00:00Pansamantalang isinara ang isang bahagi ng Kulyat Bridge sa Quezon City
00:04matapos tumama ang isang provincial bus sa vertical clearance signage kanina.
00:09Update tayo sa sitwasyon dyan sa unang balita live ni James Agustin.
00:13James, sarado pa rin?
00:19Ivan, good morning.
00:21Hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin madaanan itong bahagi ng Congressional Avenue sa Quezon City
00:25at nakahambalang pa rin dito yung isang provincial bus matapos nga tumama sa vertical clearance signage kaninang alas 5 ng
00:33umaga.
00:34Nabaluktot ang vertical clearance signage at natumba ang konkretong base nito matapos tumama ang provincial bus.
00:40Hindi humarap sa camera ang driver pero ayon sa kanya,
00:43galing siyang kubaw at hihatid ang mga sakay na pasahero sa Nueva Ecija.
00:46Patungo sana siya sa Mindanao Avenue kaya napadaan sa Congressional Avenue
00:50kaya nang hindi mapansin ang vertical clearance.
00:53Matatandaan na tanging mga light vehicles muna ang pinapayagan ng makadaan sa Kulyat Bridge
00:57matapos itong maapekto ng sunog kamakailan kaya isinasaayos pa ng Department of Public Works and Highway.
01:04May vertical clearance ito na 240 meters at ipinatutupad ang speed limit na 20 kilometers per hour.
01:11Dahil sa aksidente, pansamantalang isinara ang bahagi ng eastbound lane ng Congressional Avenue.
01:16Maagang naabala ang mga motorista lalo na yung mga sasakyan na galing sa EDSA at pumasok sa Congressional Avenue.
01:22Asahan ang mabigat na traffic sa lugar.
01:25Samatala Ivan, dumating na dito yung mga embisigador mula sa QCPD Traffic Sector 6
01:29at may mga nakita na rin tayo dito ng mga taon ng MMDA
01:32maging mga tauhan ng Quezon City Traffic and Transport Management Department mula sa Quezon City Hall
01:39para tumulong sa pagmamando sa daloy ng trafico.
01:42Kaya sa mga kapuso po natin motorista, kung may iwasan nyo po itong eastbound lane ng Congressional Avenue,
01:47kung galing po kayo sa may EDSA, tatagos kayo ng Mindanao Avenue,
01:51ay iwasan nyo na muna po dahil nakahambalang pa rin dito yung provincial bus na tumama sa vertical clearance signage.
01:57Yung muna ilites mula po rito sa Quezon City, James Agustin, GMA News.
Comments