Skip to playerSkip to main content
24 Oras: (Part 2) Pahirapang clearing ops sa dagat ng basura; Kaso vs VP Duterte; Bagong bagyo sa labas ng PAR; Lindol sa Colombia, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pahirapan dahil mano-mano na ang pagtatanggal ng sangkaterbang basurang inanod po sa isang estero sa Baclaran, Paranaque.
00:08Crisis na ang maladagat na basura. Ayon po yan sa Department of Public Works and Highways.
00:13Ang update sa clearing operations, tinututukan live ni Ravidina.
00:21Ravidina!
00:21E-mail pansamantalang itinigil yung pagkahakot ng basura dito sa Paranaque dahil madilim na at posibleng delikado sa mga lulusong
00:28dito sa estero.
00:30Mula na magsimula maghahakot, aabot na raw sa 300 tunelada ang nahakot na basura mula lang mismo sa lugar na
00:36ito.
00:41Gumamit na ng floating boom hila ng isang dredger ang mga naglilinis sa estero ito sa Baclaran, Paranaque para tuloy
00:46ang matanggal ang naipong basura sa kasagsagan ng habagat.
00:49Pagamat tila puno pa rin ang basura ang malaking bahagi ng estero, natanggal na raw ang mga nasa ilalim nito
00:54kaya ang mga nakalutang na lang ang kailangang hakutin.
00:57Kaninang umaga, ininspeksyon ni DPWH Secretary Vince Dizon ang lugar.
01:02Pagpapakita na raw ito kung gaano kalaki ang ating krisis sa basura.
01:05Noong nag-high tide kaapon, binagalahat, so halo-halo na yung basura ito all over.
01:12And ang malungkot lang, ang sabi sa akin ng Paranaque City Government, first time ito nangyari na ganito.
01:20So pinapakita lang talaga na grabe na talaga ang sitwasyon ng basura natin.
01:26Talagang ako, sasabihin ko na na garbage crisis na talaga ito.
01:30Si Nanay Clarita, nagsimula raw magtinda dito noong pang 1979.
01:34Sa dami ng kanyang mga naranasang bagyo at habagat, ngayon nga lang daw niya naranasan na mapuno ng basura ang
01:40esterong ito.
01:41Nagulat lang kami pag mapasok na yung mga dumi.
01:45Galing mo dun sa dagat?
01:46Galing mo sa dagat yan.
01:48Pero pag umuulan ho dati, may mga basura makikita pero hindi ganon kadami?
01:52Ay hindi ganon karami, kunti lang. Yung natural na basura lang na inaanod sa dagat.
01:57Aminado ang OIC ng City Environment and Natural Resources Office ng Paranaque.
02:02Nagulat sila na ganito kadami ang basurang naipon dito mula sa Manila Bay.
02:05This time talagang sobra. Nasira yung trash trap.
02:09Dumami rin ho ba ang volume kaya ng basura?
02:11Sa ngayon talagang dumami. Malaki ang ano eh.
02:14Ang ate lang naman, sabi ko nga hindi lang naman dito sa Paranaque ang ano niyan,
02:18galing ng Manila Bay. So maraming fakto na panggagalingan.
02:23May dalawang trash catchment sa esterong ito para maharang ang mga basura na nanggagaling sa Manila Bay.
02:29Pero nasira doon ang malakas na alo ng nasa unahang bahagi ng estero.
02:32Ang pangalawa naman, inanggal bago magsimula ang mga pagulan dahil sa nakaschedule na dredging sa estero.
02:38Dalawang araw na nagahakot ng basura ang nga mahigit limampung track para matanggal ang naipong basura sa esterong ito.
02:44Pero ganito pa rin karami ang nga naiwan.
02:47Kahapon, sa kapal ng basura rito, ay pwede mong araw itong lakaran.
02:52Kapansin-pansin namang nagka-pira-pira-sunah ang nga mga basurang ito.
02:55Indikasyon na kung hindi matagal na ang mga ito sa dagat, posibleng malayo ang kanilang pinanggalingan.
03:03Mano-mano ang pagtanggal sa basura.
03:05Ang mga tauhan ng DPWH, MMDA at Paranaque-Sendro kinailangan lumusong sa estero.
03:10Halos wala namang amoy ang basura na karamihan ay mga styrofoam, plastik at mga kawayan.
03:15May mga ilang-ilang ding puno ng nyog na kailangang hatiin bago maisakay sa damtrak.
03:20Sa kasagsaganang pag-akot, pansin naman ang ilang ibon na naghahanap ng makakain sa mga nakalutang na basura.
03:26Ang mga naatasang lumusong sa basura, maininom naman daw ng doxycycline para iwas leptospirosis.
03:32Hindi daw kasi obrang bota at wader sa lalim ng basura.
03:35Kaya hanggang dito yung pa sa tuhod po, lumulubog kami sa putik.
03:40Sobrang libag pa yung kubik, tapos maraming debris na tumutuso.
03:50Pakiusap email ng mautoridad, malaki ang responsibilidad ng bawat isa sa atin sa problema ng basura.
03:55Kahit maliit na basura lang daw kasi na hindi itinapo na maayos kapag pinagsama-sama
03:59sa dami na mga nagtatapon kung saan-saan lang, aabot din yan sa tonelada.
04:05Pinaglitest mula din sa Paranaque, Emil.
04:07Maraming salamat, Rafi Tima.
04:09Walang pinipiling panahon ang umunoy akyat bahay na nasa kote sa Antipolo Rizal.
04:15Sinamantalan niya ang maulang panahon para looban ang isang bahay sa San Juan.
04:20At nahuli kami yan, nakatutok si Jun Generacion.
04:26Sa kasagsagan ng masamang panahon noong linggo ng madaling araw,
04:29pinasok ng isang hinihinalang akyat bahay,
04:32ang isang gated community sa San Juan City.
04:35Yung suspect, umakit sa ano, mataas na bakit yun, sa likod lang.
04:39Ito ang advantage ng weather condition.
04:42Magaling nga sa akyatan, pero hindi naman tinakpan ng suspect ang kanyang muka.
04:46Yung mukha, yung mukha.
04:48Yung kong buha po yan.
04:49Magangiti ito.
04:52Nakilala tuloy siya.
04:53Siguro, in-expect niya.
04:55Walang naka-install na, ano.
04:57Walang naka-install na CCTV.
05:00Kaya hindi sa ganun,
05:02masabi natin, hindi sa ganun kaingat.
05:04At tinarget agad ang follow-up operation ng mga investigador.
05:08Sa Antipolo City, siya natuntun at naaresto kahapon.
05:12Nasa Php 180,000 ang halaga ng mga gadget
05:15at iba pang gamit na nakuha ng suspect.
05:17Hindi pa nare-recover ang karamihan sa mga ninakaw.
05:21Gawa po ng hirap na buhay.
05:23Pambahid ng kuryente.
05:27Tsaka gatas ng anak.
05:30Pasensya na po talaga.
05:33Sinampahan na ang suspect ng reklamong robbery.
05:36June Ventilasyon na Katutok, 24 Horas.
05:43Maki-update na tayo sa magiging lagay na panahon
05:46kasama si Amor La Rosa ng GMA Weather Center.
05:49Amor, magiging maulan pa ba sa mga darating na araw?
05:55Salamat, Emil.
05:56Nakuha bang patuloy nga ang pag-iral at pagpapaulan ng habaga dito sa ating bansa,
06:00e may bagong namumuong bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
06:05Isang bagong low-pressure area po ang namataan sa labas ng PAR.
06:08Mahigit 1,600 kilometers ang layo mula po yan sa silangan ng extreme northern Luzon.
06:15Ayon sa pag-asa, magiging bagyo po yan o mataas ang chance na itong maging bagyo sa mga susunod na
06:21oras.
06:21Pero sa ngayon, maliit naman yung posibilidad na pumasok yan dito sa Philippine Area of Responsibility.
06:27Lalo pa eastward o palayo naman po yan dito sa ating bansa.
06:31Yun nga lang, yung sama ng panahon na ito kasabay ng iba pang weather disturbance,
06:36gaya po ng iba pang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility,
06:40yung patuloy na nakaka-impluensya sa pag-iral ng habagat,
06:44kaya patuloy rin po yung pagpapaulan nito dito sa ating bansa.
06:48Hanggang sa mga susunod na araw.
06:50Dito po sa ating windmap, makikita po ninyo kung nasaan yung mga sama ng panahon na yan.
06:54E tila doon din po sumusunod ito pong habagat,
06:57kaya nararanasan pa rin natin o mahampas pa rin po dito sa Pilipinas yung epekto nitong habagat.
07:03Base sa datos ng Metro Weather, umaga bukas, may mga pag-ulan pa rin
07:07sa ilang bahagi ng Ilocos Provinces, La Union, Pangasinan,
07:11ilang bahagi ng Cordillera, gano'n din po sa May Zambales, Bataan,
07:15iba pang bahagi ng Central Luzon, NCR, maging dito po sa Mindoro Provinces.
07:20Halos buong Luzon na ang makakaranas po ng mga pag-ulan,
07:23pagsapit po yan ang hapon, kasama na rin dyan ang Calabar Zone at gano'n din ang Bicol Region,
07:28pati na rin ang iba pang bahagi ng Mimaropa.
07:31Mga kapuso, may mga malalakas na ulan dito po yan sa May Cagayan Valley, Central Luzon,
07:36at pati na rin sa Occidental Mindoro.
07:39Ang mga pag-ulan po minsan ay mayroon po mahina, pero minsan biglang lalakas,
07:43kaya mag-ingat pa rin sa Bantanang Baha o Landslide.
07:47Dito naman sa Metro Manila, may chance pa rin po ng ulan bukas,
07:50kahit po sa umaga, may mga lungsod na po makakaranas yan,
07:53at pwedeng maulit sa hapon o gabi.
07:56Muli po, paalala no, may mga break yung mga pag-ulan ng habagat.
08:00Pwedeng gumanda ang panahon saglit o sisilip-silip na ang araw minsan,
08:04pero posibleng masundan pa rin po yan ang mga pag-ulan at pabugsu-bugsung hangin.
08:10Sa mga taga-Bisayas at Mindanao naman, umaga bukas,
08:13mababa po ang chance na mga pag-ulan, maliban po sa ilang bahagi ng Panay Island.
08:18Pagdating ng hapon, mayroon na rin ibang mga pluga na makakaranas po ng pag-ulan
08:22dito sa Visayas at ganun din sa Mindanao.
08:25Hanggang katamtaman po yung lakas ng ulan, pero pwede rin magkaroon ng heavy rains,
08:30lalo-lalo na po kung merong localized thunderstorms na madalas nga kapag hapon o gabi.
08:35Ayon po sa pag-asa, posibleng magpatuloy hanggang biyernes ang mga pag-ulang-dalan ng habagat,
08:41lalo na dito sa Luzon.
08:43Pero unti-unti naman, e, mababawasan po yan.
08:46At mapapadalas na rin po yung mga break.
08:48Pero by weekend, may nakikita ang panibagong paglakas ng habagat.
08:52At depende po kung matuloy ang pagkakabuo ng mga bagong sama ng panahon
08:56na pwedeng mag-enhance o magpaibayo ulit dito.
09:00So yan po yung patuloy nating tututuhan.
09:02Yan ang latest sa ating panahon mula sa GMA Weather Center.
09:06Ako po si Amor La Rosa, serbisyong totoo ng GMA News.
09:09Umabot na sa 164 ang nasawi sa magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Colombia.
09:19May gigolong daanang sugatan, lalo na wasak ang maraming struktura na katutok si Oscar Oida.
09:29Nagsilabasan sa gitna ng kalsada ang mga taga-Pereira, Colombia sa lakas ng pagyanig.
09:34May mga napasigaw sa takot.
09:37Maya-maya pa.
09:41Tuluyan ang gumuho ang apat na palapag na gusaling ito.
09:47Nabalot ng alikabok ang buong palikid habang nagtakbuhan palayo ang mga tao.
09:54Nabalot din ang takot ang mga residenteng ito nang biglang...
09:58Diyos niyo!
10:03Bumagsak na parang laruan ang isa pang gusali.
10:07Nabagsakan pa ang isang sasakyan.
10:10Ayon sa U.S. Geological Survey, magnitude 7.4 na lindol ang yumanig sa Colombia.
10:17Pasado alas 8 ng gabi-kagabi, oras sa Pilipinas.
10:20Ang lakas ng pagyanig, kita sa videong ito na nakunan sa loob ng isang airport.
10:31Ang mga ratraps sa loob, kanya-kanyang silong sa ilalim ng mesa habang naglalaglagan ang kisame at mga debris.
10:44Ang mga naabutan ng pagyanig sa emergency services building na ito sa Cali, nagtakbuhan palayo.
10:52Malalaking tipak ng mga simento kasi ang naglaglagan kung saan ilang ambulansya ang nabagsakan.
11:00Kita rin ang laki ng pinsalang tinamo ng isang gusali roon kung saan tipak-tipak na bahagi ng mga pader
11:08ang nagbagsakan.
11:12Sa Caldas, tumabingi ang side tower ng makasaysayang Manizales Cathedral.
11:18Nagkabitak-bitak din ang mga kalapit na gusali nito.
11:22Sa pinakahuling tala, hindi bababa sa 130 ang naitalang na sa wik habang may gitlimandaan ang sugatan.
11:31Nagdeklara na ang gobyero ng Colombia ng national disaster situation.
11:36Dahil sa lindol, libo-libong kabahayan at imprastruktura ang nagtamo ng pinsala o kaya ituluyan ang gumuho.
11:45Kaya nagahabol ngayon ang mga rescuers sa oras para mailigtas sa mga posibleng natrap pa sa mga gumuong gusali.
11:53Ayon sa Colombian Geological Service, ito ang pinakamalakas na lindol na itala sa kanilang bansa ngayong 21st century.
12:00Si Pangulong Bongbong Marcos, nagpaabot ng pakikramay sa mga nasawi sa lindol, pati na sa lahat ng apektado roon.
12:09Sabi naman ang Department of Foreign Affairs na sa maayos na kalagayan ang may gitsandaang Pinoy sa Colombia.
12:16Nakikipag-ugnayan daw ang Philippine Embassy in Bogota sa mga kababayan natin doon at inabisuan silang manatili sa ligtas na
12:25lugar.
12:26Oscar Oida, nakatutok 24 oras.
12:30Reklamong grave threats labang kay Vice President Sara Duterte ang isinampa sa korte ng Department of Justice.
12:37Kaugnay po yan sa mga banta umano sa buhay ng Pangulo, First Lady at dating House Speaker.
12:43Diit ng DOJ, iba ang pagpapanagot sa impeachment trial sa kaso sa korte.
12:49At nakatutok si Ian Cruz.
12:53Kasi may kinausap na ako na tao.
12:56Sinabi ko sa kanya, kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Lisa Araneta at si Martin Romales.
13:04No joke.
13:06No joke.
13:08Nagdilin na ako, ma'am.
13:11Pag namatay ako, sabi ko, huwag ka tumigila hanggang hindi mo mapatay sila.
13:17And then he said yes.
13:19Ang mga katagang ito ng pagbabantao manon ni Vice President Sara Duterte sa buhay ng Pangulo,
13:25unang ginang at dating House Speaker sa isang online press briefing noong November 2024.
13:31Tuluyan ang kinasuhan ng Department of Justice ang bise.
13:35Sa inila ba sa pahayag ng kagawaran?
13:37Sinabi nitong alauna i-medya ng hapong kanina nang maghain sila ng kasong three counts ng grave threats
13:43sa Office of the Clerk of Court ng Quezon City Regional Trial Court.
13:48Matatandaang inimbestigahan ng National Bureau of Investigation ang pahayag ng bise
13:52upol sa nasabing pahayag at inirekomenda ang pagkahain ng reklamo noong February 2025.
13:59This is the same matter referred to by the NBI to the DOJ,
14:03which is currently one of the subject of the current ongoing impeachment proceedings against the Vice President.
14:10Okay, so after preliminary investigation,
14:13ang nangyari po is nakita po ng ating mga prosecutors
14:16is that there was prima facie evidence with reasonable certainty of conviction
14:20to indict the Vice President for the crime of grave threats again by means of the Cyber Space,
14:29so Cyber Crime Prevention Act.
14:31Kabilang sa inirekomenda noon ng NBI ang pagsasampan ng kasong inciting to sedition,
14:36pero hindi ito tinuloy ng DOJ.
14:39Just to clarify, it was dismissed for the sole reason that the panel of prosecutors
14:44did not find prima facie evidence with reasonable certainty of conviction.
14:49Ayon sa DOJ, nasa hukuman na ang bola ng paggulong ng kaso laban sa vice-presidente.
14:55Since it's grave threats, tapos may cybercrime element doon, aggravated siya.
15:00Okay, let's not discuss the penalty for now because anything could happen in the course of the proceedings.
15:06Okay, so makikita naman po sa revised penal code ano ang penalty of grave threats and if it's aggravated.
15:11May recommended bail ito na 120,000 pesos sa kada count.
15:15Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Paul Lawrence Lim, abogado ng vice, na inaasahan na nila ito kaya pinaghandaan na
15:23nila ito.
15:24Pagdiin niya, sa ilalim ng ating batas, ipinapalagay na inosente ang vice at kumpiyansa silang ang kaso laban sa kanya
15:32ay maibabasura.
15:34Dagdag ni Lim, ang isang nakaupong impeachable officer, ang vice-presidente, ay hindi maaaring maipagharap ng kaso sa isang sakdal
15:43na pinatutungkulan din ng impeachment case.
15:46Kaya lahat anya ng legal na remedyo ay gagawin ang kampo ng vice.
15:51Nakasalang bilang Article 4 sa Articles of Impeachment ang grave threats laban sa vice dahil sa pagbabanta sa Pangulo, unang
15:59ginang at dating House Speaker.
16:00However, naniniwala ang DOJ magkaiba ang impeachment at ang kaso sa regional trial court.
16:07Alam po natin na impeachment proceedings is under the domain naman ng legislature right now, the Senate and the Senators
16:13being Senator Judges.
16:15But procedurally speaking, the conduct of the criminal case in RTCQC should not be affected by the ongoing impeachment proceedings
16:22and that applies vice versa to the ongoing impeachment trial.
16:26Sa reply ng defensa sa Articles of Impeachment bago ang simula ng paglilitis, iginiit nilang ginamit lamang ng vice ang
16:34free speech upang kontrahin ang mga pulisiya, ginagawa at pagmamalabis umano ng kasalukuyang administrasyon.
16:42Wala rin daw patunay na kumontrata ng asasin ang vice para patayin ang Pangulo, unang ginang at dating House Speaker.
16:50Ian Cruz, Nakatutok, 24 Horas.
16:53Dapat nang tapusin ang planong lagyan ng spillway ang Las Piñas na binahapon itong weekend ayon po yan kay Pangulong
16:59Bongbong Marcos na dumalaw roon kanina.
17:02Sabi ng kanilang alkalde, mabilis namang humupa ang baha. Nakatutok si Ivan, Mayrina.
17:11Kahit napuruhan ang pananalasan ng habagat itong weekend ng Las Piñas, napansin ang lokal na pamahalaan na hindi na ganun
17:19ito kalala gaya ng dati.
17:20Magandang sign yun kasi nasa gutter or nihay lang kami. Medyo okay naman sa Les Piñas kasi tumataas siya ng
17:29konti pero mabilis siya na humupa kaagad.
17:31Ayon sa Department of Public Works and Highways, isa sa nakatulong sa pagpapahupa ng baha, itong high vacuum self-priming
17:38drainage trailer pump na ininspeksyon ng Pangulo kanina.
17:41Pag napupuno itong estero na ito, syempre pupunta na sa daan yung tubig. Kung may mobile pump tayo dito na
17:49malakas, hindi napupuno. So naiiwasan yung mabilis na pagtaas itong tubig.
17:54Almost one cubic meter per second, malaki din yun.
17:57Sinabi rin ng Pangulo na efektibo ang dredging o paghuhukay ng bumababaw na alido at Zapote River at paglilinis sa
18:04mga drainage at kanal.
18:05So effective naman na natin kinagawa, ngunit alam naman natin, kulap pa rin yan. Marami pa rin tayong kailangan gawin.
18:13Pero ang dredging at paggamit ng mga mobile pump, pansamantalang solusyon lang.
18:18Ang kailangan, mas pang matagal ang tugon sa problema ng baha.
18:22Kabila ang sampung taon ng planong spillway sa Las Piñas na magsisilbing lagusan ng tubig.
18:28Tignan na muna natin, balikan na natin ang mga plano. Tignan natin kung may kailangan palitan.
18:34But whatever it is, kung anong kailangan gawin, kailangan tapusin na natin, ilagay na natin yung spillway.
18:41Malaking, malaking bagay yan para sa pagbabahan ng NCR.
18:46Pero lahat ng mga hakbang o solusyon ito, baliwala ayon sa Malacanang,
18:50kung magpapatuloy ang walang pakundangang pagtatapon ng basura kung saan-saan.
18:54Ang laking pinsala ang nangyayari kapag yung basura natin ay hindi maganda ang pagtapon at saan-saan nalang nilalagay.
19:05Binisita rin ng Pangulo ang mahigit sandaang pamilyang nagsilikas at pansamantalang nananatili sa isang covered court doon.
19:11Binigyan sila ng relief goods, sleeping kit, maternity kit at clothing kit din.
19:16Dagdag sa ting 10,000 pisong ayuda bawat pamilya.
19:19Ayon sa DSWD, siniguro nilang may sapat na supply para sa mga nasalanta.
19:24Sa ngayon daw, nasa mahigit 5 milyon ang stockpile ng mga family food packs.
19:28Ivan Merina Nakatutok, 24 Horas.
19:32Mga kapuso, wala pa rin pasok sa ilang lugar bukas.
19:36Suspendido ang pasok sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan sa Linggayan, Pangasinan.
19:41Nakasalalay naman sa school administrators ng mga pribadong paaralan kung magsususpindi ng pasok.
19:47Pre-school hanggang senior high school naman, walang pasok sa buong abra.
19:52Sa Bengget, face-to-face classes ang suspendido para sa pre-school hanggang senior high.
19:57Sa lahat ng antas naman, ang suspensyon ng face-to-face classes sa Kandaba, Pampanga,
20:03sa Bayan ng Masantol, San Simod at Santo Tomas hanggang biyernes na ang anunsyong alternative learning muna.
Comments

Recommended