00:00Binaha ang ilang bahay sa gilid ng Macar River sa barangay Labangas sa General Santos City.
00:05Ayon sa uploader, hindi naman sila nakaranas sa masamang panahon kahapon,
00:09pero nagkaroon daw ng ulan sa bundok na sakop ng barangay San Jose.
00:15Posibleng galing daw sa bundok ang baha na bumaba sa kanilang barangay.
00:19Wala namang nasaktan o nasawi.
00:21Ayon sa pag-asa, trough o buntot ng low pressure area
00:25na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility ang nagpaulan kahapon sa Gensan.
Comments