Skip to playerSkip to main content
Nagpaulan ang Habagat sa ilang bahagi ng Metro Manila kanina. Gumagana man ang mga pumping station, problema pa rin ang basurang bumabara sa mga daluyan ng tubig.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi. .

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagpaulan ang habaga sa ilang bahagi ng Metro Manila kanina.
00:03Gumaga naman ang mga pumping station, problema pa rin ang basurang bumabara sa mga daluyan ng tubig.
00:10Saksi, si Ian Crew.
00:15Pasado alas dos ng hapon kanina, ganito ang sitwasyon sa barangay San Antonio, Sucat, Paranaque.
00:21Dahil sa baha sa service road, hindi makadaan ang mga sasakyan.
00:25Baha rin sa ilang bahagi ng Dr. A. Santos Avenue.
00:28Dahil sa pabugso-bugsong ulan, habagat ang nagpapaulan ngayon sa Metro Manila.
00:34Pabugso-bugso rin ang ulan sa Quezon City.
00:36Kaya kakaba-kaba ang ilang taga-barangay del Monte na nakatira sa mababang lugar katabi ng ilog.
00:43Si Monica, dati nang natrap sa bubong ng kanilang bahay dahil sa patinding baha.
00:49Ngayon po, kagaya po ngayon, wala po sa Ms. Ban.
00:52Kaming dalawa lang po ng anak po.
00:54Paano po pag tumas po yung baha?
00:56Si Teresita naman, pinataasa na ang kanilang bahay pero inaabot pa rin daw ng baha.
01:03Nagakyat na sila ng gamit sa second floor habang binabantayan ang ilog.
01:08Hindi kami makatulog.
01:09Siyempre, kapag mataas talaga yung tubig, hindi kami makababa.
01:14Nasa bubungan kami.
01:15Around siguro mga 4,000 people yung mga talagang nilulubog.
01:20Yung 10 to 15 minutes na ulan hanggang tuhod, hanggang bewang, depende po yan sa lakas ng ulan.
01:27Ngayon, pag tumuntung po yan ng dere-derechong ulan na 20 to 30 minutes, lagpastao na po yan.
01:34Ayon sa Malacanang, full alert ang NDRRMC para sa epekto ng bagyong maymay at habagat.
01:41Nagipagugnayan ng MMDA sa 17 LGU sa Metro Manila.
01:45Nakahanda na ang mobile pumps at lahat ng 73 pumping stations ay operational na habang isinasagawa ang preemptive pumping upang
01:54taasan ang carrying capacity ng mga daluyan ng tubig.
01:59Pero problema pa rin ang basura na bumabara sa mga daluyan ng tubig gaya sa Estero de Vitas kung saan
02:06nahihigop ng pumping station ang mga palutang-lutang na basura.
02:10Hindi lang po mga basura at mga kagamitan ang nakukuha ng MMDA sa pumping station dito sa Vitas Tondo.
02:17Kagaya po ngayong araw na ito, nakalulungkot na maging yung patay na alagang hayop ay nahigop po nila dito.
02:24Kahapon, nasa 8 cubic meters ng basura ang nakolekta ng MMDA sa Vitas Mumping Station.
02:30Nadagdagan pa yan ang 4 cubic meters sa basura ngayong maghapon.
02:34Yung mga basura po na itinatapon ng mga tao sa gilid ng kalsada, punta po sa inlet natin.
02:40Tapos pupunta rin po sa main drainage natin tulad ng Estero de Vitas, mag-iipon-ipon po yan.
02:45Tapos pagka yung iba naman po tao sa ano, pag alam nilang gumalaw na yung tubig, ayun po, naghahagis na
02:50sila.
02:50Hindi na nila po inaantay yung truck ng basura.
02:53Ayon sa MMDA, marami nang nabistong nagtatapo ng basura sa mga estero sa no-contact apprehension policy
03:01gamit ang mga CCTV na nakakabit malapit sa mga daluyan ng tubig.
03:06The penalties may range from fine to community service.
03:09We have 32 cameras na talagang nasa estero lang inilalagay.
03:12Na-identified namin na ito, tapunan talaga ito.
03:15Alam na ng mga tao na sila ay pinabandayan, tumigil na.
03:18Ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
Comments

Recommended