At ginila pa nito ang habagan.
00:58Ang resulta katulad ng dati pa nating nararanasan.
01:02Malalim na naman dito.
01:04Baha ang malaking bahagi ng Luzon.
01:08Mula Norte hanggang Katimugan.
01:14Sa Baguio, may pamilyang natabunan ng landslide.
01:21Hindi bababa sa sampo ang kumpirmadong namatay.
01:28Sa ibang mga lugar sa Benguet Province.
01:32Nagka-flash flood.
01:35Nagkandasira rin ang mga kalsada at iba pang infrastruktura.
01:42Sa Ilocos Sur.
01:45Napakalakas ng pagragasa ng tubig sa Santa Maria River
01:49sa barangay ng Unig West sa bayan ng Narvacan.
01:53Hindi pa masyadong malakas yung bahay.
01:55Ang bahagi ng flood control project na sira.
01:59Bigla na lang pong humagasa yung tubig.
02:03Bumuho po yung flood control dito po sa may tabi ng tulay.
02:07Ang lapit-lapit na po kami sa ilog.
02:10Tapos yung bahay namin, kagagawa lang po.
02:15Pinaghihirapan po ng asawa ko ng ilang buwan.
02:18Tapos ka dito po ang mangyayari.
02:22Gusto lang namin maayos tapos matuloy po hanggang doon.
02:27Kasi yung mga ibang bahay po.
02:30Na hindi pa naabot ng flood control,
02:33siyempre natatago din sila na malapit na yung ilog.
02:39Hinastusan daw ito ng mahigit 112 million pesos.
02:44Proyekto ng DPWH sa Region 1 pero ang kontraktor,
02:52Satrap Construction Corporation na kilalang pagmamayari ni dating Governor Chavit Simpson.
03:00Heto ang panig ng mga tiga DPWH.
03:03Dahil kasalukuyang pa rin isinasagawa ang proyekto,
03:06ang kontratista pa rin ang may pananagutan sa kaukulang remedial works.
03:11Agad kaming nakipag-ugnayan sa kontratista upang magsagawa ng mga kinakailangang hakbang upang hindi na lumala ang pinsala sa proyekto.
03:20Nagpaunlak ng panayam ang presidente at general manager ng Satrap Construction Corporation.
03:27So it was only first week or second week of July ma'am.
03:32Hindi pa masyadong matigas.
03:34Alam mo naman yung bagyo, diba dumaan yung Luis at saka si Maymay.
03:38Siyempre malakas ang tubig, tinamaan yung isla protection natin ma'am.
03:41We come up with a decision na talaga parte naman ng kontrata namin is to repair.
03:47Meron ba tayong target na?
03:48Dagdag na tayo ng 3 months, magagawa namin natin ito.
03:52Sa probinsya ng La Union, hindi madaanan ang mga kalsadang ito matapos umapaw ang mga ilog.
04:01Sa Dagupan City sa Pangasinan,
04:0631 mga barangay ang nalubong.
04:09Sa Pampanga,
04:11Ayan na naman, malalim na naman dito.
04:14Abot hanggang leeg ang baha.
04:16Hindi sinanto pati mga simbahan.
04:19Almost rooftop na lang ang visible na part ng simbahan.
04:23Sa Cavite,
04:25makikita ang isang bata na isinalba mula sa panganib ng dalawang lalaki.
04:35Dahil hindi na rin madaanan ang ilang mga kalsada sa Batangas,
04:40dahil sa taas din ang baha,
04:42na-stranded ang rider na ito.
04:45Ang mga residente,
04:47nagbaya ni Han para siya ma-rescue.
04:50Ang manging isda namang ito,
04:53na sakay ng kanyang bangka,
04:55muntik ng anurin.
05:00Hindi lang Luzon ang hinagupit ng masamang panahon,
05:05pati na ilang bahagi ng kabisayaan.
05:09Sa bayan ng Tigbawan sa Iloilo,
05:12isang flood control project ng DPWH
05:16na tatlong buwan pa lang mula nung ito'y nakumpleto
05:20at ginastusan ng 140 million pesos na sira.
05:27Hinaharin ang maraming lugar sa Metro Manila.
05:32Noong Martes,
05:34binisita ni Pangulong Bongbong Marcos ang Las Piñas City.
05:38So, effective naman namin kasi kita tuha,
05:40ngunit kayaanap naman natin,
05:41kulap pa rin yan,
05:42o rapid pa rin tayong kailangan.
05:45Ayon din sa kanyang tagapagsalita
05:47na si Undersecretary Claire Castro,
05:50mabilis ng araw humupa ang baha.
05:53Kapansin-pansin ang mabilis na humupa ang tubig baha
05:57sa ilang bahagi ng Navotas, Valenzuela, Manila,
06:01at G. Araneta Avenue at E. Rodriguez
06:03na dati ay palaging lubog sa tubig.
06:07Samantala,
06:08sa Paranaque City,
06:10ang isang estero
06:11naging dagat ng basura.
06:14Noong nag-high tide ka hapon,
06:15pinagalahan.
06:16So, halo-halo na yung basura ito all over.
06:19First time ito nangyari.
06:20Pinapakita lang talaga na
06:22grabe na talaga ang sitwasyon
06:23ng basura natin.
06:24Garbage crisis na talaga ito.
06:26Kung may nasira na namang flood control projects,
06:29meron ding mga gumana.
06:31Katulad ng Sanavotas at Samarikina,
06:35ang mga proyektong ito,
06:36gawa at pinondohan ng JICA
06:39o ng Japan International Cooperation Agency.
06:43Ang mga probinsya sa Central Luzon,
06:46nagsisilbing catch basin
06:49o parang palangganang sumasalo
06:51ng mga baha sa parting ito ng Luzon.
06:58Isa na rito ang lalawigan ng Bulacan
07:01na ayon sa listahan ng Pangulo
07:04na pinaglaanan ng mahigit 600
07:07na flood control projects.
07:11Matatandaang sa Bulacan din,
07:13unang sumingaw ang iskandalo
07:16o kontrobersya
07:17sa mga kinorakot
07:19na flood control projects.
07:22Sa mga bayan-bayan ng Bulacan,
07:25ang Hagonoy
07:26ang pinakasinasapul
07:28ng baha.
07:30Ano man ang panahon,
07:32nakaharap kasi ito
07:33sa Manila Bay
07:35at ito rin
07:36ang daluyan ng mga baha
07:38mula sa ibang mga lugar
07:40at sa ibang mga probinsya.
07:45Welcome to Hagonoy,
07:47ang bayan po dito sa Bulacan
07:48kung saan ang mga residente ngayon
07:50ang pakiramdam
07:51para silang pinagtaksilan
07:54ng panahon
07:55dahil umulan man o umaraw,
07:57high tide man o low tide pa,
08:00may habagat man o bagyo o wala,
08:03lagi silang binabaha
08:05at sa paglipas daw ng mga taon
08:07imbes na masolusyonan
08:09o ma-remedyohan man lang
08:11ang kanilang problema
08:12tila lalo pang
08:15lumalala.
08:21Sa sala ng isang bahay rito,
08:24may lumalangoy na tilapia.
08:28Wala kasing bahay na nakaligtas dito
08:32sa matinding pagbaha
08:33sa 26 na mga barangay
08:36isa lang ang nakaligtas
08:39lahat binaha
08:42wala halos tuyong bahagi
08:44gayon man tuloy ang usad ng buhay
08:48kahit pa sa mga namaya pa
08:53mga tricycle na ng hagonoy
08:55ang nag-adjust sa baha.
08:58Kung wala kang auto,
08:59wala kang motor,
09:01ano ba ang best form
09:03of transportation ngayon dito?
09:05Eto ho, tawag ho nila,
09:06tikling.
09:07Pinataas po nila
09:09yung kanilang mga tricycle
09:10para mag-adapto
09:12yung sasakyan natin ngayon
09:13para makaikot ho kami dito.
09:15Syempre ang tanong lagi
09:17kung stable ba ito
09:18so dapat kapit.
09:25Nasa sentro po tayo ng hagonoy.
09:27Ito po yung Santo Niño.
09:29Ayan po, palengki ho itong
09:30nasa aking kanan.
09:32Tuloy pa rin ang komersyo.
09:34Ano ba yung tinitinda mo?
09:36Spani madam, gusto nyo?
09:37Oo, sige na.
09:39Hindi, bayaran natin.
09:43Alang-alang sa hanap buhay.
09:45Para sa blood control.
09:46Diba?
09:46Sa gitna ng baha.
09:48May mainit na Spanish bread.
09:51Wow!
09:56Yung saluubin ng mga taga-hagonoy,
09:59hindi na nila tinatago.
10:01Eto ho,
10:02mga magnanakaw sa pondo
10:04ng flood control project.
10:05Managot kayo sa batas ng tao.
10:08Oh, hahatulan kayo ng Diyos,
10:10mga ganid sa salapi at luho.
10:12Hindi natutulog ang Diyos.
10:15Tindig, hagonoy.
10:16Wah!
10:18Setyembre noong nakaraang taon,
10:21nag-rally sa gitna ng baha ang mga residente.
10:24Nanawagan sila noon ng agarang aksyon
10:28para masolusyonan sana ang matagal na nilang problema.
10:32Na kaso, problema pa rin nila hanggang ngayon.
10:36Ang bayang kabunoy!
10:38Wala natin hindihan!
10:41Before subdivisyong marangya,
10:44masaya ang mga residente.
10:46Lalo't ginawaraw ito
10:48na hindi dapat abutan ng baha.
10:51Pero ang after,
10:53eto na!
10:54Ito ang Mary the Queen subdivision
10:57na napakasaklap ng kapalaran.
11:02Si Luisito Juliano o Canoy
11:04ang presidente ng Homeowners Association dito.
11:09Sakay ng tikling,
11:10ipinakita niya sa akin
11:12ang kalunos-lunos na inabot
11:14ng kanilang komunidad.
11:16Ano ba nangyari doon sa inyong subdivision?
11:18Nasa tatlong kong taon na po ang aming subdivision.
11:21Hindi po namin naranasan ng ganit kalaking tubig.
11:24Hindi niyo ba nakita na pwede mangyari
11:28kasi mababa yung elevation
11:30nitong bayan ninyo?
11:32Ang developer po ay inihanda po talaga yun
11:34sa napakataas po.
11:35Sakali kung dumating mo yung panahon na gano'n
11:37eh nakarigin na po siya.
11:39So parang wala po nangyari doon sa mga ipinangako?
11:42Wala nga po.
11:43Kaya nga po, umaasa pa rin po kami
11:45na kung yung budget na nga para sa mga proyekto
11:48ng ating gobyerno ay magiging makatotohanan
11:51baka kahit po paano'y maipsan
11:53ang aming mga paghihirap
11:55at pagdurusan aming dinaranas.
12:00Ito na, nakalagay pa lot for sale,
12:03700 square meters,
12:04pero bahang-baha.
12:05So ito na po yung simula nung inyong subdivision.
12:08O po, ito po yung
12:08Verida Queen Home subdivision.
12:10Dati ho, masigla itong subdivision.
12:12Ito po lahat ang nagiging
12:13ng tambayan namin.
12:15Kumpleto pa naman daw sila sa facilities.
12:18May eskwelahan, may clubhouse.
12:22Marami sa mga bahay, magagara.
12:25Meron pa ngang ilan na malapalasyo.
12:28Pero sa dalawang daang narito,
12:31limampu na lang daw ang tinitirhan.
12:34Karamihan, abandonado na.
12:36Ang lungkot lang, o.
12:38O po.
12:39Imaginin nyo po ba ito,
12:40dapat niyang iwanan.
12:41Sa ganda po yun,
12:42nagkakahalagay ng kumagkano.
12:44Minsan pa raw nanalo
12:46ng premyo bilang parang model subdivision.
12:49Tinaasan daw po ito
12:51ng husto
12:52para hindi sana abuti ng baha.
12:55Pero eto na po ang nangyari.
12:57Pagpapasukin nyo po,
12:58karamihan ng mga bahay dito,
13:00baha yung kanilang first floor.
13:02Swerte yung mga may second
13:04o third floor.
13:06Meron pa silang pwedeng mapaglagian.
13:09Binala ako ni Canoy
13:10sa kanilang bahay
13:12na pinaghirapan daw nilang ipatayo
13:14mula sa kanilang ipon
13:16at mga inutang.
13:18Ginawa niya ng sari-sari store yung harap.
13:22Eto po ang inyong...
13:24Ito po yung aming buong kabahayan.
13:26Na pinaghirapan nyo po ibundar.
13:28Pinaghirapan po namin.
13:28Unti-unting itayo.
13:30So lahat tubig.
13:31This yung kama hindi naaabot.
13:32Kaya nga po nakaabang yung isa kong ganyari.
13:34Naisip ako mong pagawa nito
13:36kahit nahulugan
13:37para man lang yung anak ko
13:38ay may safe coat yung aking matina.
13:40Wala ko kayong second floor.
13:41Hala po ma'am.
13:41Hindi ko po kinaya na magkapagkaroon ng...
13:45Bagamat kaming mga natitira pa rito
13:47nagtitiis,
13:48wala namang kaming kakayanan para lumip...
13:53Kaya kahit ganyan yung sitwasyon,
13:56kinakayanan ang namin.
13:59Isa sa mga naunang tumira sa subdivision ito,
14:03si Tatay Dick.
14:04Saksi siya kung paano binago ng baha
14:08ang kanilang mga buhay.
14:10Kamusta po yung pamumuhay nyo rati dito?
14:12Dati po itong first class na subdivision.
14:15Talagang marami ditong pumupuntang mga coroniners din.
14:19At talagang binibisita't din na dahil marami
14:21nagpictorial po dito.
14:23Pero ngayon ang hirap na kong tignan ano?
14:25Ako napakahirap po.
14:26Talagang kalunos-lunos po ang aming nararanasan.
14:30Kailan nung nagsimula yung kalbaryo po ninyo?
14:33Ako po eh, ang aking natatandaan po noon
14:36yung grabe po yung undoy.
14:39May itaas o second floor ang bahay ni Tatay Dick.
14:43Sa kabila nito, wala siyang balak umalis.
14:46Malabo na kasi ang paningin ni Tatay Dick
14:49at inaalagaan pa niya ang isa niyang anak na na-stroke.
14:53Mahirap po kasi sa mga seniors and PWDs na katulad po po.
14:57Sana po yung pinupuntahan po ng tax
15:00ng mga Filipino is nagagamit po ng tama.
15:03Paano na lang po, huwag po sanang nangyari.
15:05May emergency.
15:06Even ambulance, hindi po makakadaan sa street.
15:09Bakit po kayo andito pa rin?
15:11Matanda na po ako.
15:12Wala na po rin akong pagkakukunan eh.
15:14Anong bahay na maganda po at maayos at safe.
15:18Kahit hindi po ako nakakakita ng maayos dahil sa kalalagay ko.
15:22Ngunit, klaro pa rin sa akin dahil sa Panginoong Yesus.
15:25Na hindi niya ako iiwan at pagbabayaan.
15:35Eh, yung iba nag-alisan na. Okay pa kayo dito?
15:38Kakagawa lang po ng bahay.
15:40Kakagawa lang.
15:42Wala kayong balak umalis.
15:44Wala na po bakit.
15:45Gusto ko kayo.
15:48Mabuti po nandito pa ko kayo.
15:50Ah, nandito po kasi yung hanap buhay namin eh.
15:53Ano ho bang hanap buhay niyo ma'am?
15:55Nagbabayansin po kami ng mga isda.
15:57Nasa lubong ko sa daan.
15:59Ang ilang mga bata.
16:01Uy, may bigas.
16:01Saan mo na kuha yung bigas?
16:03Sa barangay po.
16:04Nagipon po kami ng basura.
16:06Ay, ganon?
16:07Hapa.
16:07May prem niya pong bigas.
16:09Nagipon po kami isang kilong sako.
16:11Pagka namulot ka ng basura sa baha.
16:13May kapalit po ng bigas.
16:15Dalawat kalahati po minsan.
16:16Two, two and a half na kilos.
16:18Apo.
16:18Ganoon din po isang kilo.
16:20Yung basura, ilang katapat nun?
16:22Kinikilo rin yung.
16:22Kada sako ng basura, may bigas.
16:25Apo.
16:26Nasanay na ho ba ang mga taga-hagunoy dito po sa ganitong sitwasyon?
16:30Ayaw po namin sabihin na sanay na.
16:32Dapat po sinasabi na namin ngayon ay sawa na.
16:35Sawa na po ang taong bayan ng hagunoy.
16:37Sa baha po na aming nararanasan araw-araw.
16:39Kamusta po ang pamumuhay at hanap buhay ng inyong mga residente at ang inyong mga nasasakupan?
16:46Ma'am, ang talaga po aming number one na hanap buhay po dito ay pangingisda.
16:52Ang problema po, pag po ganitong kataasan ng tubig at lakas po ng hangin,
16:56ang ating mga mangingisda ay hindi po makapamalakaya.
16:59Kayo ang catch basin at parang kanal.
17:03Sa high tide po, kami ang unang-unang apektado.
17:06Sa upstream naman po na tubig, kami naman po ang huli na daluyan ito bago po makalabas sa Manila Bay.
17:12Nagmistulang dagat po kami sa side po ng west.
17:15Kaya po ang tubig ay talaga po berederetsyo lang ang pag-agos dito.
17:19Mayor na nila mismo ang nagsabi, ang baha sa Hagonoy walang pinipiling panahon o lugar.
17:29Dahil buong bayan halos, pirmeng lubog. Maganda man ang panahon o hindi.
17:36Sa sumbong sa Pangulo Portal, may nakalista hong 42 flood control projects na inilagay dito sa Hagonoy
17:44sa halagang mahigit 3 billion pesos.
17:48Pero tanong pa rin ho ng mga taga rito, nasaan ang epekto ng mga yan?
17:53Dahil hanggang ngayon po, bahang-baha pa rin sila.
17:57Naging parang ngipin na butas-butas.
18:00Hindi po po pwede ito.
18:01Kinakailangan po kahit malamang ilang barangay sa pondong ito ay nailigtas nila.
18:08Pero ang nangyari po, iba't ibang barangay nilagyan.
18:10So wala pong natapos.
18:12Hindi po ba kayo nakonsulta kasi bago sinimulan itong mga proyektong ito?
18:15Yan po mamang hinihiling namin sa kanila noon.
18:17Kinakailangan po kami ang magsabi nito kung saan dapat ilagay,
18:22kung paano po ang dapat na pamamaraan ng paggawa.
18:25So hindi po kayo nawawala ng pag-asa kahit para na po kayong...
18:28Habang buhay po, dapat may pag-asa ma'am.
18:30Napagtak sila ng panahon.
18:31Umaasa po kami na darating din po yung panahon na may mga tulong po na maibibigay dito sa Hagonoy at
18:41masusolusyonan pa rin po yung problema na ito.
18:43Sa palagay po ninyo, may solusyon pa?
18:45Kung itatama lang po siguro.
18:47Saan po? Planning or implementation?
18:50Parehas po.
18:50Ayon mismo sa municipal engineer ng Hagonoy, ang ilan sa mga proyektong sinasabi,
18:58kung hindi man gumana, hindi tinapos.
19:03Katulad ng floodgate na ito sa Barangay Iba.
19:07Flood control o perwisyo?
19:09Yan ang tanong ng mga tiga Barangay Iba dito pa rin po sa Hagonoy.
19:13Kasi yan daw po ay supposedly flood control gate na itinayo ng DPWH.
19:19Kaso, hindi naman natapos.
19:22Kaya naiwang nakatiwangwang.
19:23So ngayon, siya pa ang nagdudulot ng problema dito sa parting ito ng Hagonoy.
19:30Kasi imbes daw na makalabas yung tubig mula dun sa ibang mga lugar na hanggang ngayon lubog,
19:36nakaharang pa siya.
19:37Hindi nyo ho project ito sa LGU?
19:39Hindi po ito proyekto ng pamahalang bayan po.
19:42Ibinaba po ito ng DPWH dito para maging control po ng high tide.
19:48So unfortunately, naiwanan po siyang nakatiwangwang.
19:52Tinanong nyo na ho ba yung DPWH? Bakit ho naiwan nakatiwangwang?
19:55Actually, isa po ito dun sa may mga kontrobersya dun sa sinabi po ng Pangulo.
20:01Ngayon, ang ano naman po nila, ipapaayos agad nila.
20:05Kaya, si Nanay Remedios na ang bahay,
20:08nasa tabi lang ng hindi tinapos na floodgate,
20:13kinakabahan ng gusto.
20:14Kamusta ho ba na katabi nyo yung floodgate na itinayo?
20:17Tinakabahan dahil po di yan, no.
20:19So lakas ng agad.
20:20So unti na lang, oh, mahuhukay na iribahay namin, eh.
20:24DPWH ang may proyekto ng hindi tinapos na floodgate.
20:28The office will continue to coordinate with the appropriate authorities and concerned LGUs
20:33and will undertake such measures as may be legally and administratively permissible
20:38to help protect the community while the necessary processes concerning the project are being resolved.
20:49Further, the DPWH and the company have mutually agreed to terminate the contract for the project,
20:55which has been halted in light of the ongoing investigations involving other projects of other contractors
21:01within the same DPWH district in Bulacan.
21:05Napuruhan din ang gusto, ang katabing bayan ng Hagonoy, ang kalumpit.
21:10Lubog ang maraming mga bahay at mga ari-arian.
21:14Nito lang biyernes, binisita ito ni DPWH Secretary Vince Dizon.
21:20Sinubukan umikot ng grupo ni Secretary Dizon sakay ng mga bangka,
21:25pero sa taas ng tubig sa ilog, nahirapan silang dumaan sa ilalim ng mga tulay.
21:31Pulong tayo ko, pulong, pulong! Atras! Atras! Atras! Atras! Atras!
21:37Hindi ko alam kapano nagubuhal yung mga kababayan ng tulay ko.
21:40And yet, yung mga dating mga paga-DPWH dito, kinaya ng sipura niya na nakawin ang pero dito.
21:46Sa bayan naman ng Marilaw, gumuho ang katatayo pala na River Wall.
21:52Kaya natatakot ngayon ang mga residenteng nakatira malapit dito.
21:56Katulad ng bahay ni Nammeiji, na kanila pa naman daw pinag-ipunan at pinaghirapang buuin sa loob ng maraming taon.
22:05Kung papapansin niyo, malapit na kami doon sa gumuhong River Wall.
22:10Ang layo po nito nung bago siya gumuho ay mga 4 meters to 5 meters away dito sa aming bahay.
22:17Nung mga unang buwan, okay naman siya. Akala talaga namin may tibay.
22:21Hindi namin inaasahan talaga naguguho.
22:23Hindi po ko nakakatulog dito ng maayos pag dito kami mag-istay.
22:26Kasi inaalala ko baka mamaya, gumuho na naman po.
22:29Dahil masyado na kaming malapit eh.
22:31Pero ang River Wall hindi raw proyekto ng DPWH,
22:36kundi ng LGU ng Marilaw sa hiling na rin ang mga residente
22:41para mapalitan ang dating riprap.
22:44Bagong bago pa raw ito.
22:46Dalawang buwan pa lang ang nakalilipas.
22:48Ngayon, wasak na.
22:50Hindi po ito flood control project.
22:52Ang purpose ng project ay riverbank protection
22:54at pagtugon sa soil erosion sa isang lugar na matagal nang prone sa erosion.
22:59Patuloy pa rin nating ineimbisigahan
23:01kung ano talaga ang naging dahilan ng pagkasira.
23:04At very cooperative naman po ang contractor.
23:08Nakikipagtuluan sila sa investigation
23:09at handa silang gawin ang kinakailangan corrective works.
23:13Batay sa aming pagsusuri,
23:15ang posibleng pagguho nito ay dulot ng fortuitous event
23:18na siyang malaki ang naging epekto sa katataga ng lupa at riverbank
23:22na kalaunan ay humantong sa malaki ang paggalaw at pagguho ng lupa.
23:26Mariin namin pinaninindigan na ang proyekto ay hindi substandard.
23:29Nakahanda kami na makipagtulungan at tumugon sa anumang nararapat na hakbang o solusyon
23:34alinsunod sa umiiral na batas at wastong proseso.
23:37Sana nga matulungan kami ng DPWH matignan, ma-assess tong nandito.
23:42Kasi hindi lang naman po kami hanggang doon po yan.
23:44Patungo doon.
23:46May mga kabahayan po.
23:47Isang taon na mula nung pumutok ang eskandalo o kontrobersya
23:52sa mga kinorakot na flood control projects.
23:56May mga nakasuhan na at nakulong
23:59pero ang tanong pa rin ng marami,
24:02napanagot na ba ang lahat ng mga sangkot?
24:06Nito lang Merkules,
24:08may bagong pasabog ang dating secretary ng DPWH,
24:12Manuel Bunoan,
24:13sa kanyang pagharap sa korte sa Sandigan Bayan.
24:17Ayon kay Bunoan,
24:19merong tinatawag na leadership fund ang Senado noong 2024.
24:24At lahat daw ng mga senador nung panahon yun
24:27napaglaanan ng hindi bababa sa 500 million pesos
24:32para sa kanilang mga gustong proyekto o pet projects.
24:372013 pa,
24:39nagpasya ang Supreme Court na iligal ang port barrel.
24:43Bawal nang makisawsaw ang ating mga mambabatas
24:47sa implementasyon ng infrastructure projects
24:51kabilang na ang para sa flood control.
24:54Kaya ang tanong,
24:56bakit meron pa rin leadership fund
24:59at tila pangingi-alam ng mga mambabatas sa mga proyekto?
25:04Kasi kung backdoor ang usapan,
25:07insertion yan,
25:08ginagaransyahan na mapupondohan
25:10ang mga project na sinusulong ni congressman or senador.
25:12That actually gives them the power
25:14at yung conflict of interest na sabihin sa mga contractor na,
25:18oh, ako nakapagpondo dun sa proyekto na yan ha,
25:20yung 20 or 30 percent ko,
25:22dun na pumapasok ang korupsyon.
25:24Isang taon na rin, DPWH Secretary,
25:28si Vince Dizon.
25:29Ano ang maisasagot nyo dun sa mga tao na nagtatanong sa mga kababayan po natin ang binaha?
25:35Akala ko ba ang daming ginastos,
25:39trilyones ang ginastos sa flood control
25:41and yet pinahak pa rin po tayo?
25:43Ano ang maisasagot nyo dun?
25:45Naintindihan po natin yung galit ng mga kababayan natin.
25:48Pero simula nga po nung isiniwalit ng panguloy ito nung nakaraang taon,
25:52nagagang ang utos niya sa atin sa DPWH,
25:55eh, kailangan ayusin na natin ito,
25:56baguhin na natin ito
25:57at yung daan-dahan po natin ginagawa ngayon.
26:01Napapamura na nga po kayo eh.
26:02Alam mo, ayokong ginagawa yan, Ma'am Jessica,
26:05na pero alam mo yung frustration talaga to all these years,
26:09walang nangyayari.
26:10Galing po ako ng Hagonoy kahapon,
26:13nakita ko po yung dike,
26:14may mga nasira tapos may mga naiwan na nakatiwangwang.
26:17Yan po lahat eh.
26:18Yan po yung mga Diskaya et al,
26:21na talagang subject na nung mga napakaraming kaso ngayon dyan sa Burakan.
26:26Pero ngayon ang trabaho namin is kailangan na natin
26:30i-close yung mga gaps na yun.
26:32Yung sinasabi nyo, Ma'am Jessica, yung mga butas.
26:34Matatandaang siya ang sumalo sa napakalaking iskandalo
26:39na kinasangkutan ng DPWH
26:42mula sa pagkakasangkot ng mga matataas na opisyal ng DPWH
26:49sa Burakan pati na ng dating Secretary na si Bunuan
26:53at ang biglaang pagkamatay ni Undersecretary Catalina Cabral.
26:58DPWH ang may second biggest budget for 2027.
27:03640 billion.
27:05Ilan kaya ho dun ang effectively magagamit?
27:09At ilan na naman daw ho kaya ang kukurakutin dun sa pondo?
27:12Naintindihan ko po yung pag-alinlangan ng mga kababayan natin.
27:15Pero ngayon po talaga sa budget process pa lang.
27:18Dati kasi, Jessica, walang coordination sa ating mga lokal na pamahalaan.
27:24Wala na ho yung kuntsabahan between legislators, congressmen, senators, may leadership fund para ho.
27:30Hindi na po pwede yan.
27:31Kasi kailangan po talaga eh kailangan lahat eh base sa pangangailangan ng mga kababayan natin.
27:37At hindi lang yun, kailangan pagkaya i-implement na, babantayan na natin katulad ng pagbabantayan natin sa mga proyekto ngayon.
27:45One year into the job, Secretary Dizon, are you sinking or are you swimming?
27:52You know, hirap sagutin yan.
27:54There are days, and I'll be honest with you, Jessica.
27:57There are days na ayoko na eh.
28:00Suko na ako eh.
28:01Pero wala tayong magagawa.
28:04We just have to, hindi swim eh.
28:07I am literally, treading na lang.
28:11Almost drowning.
28:12Kay Secretary Dizon na mismo nang galing.
28:15Hanggang ngayon, wala pa rin komprehensibong plano ang gobyerno para solusyonan ang pagbaha.
28:23Patsi-patsi at reme-remedyo lang daw ang ginagawa nila ngayon.
28:28Meron na bang komprehensibong flood control program ang gobyerno?
28:34Alam na ba ni Secretary Dizon ang ginagawa niya?
28:37Opo, aparte dun sa pagsasayos ng mga binaboy ng mga proyekto dati na kailangan natin ayusin.
28:46Kailangan, meron talaga tayong focused effort.
28:50Ang problema natin is kung komprehensibong master plan, wala po tayo nyan.
28:57Meron po tayong patsi-patsi mga plano.
29:00Meron sa NCR, meron sa Bicol, meron sa Cagayan.
29:04So yun po, that is what we have to work with right now.
29:08Hindi ho kayo engineer?
29:10Paano ho kayo nakakasiguro na hindi ho kayo napapaikutan ang mga kawatan?
29:15I just have to bring in the right people.
29:19Yung ginagawa natin sa mga importanteng reforma na ginawa natin sa DBOH,
29:24yung pag-establish ng merit-based at performance-based organization.
29:29Dati hindi gano'n. Dati puro pagkakasang. Pinipigit nating baguhin na.
29:34Kasi may mga maayos na mga tao dyan.
29:36Kailangan lang mahanap siga at sigay yung paangatin natin.
29:39Siga yung bigyan natin ng responsibilidad.
29:42Isang taon matapos mabuking ang mga di umano,
29:47kinorakot na flood control projects.
29:49Sunod-sunod ang mga investigasyon.
29:52May mga kasong isinampa.
29:53Meron na rin mga nakulong.
29:57Pero ang tanong pa rin, yun na ba yun?
30:00Dalim na naman dito.
30:02Bakit binabaha pa rin ang ating bayan?
30:05At marami sa mga proyekto,
30:08basta nalang iniwang nakatiwangwang.
30:11Paano nalang kaya sa mga susunod pang pagparada ng mga bagyo at ng habagan?
30:18Baka hindi na lang mga tahanan at negosyo natin ang lulubog pag tinatiwala ng sambayanan.
Comments