Skip to playerSkip to main content
[METADATA]


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:02Come on in!
00:05Oh my God!
00:19Pag-o ngayong gabi, binahangil ang bahagi ng Metro Manila bunsod ng malakas na ulan.
00:25Dahil dyan, bumagal ang daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng EDSA.
00:28Pero wisyo din ang idinulot nito sa mga commuter na pauwit.
00:32Nanatili namang possible ang mga pangunahing lansangan sa kabila ng pagbaha.
00:39Namuun naman sa bahagi ng Mactan Cebu ang isang dambuhan ng ipo-ipo.
00:44Tanaw ang makapal at maitim na ula.
00:46Wala namang naiulat na pinsala o nasaktan.
00:53Namatay ang isang walong taong gulang na estudyante sa Davao City
00:56ilang araw matapos hampasin ng kaklase ng notebook sa ulo.
01:01May report si Argil Relator ng GMA Regional TV.
01:07Isinugod sa ospital nitong Martes ang walong taong gulang na batang babae na iyan sa Davao City
01:12matapos niyang indahin ang pananakit ng katawan.
01:16Hinampas umano siya ng notebook ng kanyang kaklase noong biyernes.
01:20Pero makalipas lang ang ilang oras, pumanaw siya.
01:23So ang initial findings ng physician, cost of death po is brain failure and traumatic brain injury.
01:37Medical findings, medical report ng health institution were in a result po ito ng ultrasound kasi pinakasabi po yung child
01:47ng bata.
01:47Naghain na ng report sa pulis siya ang ina ng bata.
01:51Nakaranas daw ng pambubuli ang kanyang anak sa ka-eskwela.
01:54Nangyari daw po is nagawa yung dalawang bata and allegedly hinampas ng subject yung batang babae ng notebook sa ulo.
02:06Working inamin na sa teacher niya na hinampas na talaga ng notebook sa ulo yung babae.
02:13Wala pang pahayag ang paaralan. Iniimbestigahan na rao ng DepEd Davao City Division ang insidente.
02:19Ang pag-employed o psychosocial intervention dito mismo sa concern ng klase.
02:27O if need be kung ikinangilang yun makita sa iskwelaan, ang kinatibok ang school population.
02:35Ang immediate action nga kipailuna sa DepEd Davao City is to provide what they can provide, appropriate assistance dito sa
02:48pamilya.
02:51Sinusubukan pang makuhana ng pahayag ang mga magulang ng nasawing bata.
02:55Mula sa GMA Regional TV, R. Jill Relator, GMA News.
03:02Pinangangambahan ng ilang grupo ang magiging epekto sa kalikasan at singil sa kuryente
03:06ng itinatayong Artificial Intelligence o AI Hub sa New Clark City.
03:11Pusibili rin mo nung maagawa ng lupa ang ilang katutubo at maapektuhan ang mga magsasaka.
03:16Ang tugon ng gobyerno sa report ni Marie Zumali.
03:22Mula sa pagsasagot sa tanong, hanggang sa paggawa ng musika at mga imahe,
03:27lalo pang lumalaganap ang paggamit ng Artificial Intelligence o AI.
03:31Pero habang dumarami ang umaasa sa AI, mas lumalaki rin ang pangangailangan sa infrastruktura para mapatakbo ito.
03:38Dahil diyan, inilunsad ng American Pax Silica, inisyatibong naglalayong magtulungan ang mga kaalyado nitong bansa
03:45sa pagpapalakas ng supply chain para sa AI.
03:48Nitong Abril, sumali sa Pax Silica ang Pilipinas.
03:52Kahapon na pag-usapan sa courtesy call ni U.S. Secretary of State Marco Rubio kay Pangulong Bombong Marcos
03:57ang AI Hub na sinisimulan ng itayo sa New Clark City sa Tarlac.
04:02Dito, ilalagay ang mga AI Processing o Data Centers na may mga supercomputer na tutugon sa mga hinahanap ng user
04:09sa AI.
04:10Sa AI Hub na rin gagawin ang mga chip na nangangailangan ng mga mineral na pwedeng minahin at iproseso sa
04:17Pilipinas.
04:17Ayon sa Department of Trade and Industry, tatlong industriya ang makakalikha ng trabaho dahil sa Pax Silica.
04:24Madaragdagan din ang tax collection.
04:27Pagkakataon din daw ito para matuto ang Pilipinas sa research development.
04:30Ang pinaka-importante dito, our critical minerals, tapos number two, our world-class workers, tapos number three, yung ating strategic
04:39location.
04:40Hindi na natin sila i-export ng unprocessed, mapaprocess natin sila rito. Yung value add ay nandito sa Pilipinas.
04:48Ang problema, takaw kuryente ang mga supercomputer. Ang tanong sa isang AI chat app halimbawa, sampung beses na mas power
04:55hungry kasa sa tanong sa search engine.
04:58Mas matindi ang AI photos at videos. Nangangamba ang ilang grupo na baka tumaas ang singil sa kuryente sa Pilipinas
05:05na pinakamahal na sa Asia.
05:06These are additional pagdating sa mga power. Hindi ito yung mga kukuha dun sa ating existing power na mga power
05:15capacity.
05:16Takaw tubig din ang AI hub. Ang cooling system na ginagamit ng ilang malalaking center, hanggang 5 milyong galon ng
05:23tubig ang ginagamit kada araw.
05:25Hindi natin kailangan ng verbal assurance. Ang kailangan natin, scientific data. Saan kukunin yung water supply.
05:33Sabi naman ang Business Conversion and Development Authority o BCDA na mga ngasiwa sa proyekto, tubig-ulan ang gagamitin kaya
05:41hindi sila haagaw sa groundwater ng komunidad.
05:44Magkakaroon tayo ng impounding technology o impounding dam area. So upunoyin natin ang mga yan para yan ang magamit.
05:52Kung may surplus kami, pwede pa namin i-share ito sa mga community around.
05:57Ayon sa palasyo, tiniyak ng National Water Resources Board na may sapat na water source sa lugar at prioridad ang
06:04mga residente.
06:06Isa pang problema ang mga posibleng maagawa ng lupa.
06:09Around 20,000 ITAS ang madidisplace dito sa pagpasok ng Paxilica. At syempre, hindi lang mga ITA kundi mga magsasaka.
06:19Hindi po totoo ito. Ang proyekto pong ito, una-una ay nakatitulo na sa BCDA. So it's a public land.
06:27Wala pong ancestral domain title doon.
06:31May mga nakahanda naman daw na livelihood program at modern urban farming para sa mga maapektuhang lupang sakahan.
06:37Wala pa pong sampu dito ang maapektuhan ng farmers pero more than 200 naman po ang ma-generate na employment.
06:44At kung gusto raw malaman talaga kung logi ang Pilipinas sa kasunduan, nakapost sa website ng Board of Investments ang
06:51mga dokumentong kaugnay ng framework.
06:53Bagaman inaayos pa ng BCDA ang panghuling lease agreement.
06:57Mariz Umali, GMA News.
07:00Sugata ng isang bata matapos mabundol at takbuhan ng SUV sa Lapu-Lapu City, Cebu.
07:06Sa kuha ng CCTV, sinalpok ng SUV ang road signage kung saan nakaupo ang dalawang bata.
07:12Nakaiwas ang batang nakaharap pero ang sampung taong gulang na batang nakatalikod, nasa pool at tumilapon.
07:19Hindi agad dinala sa ospital ang bata dahil sa kawalan daw ng pera ayon sa ama.
07:24Pinala lang siya sa paggamutan ng lagnatin at magsuka.
07:27Pumingi na raw ng tulong ang Traffic Enforcement Unit ng Lapu-Lapu City Police sa Land Transportation Office para matukoy
07:35ang may-ari at ang tumakas na driver ng SUV.
07:39Bago ngayong gabi, nagkausap sa telepono si na Pangulong Marcos at US President Donald Trump.
07:46Ayon sa Presidential Communications Office o PCO, tinalakay ng dalawang leader ang global, economic, at security situation.
07:54Kasunod ito ng pulong ni na Pangulong Marcos at US Secretary of State Marco Rubio kahapon kung saan ibinalita ni
08:01Marcos kay Rubio ang mga nangyari sa South China Sea.
08:05Sabi ni Trump, babanggitin niya ang mga concern ng Pilipinas sa susunod niyang pulong kay Chinese President Xi Jinping.
08:19Malabura o mapagbigyan ang hiling ni Vice President Saradoteta na sagutin ng Senado ang gasto sa pagkain ng kanyang defense
08:26team ayon kay Senate President Wynne Gatchalian.
08:30Sabi ng isa pang senador, posible rin labag ito sa procurement law.
08:34May report si Ian Cruz.
08:38Di ko pa nasasagot dahil fina-finalize pa namin lahat itong arrangements.
08:45Ano naman ang no-order, sir? Ano naman ang no-order?
08:48We cannot afford it.
08:49Yan ang tugon ni Senate President Wynne Gatchalian matapos kumpirmahin ng liham ni Vice President Saradoteta tungkol sa pagkain ng
08:57kanyang defense team.
08:58Nakasaad sa sulat na pinapasagot ng Vice sa Senado ang pagkain ng kanyang defense team dahil sa monoy security concerns.
09:06Ayon sa Senate President, hindi ito basta-basta ang magagawa.
09:10Sa rules po, pwede din ba yun kung may pondo kayo pwedeng sagutin ang pagkain ng lawyers o hindi talaga
09:16yung kasama?
09:18Ang decision na yan ng management ng Senado kung papayagan o hindi.
09:26But it's a basic issue of budget.
09:29Dahil nga hindi kaya ng budget, dahil meron tayong ibang gastusin.
09:33We have to prioritize of course yung budget hearings at committee hearings.
09:38So in short, wala kaming pondo para magbigay ng pagkain sa prosecution and defense.
09:45Ang chairman ng Committee on Accounts na si Sen. Ping Lakson, tutol sa request dahil sa posibleng paglabag sa government
09:52procurement law.
09:53May sarili daw caterer ang Senado na dumaan sa regular bidding.
09:58Ang hiling na gamitin at bayaran ng Senado ang caterer ng OVP ay masasabi raw na kwestyonable at irregular.
10:06Natanong ukol dito si Atty. Michael Westipoa ng Depensa.
10:10I cannot, well I can confirm na wala namang pinapayagan yata na ganun as far as I know.
10:17But I cannot dwell on the details kasi that is an OVP letter and the defense team has no participation
10:25in that letter.
10:27So baka best directed to the office of the vice president.
10:31Sinubukan naming kunin ang panig ng OVP ukol sa liham ni VP Sara.
10:36Pero hanggang ngayon ay wala pang tugon ng OVP ukol dito.
10:40Ian Cruz, GMA News.
10:42Ramdam sa Visayas at Mindanao ang habagat at bagyong Quiapo na nagdulot ng baha at sa landslite.
10:49May report sa Darlene Kai.
10:53Mistulang ilog na ang bahagi ito ng barangay Bantasan sa Quiamba, Sarangani.
10:58Lubog sa baha ang mga bahay.
11:01Ito pa yung bahay namin.
11:03Abita na patanggay dito ng baha.
11:06Umapaw na kasi ang katabing sapa bunsod ng walang tigil na ulan.
11:10Sa bayan ng Glan, pinalikas na ng lokal na pamahalaan ng ilang residente dahil sa pagtaas ng tubig sa ilog.
11:17Pwede, hawadiyaki, makaanod ka, ginuokunin mo.
11:21Matindi rin ang bahasa maasim, Sarangani dahil sa magdamag na ulan.
11:27Sa Kutabato, humamba lang naman sa kalsada ang gumuhong lupa sa bahaging ito ng arakan.
11:34Maswerteng hindi pa nakakadaan ang ilang motorsiklo.
11:42Hanggang sa mas lumawak pa ang guho.
11:47Naantala rin ang biyahe ng mga motorista sa Davao City dahil binha ang mga kalsada.
11:54Ganyan din sa Zamboanga City.
11:56Ayon sa pag-asa, ang bagyong Quiapo at Habagat ay nakaapekto sa iba't ibang bahagi ng Mindanao hanggang sa Visayas.
12:03Ilang araw nang inuulan ang Cebu.
12:05Ayon sa pag-asa Visayas Regional Services Division,
12:09pinakamaraming ulan ang bubuho sa mga bulubunduking barangay sa Cebu City.
12:13Kagabi, hindi nakita ang kalsadang lubog sa baha kaya may ilang napilitang lumusong para makatawid.
12:18Malakas ang agos ng tubig sa ibang kalsada kaya hindi makadaan ang mga sasakyan.
12:23Maraming motorista ang stranded.
12:26Darlene Cai, GME News.
12:29Matapos hatawi ng mga Pilipinong sundalo sa Ayungin Shoal,
12:32binuntutan at binugahan naman ng tubig ng China Coast Guard ang barko ng Pilipinas
12:37na nagatid ng tulong sa mga Pilipinong manging ista sa Bajo de Masinlo.
12:41May report si Bea Pinlak.
12:46Pagkatapos makipagsagupaan ng mga Pilipinong sundalo sa China Coast Guard o CCG personnel sa Ayungin Shoal nitong lunes,
12:53hinarap naman ang mga barko ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BIFAR
12:59na magahatid ng tulong sa mga Pilipinong manging ista ang mga barko ng CCG sa Bajo de Masinlo.
13:05This is BRP Datodumang Seal 3012. Please keep care of me and have a safe distance. Over.
13:13This is China Coast Guard Vessel 4301. You have entered the particular source of Hongye Island.
13:19Ang China Coast Guard Vessel 3302, hindi lang binuntutan ng BRP Datodumang Seal ng BIFAR.
13:27Binomba pa ito ng tubig.
13:29Wala naman daw na saktan at walang napinsala sa mga barko ng Pilipinas sa pag-water cannon ng China.
13:35It was not a direct hit against the BIFAR or even the Coast Guard Vessel.
13:42It is just a water cannon being used to threaten.
13:46Despite of such muscle flexing, threatening the BIFAR vessel to change its course, we still proceeded to the mission.
13:56Pagkatapos niyan, binuntutan pa rin ng barko ng China ang BRP Datodumang Seal.
14:02Hindi natinag ang PCG at BIFAR at tagumpay na nakapagatid ng krudo, pagkain at tubig sa mga Pilipinong manging isda.
14:11Ang Bajo de Masinlo ay nasa 124 nautical miles mula sa Zambales na bahagi ng Luzon.
14:17Giit ng PCG, bahagi ito ng teritoryo ng Pilipinas at pinagtibay ng 2016 Arbitral Award ang karapatan ng mga Pilipino
14:26na mang isda roon.
14:27Ayon naman sa China Coast Guard, tinaboy nito ang dalawang barko ng Pilipinas na anilay nang himasok sa teritoryo nila
14:35sa kabila ng mga babala.
14:36Ang Chinese Embassy, nagpost ng mga video na nagpapakita ng magkaibang anggulo ng pagwater cannon ng China Coast Guard Vessel
14:453302 sa BRP Datodumang Seal.
14:48Isang video ang anilay tunay na nangyari, habang ang isang video naman ay bersyon ni Philippine Coast Guard Spokesperson for
14:55the West Philippine Sea, Rear Admiral J. Tariela.
14:58Giit ng Chinese Embassy, paulit-ulit at iligal na nang himasok ang mga barko ng Pilipinas sa inaangkin nilang Wang
15:07Yan Dao o yung tawag nila sa Baho di Masin Lok.
15:10Kasunod ng paulit-ulit na babala ng China Coast Guard, sakalang daw ito gumawa ng mga kinakailangang hakbang na anilay
15:18naaayon sa batas at walang nilabag.
15:21Maaanghang naman ang salita ni Defense Secretary Gilberto Chudoro Jr. laban sa China, kasunod ng insidente sa Ayungin Shoal.
15:29Wala silang karapatan talaga na nando doon sila.
15:32Walang hiya, ilang taran na ito eh.
15:35Inuunggu yun na tayo eh.
15:37Ang sabi ni Chinese Ambassador Jing Kwan,
15:40mitsa raw ng insidente ito ang nakita raw ng panig ng China Coast Guard na ginagawang construction umano sa BRP
15:47Sierra Madre,
15:48ang outpost ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.
15:51Labag daw ito sa napagkasunduan.
15:53That's against the spirit of our provisional agreement.
15:57That is no new construction, keep the status quo.
16:01Wala akong alam doon sa provisional understanding.
16:03Wala silang pakialam kung anong gawin natin sa teritoryo natin.
16:07So hindi ko kinukumpirma yan.
16:09Pero ang sinasabi ko, wala silang pakialam.
16:11Bea Pinlak, GMA News.
16:15Pinarangalaan ni Pangulong Bombong Marcos ang dalawang sundalong nasugatan
16:19sa sagupaan ng Philippine Navy at China Coast Guard sa Ayungin Shoal.
16:23Iginawad ng Pangulo ang Order of Lapu-Lapu
16:26kina Seaman First Class Underwater Operator Carmelo Abali at Private Eric Lazida.
16:32Nakatanggapin sila ng TIG 100,000 pesos.
16:36Tinanggi naman ang palasyo na may kasunduan ng Pilipinas at China
16:39na di magkakaroon ng bagong konstruksyon sa BRP Sierra Madre.
16:43Sa gitna nito, nais daw ng Pangulo ng reset sa relasyon ng China at Pilipinas.
16:51Nakataas ang wind signal sa ilang lugar bunsod ng Bagyong Quiapo.
16:56Ayon sa pag-asa, nakataas ang wind signal number one sa Batanes,
17:00Cagayan, kabilang na ang Babuyan Islands, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino.
17:05Gayun din sa Apayaw, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao at Benguet.
17:11Signal number one din sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union
17:15at sa northern and central portions ng Aurora.
17:19Huling namataan ang Bagyong Quiapo, 535 kilometers east of Tuguegrao City,
17:24Cagayan o 550 kilometers east of Apari, Cagayan.
17:28Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour
17:32at bugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
17:36Kumigilos ito pa west-northwest sa bilis na 30 kilometers per hour.
17:41Pusibli itong lumapit o mag-landfall sa Babuyan Islands bukas ng hapon o gabi.
17:46Nasa ang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility sa Sabado ng umaga.
17:56Ang ganda ng kalikasan ng Quezon Province, hindi lang sa mainland makikita.
18:01May laban din ang iba pang isla nito, gaya ng Pulillo.
18:04Ji tayo dyan, kasama si Darlene Kai.
18:09White sands, sandbars, crystal clear na tubig.
18:14Kompleto na ang iyong beach and camping experience sa Pulillo Islands sa Quezon.
18:18Pinakabentahe talaga rito ang island hopping sa maliliit na isla na puno ng mga sorpresa.
18:26Kung adventure ang hanap, tuklasin ang Anilon Cave sa bayan ng Burdeos.
18:31Kung mahinig mag-pitcher-pitcher, hindi ka mauubusan ng Instagram-worthy spawns.
18:36Tampok dito ang matatayog na limestone cliffs na nagsisilbing natural viewing deck ng malawak na karagatan.
18:43Tahimik at presko ang hangin, malayo sa ingay ng dinarayong resort.
18:49Samahan pa ng mga lokal na mainit na tumatanggap sa mga bisita.
18:54Darlene Kai, GMA News.
18:57At yan ang mga balitang dapat niyong malaman.
19:00Ito ang GMA News.
19:01Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
19:04Noon at ngayon, serbisyong totoo.
19:06Ako po si Yata Maraulio at ito ang State of the Nation.
Comments

Recommended