00:01Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Official ng naghahin ng diplomatic protest,
00:09ang Department of Foreign Affairs sa China.
00:11Ang ipinoprotesta ang AI-generated video ng isang pahayagan sa China
00:15kung saan ang mga Pilipino tila ginawang ungguy.
00:18Racist yan, ayon sa Philippine Coast Guard.
00:21Sabi naman ang National Security Agency,
00:24ang nararapat ay respetuhin ng China ang international law.
00:30At yan po ang tinutukan ni Rafi Tima.
00:37Unang tingin pa lang kapansin-pansin na ang kasuotan ng ungguy na tampok sa AI-generated animation na ito
00:43na nakapost sa social media page ng China Daily,
00:46isang state-owned na English newspaper sa China,
00:48nakabarong at nakasuot ng salakot.
00:50The world's most wobbly karaoke stage.
00:54Go on! Start singing!
00:56Ang nagdidikta sa ungguy na kumanta,
00:58nakasuot ng suit na may nakasulat na USA at Japan.
01:02We attempt to bypass China.
01:05Pero dahil maliraw ang kinakanta ng ungguy,
01:07Stupid monkey! We gave you the other lyrics!
01:10Ang kodigo may nakasulat na South China Sea Arbitration Award.
01:14Maya-maya pa.
01:15Wait!
01:16This wasn't in the script!
01:25Ang ungguy na Winutter Cannon,
01:27nagpalutang-lutang na lang sa dagat
01:28at kinausap ng balyena sa basurang papel na hawak nito.
01:33More litter that too.
01:35Unang inalmahan ni Philippine Coast Guard spokesman for the West Philippine Sea,
01:38Rear Admiral Jay Tariela, ang video.
01:40Ayon kay Tariela,
01:42inilabas ang naturang AI-generated cartoon
01:44para sumabay sa ikasampung anibersaryo ng UN Arbitral Ruling
01:47na pabor sa Pilipinas kontra China.
01:49There's no denying na Pilipino talaga yung pinuportray nila doon.
01:53Kasi nakabarong Tagalog, may karaoke,
01:58tapos ang pinag-uusapan dito ang script down ng 2016 Arbitral Award.
02:05Ayon kay Tariela, matinding racism ang ipinapakita sa cartoon.
02:08Ang pagkakahintindi ko dito ang baba ng tingin ng Chinese government sa atin.
02:15And para sa akin, ang ikumpara,
02:17ang physical features natin as unggoy is napaka-racist.
02:22Walang puwang na ito sa ugnayan natin ngayon sa modernong panahon.
02:28Ang China Daily ay isang state-owned and operated
02:34na media entity sa China.
02:37At ang pinapalabas nito is always approved by the Chinese Communist Party itself.
02:43Panawagan ni Tariela, kundinahin ito ng lahat ng Pilipino,
02:47kabilang na ang ilang senador na hiniling na magsori siya noon sa China
02:50dahil sa ginamit niyang karikature ng leader ng China.
02:53I'm hoping that they're also going to ask the Chinese government
02:57to apologize to the Filipino people sa pambababoy nila sa ating pagiging Pilipino.
03:02Nag-hahe na ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs.
03:05Direkta rin inareklamo ang isyo kay Chinese Ambassador to the Philippines, Jing Kuan.
03:10Sumunod na rin ang Embahada ng Pilipinas sa Editor-in-Chief ng China Daily
03:13para tanggalin ang anilay demeaning, dehumanizing, at racist depiction ng mga Pilipino.
03:19Ayon naman kay Defense Secretary Gilberto Chudoro,
03:21ang pangungutya sa 2016 Arbitral Award at ang anyay glorification ng video
03:25sa karasan laban sa mga Pilipino at mga sundalo nito
03:28ay nagpapakita lang ng kawalan ng moralidad at talino
03:31ng anyay propaganda machine ng China.
03:34Para naman kay Attorney J. Batongbacal ng University of the Philippines
03:37Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea,
03:39insecure lang ang China na makita ng buong mundo na talagang Pilipinas ang nasa tama.
03:44Kaya nila ginagawa ang mga ganitong propaganda.
03:46Kaya naman po kasi sila nagpapalakas nilang kanilang mga taktika na ganito.
03:53E palagay ko kasi nakikita nila na una hindi nga tayo tinatalaban ng mga estilo nila.
04:00So tayo nila bulok kasi.
04:02Nanawagan din si National Security Council Secretary Eduardo Oban Jr. sa China
04:06na iwasan ang paggamit ng anilay state-sponsored propaganda
04:10para mang maliit ng sino mang tao.
04:12Dapat daw isang tabi ng China ang anyay last refuge nitong pangiinsulto
04:16at sa halip ay magpakita ng pagpipigil, pagiging responsable at paggalang
04:20sa international law na nagbubuo ng kumpiyansa at kooperasyon sa mga bansa.
04:25Wala pang tugon sa isyo ang Chinese Embassy.
04:27Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
Comments