Skip to playerSkip to main content
Tataas pa raw ang presyo ng kuryente ngayong Agosto matapos aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang dagdag-singil sa feed-in tariff allowance (FIT-All).

Katumbas 'yan ng ₱168 para sa mga may konsumong 500 kWh.

Nitong Hunyo, tinalo na ng Pilipinas ang Singapore sa may pinakamahal na kuryente sa buong Southeast Asia.

Ang dahilan nito, alamin sa report ni Dano Tingcungco.#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Netong June 2026, ang average na residential electricity rate sa Pilipinas ay umabot sa 12.43 pesos per kilowatt hour.
00:10Mas mahal pa ang kuryente sa ating bansa kumpara sa kuryente sa Singapore.
00:15Ayon sa Department of Energy, as of June 2026, ang Pilipinas na ang may pinakamataas na residential electricity rate sa
00:22buong Southeast Asia.
00:24Paliwanag ng DOE, lumobo ang presyo ng kuryente sa bansa dahil napilitang mag-operate ang mga power plant na gumagamit
00:31ng mahal na fuel ng mag-outage o pansamantalang tigil operasyon ng ibang planta nung nakaraang tag-init kasabay ng
00:37pagtaas ng demand ng kuryente.
00:40Batay sa datos ng DOE, ang Buswanga Island Electric Cooperative ang may pinakamataas na residential rate noong June 2026.
00:48Above average din ang rate ng Meralco sa 14.48 pesos per kilowatt hour.
00:54Bagaman, bahagya lamang na mas mataas ito sa rate noong May 2026 na 14.33 pesos per kilowatt hour para
01:01sa mga bahay na hindi lalagpa sa 200 kilowatt hours ang konsumo.
01:06Pero posibleng hindi pa rito matatapos ang kalbaryo ng consumers.
01:10Dahil pwede pang tumaas ang presyo ng kuryente sa mga susunod na buwan, bunsod ng patuloy pa rin paglobo ng
01:17presyo ng mga produktong petrolyo.
01:21Bakit nga kaya mas mahal ang kuryente sa Pilipinas?
01:29Sa usaping ito, mahalagang maintindihan ang nakapaloob sa Electric Power Industry Reform Act o EPIRA.
01:35Kung dati hawak ng National Power Corporation ang transmission at halos lahat ng pasilidad na nagdegenerate ng kuryente,
01:43matapos maisabatasang EPIRA noong 2001 ay na-unbundle o nahiwahiwalay na ang operasyon ng generation, transmission, distribution at retailing ng
01:53kuryente.
01:53Ang generation at retail o yung mga sektor na nagsusupply ng kuryente ay naging privatized.
02:00Ibig sabihin mga pribadong kumpanya at negosyante na ang nagpapatakbo nito.
02:05Bagaman layunin nito ang paghimok sa maraming investors, kapalit nito ang mabigat na pasanin sa bulsa ng consumers.
02:13Actually, bukod tangi yung Pilipinas at Singapore na may highly privatized na kuryente.
02:18Kaya hindi coincidental, yung dalawang pinaka-privatized na power sector sa region,
02:24ito na may dalawang pinaka-mahal na kuryente sa region kasi ginagawa negosyo.
02:29Hindi maasahan ang negosyo na patakboin ng isang batayang serbisyo batay sa pangailangan ng ekonomi at ng publiko.
02:37Ang pangunahin, motivation ng negosyante ay tubo.
02:41Ayon kay Ebon Foundation Executive Director Sunny Africa, dahil monopolyo ng mga pribadong kumpanya ang energy sector sa Pilipinas,
02:50malaya silang nakakapagpresyo ng kuryente.
02:52Hindi gaya sa ibang bansa sa Southeast Asia kung saan pinatatakbo ng gobyerno ang energy sector bilang serbisyo
02:59at sila ang nagtatakda ng electricity rates.
03:02Sa ngayon, humigit kumulang lima hanggang walang kumpanya ang nagkocontrol na humigit kumulang 80% ng power generation at distribution.
03:13So, essentially, halos monopolyo ng ilang kumpanya lamang yung pag-generate ng kuryente at pag-distribute ng kuryente.
03:22Kung bibigyan ng poder ang isang nagsasyante na presyo yun ang isang alakal tulad ng kuryente,
03:27ayon sa pagkakakitaan niya, mayiging sobrang mahal talaga yun.
03:31Alinsunod din sa epira, naka-unbundle o hiwahiwalay sa billing ang charges sa kuryente.
03:37Kung titignan ng Meralco Bill, halimbawa, naka-itemize ang generation charge, transmission charge, distribution charge, buwis at iba pang dagdagbayarin
03:46gaya ng system loss.
03:48Pinapayagan kasi ng batas na ipasa ng direkta sa consumers ang aktual na gasto sa paggawa, pag-transmit at pag
03:55-distribute ng kuryente sa pamamagitan ng pass-through charges.
03:59Samantalang sa ibang bansa sa Southeast Asia, subsidized ng gobyerno ang bayarin.
04:04Isa pang dahilan ng mahal na kuryente ang pagiging dependent ng Pilipinas sa coal at natural gas.
04:11Dahil binibili natin ang mga ito sa ibang bansa, nakadepende ang presyo sa international market.
04:17Kapag tumaas ang presyo ng coal, tataas din ang generation charge sa inyong bill.
04:23U.S. Dollars din ang ginagamit na pambili riyan.
04:26Kaya kung mahina ang piso, ang kuryente ay nagiging presyong ginto.
04:31E bakit nga ba hindi tayo gumagamit ng mas murang renewable energy sources?
04:36Kasi, hindi nag-i-invest in renewables yung mga privado negosyante.
04:41Para kumita sa renewables, para maging self-paying yung renewable energy sources,
04:47kailangan mag-i-invest in pastruktura na yun, na baka tumagal ng 10 taon or 15 taon,
04:52bago medyo may returns ka na makuha doon.
04:56At kung negosyante ka, hindi ka maghihintay ng 5 taon, 10 taon para kumita.
05:01Kung negosyante ka, gusto mo, makikita ka sa pinakamaagang panahon.
05:06Sa isang pahayag, sinabi naman ng Meralco na suportado nila ang hakbang ng gobyerno
05:10para mapababa ang electricity rates.
05:13Makikibahagi rin daw sila sa pagtalakay sa isinusulong na pag-amienda sa Ipira.
05:18Sakaling matuloy ang pagtatanggal sa system loss charge sa ating bill,
05:22hindi raw gaano'ng giginhawa ang consumers, lalot 5% lang ito ng ating bayarin.
05:28Katumbas yan ng 5 pesos na tapya sa kada 100 pesos nating konsumo.
05:33Kung talaga raw na seryoso ang gobyerno sa pagpapagaan sa pasanin ng publiko,
05:38mas dapat pagtunan ang mga pangmatagalang solusyon.
05:41Ako si Dano Tingkungko para sa GMA News.
Comments

Recommended