Skip to playerSkip to main content
Tila walang epekto sa ilan ang kasabihang, “Ang basurang itinapon mo ay babalik sa’yo.”


Baha muli ang idinulot ng mga pagtatapong nahuli-cam ng MMDA kaya sabi ng ahensiya, maniniket na sila gamit ang kanilang mga kamera ala-NCAP.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, tila walang efekto sa ilan ang kasabihang ang basurang itinapon mo, abe, babalik sa iyo.
00:07Bahamuli ang itinulot ng mga pagtatapong nakulikam ng MMDA, kaya sabi po ng ahensya,
00:13maninikit na sila gamit ang kanilang mga kamera a la NCAP.
00:17Nakatutok si Ian Cruz.
00:22Kitang-kita sa traffic camera ng MMDA.
00:25Ang lalaking ito na nagbaba ng mga sako mula sa kanyang sidecar
00:29at itinatambak sa isang poste sa gilid ng Edsa Olivero sa Quezon City.
00:35Maya-maya pa, ang mga laman ng sako ibinubuhos na niya sa gilid ng banketa.
00:41Ayon sa MMDA, basura ang itinambak dito ng lalaki.
00:46Bahain pa naman ang bahaging ito ng Edsa.
00:48At yan nga ang nangyari.
00:50Ilang sandali matapos ang pagtatapo ng basura.
00:54Kasunod ng pagbuhos ng malakas na ulan.
00:57Kaya paalala ng MMDA, itapon sa tamang tapunan ng basura
01:02nang hindi magdulot ng perwisyo sa iba.
01:05Babala rin nila, walang ligtas sa kanilang mga kamera ang ganitong gawain.
01:10Marami na tayong hinuli dyan.
01:12Penalties may range from fine to community service.
01:15We have 32 cameras na talagang nasa estero lang nilalagay.
01:18Na-identified namin na ito, tapunan talaga ito.
01:20Alam na ng mga tao na sila ay binabantayan, tumigil na.
01:24Ang aming sukatan ay kung gaano karaming mga tao na ang hindi na gumagawa ng binagbabawal.
01:31Ang mga basura ang itinatapon sa kung saan-saan,
01:35nagdudulot ng pagbabara sa mga drainage at estero na nag-eresulta ng pagbaha.
01:40Kanina sa Vitas Tondo, kahit sa tulay, may mga tumpok ng basura.
01:45Sa estero de Vitas, marami ang palutang-lutang na basura na kasamang nahihigop ng pumping station.
01:52Hindi lang po mga basura at mga kagamitan ang nakukuha ng MMDA sa pumping station dito sa Vitas Tondo.
01:59Kagaya po ngayong araw na ito, nakalulungkot na maging yung patay na alagang hayop ay nahihigop po nila dito.
02:07Kahapon nga, nasa 8 cubic meters ng basura ang nakolekta ng MMDA sa Vitas Pumping Station.
02:14Nadagdagan pa yan ng 4 cubic meters na basura sa maghapon ngayon.
02:18Yung mga basura po na itinatapon ng mga tao sa gilid ng kalsada, punta po sa inlet natin.
02:23Tapos pupunta rin po sa main drainage natin tulad ng estero de Vitas.
02:27Mag-iipon-ipon po yan.
02:28Tapos pagka yung iba naman po tao sa ano, pag alam nilang gumalaw na yung tubig,
02:33ayun po, naghahagis na sila.
02:34Hindi na nila po inaantay yung truck ng basura.
02:36Ang mahigit pitumpong pumping station ng MMDA, ginagamit para mailabas agad ang tubig ulan at hindi lumala ang baha sa
02:45Metro Manila.
02:46Pero dahil sa basura, may pagkakataong na antala ang pumping ng tubig tungo sa dagat.
02:53Pagka masyadong marami na po ang basura, magbabara na po yung mga screen natin, saka yung mga bomba.
02:59Mapipilitan na po tayong ihinto muna saglit para po ma-declog muna yung mga screen.
03:03Para pagka nadiklag na po, saka papa-undern ulit natin yung mga pumps para tuloy-tuloy po ang maiwasan ng
03:10pagbasa sa Metro Manila.
03:12Ian Cruz, Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended